Kabanata 4
KABANATA 4
Andaming murang pumapasok sa isipan ko na gusto kong isabibig sa lalaking nasa harap ko. Oh how I wanna get back at him so bad.
"Tanga ka talaga, pare. Ilan ba mata mo?"
"Shit! ‘Di ko naman sinasadya ah. Nakamali lang ako ng tadyak ng bola."
Oo nga pala, soccer field nga pala ito. May 50:50 chance na talagang matamaan ka ng bola, knowing na may naglalaro pala.
Okay, I found a rational reason not to make this a big deal. Mali nga naman na tumambay kami malapit sa mga may naglalaro. Ano bang iniisip ko? Tanga ko talaga kahit kailan.
"Okay ka lang ba, Christie? Dalhin na kita sa clinic. Maaga pa naman e," may bahid ng pag-aalalang sabi sa ‘kin ni May at tumayo siya para alalayan niya rin akong tumayo.
Yumuko siya para pantayan ang tingin ko dahil nakayuko pa rin ako sa sakit habang hawak-hawak ang balikat ko. Ngumiti ako na lang ako sa kanya at tumango.
"Tara na sa clinic. Baka nabalian ka diyan."
Pero bago pa man kami makaalis ay narinig ko ang pagtawag ng isang lalaki kaya napahinto kaming dalawa sa paglalakad patungo sa clinic.
"Hey, Miss! Are you okay?" tanong ng isa habang hindi ko sila nililingon. Nanatiling tahimik si May sa tabi habang hawak ang kabilang braso ko para alalayan.
Lumingon ako sa kanila at nakita ang limang lalaki na matitipuno ang mga katawan. Lahat sila matatangkad at mga pawisan but they're still good-looking. They're wearing their strips na may nakalagay na Engineering Department at number sa gitna.
So, they're engineering students.
"Okay lang,” sabi ko habang nakahawak sa balikat ko. God, ang sakit niya talaga. Nagawa ko pang ngumiti sa kanila.
"U-uh... S-sorry talaga, Miss. Tanga kasi nitong si Keith. Gusto mo ako na lang magdala sa ‘yo sa clinic?" sabi ng isang may pagka-moreno. Lahat sila matatangkad hanggang pisngi lang ata ako sa kanila.
"Hindi, ako na lang. Ako naman ang nakatama sa kanya eh, kaya ako ang magdadala sa kanya sa clinic. ‘Di ba, Miss Beautful?" sabi ni Keith ata at tumingin sa ‘kin. Siya ang nakatama sa ‘kin.
"Hindi, ako na lang. Ako ang pinakagwapo sa inyo kaya ako ang sasama sa kanya sa clinic," sabat pa ng isa. Maputi siya at may pagkasingkit ang mga mata.
"Hoy! Hoy! Ako ang pinakamatanda kaya ako ang maghahatd sa kanya sa clinic,” sabi ng isang maputi rin pero may kalakihan ang mata.
"Hey, ako ang bunso kaya ako ang magdadala sa kanya sa clinic,” sabi rin naman ng isa. Katamtaman lang katawan niya, maputi siya at may pagka-brown ang mata.
I frowned at them. Now, they all want to send me to the clinic?
Nagpatuloy lang sila sa pagbangayan kung sino ang magdadala raw sa ‘kin sa clinic. Tiningnan ko naman si May na nakatingin lang din sa lima.
"Ako!"
"Hindi, ako!"
"Ako ang gwapo kaya ako!"
"Ako ang nakatama sa kanya ng bola, kaya ako!"
At bago pa man sila magsagupaan ng suntok ay agad na akong sumingit sa kanila.
"Excuse me—"
"Yes, Miss Beautiful? Ako na lang magdadala sa'yo sa clinic? Promise, ‘di kita sasaktan. Siguradong ikakamatay ko yun!" sabi ni—uhm, ‘di ko maalala.
"Aba't ga—" sasabat pa sana ang isa nang putulin ko ang sasabihin niya bago pa man magsimula ng bagong bangayan.
Stressed siguro ang coach nila sa kakulitan at ingay nila.
"Hindi na po, kaya na po namin. Nandito naman po ang kaibigan ko. Siya na lang ang magdadala sa ‘kin sa clinic. Tsaka, ayokong makaabala sa laro niyo. Thanks," mahabang litaya ko.
"H-huh Ah, e—" Naputol ang sinabi niya nang marinig nila ang pito.
"Boys! Back in the field!" sigaw ng coach nila. No wonder, parang istrikto ang coach. Kita ko rin ang pagkalagas ng buhok nito, dahil siguro sa mga players na 'to. Kawawa.
Hindi na lang nakaangal ang lima at nag-aalangan na iwan kami. Tumingin muna sila sa ‘kin and gave their farewells in different versions.
Nananatili ang isa at ngumiti sa ‘kin. "Okay ka lang ba talaga, Miss?" tanong niya.
