Kabanata 1

KABANATA 1


"Are you excited?"


Rinig ko sa boses niya ang pagkasabik at saya. I don’t remember the last time I heard this tone from her. It's been a while, huh?

Sumulyap ako kay Mama habang nakatutok pa rin siya sa pagdra-drive. Sumandal ako at binalik ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse.

"Yeah, I guess," malumanay kong tugon sa kanya at nanatiling tahimik. My body and mind are too tired to compose a proper response to her.

Nakakalungkot pa rin para sa ‘kin ang paglipat namin mula sa kinalakihan kong lugar mula nang iwan namin ni Mama si Papa.


Limang taong gulang pa lang ako nang naghiwalay ang magulang ko dahil sa pambababae ni Papa kaya napilitan kaming lumipat sa probinsya ni Mama kung saan siya lumaki at malayo iyon kay Papa.


Kumuha siya ng bahay malapit lang sa Lola't Lolo ko at dun na kami nanirahan sa nakaraang labing-limang taon. Nakita ko ang pagkabigo ni Mama nung naghiwalay sila ni Papa. Kung pa'no siya umiyak gabi-gabi. Ang pagpigil niya ng hikbi sa tuwing tumatabi ako sa pagtulog sa kanya.


Palaging tulala at palaging wala sa isip, kaya naman napabayaan ako nang tuluyan ni Mama. Nadala siya sa sakit na binilin ni Papa sa kanya. Kahit ilang taon ang lumipas, hindi niya malimot-limot si Papa.


Buti na lang at nandyan ang Lola't Lolo ko; sila ang nag-alaga sa ‘kin. Tumayo na silang mga magulang sa ‘kin.

Pinunan nila ang pagkukulang ng mga magulang ko. Lagi nila akong sinusuportahan at dinadamayan sa kahit anong pangyayari sa buhay ko.


Nandyan sila sa panahong na-depress ako dahil sa pambu-bully ng mga kaklase kong babae. Inaakusaan nila akong flirt, slut, malandi, mang-aagaw raw ng boyfriend at kung ano-ano pang masasakit na salita.


I've never understood those names they labeled me. Naging clueless ako hanggang sa grumaduate ako ng high school. Yes, I'm closer to boys at my school. They're friendlier than the girls.

But that doesn't justify why I was called such names.


I've moved on about it. I've got more problems than that.


Minsan nagagalit ako kay Mama dahil sa hindi man lang niya ako mabalingan ng konting atensyon. Yun lang naman ang gusto ko eh.


Kahit no'ng naging valedictorian ako noong elementary at high school ay hindi man lang siya um-attend ni minsan sa graduation ko.


Minsan, iniisip ko kung mahal niya ba talaga ako. Anak niya ba talaga ako? Kung nasasaktan siya, ano pa kaya ako na napapabayaan? Ako na nasasaktan nang sobra, paano naman ako?


Pero gusto ko mang magalit ay hindi ko makaya. Dahil kahit ganun, Mama ko pa rin siya at mahal ko siya.


At ngayon, nakakatawang isipin na nagkabalikan sila ni Mama makaraan ang siyam na taon, kaya naman babalik na ulit kami sa bahay namin dati.

I should be happy, right? But... I can't find that happiness right now.

Doubt is all I have in this situation. One can never get happiness in an instant. There will always be tears as payment in exchange of that happiness.

When you feel happy, you'll also feel like everything can disappear anytime.

That's why I'm always jealous of the genuine happiness shown by other people. How come they're blessed like that? Habang ako, hindi ko alam kung hanggang kalian o hanggang saan ang kasiyahan na matatamo ko. Hindi ko alam kung permanente na ba ito.

Did Papa really change now? Hindi niya ba ulit lolokohin si Mama? Aasa na naman ba ako na magkakaroon na kami ng masayang pamilya?

Sana marunong mag-warning ang mundo—kung kailan ka masasaktan ulit. Para naman maihanda ko ang sarili ko sa susunod na masasaktan ulit ako.
Saklap ng buhay. Sasaktan ka talaga nito, handa ka man o hindi.


