Three: Lip Bite
Narinig ko ang boses ni mommyta sa sala. Mag 9 AM na kasi ng umaga ako nakauwi.
"Hindi po ito si A-Anika." sambit ko habang nakahawak ako sa balakang ko.
"Susme kang bata ka! Ano yang nangyare sa palda mo ha? At kanino yang jacket na suot mo na yan?"
I kissed mommyta on her cheeks at inagaw sa kanya ang sandwich na kakainit nya lang sa microwave
"At talagang inumaga ka pa ha. Tignan mo itsura mo. May boyfriend ka na ba?!"
Nilunok ko muna ang bread na nginuya ko "Mommyta, sa itsura kong to may boyfriend?"
"Eeh bat ba ganyan ang itsura mo? Sabi ni Ramon may interview ka daw na pinuntahan."
"I-interview?"
"Abay oo! Ayan ang sinabi mo kay mang Ramon. So, hindi ka galing ng interview. Nagsisinungaling ka na sakin?"
"Aaah o-opo! G-galing akong interview mommyta."
"Nakong bata ka. Pinagusapan na natin diba na hindi mo kailangan tong gawin? Responsibilidad kit--"
"Huwag po kayo magalala sakin... atsaka, hindi na ako bata, hindi rin ako bingi at bulag para hindi malaman na pabigat ng pabigat ang problema mo sa negosyo mo."
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Pero...ayoko maging working student ka. Mahirap yun. Paano kung hindi ka makapag concentrate sa pag-aaral mo? Nilipat na nga kita ng school from private to semi-private na school nalang. Tapos— oh anong nakakatawa?"
May pa semi semi pa tong si mommyta eh I'm aware naman na public school ang pinaglipatan ko. But, this school is surprisingly different, this is not a typical public school that anyone can join, you need to have brains to pass the entrance exam.
"Mommyta, wag nyo na pong isipin yan. Hindi ko papabayaan ang pagaaral ko. Ako pa ba?"
"Hmmm... pero aside sa nagco-cost cutting tayo, may iba pa bang dahilan why you insisted to transfer to another school?"
Bumitaw ako at lumapit sa refrigirator.
"Oo naman no mommyta! Yun lang dahilan."
"Eh yung nambubully sayo?"
"Huh? Ang tanda ko na mommyta! W-wala ng ganun no! Tinantanan na ako ng mga yun. Matagal na. Wag mo na yun isipin." Naubos ko ang isang baso ng tubig dahil hindi na umimik si mommyta at pinanood lang ako uminom ng tubig
Alam ko sa tingin nya sa akin na yan eh nagdadalawang isip sya kung maniniwala ba sya sa akin or mag-aalala lalo.
"Mag-almusal na po kayo mommyta. Akong bahala na dito, okay?"
"Sigurado ka? Eh kakagaling mo lang sa paghahanap ng part-time job, hindi ka ba pagod?"
"Hindi mommyta. Ako na bahala dito sa mga hugasin. Shooo."
Minassage ko ang balikat nya habang dahan dahan na tinutulak sya sa sala. Nagulat naman ako nang bumungad sa amin ang isang matangkad na malaki tyan na lalaki ang nasa hagdan
"Tama yan. Hayaan mong magka trabaho ang anak anakan mo na yan ng makabawi naman siya sa lahat ng tulong na ginawa mo."
Tinignan ko si mommyta "Anong...anong ibig sabihin nito mommyta? Bakit nandito nanaman 'tong—"
"Hay nako Diego ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong tatawaging anak anakan si Anika! Anak. Anak ko siya. Anak ko siya hanggang mamatay ako."
Napabuntong hininga ako "Mommyta ano hong ginagawa ng lalaking to sa pamamahay nyo?"
Nginitian ako ni mommyta na alam mong pilit kasi nagmukha syang naipitan ng hinlilit sa paa eh.
"Napatawad na ako ng mommyta mo. Isa pa, matagal na yun nakalimutan na namin yun."
Sabat nitong amoy sigarilyo ang bunganga.
"Anak, Anika. Ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kayang...mommyta mo?" sabay yakap nya kay Diego na nasa tabi na nya
"Pero mommyta, niloko ka nya. Cheaters don't deserve a second chance." napahawak ako sa noo ko sa sobrang disappointment
"Aba aba... hoy bata ka wala ka pang karanasan sa pagibig kaya itikom mo ang bibig mo." Dinuro pa ako na akala mo siya ang nagpapalamon sa amin
Ang Mommyta ko ang nagpapakain sa amin. Siya? Wala siyang ambag kundi mag-alak at magsugal! He uses my mommyta for his stupid bad habits! I don't freakin' know where did mommyta get this as$hole. I've been telling her na this Diego is no good for her. We can live ng dalawa lang kami na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay nya!
"Kung inggit ka, maghanap ka nalang ng papatol sayo. Mahirapan ka nga lang dahil... sa itsura mo, ni kapre hindi mabibihag sayo."
"Sssshhh! Ano ba yan Diego, masyado mong binibiro si Anika. Oh sya Anika, umakyat ka na at magpahinga. Ako na dito."
"Tsk. Kakauwi lang ba nyan?" singit nitong Diego
"Ah oo, kakadating lang nya galing sa pagaapply ng trabaho. Kamusta pala, ano nangyare? Natanggap ka ba?"
Para akong nastatwa when I realized na hindi ko nga pala maalala kung ano nangyare kagabi.
Napahawak ako sa ulo ko.
Lights... stage... alcohol drinks...old building...
"Are you okay, sweetheart?"
nabaling ang tingin ko kay mommyta.
