Two: Stain

Red Theo Cadel's POV

"Whatever you do in life, you'll never succeed Red Theo! Don't ever come back here! You're no longer part of this family! You're such a disgrace!"

"Oh don't fuck.ing worry, I've got no plans of going back here!"

"Pare! Pare!"

"Aah fuck!"

I felt someone was slapping me.

"Taena naman pare akala ko binabangungot ka na eh!"

"Pag ikaw kaharap, oo! Tabi nga!" hinawi ko mukha ni Borjorge at dumirecho ako sa refrigerator to get some water. My throat is f.ucking dry.

"Pare, kinabahan ako sayo akala ko sinaniban ka ng masamang elemento. Bubuhusan na sana kita ng tubig kanina eh." sinundan ako ni Borjorge at kinuha sakin ang pitsel

"Pinagsasabi mo? Baka ikaw binangudngud." umupo ako at nagtimpla ng kape, umupo naman sya sa tabi ko.

"Pare bangungot hindi bangudngod! Tignan mo! Tumataas balahibo ko! Wag ka kasi dito matulog sa sofa! Hays! Pare, akin na kamay mo titignan ko kung pantay—"

"Tantanan mo nga ako Borjorge! Ba't ka ba andito sa pamamahay ko? Ang aga aga! Diba may schedule ka today sa mga Santos? Ano pa tinatanga mo ngayon?"

"Pare tang.ina wag mo baguhin usapan, sana pala na-video-han kita. P.uta pare nagenglish ka. Hindi lang basta english, fluent ka may accent pa!" I remained silent at hinayaang magtaka si Borjorge. Pilit ko inaalala ano yung panaginip ko na sinasabi niyang nagenglish ako.

"Seryoso pare, first time kitang marinig magsalita ng ganun kalupet. Eh parehas tayong laging tagilid sa English subject eh! Kaya sigurado ako may masamang—parwe narmawn!"

Sinungalngal ko sa kanya yung pandesal at pumasok na sa banyo

"Pare! Pare tawagan ko na ba si mang kanor? Papatawas kita pare seryoso ako sa narinig ko sayo! Ang galing mo magenglish nung tulog ka, malakas kutob ko may sapi ka!"

F.uck!

It's been 2 years since I left home, but it still haunts me kahit sa panaginip. I left without any trace, but their f.ucking hatred visits me in my dreams.

I was able to take a bath ng hindi ako ginugulo ni Borjorge. I wonder what's he doing while I was taking a bath.

Hindi pa man ako fully nakakalabas ng banyo may narinig akong matining na maliit na mahabang sigaw na nagmumula sa kwarto ko. Nakakatililing yung sigaw.

I frowned for a couple of seconds, was that really coming from my fu.cking room?

"AAAAAHHCKK! NASAN AKO?! WHAT DID YOU DO TO ME?!?!"

The moment I heared that second scream, mabilis kong pinulupot ang twalya sa beywang ko and kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko.

"Ang lakas din ng tama mo, Miss! Ako nga dapat magtanong sayo eh! Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ni pareng Red?!"

Naabutan ko si Borjorge na may hawak na unan, sinasangga nya lahat ng binabato nitong—

Da.mn it. I completely forgot about this lady.

"Nasan ba ako?! Bakit ako nandito?!"

"Lakas amats talaga tong— pareng Red! Buti tapos ka na maligo! Itong bebot mo, nagbabaliw baliwan kunwareng di niya alam nangyare sa inyo kagabe—hhmmpp!" marahas kong tinakpan ang bibig ni Borjorge at sinipa siya palabas ng kwarto ko and I locked the door.

"Who...who are you?" huminahon ang boses niya but it sounds like she's about to cry

I slowly turned and looked at her. She's still standing on my bed, holding my... my fucki.ng gaming laptop na balak niyang ibato sa amin kanina ni Borjorge.

"You don't have to worry. Nothing bad happened to you here." I said as I slowly opened my cabinet to get some fu.cking clothes 'cause I'm fu.cking half naked!

"AAAHCCCKK!!! BASTOS!!!"

I ran as fast as I could to hide under the bed bago pa tuluyan bumaba ang bath towel all the way down to the floor but I guess it's too late 'cause I witnessed from the reflection on my mirror how her eyes widen when she saw half of my butt.

"Stop shouting, will you?" I grabbed a pillow at tumayo.

"Let me wear some clothes first, then we'll talk, okay?"

Tumango siya so I proceeded with getting my clothes. She looked at the window as I wear my clothes.

"I'm done, now you can freak out." sarcastic kong sambit

*

"So explain kung pano nagkaganito ang damit ko?! Look! It looks like you tried to...to ra.pe me!"

