One: Lip Balm

Anika's POINT OF VIEW

"Maliii. Mali ako ng pagkakaintindi! Hindi pala morning, evening pala ang scheduke ng interview ko as in mamaya na!" binrush ko ng mabilisan ang kilay kong hindi ko na talaga mapantay at agad kong hinugot ang phone ko sa pagkakacharge at dali daling tumakbo palabas ng gate

"Anika? San ka pupunta?" Tanong ni manong Ramon, ang family driver namin.

"May job interview po ako, paki sabi nalang po kay mommyta uwi ako mga gabi na."

"Huh? Eh gabi na ngayon?" nagtatakang napakamot nalang ng ulo si Manong Ramon at hinayaan akong halos madapa dapa palabas ng gate namin.

Pumara agad ako ng tricyle para makalabas sa village namin, tas nagbook nalang ako ng grab papunta sa address ng company na iinterview-hin ako.

This is the first time someone invited me for an interview! Weird pa nga kasi I never submitted my resume to this company, but they sent me a text message to visit them for an interview.

As a first-timer, I got so excited because it was only like 20 minutes of finding a part-time job on all social media and job portals may gusto na sakin agad maginterview!

Well, who wouldn't like to invite me? Hindi naman mataas ang asking salary ko na nilagay sa profile ko.

Laking ngiti ko dahil 8:05 pm palang at 5 ninutes palang akong late. Yes, it's weird my interview schedule is sa gabi, ako din naweirduhan pero aarte pa ba ako?

Pagkababa ko ng taxi, direcho agad ako dun sa guard at agad ko inabot sa guard yung Government ID ko since ang alam ko pag papasok ka sa isang private building, need nila ng ID pero hindi ako pinapansin ng guard at sa palagay ko eh nage-ML lang sya kaya ginawa ko kesa lalong malate eh pumasok nalang ako.

It's kinda weird because the building is almost like an abandoned building sa itsura niya, the design is not as modern as most of the buildings in Manila.

When I reached the lobby, okay naman pero there's no air condition inside the lobby and the smell of the place is kinda... maalikabok.

Napahawak ako ng mahigpit sa backpack ko when I saw a man walking na pasuray suray.

"Isang tagay pa!" sigaw niya and I let him walk pass me bago ako tumungo sana sa elevator

Sadly, there was a signage that the elevator is under maintenance.

So pano to?! 5th floor pa yung pupuntahan ko! Arrggh! Kahinaan ko pa naman ang hagdan!

Wala naman ako magagawa kaya tumungo na ako sa hagdan. Bawat floor na madaanan ko, kundi babaeng may kasamang lalaki na magkaakbay ay may mamang nakahiga sa gilid na may hawak na bote ng alak ang bumubungad sa akin.

Tama ba 'tong napuntahan ko? Hay nako naman!
Gusto ko lang naman makahanap ng part-time job! Bakit parang hinahamon ako ng mundo?!

"T-teka lang wala pa tayo sa room natin iih."

Napaatras ako sa dalawang nakasalubong ko na pagewang gewang ang lakad at nakayapos pa yung babae sa bewang nung kasama niya.

"Tumabi ka nga!" hindi ko alam pano ako inabot ng kamay nitong lasing na mama na ito at nahawi niya ako't napasandal ako sa pader.

Napapikit pa nga ako dahil dun pa talaga ako humampas sa may bakal na nakaumbok sa pader.

Agad akong tumayo pagkalampas nila sakin, inayos ko agad yung coat ko kasi baka nadumihan ma-turn off pa ang HR sa akin.

Hhmm? Nasa tamang floor ba ako?

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko at nakareceive ng nakakanerbyos na text message.

"Nasan ka na? Anong oras na."

Nagpanic ako't sakto nasa tapat ko yung room number ng tinext niyang address kaya't dali dali akong pumasok

Kakayanin ko ba 'to?

Syempre!

"Anong tinatanga mo dyan? Galaw galaw baka mastroke!"

"O-Opo!"

"Sinisigawan mo ba ako?!"

"H-hindi po."

"Okay, sige kembot."

"P-Po?!"

"Kembot o ibabato ko sayo 'tong lamesa?"

"O-Opo! Sige po!"

Sa sobrang bilis ng pangyayare hindi ko namalayan sumisigaw ulit si Madam Sunshine, ang tawag sa kanya ng mga tao dito sa papasukan kong part-time job.