"Sus... hangover yan! Pinagloloko ka ng anak anakan mo. Gumimik yan kagabe."
"Tumigil ka nga Diego! Hindi ganyan klaseng bata si Anika! Dear, magpahinga ka na sa kwarto mo."
Random scenarios have flashed in my mind. But it was sooo mixed up that it didnt make sense! Why can't I remember about what happened last night, like how I ended up sleeping at a stranger's house?! Take note, the building was so old like pasado na sya to be considered as haunted!
And that guy? I will visit him once I remember everything. If he does something stu.pid to me that night, I know exactly where he lives. Lagot siya sakin!
Nang makarating ako sa kwarto ay hindi ko napigilan ang sarili kong maluha habang nakatingin sa salamin.
"Ang tanga mo, Anika! How could you be so clumsy and careless?! Now halos mabaliw ka kakaisip what the hell happened last night! Did that guy do something to me? Why is my skirt ripped off? I swear babalikan ko siya at malalagot siya sakin pag naalala ko na anong nangyare! I feel so dumb in front of him! If he touched me, hindi ko siya mapapatawad!"
*
3 weeks. 3 weeks and until now I can't remember anything. Para akong mababaliw na like I'm trying to solve a puzzle na pang high IQ. Minsan gusto ko nang kausapin si mommyta about this, I can't sleep sometimes kasi feeling ko something bad happened to me.
Feeling ko I was mo.lested or r.aped that night. Minsan iniisip ko baka nabuntis ako to the point na pumunta ako sa building na yun ulit and looked for that guy named Red.
Unfortunately, the landlord said that he already moved 1 week ago na. I tried to ask for his phone number pero kahit siya walang contact na. Should I buy a pregnancy test?
Maliiii. Sabihin ko nalang kaya kay mommyta? Maybe she could help me? Pero pano? I can't even remeber what exactly happened to me. Baka kung ano pa nga ang isipin niya eh. Pinaghinalaan niya nga akong may boyfriend, dagdag pa ang Diego na 'to na walang ibang ginawa kundi pagmukhain ako kay mommyta na bulakbol na estudyante.
"Hindi naman siguro ako buntis. Tumataba lang ako siguro kasi bakasyon. Baka kaya delayed lang din ang menstration ko dahil sa hormonal imbalance gawa ng tumataba ako at stressed ako." sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Huhuhu!
I need to find this guy. Hanggat walang kasagutan sa mga katanungan ko, baka mabaliw na ako ng tuluyan!
Hindi ko makakamit ang peace of mind hanggat hindi ko siya nakakausap ng masinsinan!
*
Huling touch up! Okay, pantay naman ang blush on ko. Sinuot ko na ang temporary school ID ko at bumaba na.
Saktong nasa pinto si mommyta kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Oh diba 10am pa pasok mo?"
"Opo. May dadaanan lang po ako bago pumasok. Hehe."
Sabay kiss ko sa cheeks ni mommyta.
"Ay sus. Maghahanap ka nanaman ba ng parttime job?"
"H-hindi po ano! Ba't nyo naman po natanong?"
"Pfftt! Bata ka! Di ka naman mabiro. Smile dear. I want to see you happy all the time."
Kumawala ako sa yakap ni mommyta at nagsuot na ng sapatos.
"I'll get back to my job search mommyta once kabisado ko na ang bawat sulok around sa new school ko, I want to find a job na malapit sa school."
Nang matapos ako magsuot ng sapatos ay dumirecho na ako sa pinto "pasok na po ako mommytah." akmang palabas ay hinawakan ako ni mommyta sa braso
"Hindi ka ba magpapahatid sa tito Diego mo?"
Wala na kasi si manong Ramon kasi bumalik na yung Diego na feeling sya may ari ng mga sasakyan ni mommyta.
"Ah nako hindi po kailangan ko magcommute mommyta para mafamiliarize ako sa lugar at byahe ko sa school."
Please maniwala ka mommyta!!! Crossed fingers habang inaantay ang sagot ni mommyta.
"Hayaan mo na sya my, malaki na sya." Walang ganang sagot ni Diego na halatang ayaw niyang kumilos at nagccellphone lang habang nakahiga sa sofa.
"Oh sabagay, tama ka dy."
Ang bibig ko kaya kong pigilan, pero ang expression ng mukha ko hindi. "Ohh ba't ganyan ka makatingin sa amin Anika? Ano ka ba nandidiri ka ba?!" hiyaw ni mommyta
"P-po? Hindi ah! Aahm may new endearment na po pala kayo?" sabay kamot ko sa batok
"Hihi. Oo nak, he calls me my, I call him dy. Short for mommy and da—"
"O-ok na po mommyta gets ko po gets na gets. A-Alis na po ako." Agad kong kiniss sa cheeks si mommyta at tumakbo na palabas ng gate dahil kinikilabutan ako sa kanilang dalawa
Spell cringe!
1 ride lang naman papunta sa new school ko, kaya lang since bus itong sinasakyan ko madaming bus stop na nagpapatagal ng byahe ko. If naka-car mga 10 minutes andun na ako.
Ok, aaminin kong 2nd time ko palang magcommute.
Walang vacant seat sa harapan, kaya nakapwesto ako sa gitna at window side. Turo ni mommyta, wag daw akong pupwesto sa pinakadulo. Pag nagkaroon ng aberya, madali daw akong makakalabas ng bus.
