Kabanata 3
KABANATA 3
***
Nagising ako nang marinig ko ang ingay ng alarm clock ko. Damn this alarm.
Hindi ko napigilang mapaungol dahil sa sobrang sakit sa tenga ng tunog nito. I hate waking up like this. Sumasakit ang ulo ko.
Sa lugar namin dati, sila Lola at Lolo kasi ang gumigising sa ‘kin tuwing umaga kapag may pasok. Nakaka-miss din yung pangyayaring ganun.
Umagang-umaga, na-homesick agad ako. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko na naman sila Lolo at Lola.
Pinatay ko na ang alarm at pinilit na bumangon sa kama. I stretched my arms a little and yawned. Mama mia, I just want to lie back on my bed again.
Nakakatamad naman tumayo. It's 6:30 in the morning and today will be the start of classes.
Oh god, am I ready for this? Sana lang tama ang sinabi ni Papa na maganda talaga ang Osmium. Sana makapag-adjust agad ako. I don't wanna deal with another problem again. I think my mind will explode if bullies are to join in.
I decided to take a shower first which was a good decision. Nagising ang buong diwa ko nang dumampi ang malamig na tubig sa buong katawan ko. Nakatapis lang ako nang lumabas sa banyo matapos kong maligo at nakita ko sa kama ang nakalapag na school uniform ng Osmium.
It was a red pencil skirt with a white blouse na may necktie na pula din. May school logo rin sa may right side sa dibdib. It looks decent for a college uniform. Naalala ko rin yun uniform namin dati; may pagkapareho sila, yun lang ay blue ang kulay ng palda.
Simple pero malinis tingnan ang uniform ng Osmium.
What's most challenging are the high-heeled shoes. Kailangan talaga iyon dahil Education student daw kami and we should always be decent.
Titiisin ko na lang siguro ang sakit ng paa ko mamaya.
Sinuklay ko na ang buhok ko at naglagay lang ng powder sa mukha. Tiningnan ko nang ilang sandali ang kabuuan sa salamin. Not bad.
Napangiwi lang ako dahil medyo maikli ang skirt sa ‘kin pero hindi naman sobra. Tutal, I'm wearing a short under it.
I'm all prepared at bumababa na ako.
Nakita ko si Mama at ang kasambahay namin na naghahanda ng breakfast. Napatingin siya sa ‘kin at ngumiti.
"Wow, you look great in that uniform, anak. Bagay sa'yo," puri sa ‘kin ni Mama.
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Napansin kong wala si Papa. "Ma, asan po si Papa?" tanong ko.
"Ah, tulog pa. Pagod kasi sa trabaho kagabi. O siya, kumain ka na dito at gigisingin ko na Papa mo," sabi ni Mama at umakyat sa taas.
Umupo na lang ako at nilapag ng kasambahay ang tatlong plato. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Hinintay ko na lang sila Mama na bumaba para sabay-sabay na lang kaming kumain.
Nakarating kami sa Osmium. Hinatid kasi ako nina Mama at Papa. Dumungaw ako sa bintana at tiningnan ang kabuuan ng Osmium.
Napakalaki pala ng Osmium. Para siyang palasyo—napakalawak ng kanilang field at matatayog ang mga pader ng school.
Nakikita ko ang bilang na mga estudyante ng Osmium dahil siguro maaga pa. Pinarada ni Papa ang kotse at lumingon sa 'kin, nasa backseat kasi ako nakaupo.
"Princess, are you ready? Gusto mo bang samahan ka namin ng Mama mo sa loob?" tanong ni Papa.
Umiling ako. Para naman akong elementary na kailangan pang samahan. I'm already in college at nakakahiyang sasamahan pa ako ng parents ko sa loob. Ayoko ng ganun.
Baka yun pa ang maging dahilan para ma-bully ako dito. Pagtitinginan ako at pagtatawanan ‘pag ganun.
"‘Wag no po, kaya ko na. Magtatanong-tanong na lang po ako sa mga estudyante dito," sabi ko.
"O sige, ikaw ang bahala. Tawagan mo na lang kami ni Mama kapag uwian niyo na." Tumango naman si Papa at ngumiti.
I bid them goodbye.
"Good luck, anak," they both said.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanila at bumaba na ng kotse. Lumayo ako nang konti nang paandarin na ni Papa ang kotse.
I took a deep breath bago ako bumaling sa harapan ko.
Osmium University, huh?
What luck or misfortune will you bring me?
