Kabanata 10

KABANATA 10

Three days...

Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Carl sa school. Hindi na siya pumapasok for a few meetings sa Chemistry. Maybe ito yung rason kung bakit siya naging repeater—palaging siyang lumiliban sa klase.

Ano nang nangyari sa kanya? Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Is he okay?

"Uy, hindi mo ba kakainin ‘yan? Malapit nang matapos ang lunch break,” sabi sa ‘kin ni May, pointing at my meal.

Hinawakan niya ang balikat ko at mahinang pinisil iyon para kuhanin ang atensyon ko.

Ngumiti lang ako nang tipid sa kanya.

"Hindi pa ako gutom. Maybe later," malumanay kong sabi. Agad namang lumungkot din ang mukha niya at tumigil siya sa pagkain.

"Seriously, Christie, what's the matter? You can always tell me. Lagi ka na lang matamlay. Your parents?" she asked concernedly.

Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa magulang ko. I told her everything about me and vice versa. I was comfortable telling her my story. I know I can trust her. Mabait naman siyang tao. Besides, I've never had a friend besides her.

I'm so blessed she's my friend. Pero nagi-guilty ako sa pagtatago ng tungkol kay Carl. Parang nahihiya kasi ako, lalo na at sinabihan na niya ako na ‘wag lumapit kay Carl. He's bad news.

Pero, here I am. Thinking about him. I'm quite worried about him being absent for a few days. Hindi naman kami close nang masyado pero bakit concerned na concerned ako sa kanya? Baka, may damsel-in-distress syndrome pa ako? The thought of him saving me that I have to give something to him back?

"Hindi. Thanks, May. I'm just tired. Alam mo na ang hirap ng pinagawa ni Ma'am na assignment sa ‘tin." I shrugged, trying to convince her with my excuse.

She sighed and nodded. Alam kong hindi siya convinced pero hinayaan niya na lang ako. Ganun ba ako ka-affected kay Carl? Eh, ano naman kung absent siya? Hindi naman siguro titigil ang mundo ko kung hindi ko siya makikita.

Nilubog ko ang sarili ko sa pakikinig sa discussion buong araw at hindi na namalayan ang oras. Mabilis natapos ang klase na wala pa ring sumusulpot na Carl.

I guess hindi talaga siya papasok. Parang ako ang natatakot para sa kanya. Hindi ko minsan makayang um-absent kahit isang discussion. Para kasing isang buwan ang nami-miss mong lesson sa tuwing nakaka-absent ka. Ayoko ng ganun.

I hope he'll catch up with the lesson.

I sighed heavily habang papalabas ng school gate. Nauna na kasi si May umuwi dahil maagang dumating ang sundo niya. Tahimik akong naghihintay ng taxi dahil hindi na naman ako masusundo ng magulang ko dahil sa may importante raw silang pupuntahan.

Well, hindi ko na lang ininda ang bagay na mas importante pa para sa magulang ko. Sanay naman ako. At least, they're getting along fine.

"Christie?"

Busy ako sa pagtse-check ng cellphone ko nang biglang may nagsalita sa harap ko. I looked up and my eyebrows furrowed as I tried remembering his familiar face. Parang nakita ko na siya. I can't point out when and where did I met him.

Sino ulit siya?

Oh. Then, it clicked. I think he's one of Carl's friends. Binulsa ko ang phone ko at pilit na inalala ang mukha niya.

"You don't remember me, do you?" he asked.

Napahiya ako sa sinabi niya. Hindi kasi ako masyadong makaalala ng mga mukha. Mabilis kong makalimutan, especially if we only have a brief encounter.

"You're…" I trailed off, still trying to remember him.

"Anak ng! I can't believe you can't remember this handsome face." He acted hurt; sinapo pa ang dibdib nito.

Wooh, too much confidence there.

"I'm Thomas. Yung pinakagwapong kaibigan ni Carl. At kailangan mong sumama sa ‘kin,” he said nonchalantly.

"Huh? Why?" I'm confused. Ano namang kailangan niya sa ‘kin?

"Carl wants to see his princess…” he said like he's daydreaming of a Disney princess.

This dude's weird.

"Si Carl? Bakit?"

He shrugged his shoulders.

"Just come with me. Carl's not the most patient man in the world,” he said excitedly habang hinihila ang kamay ko.

Ano? Bakit ano ako ipapatawag kay Carl? Hindi naman kami close, ah?