Sakto wala pang nakaupo sa tabi ko kaya medyo sinakop ko na rin ung kabilang seat at pumikit. Medyo kulang ako sa tulog, halos 1 month akong naglibot ng city and other cities to find part time jobs pero hindi ako pinalad. Hindi ko alam hindi nila ako tinatanggap lalo na sa mga fast food or restaurant. Unang tingin palang ayaw na nila sa akin.
Ang akala nga ni mommyta, napunta ako sa library okaya sa mga coffee shops para magreview or magaral, she doesnt know na hindi parin ako tumitigil sa paghahanap. Kung hindi lang nagsstruggle si mommyta sa business niya, hindi ko naman ito gagawin. Pero ayoko na wala akong gagawin sa part ko.
"A-aray." agad akong napadilat dahil naramdaman kong may tumabi sa akin at medyo harabas ang pagkakaupo niya
Agad akong umusog at umayos ng upo nang makita ko ang tumabi sa akin.
Isang lalaking malaki ang katawan na sumisingaw ang alak na ininom niya at sigarilyong napakatapang ng amoy. He's wearing leather jacket pa.
Hindi ko maiwasan mapatakip ng ilong nang dumighay siya at nilingon ako.
"Miss...san ba to papunta?"
Nanlaki mata ko nang kausapin ako. Ano naman isasagot ko? Huhu hindi ako maalam sa lugar, second time palang ako nagcommute sa tanang buhay ko.
"Bingi ka ba o pipe? Huh? Dun ka dapat nakaupo sa harapan."
Agad kong binuksan ang phone ko para icheck sa google maps.
"Aahh... nagbibingi bingihan ka. Tsk. Nababahuan ka ba sakin?" Napasandal ako nang duruin niya ako at nanlaking matang nakatingin sa daliri nyang mabuhangin ang kuko
"H-hindi po ah. May sinusitis po ako ti-tignan nyo halos tumulo na yung si-sipon ko." sabay lapit ko sa kanya at nilakihan ko butas ng ilong ko
"Aah akala ko kasi nababantutan ka sakin eh. Pumapatol kasi ako sa babae eh. Ayoko sa maarte binibigwasan ko agad pag pumalag." sabay angat nya ng kamao nya
Ako naman eh napasign of the cross. Huhu! Iba talaga amoy nya! Naghalo ang alak, usok at...putok niya.
"Ahh nako h-hindi po ako ganun. San po ba kayo papunta?" tanong ko
"Dyan sa Rocess."
Agad ko naman chineck yung Rocess sa maps. Napakagat ako ng labi nang makitang mauuna pa akong bumaba sa kanya, it means makakasama ko sya sa buong byahe ko. Bakit, Lord?!
"Aah yung Rocess po is mal—"
"Rocess?" parehas kaming napa angat ng ulo sa lalaking naka cap and shades na mukhang kami ang tinatanong
"Oo. Rocess ako bababa? May problema ba?" sagot agad nitong laseng na katabi ko
Nakita kong nagsmirk yung lalaking nakashade, ang yabang kasi nitong lasing talaga na to eh! Huhu!
"Yung Rocess? Nakalagpas na boss. Kung ako sayo bababa na ako kasi malayo pa lalakarin mo."
Napatingin naman ako sa maps. Namali ba ako ng tingin? Hinanap ko ulit ung Rocess sa maps at tinignan yung lalaking nakashades na may pagtataka sa mukha ko.
Napansin kong naka school uniform sya kahit na nakasuot sya ng jacket...his jacket was not closed so kita ko ang logo ng school uniform niya and....schoolmate ko pala siya!
"Aaah ganun ba? Putang•na talaga oh. Malas. Sige bababa na ako! Tabe!" bago pa man ako makapagsalita eh tumayo na ito at hinawi niya itong nakashades kong schoolmate
"Hoy ibaba mo ako dyan sa tabe!" hiyaw nung lasing sa driver
Nako. Malayo pa yung Rocess! Mali 'tong schoolmate kong lalaki.
"M-manong hindi po kayo lumampas sa—mmhmmp!"
Halos mawalan ako ng hininga sa gulat sa biglang pagtabi sakin nitong schoolmate ko at tinakpan ng mahigpit ang bibig ko. Nagpumiglas ako at natabig ko ang shades nyang suot na tumilapon sa sahig until sumensyas sya sakin na tumahimik.
He leans forward and bumulong sa tenga ko.
"I'm saving your peace. What the he.ck are you trying to do?"
Narealize ko ang intention nya kayat I lessen my grip sa braso niya at kumalma. He did not let go of me until the drunk guy left the bus.
Hindi ko alam san ako titingin sa sobrang lapit niya. I could even smell his scent and hear his breathing. Napatitig ako sa adams apple niya, sa leeg niya na may birth mark na color brown malapit sa collar bone niya.
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto kaya kinalabit ko ang braso niya. "Hindi pa siya nakakababa." agad niyang sagot sa pagkalabit ko
Huh? What? Antagal naman? Ano ba yun pagong?
Nangangawit na ang balakang ko kaya kumapit ako sa braso niya para makaayos ng upo. He looks at me after doing it and noticed na napalunok siya at umiwas ng tingin.
"Hmmmpp." hindi ko na keri talaga
"He's gone." sabi niya at binitawan ang bibig ko. Sus! Antagal naman nun bumaba!
Agad ko naman inayos ang buhok ko at umupo ng maayos. Tumingin ako sa window para makita kung nakababa na talaga yung lasing but I couldn't find him but it's much better narin kesa tiisin ang masangsang na amoy at mag—
"Omg!" Napahawak ako sa labi ko.
Sa reflection ng salamin I saw that my lipstick was smuged around my lips. Ganun ba kadiin ang hawak nya sa bibig ko to the point na kumalat ito at namula around sa bibig ko?