Ansakit sa mata ng sinag ng mga ilaw na tumatama sa akin parang mabubulag ako pero sa nakikita ko wala akong karapatan umarte kasi parang matetegi ako pag nagreklamo ako kaya't ginawa ko ang utos sa akin

Ni hindi manlang ako pinaupo pagkapasok ko, pagkasabi kong ako yung applicant na nakaschedule today eh bigla nila akong pinatayo sa stage at may pinainom sila sakin na nagpangiwi sa akin dahil sa pakla nito! I didn't get the chance to ask what drink it was as they look like they were in a hurry.

"Sige, ibaba mo pa ang paggiling!" Hiyaw ni Madam Sunshine daw kaya ako eh gumiling pababa kahit na nasusuka na ako sa sakit ng tyan ko kakakembot.

"Huwaaak." nanlaki mata ko't napahawak sa bibig ko

Not now stupid tummy! Hindi ngayon ang oras para masuka! Mukhang di naman napansin ni Madam Sunshine dahil sakto may pumasok na tatlong lalaki at naupo sa unahan na table na kumuha ng atensyon ng lahat.

Aarggh! Bakit parang nahihilo ako?!

"Isang case nga!" Sigaw nung lalaking naka denim jacket na mukhang lasing

"Sarado pa kami sir. Mamaya pa 10pm." sambit nung isang beki na nakapink dress

"Sinabing isang case eh!"

"Eh sarado pa nga— aray bakit naman nananakit kayo?!" pati ako napa-aray sa isip when this denim guy slapped the beki on the face

"Ano? Sabi ko diba isang case ng beer? Naintindihan mo na ba?" Tumayo pa ito para iangat siya nito pero may isang lalaking matangkad na ash blonde ang hair ang umaawat na sa kanya pero hindi ito tumitigil hanggang sa sinapak sya

"Ano? Naintindihan mo na din ba?" Sabi nito at itinayo si beki

"Okay ka lang, Negi?" Tanong nito dito before he holds the denim guy through its collar at kinaladkad niya ito palabas, sumunod naman agad yung mga kasama niya.

Humawak ako sa magkabilang tenga ko sa biglang nagtilian yung mga babae at tumakbo dito sa lalaki at hinaplos haplos nila.

"Iba ka talaga, papa Red! Ang gwapo na, ang tapang pa! Anakan mo na ako!"

"Huy sis wala kang matres! Akin siya!"

Pilit niyang iniiwasan yung mga babaeng halos nakabra't panty nalang at inaalis ang mga kamay na nakayapos sa katawan niya. Yung isa nakahalukipkip sa braso niya. Nang makawala siya ay pumwesto sya sa table sa bandang harapan at direcho ang tingin sakin.

Literal na napaatras ako sa pagtama ng mga mata namin. He lit his cigarette then brushed his hair back with his fingers without breaking his gaze at me.

"Oh ano tinatanga tanga?! Sayaw!"

Ako naman ay napatalon sa hampas ni Madam Sunshine ng pamaypay nya sa stage kaya kumembot nalang ako at binaling ko ang tingin ko sa...kisema.

"Ano ba 'tong bata mo, Negi? Parang sirang stand fan kung sumayaw? Sigurado ka bang may 3 years of work experience na 'to sa pagprosti?!"

Napatingin ako kay madam Sunshine na kausap si Negi na nakamove on na sa sapak sa kanya. Lumapit ito sa stage at nanlaki ang mata nang makita ako ng malapitan

"Ay madam hindi yan yung bata ko! Sino ka bang impakta ka at nagpakitang gilas ka dyan sa stage?!"

Dinuro ako nito at sa expression ng mukha niya para siyang bagong saing na kanin na pinatungan ng hotdog sa rice cooker.

Napahawak ako sa ulo dahil parang lumalala ang hilo ko.

"A-Ako po si Anika, yung nakasched—"

"Anika? Negi, akala ko ba ang bata mo eh Janica ang pangalan?" Pagtataka ni Madam Sunshine at lumabas ang mga pawis ni Negi habang nililibot niya ang paningin niya sa buong paligid.

"Madam Sunshine, ito si Janica! Siya ang dati kong kasama sa una kong club na pinasukan!" Sambit niya nang mahanap niya yung babaeng nakasuot ng lingerie.