"W-Wait lang…" pigil ko pero parang wala lang siyang narinig at nagpatuloy sa paghila sa ‘kin papunta sa isang magarang kotse.

Lahat ba sila mayayaman?

"Saan ba tayo pupunta? Bakit daw gusto niya akong makita?" pagtatanong ko habang nasa biyahe.

Kanina pa siya hindi nagsasalita. He was just driving along the road na hindi naman familiar sa ‘kin ang direksyon. Kinakabahan tuloy ako kasi baka pinagtri-tripan niya lang ako. I don't know him yet pero nandito na ako sumasama sa kanya.

Hindi ako naniniwala na pinapatawag ako ni Carl. Why would he, in the first place?

"Ehh… I think he missed you?” parang nagtatanong niyang sabi.

"Huh?" I asked ridiculously. Kinunotan ko siya ng noo. What does he mean? I waited for him to explain further pero wala pa rin. He was busy driving.

I wanna slap this guy. Medyo naiinis ako nang kaunti. Bigla-bigla niya na lang akong hinugot para sumama sa kanya pero hindi naman sinasabi ang totoo. Hindi man lang sinagot kung saan kami pupunta.

Miss me, my ass. Imposible naman... maybe he wants to copy some notes in Chemistry. But, are we really going to see him? Sana lang hindi ako pinagtri-tripan ng lalaking 'to.

Sinubukan kong iwaksi ang mga masasamang isipan sa kanya. I think, he can be trusted naman, ‘di ba?

Thomas parked his car in a big apartiment. Napanganga ako dahil sa ganda ng pagkakagawa ng building. Hindi ko pa 'to nakikita nung nag-stroll kami ni Papa. May pa-fountain pa sa entrance nito. It looks expensive. Parang puro mayayaman ang nakatira dito.

Natulala ako at tinitingala ang building mula sa sasakyan. Wow, sobrang yaman siguro ni Carl para maka-afford ng mahal na unit dito.

"Let's go, princess."

Lumabas na kami ng kotse at mabilis ko siyang hinabol papasok sa loob ng building. Kinausap niya muna ang guard bago pumasok sa loob.

Mas lalo akong namangha nang tuluyan na kaming makarating sa loob. Ang gara naman. Everything is made of gold and silver yata. Pati yung red carpet nito.

May bumati pang mga staff sa ‘min at binati ko lang sila ng tipid na ngiti. Habang naglalakad papuntang elevator, napansin ko ang ilang foreigners na nakatambay sa may lounge.

This place is so expensive. I wonder how much is their units here? Ang yaman talaga siguro ni Carl. He can afford everything. Ano kaya ang business ng magulang niya?

"Okay, princess. Pumunta ka sa 5th floor at hanapin mo dun ang unit 566, okay? Yun ang unit ni Carl," mabilis niyang bilin habang nasa harap kami ng elevator.

"T-Teka, hindi mo ko sasamahan?" tanong ko.

Damn it, ako lang ang pupunta? Ano? Hinugot niya ako papunta dito tapos ako lang pala ang papasok? Gago rin.

Ngumisi lang siya at umiling na mas lalong nagpainis sa ‘kin. What the hell is this? Ano naman ang gagawin ko dito?

"Hindi na, nagmamadali kasi ako eh. Beside, inutusan lang naman niya akong papuntahin ka at ihatid dito." Kibit-balikat niya.

Huh?

"Ha? Eh teka ano bang pa—" Biglang bumukas ang elevator at mabilis niya akong tinulak papasok.

"Sorry! Bye! Good luck kay Carl,” sabi nito at kinindatan pa ako.

"A-ano? Anong ib—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumara ang elevator.

Napabuga ako ng malalim na buntong-hininga. What does he mean... goodluck? Napapadyak ako sa inis. Bakit naman kasi ako sumama pa sa kanya? Nakakabwisit din. Baka hinahanap na ako nila Mama.

I just shook my head at binura ang mga nasa isipan ko. I inhale deeply and relax my tense body. I took my phone out at nag-text ng excusable reason kay Mama.

Napakagat ako ng labi pagtapos ay tiningala ang number sa taas ng elevator. Kumakabog na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na naman ako mapakali. Bakit ba ako nagpa-panic lagi pagdating kay Carl. Wala naman akong ginawang masama sa kanya, ‘di ba?