Napahilamos ako ng mukha

"Aba! Hindi ko gusto mga lumalabas sa bibig nitong bebot mo pareng Red ah. Gusto mo bang—"

"I'm not his bebot!" "Hindi ko sya bebot, tang.na ka!"

"Ch-chill! Sabay pa talaga kayo ha. Si-sige, hayaan ko na kayo dyan. Sibat na ako."

Masama lang tingin ko kay Borjorge until he completely left.

"I won't tell you anything until you're calm." I said as I sat on the bed and she did the same

Huminga siya ng malalim "I'm calm."

I looked at her. She's frowning and halatang nagpipigil siya maiyak.

"Your clothes...your clothes were ripped off because of your...clumsiness." I uttered while trying to stay calm

"Huh?! Can you elaborate, please?! Hindi ako clumsy ha!" bigla syang tumayo at na-out of balance din kaya sinalo ko sya with my right arm

"Tsk... do you f.ucking remember what happened to you last night?" I asked pero nakatulala lang siya so I let go of her, umayos naman sya ng upo.

I don't know what's going on with her head but tinignan nya ako ng matagal and then she stood up and moved right next to me, without breaking her gaze to me. Her face was very close to mine.

"A-anong...bakit... bakit hindi ko maalala?" napansin kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata nya kaya inilayo ko ang mukha ko sa kanya

Why the fu.ck am I dealing with this?

"A-ano bang ginawa ko? Ano bang nangyare? Why I can't remember anything?!" she started to pull my sleeve

"You can remember your name, right?"

Tumigil siya "O...oo."

"Then what's your name?" I asked as I wiped off her tears on her cheeks

"My name is...Anika." then siningot niya yung sipon niyang palabas na sana

Pfftt!

"Okay... then you're fine. You're completely fine. You were just...drunk...last night." sambit ko habang dahan dahan na inaalis ang hawak niya sa sleeves ko at lumipat ako ng upuan as I feel like suffocated since she's so close to me that I can hear her nervous breathing.

"Lasing? Hindi ako umiinom. How did I end up drunk last night? Sinong kasama ko?" sunod sunod niyang tanong sakin as I try to get the pillow

"You know what? Let's get you some water first para mahimasmasan ka." I said as I put the pillow on her lap

"Her fuc.kcing legs were too bright." bulong ko sa sarili ko as I headed to the kitchen para kunan siya ng tubig.

"Waah—The f.uck!"

Da.mn it! She fu.cking startled me, hindi ko napansin sinundan pala niya ako.

"S-sorry."

"Tsk. Natapon tuloy. Here, drink some water."

She tried to hold the glass of water but her hands were shaking. "Tsk. Ako na." I held the glass at pinainom siya. She was so thirsty naubos nya ung isang buong baso

"Aachk!" humawak siya sa ulo niya bigla

"What's the matter?"

Tumingala siya to look at me "ang sakit ng ulo ko."

Dam.n it. Don't fu.ckin' tell me I'm gonna take care of this drunk clumsy— "Na—nasusuka ako."

"Uwaaak! Ang pait ano bang nainom— uwaaak!"

I kept tapping her back while holding her hair.

"Tissue!" sigaw niya "Here."

"Grabe! Ang pait talaga!"

I stood up and went back to the kitchen

"You'll feel better in a few minutes. Nalabas mo na lahat ng kemikal."

"Kemikal?" She asked as she grabs the bottled water that I was about to give her

"You'll remember eventually about last night." Dagdag ko and kinuha sa kanya yung bottled water na kanina pa niya tinatry buksan

"So...ilang minutes?"

"I dunno... sometimes it takes hours... days."

"Ha? Ang...ang tagal naman! Ano ba yung nainom ko kagabi? And were you there when I drank it? Pwede bang ikwento mo nalang anong—"

"Nope. I got no time for that." Bumalik ako sa kwarto ko to grab my stuff

"Huh? Bakit? At... san ka pupunta?" she asked when she notices I'm wearing my shoes

Inangat ko ang susi ng kotse ko to let her see that I have to go somewhere and then I brushed my hair quickly

"P-pano ako?"

Napatigil ako and looked at her from the mirror. F.uck, her skirt is kinda ripped off. So...what am I supposed to do with her? I can't let her get out of here ng ganyan itsura niya.

What if makita siya ni Mrs. Lourdes pagkalabas? Lintek talaga. This is driving me crazy!

"Ano 'to?"

"Ipulupot mo sa bewang mo."

"Huh? Bakit?" tanong niya habang pinagmamasdan yung jacket ko.