Sabagay. Ramdam ko parin ang hawak niya sa bibig ko.
Mukha tuloy akong nakipaghalikan sa kanya! Hays!
"Excuse me. Look what you did to my—"
I was stunned when I saw that he's looking at his palm na may stain ng lipstick ko.
"H-hindi ko kasalanan yan ah. Ikaw nga eh, you ruined my make up." habang naghahalungkat ako ng tissue sa bag. Huhu!
"Oh." inabot ko sa kanya ang tissue, tinignan niya muna ito bago kunin sa akin
Kumuha din ako ng isa para punasan ko naman ang stain sa gilid ng lips ko but he suddenly faced me and pulled my chin to get closer to him
Mahigpit na kapit sa palda ko lang ang nagawa ko when he started to wipe off the stain on my lips. He was so gentle and focused on it.
When he finishes, nilagay niya sa palad ko yung tissue na pinangpunas nya sa akin and tumayo na.
Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko when I felt like I've seen him somewhere.
Now, I'm forcing my brain cells to remember where the heck did I see that...that face of him!
I swear his face is freakin' familiar!
Umayos ako ng upo.
Huh? Nasan na siya?
Nagbabaan na ang mga schoolmates ko pero I can't find him anymore. Sinukbit ko na rin ang bag ko at tumayo, but before ako umalis ay dinampot ko yung shades na tumilapon kanina. Bakit kaya hindi niya kinuha 'to?
Hays! I swear he looks fam—
Napatayo ako ng wala sa oras.
"Red?! I remember him! Siya yung impaktong matagal ko nang hinahanap!"
"Ineng! Ano ba?! Bababa ka ba?!"
"Huh? Aaah opo! P-pasensya na po!" sagot ko sa driver
*
I was about to knock on the dean's office when someone approached me.
"Oh hi, Anika Sanchez?"
I immediately turned
"Aahm...hi, yes. Ako si Anika."
"Nice to meet you. I'm Diaya, part of the student council and I was assigned to assist you on your first day."
After the shake hands she opens the door for me.
"Sorry, I'm 15 minutes late. I was lost and couldn't find this building." saad ko, but the truth is... I tried to find that guy named Red. Pero, hindi ko siya nahanap. 6 weeks na ang nakalipas pero hindi ko maintindihan bakit hindi ko maalala ang nangyare sakin nung gabi na yun. I didnt proceed with the pregnancy test kasi I'm freakin' scared! At isa pa, what if nothing happened to me naman talaga diba? Huhu! Para ba akong nagka amnesia. He's the only answer to my questions. May mga naalala ako from that night pero hindi siya magkakarugtong. It feels like I was in a place called... club? Diba? Interview tapos club? Hays!
"Nako, that's fine. I was just like you on my first day haha. Didn't know public shools would be this big."
She said as she hands me over a form.
"Fill out this form pala before kita i-tour sa bawat sulok ng school na 'to."
After ko magfill out ng form inabutan niya ako ng parang brochure that contains information ng school, organizations, list of student councils, map— everything about this university.
"Aaah Diaya, may list ka rin ba ng students ng university na 'to?"
Napakunot ang noo niya "Hmm... anong gagawin mo sa list of students--"
"Aah nevermind hehe. Na-overwhelm lang siguro ako. Hehe."
Kashungahan! Why on earth naman na meron siyang list ng students ng university na 'to?
"Aahm can I have pala yung student form mo?"
"Ah yes sure. Here you go."
She looks at it and hindi ko alam why her reaction was kinda weird.
"You...you came from Maxton University?!"
Napaatras ako sa reaction niya.
"Ah oo, galing ako—."
"Like... Girl! This school is hella prestigious! Like top tier! This is the first time may transferee from Maxton University! Edi may naging classmate ka na artista? Anak ng President? Naging kaklase mo ba si Bright?"
"Aah... oo and I know Bright but I never had a chance to speak—"
"Kyaaaa! Crush na crush ko siya! Are you friends sa social media? Totoo bang kulay blue mga mata niya?!"
"H-hindi kami friends sa social media eh. But it's true that his eyes are blue."
"Kyaaaa! Ang swerte mo araw araw mo nasisilayam ang pagmumukha ni Bright my—"
"Ehem!"
"Ay palakang dapa ka— Ay Sir Castro, good morning!"
Sa sobrang ingay ni Diaya, na-draw ata niya ang attention nitong isang Prof na lumabas ng classroom malapit sa dean's office.
"Good morning, Diaya. I'm just curious—what made you scream na para bang nakakita ka ng multo?"
"S-Sorry for interrupting you Sir. Castro."
Nakita kong sinesenyasan ako ni Diaya na umalis na but— "And why are you still not wearing your school uniform? Were you not informed that students must wear their school uniforms on Mondays?"
Napaatras naman ako sa kaba
"Aaah Sir Castro new student po siya. Kakalip—"
"I see. Then you must remind her that next week, we are no longer lenient. A policy is a policy." sabay talikod niya sa amin
*
"So dito sa school natin has two libraries. Itong library na to is open for everyone then sa kabilang building, nakikita mo yun?"
Lumingon naman ako sa tinuturo niya.
"Yung gray building?"
Nakita ko naman ang tinutukoy nya. Sa totoo lang malaki nga itong school na ito, and hindi mo aakalain na public school. I didn't expect that it would look decent and comfortable. Malayo sa sinasabi ng mga schoolmates ko sa dati kong university about public schools.