We were civil when we parted. Ngumiti pa nga siya sa ‘kin nun eh. So, what the hell am I doing here? Baka pinapagtripan lang ako ng kaibigan

Gosh, para kong mami-meet in person ang pinakaimportanteng tao sa mundo sa sobrang kaba ng nararamdaman ko ngayon.

I shake my hand para mapigilan ang panginginig nito. Kaya mo 'to, Christie... si Carl lang 'yan. He's just going to borrow your notes and then, you're done. Easy, right?

Bumukas ang elevator; nasa 5th floor na ako. Lumabas ako at mabilis hinanap agad ang unit niya. Nakahinga ako nang maluwag nang mahanap ko agad ito ng walang hirap.

Wait, what should I do now? Relax lang, Christie. Hindi ka naman siguro kakatayin ni Carl kung nandito ka, ‘di ba ?

Pinindot ko ang doorbell niya. Walang sumagot. I pressed it again—pero walang pa ring sumasagot. Nandito ba talaga si Carl o pinagtri-tripan lang ako ng kaibigan niya? Or maybe this is the wrong unit?

Agad kong chineck ang number at tama naman ang pinuntahan ko. Should I leave now? Baka tulog o wala talaga dito si Carl.

Sandali pa akong naghintay pero wala pa ring bumubukas ng pinto. I puffed my cheeks and just sighed. Damn it, baka pinagtri-tripan talaga ako ng kaibigan ni Carl. Uto-uto ka talaga, Christie!

Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. My eyes widened nang makita ko si Carl.

Pero mas lalo akong nagulat nang makita ko ang itsura niya. Puno ng pasa ang kanyang mukha. What the hell happened to him?

Pati rin ata si Carl ay nagulat nang maabutan niya ako sa pinto. I think he wasn't expecting me to come.

But his friend just said...

"What the hell are you doing here?" he uttered in shock mixed with anger.

Hindi ko na siya nasagot at natulala sa pag-iinspect sa mga pasa niya sa mukha. What the hell happened to him? Binugbog ba siya? Is it the guys from last time again? Binalikan siya? Pinagtulungan siyang bugbugin?

Is it my fault?

"W-What happened to your face?" nauutal kong tanong, still not believing that I am seeing him with bruises all over his face. Nilapitan ko siya na puno ng pag-aalala. I feel like it's my fault he's like this. Kaya ba siya absent dahil sa nangyari sa kanya?

Mukhang sariwa pa ang mga sugat niya. May mga bahid ng dugo pa ang mga ito.

"It's nothing. And answer my question, what are you doing here?" madiin niyang sabi sa bawat salita.

Napalunok ako sa takot. I have to do something para makabawi. Kasalanan ko yata kaya siya nabugbog.

"P-Pero, yung sugat mo..."

He chuckled sarcastically. "Look, it's none of your business, okay? Stay out of this," he snapped at me. He clenched his jaw. Halatang naiirita siya.

Tama nga naman, Christie. Ano bang pakialam mo sa buhay niya?

"I'm sorry..." Napatikom ako ng bibig.

He rolled his eyes at pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung papasok ako o isasarado ko ang pinto niya dahil hindi niya man lang ako pinagsarhan ng pinto.

Is he inviting me to come in or what?

Nang tumigil ito sa paglakad at nilingon ako na nakatunganga lang sa pintuan at hindi alam ang gagawin, he glared at me. "Ano pang hinihintay mo? Bubuhatin pa ba kita para pumasok?!" sigaw niya.

Napatalon ako sa gulat sa lakas ng boses niya. Gumawa pa ito ng echo sa buong paligid. Hindi na ako magugulat kung may sumulpot na tao ngayon para tinginan kung sino yung sumigaw.

Napahiya ako dahil sa pagsigaw niya. Parang maiiyak na ako dahil para akong batang pinagalitan ng magulang.

"Do you wanna come in or not?" naiinip niyang tanong.

Napalunok ako at dahan-dahang humakbang sa loob. Mabagal kong sinirado ang pinto bago siya hinarap ulit. He's still glaring at me.

Naglakad na ulit ito at tumungo sa sofa niya sabay upo doon. Nanatili naman akong nakatayo lang. Inilibot ko muna ang tingin ko sa buong paligid. Mukhang mahal talaga ito. Halos lahat ay gawa sa ginto. Ang mga paintings, ang mga vases at mga statues na naka-display ay sumisigaw ng karangyaan.

