Kabanata 6
KABANATA 6
"Anak, we can't fetch you later. May lakad kasi ang Papa mo and he wants me to come. Okay lang ba?" Pumukaw sa ‘kin si Mama habang nasa kotse kami papuntang school.
Siya lang kasi ang naghatid sa ‘kin ngayon. May breakfast meeting daw kasi si Papa kaya maaga siyang umalis kanina.
Tumango ako kay Mama bilang sagot.
"It's okay, Ma. Magta-taxi na lang po ako pauwi. No worries," pagsisiguro ko sa kanya. Tsaka kasabay ko rin naman si May na umuwi, although mas malayo ako sa kanya, but it's still in the same path kaya okay lang.
"Sorry talaga, anak. Here we are. Good luck with your second week here and have a nice day, okay?" baling niya nang makarating kami sa parking lot.
"Yeah. Ingat kayo ni Papa," I said gently at hinalikan siya sa pisngi.
"I love you, anak," she whispered. I stopped for a second just when I was opening the door but I just pretended that I didn't hear her.
Nagmamadali akong lumabas ng kotse dahil ayokong maabutan niya ang pagtulo ng luha ko. Sensitive talaga ako pagdating kay Mama. I wanna say a lot to her so badly, pero naduduwag ako. My heart and emotions can't take these heavy feelings I have for her and Papa.
I waved goodbye to her before facing my school. Pasimple ko pang pinunasan ang luha ko. I sighed in relief nang makaalis na si Mama. I shook off all those thoughts. Now, not the time to be sad, Christie. Start your day with a smile. You want to change, right? So, do it right.
Napangiti ako nang nakita ko naman si May sa entrance na parang may hinihintay kaya nilapitan ko siya.
"Good morning! Sinong hinihintay mo?" bati ko kay May nang makalapit ako sa kanya.
Pabiro itong umirap sa akin.
"Heh, ikaw syempre! Ikaw lang naman kaibigan ko rito,” sabi niya na ikinatawa naming dalawa.
I pushed her shoulder lightly. "Ang sweet mo naman. Naghintay ka ba nang matagal?"
She shook her head. "No, sakto lang."
Naglakad na kami papunta sa classroom. We were talking about how our weekends went. Nag-dinner lang kami nila Mama at Papa noong Sabado, habang noong Sunday naman ay ipinasyal ulit kami ni Papa sa buong bayan. Hindi ko na nga matandaan ang mga pasikot-sikot dito. Bata pa ako nung iwan ko ang
bayan.
"Ako, natulog lang ako buong araw. Saturday to Sunday." May giggled when I asked about her weekend.
Well, everyone can relate to her. Every student wants to sleep all weekend after hell weekdays. You need solitude for balance. Kahit nga ako, gusto ko lang humilata noong Sunday kung ‘di lang nagyaya si
Papa.
Well, today is Monday.
Ibig sabihin ngayon na namin magiging classmate si Mr. Bad Boy Carl. I can't help but feel nervous like I'm excited and scared at the same time. Hindi ko maintindihan na hindi ako mapakali. Hindi ko naman siya kilala pero bakit ganito ako maka-react?
Papasok kaya siya?
Mamaya pa naman kasi ang Chemistry namin after lunch kaya I still have time to calm down. I just have to relax. I'm sure it's not that bad na maging classmate siya.
"Oh my god! I can't believe it! Magiging classmate natin si Carl sa Chemistry!"
"I know, right? Sana Chemistry subject na natin. I can't wait. "
Kung ano-ano pang mga bulung-bulungan ng mga classmates kong babae tungkol kay Carl ang naririnig
ko ngayon, habang pinili na lang namin ni May na diretso tahimik na umupo at nagbasa na lang.
I was at the good part of the story I am reading nang may biglang umupo sa harapan. Sinulyapan ko ito nang tumukhim siya at nakilala ko si Manuel.
Hindi naman kami nagkakausap nito masyado kahit na super friendly siya sa iba, pero ‘pag sa ‘kin, para siyang naiilang. At first, I thought na nai-intimidate siya sa ‘kin dahil baguhan, but then ‘di tumagal lagi niya
naman akong binabati katulad ng ‘pag 'good morning' or 'good afternoon' sa tuwing nagkakasalubong
kami.
Sikat din siya sa mga blockmates ko at sa ibang block din ng Education Department. Matalino din kasi siya. Matangkad siya at may glasses na suot.
I gave him my attention and smiledm cueing him to say his purpose.
"Hi, Christie. U-Uhm para sa'yo. Favorite mo 'to, ‘di ba?" Nakita ko ang pamumula nito at hindi man lang nakatingin sa ‘kin.