It's unfair.


I'm too young to experience this pain. Or perhaps, it is normal to have this kind of phase in one’s life.


Napabuntong-hininga na lang ako.

Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang loob ko sa ginawa ng aking Papa. ‘Di ko lubos maisip na lolokohin niya si Mama kaya't kahit labag sa loob ko ang paglipat namin kay Papa ay napilitan akong sumama sa kanya dahil gusto raw ni Papa makasama kaming mag-ina.


At ngayon, masakit pa ring isiping pumayag si Mama na lumipat na ganoon lang kadali...

Na parang wala lang nangyari...

Na okay lang...


Na parang hindi siya nasaktan, nalungkot, umiyak at nagmukmok sa sakit.


Sa siyam na taon naming pagsasama ni Mama, ngayon lang niya ako napansin.

Ngayon lang niya napansin na may anak siya. Ngayon lang. Ngayon, dahil nagkabalikan na sila ni Papa.

Ang sakit lang. Who am I to her?

Gusto kong maging masaya dahil mabubuo na ang pamilya namin. Pero, yung sakit tsaka yung alaala na napabayaan ako bilang anak—mahirap kalimutan.


Kaya mas pinilit kong itago ang nararamdaman kong sakit. Ang sakit na ginawa ng mga magulang ko. Nanatili na lang akong tahimik.


I just closed my eyes and blocked all my thoughts. Five hours pa naman ang biyahe namin papunta sa lugar ni Papa.

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Minulat ko ang mata ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Mama.


"Nandito na tayo. Baba na, 'Nak. Nag-aabang na siguro Papa mo sa loob."


Nag-aabang? Why? Did he miss me? Bakit ngayon lang? These past few years, hindi niya ako na-miss? He never made the effort to visit me, his daughter. Inuna niya pa ang babae niya. I'll doubt it kung wala akong half-sister ngayon.

Let’s see about that.


Bumaba na si Mama sa kotse at tinungo ang mga maleta namin sa likod ng kotse.


Sumunod din ako sa kanya at tinulungan siya sa paglabas ng mga maleta namin. Ngumiti muna siya sa ‘kin at pinasa ang isang bag na kulay green.


Tiningnan ko siya at pilit na sinuklian ang ngiti niya. She had never given me that kind of genuine smile.

What a big change this is. I guess, on my own, I was never worthy of that smile of hers. I'm not that important...

Tumalikod ako at nilagay ko sa pavement ang bag. Narinig ko ang pagsarado ng compartiment ng kotse.

Tiningnan ko ang bahay sa harapan ko. Napansin kong marami na ang nagbago sa bahay simula nang umalis kami ni Mama.


Maluha-luha kong tiningnan ang dati naming bahay. Tumingala na lang ako para pigilan ang nagbabadyang luhang gustong lumabas sa mga mata ko.

Mabuti na lang ay hindi naman iyon napansin ni Mama dahil nakatalikod siya sa ‘kin na nagdo-door bell na sa gate.

You really can see the look in her face—the excitement—at ayokong sirain iyon sa kanya. At least, I should pretend to be happy, though I'm only half-happy about this.


Nanatili lang ako malapit sa kotse. Bumukas ang gate at nakita ko siya.
Si Papa.


Nakita ko ang ‘pag-aliwalas ng mukha niya nang makita niya si Mama na bigla naman siyang sinalubong ng yakap.

Nanatili pa rin akong nakatayo malayo sa kanila at tiningnan ko lang silang magyakapan na may ngiti sa kanilang mga mukha.


Nag-usap sila at binalingan ako ng tingin. Nakita ko ang mukha ni Papa nang makita niya ako. Nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa ‘kin at nagbabadya ang luhang gustong tumulo sa kanyang mga mata.


Humakbang papalapit sa ‘kin si Mama at pinagsalikop ang aming kamay.

"Halika, anak. Yakapin mo si Papa. Miss ka na niyan."


Gusto kong maiyak sa panginginig nang boses ni Mama. Parang gusto kong madala sa emosyon niya.