Nilibot ko ang buong mata ko sa mataas na pader ng Osmium bago nagsimulang maglakad sa loob para hanapin ang room ko.
I look at my schedule to see what my first subject is for today and its corresponding room number.
World History. Room number 204.
Gusto ko sanang magtanong-tanong sa mga nakakasabay kong maglakad kaso napapansin ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa ‘kin sa hallway ng school.
Pinagpapawisan na ako habang isa-isang tsine-check ang room number ng bawat room. I'm starting to get anxious dahil feeling ko male-late ako sa kakahanap ng room ko kasabay pa ang tingin sa ‘kin ng iba.
Baka napansin nilang transfer student ako. Maybe it's very rare na may nagtra-transfer dito? It's a big university though. How will they know you're a transfer student? Madami naman sigurong estudyante na naka-enrol dito, bago man o hindi.
Hindi ko pa rin mahanap ang room.
Umakyat ako sa second floor ng building. Nando'n daw kasi naka-locate ang room 204, sabi sa ‘kin ng secretary ni Papa bago niya ibigay ang schedule at ID ko. Para raw hindi ako mawala, he even got me a school map na hindi ko naman masyadong maintindihan.
Hindi pa naman matao masyado dahil 7:15 AM pa lang. 8:00 AM kasi ang start ng klase nila dito. But I'm already having anxiety na baka ma-late ako.
Tinitingnan ko ang mga number sa bawat pinto habang hawak-hawak ko ang school map ko. Nagdiwang ang loob ko nang nakita ko sa wakas ang Room 204.
I sighed in relief. Thank God!
Yes!
The joy I felt was short-termed. Now, you'll see new faces, Christie. Ano’ng gagawin mo? Should you say ‘hi’? Smile? Or just ignore everyone? What to do? Kinakabahan na naman ako.
I sighed at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Unti-unti kong sinilip ang loob at nakita ko na walang pang tao maliban sa isang babaeng mag-isang nakaupo.
I breathe out in relief. Thank God at maaga pa ako kaya hindi pa masyadong puno ang room. Pumasok na ako at dahan-dahang pumili ng mauupuan habang nakatutok pa rin sa babaeng naka-glasses at naka-ponytail ang buhok. Maputi siya at sa tingin ko mahiyain.
Nakayuko lang kasi siya at nagsusulat lang. I decided to be friendly. She seems to be a good person...
Lumapit ako sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pagsusulat. Hindi niya siguro ako napansin.
"Hi," bati ko sa kanya. Napaigtad naman siya at napatingin siya sa ‘kin. Nanlaki ang mga mata nito nang makita niya ako.
"U-uh… H-Hi?" sagot niya na patanong at inayos ang kanyang eye glasses.
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Ako pala si Christie. Ano’ng pangalan mo?" pakilala ko.
"H-huh? Ah, May. Ako si M-May." At nakipag-shake hand din sa ‘kin.
Hindi ko maiwasang mapansin ang panlalamig ng kamay niya. Kinakabahan ba din siya tulad ko o talagang natural na malamig ang kamay niya?
"Nice to meet you. May nakaupo ba dito?" I asked for the chair next to her.
"W-Wala, wala!" nagpa-panic niyang sagot. "U-uh, transferee ka?" dagdag niyang tanong.
"Oo, halata ba?" I joked.
She chuckled. Now, she's at ease. Ganun din ako. Medyo nakahinga na nang maluwag dahil umaasa akong magiging magkaibigan agad kami after.
"Ah, kaya pala. Ngayon lang kasi kita nakita. Upo ka," she offered.
I smiled at her after sitting.
Nag-usap lang kami ni May at naging mas magaan lalo ang loob ko sa kanya nang makilala ko pa siya nang lubusan. Ang dami niyang nakwento. Akala ko mahiyain siya, yun pala may daldal ding tinatago.
But, I'm not complaining.
Magaan siya kausap kahit medyo nauutal pa siya kapag nakikipag-usap sa ‘kin. Naikwento rin niya sa ‘kin na block secton pala sila dito.
Dumami na rin ang sumusulpot na mga kaklase ko. May iba napapatingin pa sa ‘kin, siguro ay naninibago sa ‘kin. Magkakaklase na pala sila since first year college kaya nagtataka siguro sila kung sino ako.
Wala naman ibang nalapit sa akin para kausapin ako. Si May lang ang kausap ko. Pansin ko rin na pinag-uusapan na ako ng iba kong kaklase. I can tell by how they gaze at me while talking.
"G-gusto mo, i-tour kita sa campus?" maya-maya'y yaya niya sa ‘kin.