Nilapag ko ang librong binabasa ko at tiningnan ang inaabot niyang chocolate. Hindi ko naman siya gaanong close para bigyan niya ng chocolate sa panahon na 'to.
I frowned a little. "Para sa'n 'to?" I chuckled to wipe the awkwardness in the atmosphere. Hindi ko naman birthday or Pasko para bigyan ng chocolate.
"Aaah, dumating kasi yung Uncle ko galing Italy. Madami kasing dalang chocolate kaya gusto kong i-
share," he smiled.
Aww, ang thoughtful naman. But, he should've give this to his close friend than to me. Kaya ngumiti na lang ako sa kanya at tinanggap na lang ang mga ito.
Ayoko naman maging bastos.
"Salamat. Dapat hindi ka na nag-abala pa,” sabi ko na lang.
"U-uhm, welcome. Sige, balik na ako sa desk ko." At mabilis itong umalis sa harap ko habang namumula pa ang buong mukha niya.
Napailing na lang ako at itinabi ang chocolate. Siniko ako ni May na may ngiting nanunukso.
"Uy, another admirer?" nanunukso nitong abang habang tinaas-baba ang kilay niya. Pabiro ko siyang inirapan at binigyan ng matipid na ngiti.
"Ang ganda mo kasing masyado. Hinay-hinay lang ha?" panunukso ulit niya.
"It's nothing," iling ko habang nagkibit-balikat na lang siya.
***
Pinagpapawisan ako habang papalapit na kami ng classroom namin ni May at medyo late na kami. Masyado kasi kaming nawili sa ‘pag-uusap kaya hindi na namin namalayan ang oras.
Tapos na ang lunch, meaning— Chemistry subject na namin.
Ibig sabihin classmate namin si Carl at ‘di ko maiwasang kabahan. Kanina ko pa kinakalma ang buong katawan ko, pero talagang kinakabahan talaga ako.
Ganito ba talaga ang epekto niya? I don't even know him that much yet.
Nakarating na kami ng classroom at ako na ang umuna. Pinihit ko ang pintuan para buksan ito. Napahinto naman sa pagtuturo si Mrs. Cruz at nabaling ang tingin sa ‘min.
"I'm sorry, Ma'am. ‘Di mo namin namalayan ang oras e," nahihiya kong sabi kay Ma'am.
"Pasensya na po, Ma'am," dagdag ni May. Nakahinga ako nang maluwag nang ngumiti si Ma'am sa ‘min.
"It's okay. Nagsisimula pa lang naman ako."
Buti na lang.
"Thank you po,” sabi namin ni May.
Habang papalapit ako sa desk namin napansin kong may nakaupo na sa tabi nito.
His familiar muscular figure caught my sight. Naging mabilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang matipuno niyang bulto na nakayuko lang ang ulo nito pero wala na siyang suot na hood ngayon. Ngayon mas nakikita ko na ang mukha niya dahil nakababa ang hood nito.
Si Carl pala ito.
Sandali—ibig sabihin, seatmate ko siya? Makakatabi ko siya sa klase?
From his messy hair that still good looks on him, ang mapula-pula nito labi na kita ko kahit naka sideview lang ito, napansin ko rin ang pasa nasa left cheek nito pero bumagay rin naman sa looks niya. Syempre, ang malalaki nito muscles... Now, I can see his face clearly, he really is good-looking. Yung
masungit lagi ang mukha pero ma-appeal.
The image himself defined the word ‘bad boy’.
Umupo ako sa desk ko at sinulyapan siya ng konti. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magtagpo ang mga tingin namin.
I was frozen on my seat, at matagal na natulala sa titig. Brown ang kulay ng mga mata nito at mahahaba ang pilikmata. Ang mga kilay nito ay makakapal at ang ilong nito ay matangos.
"What?" maangas niyang tanong sa ‘kin.
Damn!
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Bigla akong natakot sa naging tanong niya. Ang lakas ng
pagkakasabi niya. Napatingin ako sa harapan, meron mga ilan na napasulyap sa direksyon namin at nag-
iwas agad ng tingin.
Napahiya ako doon.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa isa ko pang katabi na si May na may bahid ng pag-aalala. Nag-aalala siguro siya na baka suntukin ako ni Carl bigla.
Ayaw raw kasi nitong may katabi sa klase. Kaya naman kinakakabahan ako sa kung ano ang gagawin niya lalo na't naabutan niya akong nakatitig sa kanya.
Bakit mo pa kasi tinitigan, Christie?