"Yup. That is the Library B. Not everyone has access to that library kasi—"
Automatic na napaatras ako sa gulat ganun din si Diaya kaya siya tumigil sa pagsalita.
"Talaga naman ang mga 'to! Nakakadagdag sila ng pimple!" galit na galit na sambit ni Diaya at nilabas niya ang cellphone niya na sa palagay ko ay vivideohan niya yung nagaganap sa roof top.
May mga studyante kasing nasa roop top at mukhang magbubugbugan n—
"Omg! K-kaya niya ba yan?" tanong ko kay Diaya nang mapansin ko na isa laban sa apat ang nangyayare.
"Tsk! Pasalamat 'tong mga 'to hindi latest ang cellphone ko kundi na-ultra zoom ko ang mga pagmumukha talaga nila! Grrr! Kahit san nalang talaga ang mga basagulero na 'to!"
Hindi ko nalang inulit yung tanong ko kay Diaya dahil iba yung gigil niya habang vinevideohan niya yung mga lalaking schoolmates namin na nagsimula na maging mala John Wick.
Nang makita kong tinabi na ni Diaya yung cellphone niya ay umiwas na rin ako ng tingin sa mga tao sa rooftop.
She wiped her sweat on her forehead bago niya ibalik ang atensyon nya sakin.
"Aah pasensya ka na Anika ah. Wag ka magalala dun sa nakacap & jacket, parang pusa yun, siyam buhay nun."
Tinutukoy niya yung isang guy na kalaban nya ay apat. Napatingin ulit ako sa rooftop. Oh, nasan na yung iba? Bakit 2 nalang...binubugbog niya?
"Anyway, balik tayo sa library. So ayun nga, not everyone has access to that library."
Inakbayan na ako ni Diaya para umalis na rin sa Libryary A.
"Well...unlike sa library na to, limited lang ang books dito and monitors. Sa library na yan wider and mas updated mga books dyan, useful for your thesis, exam, feasibility study, etc. Mas madaming computers, may tablets na you can also use at may conference room if you guys have meetings."
"Hmmm I still don't get why not everyone can access that library."
"Well, this library can be accessed by scholars, student council, varsity, top students— let's just say that it's the university's way to push the students to be more active sa curriculum activities, maging collaborative and sociable."
"So does that mean I won't be able to go there?"
"Hmmm may way naman, join ka ng clubs or organization like choir, dance troupe, drama and photography clubs, sports clubs, environmental–"
"Diaya!"
Napalingin kami sa tumawag sa kanya. Kumaway itong & tumakbo palapit sa amin na sa palagay ko ay part ng student council.
"Hanap ka ni Prof. Santiago, need ata niya ng access sa board room daw."
"Huh? Eh kamo hindi pa ako tapos with Anika, wala pa kami sa kalahati."
"Ganun ba? Sige, hindi naman pa ata niya kailangan baka mamaya pa. Sige sabihin ko nalang puntahan mo nalang sya mamaya."
Umalis din agad ito. Iniisip ko naman ngayon san akong club or org sasali. Wala naman akong hilig kundi magpacute. Char! I'm into art & music, pero hindi ako sumali sa kahit anong org sa dati kong school.
"Ah ayun haha! Going back dun sa topic natin, join ka sa org, andyan sa brochure yung list of student organization or club na pwede mo salihan. Once member ka na, you'll have a library card."
"Hhmm what if hindi ako sasali? What's an alternative way para makaaccess?"
"Well... it's either maging isa ka sa mga top students or bibili kang library card hehe every month ang bayad. Alam mo naman na kahit public school to, wala ng libre sa mundo. May babayadan at babayadan ka parin. Sad, right?"
"I see. Sige, I'll review nalang tong brochure."
Nagpahinga muna kami sa cafeteria, mag 15-minute break daw muna kami baka daw gutom na ako.
I was shocked how clean the cafeteria is.
To be honest, maganda ang facility, it doesnt look like it's a public school. It's neat and not that crowded as what I found on my research and the food is quite affordable, unlike sa dati kong school na we need to have cafeteria card na niloloadan namin as our mode of payment for the food tapos ang mahal na, di naman kasarapan.
"After kita itour sa buong University, next agenda is I will let you know the people you need to know and be ware of."
Napalunok naman ako ng biglaan sa sinabi ni Diaya. "Pffft! Oh water. Kinabahan ka ba? Hahahaha! Hindi talaga siya kasali sa agenda but I don't want you to experience what I have experienced before. Macu-culture shock ka ng malala if hindi ko siya isshare sayo."
"Hmm medyo. Hehe. Actually kinakaban nga ako eh, I don't know if I can vibe with everyone here. Baka maging outcast ako?"
"Girlll. Akong bahala sayo. Just avoid lang yung mga taong sasbihin ko sayo later na need mo iwasan. Hindi ka maa-outcast or in trouble, pero don't let your guard down. There are lots of eyes here, don't be carefree."
Tumayo siya and lumipat sa tabi ko.
"Being smart and less fortunate are not the only requirements to fit in here..."
She leans forward to me para bumulong "...you need to be resilient as well."
Tumango lang tanging response ko kay Diaya. Dun pa naman ako kapos. Charot!
"Pero...don't worry, I'll be here for you. I know it's gonna be hard, pero kakayanin mo. I've been there, I was just like you 2 years ago."
Infairness kay Diaya, it suits her, being part of the student council.
"I added you pala sa lahat ng socials mo. So you can reach out to me if you need—"
"Diaya!"
"Oh ikaw nanaman? Charez!"
"Haha! Sorry, need na daw yung board room eh."
Napatingin sakin si Diaya kaya inunahan ko na siya.