Hinawakan niya naman ang aking kamay at pinalapit kay Papa. Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko at binalingan lang ng tingin si Papa.

"Pa," malumay kong bati at lumapit ako sa kanya para yakapin ito.

I saw his face soften. Naghihintay ito na lumapit ako sa kanya at yakapin siya.

Nang makalapit ako sa kanya ay tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha at yinakap ako nang mahigpit.

"A-Anak ko..." His voice cracked.

Am I… really…?


Parang kumirot ang puso ko sa pagtawag niyang iyon. Gusto kong umiyak nang umiyak. It's been a long time since I was last in his arms again. In the arms of my father, who had never been there for me.

Pero, miss ko na pala si Papa...

Kahit papaano, hinahanap-hanap ko siya. He was my favorite person when I was a kid. I longed for him to come back and see me. I had hoped everyday na sana bisitahin niya ako, and for that, I was willing to forgive him and forget all those pain.


"Ang baby ko… ang ganda-ganda at ang laki-laki mo na. Miss na miss ko na ang prinsesa ko." Humihikbi siya habang niyayakap niya ako nang mahigpit na parang ayaw niya akong mawala.

Pinigilan ko ang mga luha ko.

Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong magpakita ng kahit ano mang emosyon kahit nasasaktan ako.

He cupped my face.

"Look at you, you've grown up so well," natatawa na naiiyak pa rin niyang sabi at muli niya akong yinakap at hinalikan ang aking buhok at noo.


Naramdaman ko si Mama sa aking likod at niyakap niya rin kami ni Papa.

Naririnig ko rin ang kanyang hikbi.

Hindi ko maalala kung kailan ko huling nayakap si Mama. Kung kailan ko huling nayakap si Papa. Kung kailan ko huling nayakap ang mga magulang ko nang ganito kahigpit.

Ang sarap sa pakiramdam...I've been longing for this feeling forever. Matagal ko nang inaasam na mabuo ulit kami.

Ilang sandali kami nakayakap sa isa't isa at patuloy pa rin ang hikbi nila Mama at Papa. Pero nanatili pa rin akong tahimik.


"Honey, let's go inside. Alam kong pagod na kayo ni Christie. Right, princess? Napagod ka ba nang sobra?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Papa.

Tumango na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. I cringed sa naging tawag niya sa ‘kin. I'm already nineteen.

Hindi na ako bata para tawaging "princess". It's so awkward.

"All right! Come, let's go inside. You too, hon. Hayaan niyo na yung mga gamit niyo sa labas. Sila Cardo na lang ang bahalang magbitbit ng mga 'yan," sabi ni Papa at hinila na kami nito papasok sa loob ng bahay.


Sa dati naming bahay.


Oh, how big the changes are. I was very little when I stayed here before. Naaalala ko pa naman ang istraktura ng bahay kahit maliit pa lang ako nun—from the color of the paintings at sa mga bagong displays. Nahagip din ng paningin ko ang old framed photos ko na nakasabit sa may pader.

It was me when I was five years old.


Nakangiti ako dun with my missing front tooth habang karga ako ni Papa. I remembered how happy I was on that day. It was the first time na nakasama namin ni Mama si Papa mamasyal. Lagi kasi itong nasa trabaho at bihira lang mag-day off.


This was the moment I’d choose if I ever wish to travel back in time.


But old memories die hard, huh? You can never go back once time passed you. It will never wait for you so you have to chase it.


I smiled timidly, slowly running my fingers across that photo of us three.

Babalik pa ba talaga kami sa dati? Right now, I'm not expecting much…that this family will be happy. I've experienced enough pain in the past few years.

Sana hindi lang 'to pansamantala.

I looked to my left and saw my parents talking sweetly, like they're genuinely happy. And me? I feel scared seeing them happy like this.

Happiness comes with a price.

What if tomorrow, hindi na ulit? What if tomorrow, Papa will cheat again? What if tomorrow, Mama will sink in sorrow again? I'll be left out again.

They both smiled at me.


"Anak..."


Please, don't fail me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top