"Tsk. Just do it."

"O-okay." ginawa naman niya.

I can't believe she's in my f.uckin' place, putting all her trust on me as soon as she gets comfortable. Ni hindi manlang niya hinahanap yung gamit or cellphone niya to call her parents and get help. She has no survival instinct.

Am I not that scary to her? I mean... most people find me intimidating. But her? After showing a little softness to her, nawala agad? Is she normal? Or is it because of the alcohol that's why she's not herself?

"A-amoy suka ata ako?"

Bigla siyang lumapit sakin, grabbed my face at tinapat niya bibig niya sakin sabay exhale.

"Haaaa."

"Tang.ina!." medyo napalakas yung tulak ko sa kanya

"Dam.n it...don't f.ucking do that again."

Naghalo yung amoy ng suka at alak sa hininga niya.

"Ihahatid mo ba ako samin?"

"Tsk. Not my prob anymore."

"Huh? Pano ako makakauwi?"

"Use your cellphone I guess?"

"Ah oo nga no!" she scanned my place and she found her bag that I put on the coffee table

Sabay kaming lumabas ng building, good thing no one saw us leaving the building together.

She still can't remember what happened last night. I guess she's really saying the truth when she said na hindi siya umiinom ng alak. That f.ucking alcohol that they gave to her was the strongest one you'd ever drink that the authorities has suspected that it has drugs on it.

"Aahm... thanks for—" before she could complete her speech, pinatakbo ko na yung sasakyan ko. Who cares? She's a stranger, sayang lang oras. We won't see each other anymore, and I don't wanna bump into her in the future. She's... a pain in the as$ type of person.

"Hello?...Oo, papunta na 'ko. Dala ko lahat ng papeles."

Anika's Point Of View

"Deadbat? Deadbat ngaaa! Haaaist!"

Napa-padyak ako sa frustration habang nakatingin sa cellphone kong nagshutdown na.

Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na 'to! Hindi ko na nga maalala ang nangyare kagabi, hindi ko rin maalala kung paano ako nakapunta dito!

Magta-taxi nalang ako. Binuksan ko ang bag ko to get my wallet to check magkano ang cash ko. Pero habang tumatagal ang pagkapa ko, palakas ng palakas ang kaba ko.

Aaargh! Huwag mo sabihin naiwan sa apartment nung Red na yun ang wallet ko?!

Hindi ako pwedeng umuwi ng hindi ko dala ang wallet na yun dahil andun ang buhay ko! Atsaka paano ako makakauwi kung wala akong pera?!

Hindi pwedeeee!

"Aachk!"Napahawak ako sa pader habang ang isang kamay ko naman ay sa tyan ko. Why is this happening to me?!

Paano ako makakauwi? Paano ko makukuha ang wallet ko? Should I wait for him to come back? Paano kung mamaya pa siya babalik?

Unti unting nagpapawis ang palad ko dahil sa kaba at frustration. Kumukulo pa kasi yung tyan ko, I think I'll need to go to the bathroom!

Pero paano?!

Sa lugar na 'to? Eh most of the stores and buildings here are closed! Bakit ba ako napadpad dito? What was I thinking nung oras na yun?!

Napaupo ako at sandal sa pader. Naiiyak na ako. Nananaginip lang ba ako?

"Subukan niya lang talaga agawin supplier ko, di ako magdadalawang isip na ilagay siya sa blacklist."

"Maaga pa. Madadaan pa yan sa kalmadong usapan."

"Kalmado? Wala sa bokabolaryo yan nung g@gong Red na yan. Sisindakin ko lang yang hayup na yan ng malaman niya sinong kinakalaban niya"

Napa lingon ako sa tatlong lalaking puno ng tattoo ang braso na papunta sa building kung san ako galing. Did I hear them talking about that guy Red?

"Aahhcck." Paginda ko sa sakit ng tyan ko.

I think they are my ticket to get my wallet.

"E-excuse me!"

Huminga ako ng malalim at sumunod sa mabilis nilang lakad. Hindi nila ako narinig.

"Are you looking for Red?!"

Sabay sabay silang napastop at nilingon ako

Gosh. Pati mukha nila may tattoo. The guy in the middle has piercing on his left cheek.

"Hinahanap niyo si Red?" ulit ko, napa atras ako ng bahagya when the guy in the middle started to walk towards me

"Tsk. Pakitang tao talaga 'tong hayup na Red na 'to. Hindi daw siya interesado sa babae at sakit lang daw sila sa ulo. Pero..." naglakad siya hanggang sa nasa likod ko na siya

Napayakap ako ng mahigpit nang hawakan niya ang buhok ko at amuyin ito. "May tinatago pala siyang masarap na puta...he." napapikit ako nang sabay sabay silang tumawa

Para sa wallet? Para sa wallet!