"Okay lang. I'll wait for you, I'll roam around nalang muna."
"You sure? Mej matagal to mga 30 minutes pagset up ko kasi jurasic yung equipment ng school natin."
"Yup. Okay lang talaga, I'll review 'tong brochure rin."
"Okis! Chat me if may aberya. Byeeee!"
Habang pinapanood kong tumakbo si Diaya palabas ng cafeteria, nakaramdam naman ako ng kirot sa tyan ko.
"Lord, hindi ito ang tamang oras para sa ganitong tawag." Bulong ko habang minamassage ko ang tyan ko.
Lintek tinatawag ako ng kalikasan! Kung kelan wala si Diaya! Huhu! San ba restroom ditooooo?!
Napa sign of the cross ako bago tumayo at lumabas ng cafeteria para maghanap ng pinaka malapit na restroom.
Namutla, nanlambot, napaupo at napaluhod.
Maawa ang lahat ng nasa taas!
Kanina naman visible yung restrooms nung naglilibot kami ni Diaya! Bakit kung kelan naman kailangan mo siya, hirap mahanap?!
Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan ng makatayo ako na sa palagay ko ito na rin huling beses na makakatayo ako kung hindi pa ako makakakita ng restroom.
At parang nagliwanag ang pinto ng restroom ng makita ko ang signage nito.
Dito lang ang atensyon at tumakbo ako dahil lalabas na siya!
Haaaist! Anong gagawin ko ngayon?!
Nilibot ko ang tingin ko for the 5th time sa loob ng cubicle, still no sign of hope! Walang bidet! You know what's even worst? Walang tissue!
How am I going to get out of here— naiiyak na ako! I know I'm a girl and I should have at least a face tissue or baby wipes pero wala! Wala! Wala!
Hinalungkat ko yung bag ko for the 2nd time. Huhu anong oras na hinahanap na siguro ako ni Diaya! 20 minutes nalang din first subject ko na! Bakit ko ba kasi naisipan uminom ng... I can't even remember what drink I bought!
"Ay kabayo!" agad akong napayakap sa bag ko na walang laman dahil nagkanda tapon sa sahig ang mga laman nito sa gulat ko dun sa nagbukas ng balagbag sa pinto ng restroom.
What even made me flinch eh when I heard a groan.
A groan!
Napalunok ako habang pinapakiramdaman ko yung pumasok. Huhu! It was a deep groan like...like the voice was hurt!
"Oh Lord I'm your child." nakapikit kong sambit when the next thing I heard is the faucet has been turned on.
Agad din itong namatay. Ang lakas ko talaga kay Lord kahit papano. Huhu! Matakot ako dapat sa buhay hindi sa patay! Right?!
Nang wala na akong narinig, agad akong bumalik sa paghalungkat ko sa bag ko.
"Please kahit gamit na tissue, wala ba? Haist! Kung kelan naman kasi kaila—"
"Ehem!"
Huh? May tao?!
Medyo binaba ko ang ulo ko to check sa ilalim kung may tao. Hindi ako nagkakamali sa narinig ko, malalim ang boses nun!
Again, matakot sa buhay wag sa patay— waaah! Ano yun?
"M-may tao ba dyan?"
Bakit?
Bakit sapatos ng lalaki ang nakita ko?! Please naman grabe ang plot twist!
I noticed that he took a few steps to the right.
"Aah e-excuse me? Hello! If h-hindi mo napansin you're in the girl's restroom."
Napaatras naman ako when he stood in front of my cubicle's door. Napasign of the cross ako ng 3 beses. Ganito yung mga eksena sa horror movie eh!
Kaso...he's wearing a sneaker... hold on this shoes was just recently released. So confirmed he's not a ghost!
"Waaaah!"
Halos mapasandal ako sa gulat nang may kamay na sumulpot sa ilalim sa pinto pero agad din ako natauhan when I realized what's in his hand.
"S-salamat...sa tissue." sambit ko habang nakangiwi ang mukha ko nang makita ko ang tissueng inabot sakin
"S-salamat sa tissue...pwede ko malaman san mo muna 'to unang pinunas?" sabay kagat ko ng lower lip ko
Idiot! So idiot! Ngayon ka pa talaga nag-inarte?! Of course he wouldn't give you a used tissue if there's an available and clean toilet tissue here!
"Aaah...don't mind me nalang pala. T-thank you ulit." ipit na ipit ang voice ko dahil ayokong mapansin nitong naiiyak na ako sa sobrang frustration .
Whoever this person is, I hope he'll never see me again!
I cleared my throat habang hinihintay ko na matapos siya gumamit ng restroom, I even heard the sound of his zipper when he peed! For God's sake!
Nang wala na akong marinig, I proceeded to my mission.
Thank God it was a successful mission! Nangalahati ang alchohol ko and I sprayed all over my freakin' body my perfume that mommyta bought from Japan 2 years ago. Yung tinipid ko siya tas ngayon siya mauubos?!
With the amount of perfume that I sprayed all over my body? No one will ever know what I did here. Ever!
I remembered Diaya saved her contact number on my cellphone kaya I grabbed it and sent her a text message to meet me at the cafeteria. Bago lumabas, syempre nagayos muna ako ng mukha dahil kanina tagaktak ang pawis ko sa sobrang intense ng tiyan ko at sa kaba ko na akala ko dito na ako tatanda!
"Mwaa." Nagkaron ulit ako ng kulay, grabe namutla ako dun ha.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong restroom. Shocks, sa boy's restroom nga pala talaga ako accidentally nakapasok. Pero buti nalang isang guy lang ang gumamit kanina. I wonder who he is. He saved my as.s, literally!