"You know how to sit, right? Kailangan pa ba kitang turuan?" he snapped suddenly.

What's with his attitude? It's not like ako yung nagkusa na pumunta dito. Kung hindi lang ako nagi-guilty sa nangyari sa kanya kanina pa ako lumabas at iniwan siya. Hindi ko maintindihan ang ugali niya. At times, he's soft pero ngayon parang galit.

Napayuko ako at tahimik na umupo sa kabilang upuan. Baka galit nga siya dahil kasalan ko ang nangyari sa kanya.

He's blaming me.

"P-Pasensya na..." I cleared my throat when my voice cracked. Pinigilan kong magpakawala ng luha. I'll look pathetic if that happens. I don't know what else to say but sorry.

Kasalanan ko. What should I do to make it up to him?

Tuloy-tuloy na ngang tumulo ang luha ko. I saw how his eyes widened when he saw my eyes.

"Sorry talaga..." Humagulgol na ako dahil sa frustration na wala akong magawa. Parang ang sama-sama ko dahil nadamay pa siya sa katangahan ko.

Sana hindi na lang ako naglibot noon. Sana umuwi na lang ako agad at hindi na nakasalubong yung mga lalaki na 'yun.

"Hey, what—"

"Kasalanan ko kaya ka nagkaganyan. Pinagtulungan ka nung mga lalaki sa park. I'm so sorry. Kasalanan ko." I tried not to stutter between my cries. Hindi naman ako sanay na pinagtatanggol noon kaya nao-overwhelm ako ngayon. Kung may nadadamay naman palang iba, parang ayoko na lang ipagtanggol.

I wiped my tears and tried to stop. Mukha na akong tanga sa harap niya. Baka mas lalo siyang magalit kasi umiiyak ako.

Natigilan ako nang nakalapit na pala siya sa ‘kin. I looked at him, confused. Inabot niya ang kamay niya. Napalunok siya na parang nag-aalangan at dahan-dahang inabot ang pisngi ko.

I let him wipe tears. We looked at each other’s eyes. Kita ko ang panlalambot nito, at the same time, parang nagpa-panic din.

Ininspeksyon ko ang mukha niya at may mga pasa siya sa ilalim ng mata niya, sa kaliwang pisngi at putok ang labi niya sa gilid nito. Meron ding sugat sa kilay niya. God, sino bang may gawa nito sa kanya?

I wanna ask him so badly.

"Look, Christie. I-I'm sorry for snapping at you. I didn't mean it. I'm just physically in pain right now," malumanay niyang salita.

Napaawang ang labi ko sa paraan ng pagsasalita niya ngayon. It's like he's consoling me. His height is towering me kaya nakatingala ako sa kanya. He can crush me in one second sa laki at tangkad niya. Pang-wrestler talaga ang katawan niya eh. I look like a bunny being preyed by a bear right now.

Mabilis akong umiling at pasimpleng binawi ang tingin sa kanya. Snap out of it, Christie. Mapapahiya ka na naman.

"I-I'm sorry, Carl. Pa'no ako makakabawi sa'yo?" I asked, unti-unting umatras sa kanya. Binitawan naman niya ang mukha ko at tumalikod na.

"No, it's fine. It's not because of what you're thinking."

"H-Huh? Eh, ‘di ba—"

"No, it's fine. Don't worry about it. You should go."

Kung ganun, galing saan ang mga pasa niya? O napaaway lang ba siya or nagsisinungaling lang siyang hindi iyan galing sa mga lalaki noong nakaraan? Which is it? I'm so confused but I wanna help him out of it. Naawa ako sa kanya ngayon. Kita ko ang pagngiwi niya sa sakit ng sugat niya.

Hindi ko alam kung lalapit ako o titingnan lang siya. Hindi ko naman kasi alam ang magagawa ko. Gusto kong tumulong sa abot ng makakaya ko.

"You should go," malamig niyang pagkakasabi na siyang nagpatikom sa ‘kin.

Nalungkot ako dahil sa walang magawa. He looked determined to brush me away. Gusto ko mang pumilit na tulungan siya pero ayoko naman dumagdag sa sakit ng ulo niya. I'm just concerned because of the possibility na dahil sa ‘kin kaya siya nagkaganyan.

"O-Okay..."

Pero, wala akong magagawa.