"Pwede mo ba kaming dalhin sa langit?... este... sa kanya?"

*

Panay ang sign of the cross ko habang tinahatahak ang daan pabalik sa building. Nasa likod ko lang sila at sinusundan ako.

Oo, tanga na kung tanga! Pero sobrang importante ng wallet na yun sakin!

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng apartment nung Red, huminga muna ako ng malalim bago sila harapin.

Bumungad sakin ang cellphone na nakatapat sakin. Tumawa yung may hawak ng cellphone na sa palagay ko ay kanina pa yata nila ako pinipicturan habang nakatalikod ako.

"Dito ba nakatira si Red?"

Tumango lang ako.

"Oh ano pang hinihintay mo? Buksan mo na yung pinto."

Tumango lang ulit ako at humawak sa doorknob.

Please sana nakalimutan niya ilock. Sana nakalimutan niyang ilock—

"Ano problema? Ba't antagal mo buksan?"

"Aah hehe, nakalock ata yung pinto." sambit ko sabay balik ulit sa pagpihit ng doorknob

Naiinip na sila at panay ang tanong sakin kung bakit di ko parin mabuksan. Anong sasabihin ko? Huhu!

"Aah t-tulog pa yata—"

"Huwag na natin patagalin to. Hoy ungas buksan mo yung pinto!"

Napayuko ako nang bigla nilang katukin ang pinto. Actually, hindi nga katok kundi kalampag na ang ginagawa nila.

"Wala ka bang susi ng apartment niya?"

"W-wala."

"Tsk. Ano ka ba niya?" Iritadong tanong nung isa

"A-ako? A-ano niya ako...aaahmmm...g-girlfriend!"

"Girlfriend?" tinignan nila ako mula ulo hanggang paa, bakit? Ano ba tingin nila sakin kanina?

"Tsk. Girlfriend ka pala bakit wala kang susi ng apartment niya? Gusto mo wasakin ko na pinto niya?"

"Ha? W-wag bakit nyo naman po gagawin yan?"

"Nasasayang na oras ko eh."

"B-bukas nalang po kayo bumalik. T-tulog pa po ang h-honeybunch ko—"

"Ppfffttt! Honeybunch?!"

"Pu-taena talaga! Hahahaha! Girlfriend ka ba talaga ni Red? O isa ka sa mga prosti na patay na patay sa kanya sa Dark Restobar?"

Dark Restobar? Ano yun?

"G-girlfriend—"

"David pwersahin mo na nga nang maharap ko ang gago na yan."

Napahawak ako sa labi ko at hindi na makapag isip ng maayos dahil pursigido silang mabuksan ang pinto.

Gooosh ano ba itong pinasok ko?!

"1...2...3!"

Napaupo ako sa sahig nang mabuksan nila ang pinto. Natulala nalang talaga ako.

Tumakbo na kaya ako? Huhu! Sana kanina mo pa ginawa! Shunga!

Nakita kong isa isa na silang pumasok.

"Te-teka lang po hindi kayo pwedeng basta basta pumasok sa bahay ng hindi nyo—"

Hindi ko na sila napigilan at tuluyan na nilang sinugod ang loob ng apartment. Sinundan ko sila sa loob dahil pagkakataon ko na rin para mahanap ang wallet ko.

Panigurado nasa lapag lang yun baka nalaglag. Nagsimula ako sa sala. Hindi kaya nasa ilalim ng sofa?

Yumuko ako at kinapa kapa ang ilalim. May nakapa ako pero matigas... at mahaba?

"Pinagloloko yata tayo netong babae na 'to eh. Bakit wala dito si Red?! Huh?? Ginag@go mo ba kami?"

"Aachk aray!" Bigla akong hinablot sa buhok patayo ng isa sa kanila pero agad din nito akong binitawan

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na ang nakapa ko sa ilalim ng sofa ay hindi ko wallet.

"Ibaba mo yan." sabi ng isa sakin habang nakataas ang dalawang kamay niya

"Ibaba mo yan sabi!" sabay yuko ng isa ng maitapat ko ito sa kanya

Agad ko naman hinagis sa sofa ang baril. Nagkatinginan silang tatlo.

"David kunin mo yang babae na yan. James, kunin mo naman yung baril."

Napaatras ako at hinagis isa isa sa kanila ang unan na nasa sofa

"A-anong gagawin nyo sakin?! T-tulong!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top