Ay teka nga why am I still here baka may pumasok pa nakakaloka!
I immediately grabbed the door knob para lumabas na but as soon as I opened it, hindi kalayuan ay may lalaking naka-cap ang biglang tumakbo sa direction ko.
Slow motion ang eksena the moment I realized that this person is about to attack me.
"Wha—hhmmmpppp!"
I tried my best na kumapit sa pinto but he was too strong! He pushed me back inside the restroom, covered my mouth and his other arm was around my waist like he's almost carrying me.
He didn't stop until my back touched the wall. He immediately released me and locked the door na nagpakaba sakin lalo!
Habol hinga ako at halos mapaupo gawa ng nanlambot ako sa gulat. When he realized my knees are giving up agad siyang lumapit sa akin.
I tried to push his hands away from me and gustong gusto kong sabihin na lumayo siya sakin but I was too weak and scared. Hanggang sa nahawakan niya ako sa dalawang balikat para makatayo ako ng maayos
Sinubukan ko pa siyang suntukin sa dibdib but I lost 80% of my strength.
All I could do was to take a look at him, wondering why he did this.
What does this guy want from me?! Is he...is he going to rape—hindi pwede!
Kalmot.
Tama, kalmot!
If I leave a mark on him, it will show on the DNA test! And he'll be caught for his crime!
Right!
"Ssshhh!"
Pagsuway niya sakin after doing it. This time he held both of my hands at iniangat ang mga ito at sinandal sa pader at diniin niya ang hawak nya so I couldn't escape!
I looked at his neck, namula agad ang pagkalmot ko dito and unti unti na parang may lumitaw na butil ng dugo.
Is he...going to rape me?!
Why?! First day ko palang sa school na 'to! I haven't even attended my first class!
May mas malala palang mangyayare sakin. I thought my life back there was the worst. Mukhang kahit san pala ako mapadpad, bad luck and danger follows me.
"Please...I'm scared. Please...don't do this. Maawa ka." hindi ko alam san ko nakuha yung lakas na yun at nakapagsalita pa ako. Nakapikit na ako dahil pilit kong pinipigilan na tumulo ang luha ko.
"Red! Lumabas ka dyan! Ngayon mo labas tapang mo hudas ka!"
Someone is banging the restroom's door na nagpadilat sakin. Red?
I looked at him carefully.
"F.uck." sambit niya habang nililibot nya ang tingin niya sa buong rest room
Is he the Red that I've been looking for?!
At hindi ko namalayan na natanggal ko ang cap na suot niya. He immediately held my hand at ako namay hindi inalis ang tingin sa mukha niya.
"Red! Labas o dyan ka na mabubulok?!"
"Red." sambit ko sa pangalan niya pero tinabig niya lang ako at tumakbo siya papuntang pinto when the door seems no longer stable. Sumandal sya sa pinto to prevent it from opening.
Nagawi ang tingin ko sa suot niyang sapatos na tumutunog sa sahig kapag napapadaus dos sya sa pagtulak sa pinto.
Napakunot ang noo ko.
He's wearing samba shoes.
Is he the guy earlier? Who gave me a used tissue?
Did he...did he wait for me outside? Inabangan ba niya ako?!
Napailing ako.
Teka... tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa kahit na nakatalikod siya sa akin.
He's also the guy from the roof top!
"Tsk! Duwag ka pala! Ang yabang mo kanina sa rooftop! Ngayon, ano? Nagtatago ka dyan?! Kelan ka pa natuto maging duwag? Labas mo tapang mo!"
Omg! Baka yung kumakalampag sa pinto yung mga ginulpi niya kanina sa roof top!
H-hindi ako dapat andito! I know I've been wishing to find him pero hindi sa ganitong lugar at sitwasyon!
Dinampot ko ang bag ko at tumungo sa pinto.
"Palabasin mo—"
"What the f.uck do you think you're doing?!"
Tinulak niya ako as soon as makalapit
"I'm not supposed to be here. So let me—"
"Hide in the cubicle." tinabig niya ako na sa sobrang lakas eh napaupo ako
"F.uck." He said at nagalinlangan pa siya kung tutulungan niya akong tumayo
"Tang.ina? What are you? A standee? Why are you so weak and light?!" sambit niya nang maitayo niya ako
Standee? Standee nya mukha niya! Why did he drag me here in the first place?! Diba?!
"Bingi ka ba? I told you to hide inside the cubicle. Hindi ka nila pwedeng makita dito." tinulak niya ako papasok sa dulong cubicle. Why is he so harsh and aggressive?!
Binaba niya yung takip ng toilet and demanded me na tumayo dun at ilock ang pinto. Hindi agad ako nakaimik sa bilis ng pangyayare.
"Da.mn it." kinarga nya ako at pinatong sa toilet bowl.
Nanahimik nalang ako 'cause I'm in a life or death situation. Well, obviously that's what's going to happen if the thug guys will be able to open the door! Madadamay pa yata ako! Huhu pwede bang magteleport nalang?!
"Wala akong pake if matuluyan na akong makick out sa school na 'to, makabawi lang ng gulpi sayo, Red!"
Isang malakas na tunog ang narinig ko na sa palagay ko ay nabuksan na yung pinto ng restroom! Daig pa namin ang na-raid sa POGO!
"Pffft! Anong balak mo? Magtago dyan sa cubicle na yan?! P-uta anyare sayo?"
I am not supposed to be seen here! I pushed his face, strong enough para mapalabas sya ng cubicle. Dahan dahan ko naman sinara ang pinto as he walks towards the thugs na nakapasok na ng restroom.