I walked slowly towards the door with a heavy heart. Let's just hope na makatulog ako ngayong gabi without doing something for him. Parang may mabigat akong dinamdam ngayon.

Papalapit na sana ako sa pintuan nang liningon ko ulit siya. My heart almost dropped when I saw him walking near me.

"Fúck this!" mariin niya mura at inabot ang kamay ko habang mahigpit na hinahawakan ito.

"Wait..."

Nanlaki ang mata ko at hindi na nakapalag pa. Nagdasal na lang ako na sana hindi niya matiris ang kawawa kong kamay. Sobrang laki kasi ng kamay niya. Sakop na sakop ang kamay ko.

"B-Bakit?" I asked. 

Hinintay ko siyang magsalita. He sighed deeply before letting my hands go, scratching his head na parang ang bigat-bigat ng problema niya.

"B-Bakit? M-May k-kailangan ka ba?"

Gosh, I sound stupid.

"Can you..." he asked, hesitantly before looking over something kaya sinundan ko ang tingin niya. It was a medical kit, ni hindi ko nga yun napansin kanina.

Nagkagulo na ang mga band aid at gauze sa counter na iyon. Was he treating his wounds earlier?

I look at him. So, he wants me to treat his wound?

"Okay..." sagot ko at alam ko na ang gusto niyang itanong. I'm willing to do it. Kahit yung na lang ang magawa ko para sa kanya. I don't wanna be empty-handed by the time I get home. I'll be filled with guilt.

I guided him towards the couch. Naupo na siya doon at kinuha ko na ang kit sa counter. I sat carefully. Baka maya-maya'y magalit na naman at magbago ang isip niya na pauwiin ako.

I started with the cotton that has betadine on it. I faced him nervously. Medyo nanginig pa ang kamay ko.

"Humarap ka dito,” I said holding his chin to face it towards mine. Medyo umatras pa ako dahil sobra niya namang nilapit ang mukha niya. Na-conscious tuloy ako. Baka may dumi na naman ako sa mukha.

I composed myself and focused on his wounds. We were quiet for a whole minute when he hissed a little.

Tumigil muna ako. "Sorry..."

"It's fine. Continue." 

I nodded at kumuha ulit ng bagong bulak at nilinisan naman ang sa may kilay niya. May bahid pa ng dugo ito kaya hinay-hinay kong pinahiran.

He hissed again and I said sorry again.

Now, I was just focused in balancing not to hurt him and trying to clean his wounds slowly.

Gusto ko ngang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari sa gitna ng katahimikan namin. Medyo naiilang din ako dahil sobrang lapit pa ng mga mukha namin. What's worse is...titig na titig siya sa ‘kin. Nakaka-conscious naman talaga.

Gusto ko sanang madaliin na pero kailangan kong magdahan-dahan baka magalit siya sa sakit. I think dapat sa hospital na lang siya dumirecho. Mayaman naman siya at may pambayad kaya bakit siya nagtitiis sa ganito?

Nakahinga na ako nang maluwag nang ma-satisfy na ako na malinis na ang sugat niya. I smiled at my achievement.

"There...lalagyan ko ba ng band-aid o gauze lang?" I asked, tilting my head a bit. Binalingan ko ang kit at nag-isip sa kung anong gagamitin.

"It's fine. Let it be,” he said at unti-unti nang lumayo.

"Oh...okay..." I trailed off.

Nanatili lang ako sa kinauupuan ko at nakatulala sa kanya. Muli na naman niyang hinahawakan ang mga sugat niya. Gusto ko sana siyang suwayin kasi baka madumi ang kamay niya habang hinahawakan ang mga sugat pero baka singhalan lang ako nito sa inis.

"C-Can I ask now what happened?" I asked boldly. Hindi talaga ako mapakali kung bakit siya naging ganito. Kung kasalanan ko talaga, gusto kong malaman ang totoo.

"Wala nga—"

"Please! Hindi ako makakatulog kapag hindi ko malalaman ang totoo. Tsaka kasalanan ko rin kung bakit ka binalikan ng mga lalaking 'yun."

"Hindi mo nga kasalanan. And it's not those bastards who did this to me. You think I'm that weak compared to those skeletons?" Tinaasan niya ako ng kilay sa inis na parang nainsulto ko siya.

"K-Kung ganun, ano nga—"

"I'm an underground fighter. Happy?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top