"Okay, so let's continue, I'll just give a seatwork and I want you to answer it. I hoped you remember our
lesson last week. Here get one and pass,” sabi ni Ma'am at nagsimula nang mag-distribute ng papers.
I sighed deeply. Good thing nakapag-review naman ako at confident na masasagutan ang seatwork ngayon. But, I think I'll be a little distracted dahil sa katabi ko.
Napatingin ako sa gilid nang marinig ko ang malutong niyang 'putangina' habang nakakamot sa noo.
Huh, hindi siya siguro naka-review. Siguro naman sa ilang beses niyang pag-take ng subject na 'to, he could at least memorize the lessons kasi paulit-ulit na lang ito sa kanya.
Matapos ang 30 minuto ay natapos din ako sa seatwork namin. Medyo, madali lang sa ‘kin dahil inaral ko na ito dati din noong high school pa ako.
I was bored to death at nilibot na lang ang mata ko sa buong classroom hanggang sa dumapo ang mata ko sa katabi kong si Carl.
Napakunot ang noo ko nang napansin kong nakatingin lang siya sa paper at hindi nagsusulat. Kanina ba siya ganyan?
Nakita ko ang paglikot ng mga mata niya na parang paulit-ulit niyang binabasa ang mga tanong.
Hindi ba niya naiitindihan?
Napamura siya at tinapik-tapik ang ulo na parang hirap na hirap sa binabasa niya.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Siguro nahihirapan talaga siya sa chemistry. Hindi ko napigilan at lumapit ako ng konti sa kanya.
"Gusto mo ng tulong?" lakas loob kong tanong sa kanya. Alam kong suicide ang ginagawa ko pero may nag-u-urge talaga sa ‘king tulungan siya.
Damn this.
Hindi niya ako pinansin. Did he not hear me? O he choose to ignore me?
Nanatili itong tahimik at nakatingin lang sa blanko nitong papel. Nilingon ko ang mga kaklase ko na busy sa kani-kanilang seatwork. Habang si Ma'am nama'y may kausap pa sa labas.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinuha ang papel niya at mabilis itong sinagutan.
"What are—"
"I'm helping you, okay?" I cut off at tiningnan ang papel niya. Tama ako at hindi pa siya nagsisimula. Pangalan pa lang niya siguro ang nasusulat niya.
God, ilang minuto na lang ang natitira at hindi pa siya nakakapagsimula. Ano bang pinag-gagagawa niya?
"I can do it. Mind your own business," masungit niyang sabi pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy sa pagsagot ng test question niya.
I know this is cheating but who the hell care? Everyone had done it. Besides, naawa ako sa kanya kaya tutulungan ko na. Bahala na kung magalit siya.
Kahit na nanghihina ako dahil sa pagtitig niya ay kinaya ko pa rin sagutan ang activity. Nasakto nang biglang bumukas ang pinto at natapos ko na ang pagsagot sa seatwork niya at pinasa sa kanya nang palihim.
Nadama ko ang kanyang kamay nang i-abot iyon. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng malapad. Nanatiling walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakatitig sa ‘kin.
Kaya umiwas na lang ako ng tingin. God, I've never been this bold to anyone. I hate cheating din, pero ganun ba ako naawa sa kanya para gawin 'to?
"Tss," I heard him. Hindi man lang nag-thank you.
"Okay, class, time is up! Pass your paper now!" sabi ni Ma'am
Tumunog na ang school bell at mabilis kaming dinismiss ni Ma'am.
I sighed in relief at hindi lang muna tumayo. Hihintayin ko na lang muna na magsilabasan sila. Nakita ko sa side view ko na tumayo na si Carl.
I did not bother to mind him. Hindi naman siya nagpasalamat sa ‘kin. I guess, masama talaga ang ugali
niya.
Binaling ko ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit nang napasinghap ako nang biglang may matigas na bagay na humawak sa kamay ko at pinisil iyon.
Gulat akong napalingon kay Carl. Huh? What's his problem, now? Papagalitan niya ako dahil pinakialaman ko ang papel niya?
Is he going to break my hands because of what I did? Please no.
"T-Thank you," mabilis niyang sabi at may isiniksik sa palad ko at mabilis na tumayo papalabas.
Para akong nawalan ng hininga habang nakatitig sa papalabas niyang bulto. Naging tahimik ang buong klase nang lumabas si Carl.
Nagulat ako at napatingin kay May na busy sa pag-aayos ng gamit. Hindi niya siguro napansin ang ginawa ni Carl. Palihim kong tiningnan ang palad ko na may candy.
Natawa ako habang nakatulala sa candy na nasa palad ko. He gave me a candy?
Really?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top