*
Paingay ng paingay sa restroom at kating kati na ako sa mga lamok na pinupog na ako!
All I can do now is kamutin ang bawat kagat ng lamok. I should never make even the slightest noise, or else I'm doomed!
Ggrrrh! I can't take this anymore! Gusto ko sila pisakin kapag nakapit sila sa balat ko pero it will create a noise!
Te-teka. Tumahimik.
Umayos ako ng upo while pinapakiramdaman ang paligid.
"Tangina... nang dahil lang sa paggulpi namin sa mukhang unggoy na yun tinabla mo kami, Red??"
"Tsk. Yung puta-nginang ginulpi nyo may medical condition. Sinabi ko naman sa inyo diba? Hindi ako fan ng pumapatol sa mahina."
"Eh ogag ka pala, Red! Pare parehas lang tayo ditong demonyo. Pinagkaiba lang natin, papunta ka na sa grand master level."
"Pfftt... I can't believe I had to step down just to beat you up."
"P-puta! Narinig nyo yun?! Nagee-english to—"
Huh? What happened? Bakit tumahimik?!
Aarrgh! Hindi ko na kaya talaga ang mga lamok! Ano ba gagawin ko?! Teka, yung cellphone ko! Bakit hindi ako humingi ng saklolo kay Diaya?!
I immediately grabbed my cellphone, at alam nyo yung nakakainis? Walang signal bar kung kelan kailangan mo! Medyo tumingkayad ako at inangat malapit sa bintana ang cellphone ko, bakasakaling makasagap ng signal.
Inangat ko pa. Wala pa rin!
Inangat ko pa at sagad na ang tingkayad ko but still got no signal barrrr!
I swear if it's not gon—
"Oh! May signal na!" I said as soon as tumunog sunod sunod ang cellphone ko because of the notifications.
Nakita kong madaming messages si Diaya kaya't I started to compose a message na at—
"Pu.tangina! Sino yun?!"
Niyakap ko ang bag ko at pumukit when I realized I've been caught.
Shutabels! Why didn't I realize that the sound from the notifications will be heard as well?!
"G-get away from me!" hiyaw ko when I heard someone bang on the door.
"Tang.ina narinig nyo yun? Bebot yun ah! Englishera pa! Kaya ka ba dumirecho dito Red dahil may bibirahin ka?!"
"Hah! Akala ko kaya yan tumakbo dito dahil naduwag na satin, p•uta yun pala may tinatago dito!" a different guy spoke
"Buksan na yan nang pagfiesta-han natin. Makasarili tong Red na 'to hindi marunong magshare." paos na boses naman ang narinig ko at tawanan na hindi mo nanaisin marinig
Bumaba na ako at sumandal sa pinto dahil dire direcho na ang pagkalampag dito. The next thing I knew is umiiyak na pala ako.
"Hi, babyyyy." may isang guy na umakyat at sinilip ako from above.
"Kyaaah! Umalis kayo dito!" binato ko ung sapatos ko sa mukha nya and luckily, tinamaan ko siya kaya napababa siya.
"Tsk. I'm bored tapusin na natin to."
I heard Red's voice na nagpatigil sa kanila kalampagin ang pinto
"Ang yabang mo talagang kumag ka. Sige, tapusin na natin to, pagkatapos ka namin lumpuhin, yung bebot mo naman ang lulumpuhin namin."
"Hahahaha! Arvin abot mo sakin yung tubo!"
Napadausdos ako ng upo dahil akala ko talaga mabubuksan nila ang pinto. Pinunasan ko ang mga luha ko and kinuha ko naman agad ang cellphone ko. Hindi pwedeng magii-iyak lang ako dito, I have to do something!
I will never let those ass.holes touch me!
Nahirapan pa ako iunlock ang cellphone ko sa sobrang nginig ng kamay ko.
Pahamak!
The reason why I got caught was because of my katangahan! Pero walang magagawa kung magiiyak ako dito, right? I promised that I will never let myself get hurt again. Never again!
Sumampa ulit ako sa toilet at mabilisan na nagsend ng text message kay Diaya. Thank goodness nagreply agad sya kaya naman nagmadali na ako magreply sa kanya kung nasan ako.
Teka, nasan ba ako?! Am I on the 3rd floor or 4th floor?!
Ah bahala na basta sa restroom—
"Ay kabayo!"
Agad akong napangiwi at humawak sa ulo ko.
Para akong nakakita ng multo at nanigas nalang habang nakahiga sa sahig. I don't know where my strength hid at tanging kaya ko lang gawin ay pagmasdan siya na parang may hinahanap ito sa sahig around me. From my view down here? I could see how pointed his nose is.
Napakunot ang noo ko nang marealize kong hawak na nya ang bag ko.
"Where the f.uck is your phone?"
Te-teka does it mean he was able to beat those thugs?! Again?!
He looked at me in the eye and I weirdly felt something inside me and the way his eyes blink was like in a slow motion. Nilibot ko ang tingin ko sa buong mukha niya and my eyes got stuck sa gilid ng lips niya na may dugo.
Hindi ko namalayan my hand was slowing trying to touch it.
"RED?!"
Someone shouted from outside that woke my system up.
"Red! Anong nangyare dito?! Anong ginawa nyo kay Anikaaaaa?!"
I saw Diaya at the door, shocked and ran hysterically towards us.
"Jusko bakit siya nakahandusay sa sahig?! Anong ginawa nyo sa kanya?!" sabay tabig nya sa kamay ni Red na hawak ang kamay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top