That'll be a great idea. I'm curious about this school.
"Okay, sure. Mamaya?" May vacant naman kami after this subject which is a great opportunity para mas makilala ko ang school, para sa susunod hindi na ako maligaw. Mahirap na.
The instructor arrived—isang babaeng matanda na at halatang istrikto. Nag-orient lang siya about her subject. Kung paano niya kukunin ang grades namin at what we will expect in this subject. Magaling siya, I can tell by the way she talks smoothly.
How I wish to be like her.
Nag-assign agad siya ng reporting; it was by partner. Fortunately, hinayaan niya kaming pumili ng partner kaya instant na kami ni May ang magkasama sa reporting.
After class, naglibot-libot na kami ni May sa buong university. Sobrang lawak pala talaga ng Osmium. Kumpleto sila sa facilites dito. Mula sa school lab, library, gym, clinic, cafeteria, garden, at marami pa. Lahat kumpleto. Kaya pala ang mahal din ng tuiton nila.
I nodded in approval. Sa dating school ko kasi, kulang-kulang din sa facilites. Pati nga yung mga upuan sira-sira minsan at nagtitiis lang sa blackboard, unlike dito, they use projectors already.
Pero habang naglalakad kami ni May, napapansin ko pa rin ang tingin na binabaling nila sa amin.
"May, sikat ka ba dito? Kanina pa kasi sila nagtitinginan sa ‘tin," taka kong tanong sa kanya habang papalapit na kami sa soccer field.
Napagdesisyunan kasi naming tumambay lang muna kami dun. Masarap daw kasi ang hangin dun may mga bench.
"Hindi naman sila nakatingin sa ‘kin. Ikaw talaga ang tinitingnan nila." She chuckled like I told her a joke.
My forehead scrunched a bit. Bakit? Dahil ba sa transfer student lang ako? Bagong mukha? Minsanan lang ba ang transfer student dito?
"Dahil ba sa transfer ako? Or I have something on my face?" tanong ko sa kanya habang kinakapa ko mukha ko.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina.
"Hindi! Ang ganda kasi ng asul mong mata. Akala siguro nila foreigner ka. Ang ganda mo rin kasi." Her cheeks reddened a little bit.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot sa sagot niya. Dati conscious ako sa itsura ko. Madaming nag-aakala na foreigner ako dahil sa asul kong mata. It really does stand out a lot, lalo na at maputla pa ang balat ko.
"Hindi kita binobola, ah," sabi niya at umupo kami sa may bench sa may field at nakikita kong may mga naglalaro ng soccer.
"May soccer pala kayong sport dito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa mga naglalarong mga lalaki. I changed the topic. Naiilang kasi ako kapag ako ang pinag-uusapan.
"Oo, Black Phoenix ang soccer team natin dito. Magagaling talaga ang mga 'yan, palaging ngang champion ang Osmium dahil sa kanila," sabi niya.
Nakakabilib naman dito, nagko-compete pala sila sa ibang school unlike sa dati kung school. Pwede kaya akong sumali sa volleyball team?
Kasali naman ako dati sa volleyball team pero nag-quit din ako dahil palagi akong pinag-iinitan ng mga teammates ko. Palagi na lang ako nababalingan ng bola sa tuwing practice at may—
Blag!
Napasigaw ako sa sakit at natigil sa pagmumuni nang may mabigat at matigas na bagay ang tumama sa balikat ko. Malakas ang pagkakatama sa ‘kin.
Napasigaw rin si May at ang ibang estudyante na nakakita siguro ng kahihiyan ko. Sa dinami-dami ng pwedeng tamaan, ako pa.
Isang bola ng soccer ang tumambad sa ‘kin. I winced in pain. Sana hindi lang magpasa pagkatapos nito. My shoulder's throbbing in pain.
"Christie! Oh my God, okay ka lang?" tarantang tanong niya. Gusto kong pabalang na sumagot sa kanya kung close na sana kami.
Kung siya kaya ang tamaan ng bola, magiging okay lang kaya siya? Syempre
masakit yun.
I gave her a nod. "It's fine..."
"Hala! Pasensya na! Hindi ko sinadya. Okay ka lang, Miss?" tanong ng lalaki na dumating. Siya siguro ang nakatama sa ‘kin. Kung minamalas ka nga naman.
Siya kaya ang tamaan ko ng bola? Gusto ko itong sigawan nang pabalang pero tiniis ko lang. I don't wanna have enemies on my first day.
God, sana maka-survive ako dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top