"Opo, okay lang talaga," I insisted. He's staring at me intently, na parang naninigurado na okay lang ba ako.
May sasabihin pa sana ito nang narinig niya ang pito ng coach nila.
"De Guzman! Back to the field!" sigaw ng coach niya sa kanya. Lumingon siya sa coach niya at tumingin ulit sa ‘kin at ngumiti.
"Okay, see you around," he smiled before running. But, lumingon ulit siya at kumindat sa ‘kin.
Huh? What's that for? Is he flirting with me? What just happened? I got so distracted at them na parang nawala na yung sakit ng balikat ko.
Huh.
***
"Good Morning. My name's Mrs. Cortez and I am your Campus Journalism teacher for this semester," pakilala ng isang prof namin. She seemed strict din base sa pagsasalita niya.
Tatlong oras na ang nakalipas simula nang nakabalik kami ni May mula sa soccer field at hindi na kami nakadaan ng clinic dahil naabutan na kami ng school bell. Hindi na rin naman masakit ang balikat ko.
"Now, to start, I want you to write about your expectations with this subject. I'll give you thirty minutes to finish then I'll call you one by one to read your essay. Start," sabi ni Mrs. Cortez na nakataas ang kilay.
Kinabahan ako sa pagmamadaling sumulat sa papel. Grabe naman si Ma'am. You expect us to finish an essay in thirty minutes? She didn't even give us an introduction about the subject.
I sighed to keep myself at ease. Good thing I like writing essays back then. Lagi akong nanalo sa mga writing contest na kalaban ang iba’t ibang schools. Sana lang ma-please ang prof ko sa mga sinusulat ko. I'm hoping for it.
At sunod-sunod nga kaming tinawag. Nasa twenty-five lang kaming enrolled sa subject na ito. May iba nakakatawa ang sinulat, ang isa naman ay sobrang playing safe sa words na ginamit niya. I just found myself being nervous when it was my turn. Nanginginig pa ako habang binabasa ang essay ko.
"Well done. That's the essay that I want to her. Learn from your classmate. ‘Wag puro kapilyuhan 'yang pinagsusulat niyo." Her praise gave me relief. Akala ko may masama siyang iko-comment katulad ng ginawa niya sa mga naunang bumasa.
"What's your name, dear?"
My eyes widened a bit, nagulat na tinanong niya ang pangalan ko.
"Christie po."
She nodded and wrote something in her class record. "Very good. Next."
Pagkatapos ng klase, vacant na ulit kami kaya pumunta na kami ni May sa cafeteria para mag-meryenda. Mamaya pang four o'clock ang sunod naming subject.
While on our way there, nandyan pa rin ang mga tingin na binabaling ng mga estudyante sa ‘min ni May. She said to ignore them. Hindi pa siguro sanay na may bagong estudyante or biro niya, nagagandahan daw sa ‘kin kaya ganun.
I shook my head to what she said. Natapos na kaming pumila sa counter at umupo sa may dulo ng cafeteria para makaiwas sa mga titig ng iba.
Iba’t ibang klase ng mga estudyante ang nakatambay ngayon dahil free time din siguro. May mga nakikita akong mga naka-nursing na nagtatawanan sa kabila. Meron naman, mga naggru-group study na siguro mga law student base sa logo ng uniform nila.
Osmium University offers a lot of variety. I think this is a good university. Ang gagaling magturo rin ng mga professor at well disciplined naman ang mga estudyante… for me, sa ngayon.
"Wala ka bang ibang kaibigan, May? Sa mga kaklase natin o schoolmates man lang?"
Napansin ko kasing wala siyang kinakausap sa kahit sinuman sa mga classmate namin, knowing 3 years na siyang nag-aaral dito.
Tumingin siya sa ‘kin at ngumiti nang malungkot. "No, I'm very awkward and boring to be with. Kaya siguro hindi ako masyadong sinasama ng mga blockmates natin. I'm always left out. Maybe, because I'm a nerd or something. Pero hindi naman ako binu-bully." She shrugged.
Wow, I can totally relate to her. Tulad din ako sa kanya sa dati kong school. At least siya, hindi siya nabu-bully. Ako, halos pagtulungan ako ng mga kaklase kong babae. Mas lalo silang naiinis kapag pinagtatanggol ako ng mga kaklase kong lalaki. Most of them are my friends din kasi, pero ‘di masyadong close.
Kaya siguro magaan din ang loob ko sa kanya kasi, somehow I can relate to what she is facing. I'm still not ready to open up to her about my past. I wanna know more about her before she can gain my trust.
"So, we're friends now, right?" I beamed at her.
Her eyes widened at namula ang mga pisngi. "R-Really?"
"Oo naman. Bakit ayaw mo ba—"
"Hindi! Hindi! Gustong-gusto ko, ha. Friends na tayo, Christie! Kung gusto mo bestfriend din kaagad!" mabilis niyang sabi na ikinatawa ko.
Maybe, Osmium isn't bad, after all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top