"Eh sino naman itong mukhang depukpok na stand fan?" duro ni Madam Sunshine sakin habang kinikilatis ang katawan nung Janica daw.

I cleared my throat when I notice na inaantay nila akong magsalita

"Ako po si Anika, yung nag-apply as secretar—"

"Ay susmaryosep! Eh bakit ka kumembot dyan sa stage?! Sinayang mo ang oras ko!"

"Eh sabi nyo po mo—"

"Bakit ka naman pumayag?! Alisin nyo nga ang impakta na yan at wag na pabalikin dito!"

"P-Po? Hindi nyo pa naman po ako naiinterview at—"

"Ay huwag mo sayangin ang oras ko ineng. Kung sinabi ko palang magpatiwakal ka kanina, edi malamig na bangkay ka na dyan! Susme sumasakit ang sintido ko!" tinalikuran niya ako habang minamassage nya ang ulo nya

Hindi na ako nakapagsalita nang lapitan ako ng dalawang Bouncer. "W-wala po ba kayong ibang job openings?!" Hiyaw ko habang hawak ako ng dalawang bouncers sa magkabilang braso ko.

Nilingon ako ni Madam Sunshine at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Sa itsura mo, hindi mo kakayanin ang trabaho dito. Palayasin nyo yang mahadera na yan."

"A-ano po bang istura ko?"

Hindi ko alam pero lahat sila napatigil at napatingin sakin.

"Hmm... hindi lang itsura ang puhunan. Kailangan may kasamang... lakas ng sikmura."

"Lakas... ng sikmura? Bakit po magmu-mukbang challenge po ba—"

"Ay susme! Palayasin yan sa harap ko hindi siya bagay dito." Tuluyan niya akong tinalikuran but I refused to be rejected!

"Te-teka lang po... please bigyan nyo po ako ng trabaho, kahit ano!"

"Ay kairita. Palabasin yan."

"Kahit anong trabaho po, tatanggapin ko!" sigaw ko

Pero walang talab ang pagmamakaawa ko, tinulak na ako ng bouncers palabas. Hindi pa sila nakuntento eh halos hinagis nila ako palabas na parang basura. Hindi nga ako nadapa sa pagtulak nila sakin palabas, nabitawan ko naman cellphone ko na tumalsik pa't tumama sa pader

Sunod nilang hinagis ay ang bag ko na tumalsik ang laman dahil hindi ito nakasara.

Pigil na pigil ang iyak ko habang pinupulot isa isa yung mga gamit ko. Kahit di ko na ma-identify kung ano yung napupulot ko sa sahig dahil nakapikit na ako wag lang tumulo ang luha ko.

"Bilisan mo kung ayaw mong ihagis kita palabas ng bintana." hindi pa pala umaalis ang bouncers at inaantay akong makaalis na

Malabo na ang paningin ko dahil sa luhang pinipigil ko tumulo. Hanggang sa naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa braso

"Aahk." Inda ko

"Layas na."

"H-hindi ko pa po nakukuha lahat ng mga gamit ko."

"Wala akong pake bilisan mo kung aya—"

Bigla akong binitawan nito sa hindi ko alam na dahilan basta't napaupo ako sa sahig. Binilisan ko nalang din ang pagkuha ng mga gamit ko hanggang sa maramdaman kong may kamay na sumagi sa kamay ko at na-realize kong tinutulungan ako nito damputin ang gamit ko. Tinitigan ko ito ng ilang segundo, hindi siya bouncer dahil ang kamay niya ay hindi mataba kagaya ng mga bouncers na dumampot sa akin.

"Thank you." Sambit ko, pero hindi siya sumagot,  hinayaan ko nalang syang pulutin lahat ng gamit ko.

Hindi ko namalayan nakatulala nalang ako sa sahig, habang siya ay nililigpit ang mga gamit ko. Nabalik ako sa systema ko nang iabot nito sakin ang cellphone ko at bag ko kaya kinuha ko ito agad at hinarap siya.

"S-Salamat." Sambit ko pero napaatras ako nang makita ang tumulong sa akin.

It's the blonde guy they called Red.

Hindi siya umimik, nakatingin lang siya sakin sabay buga ng usok mula sa sigarilyo niya. Naubo ako dahil hindi naman dahil magkaharap lang kami.

Walang expression ang mukha niya, but you can sense his dominance.

"Ehem."

I heard him cleared his throat na nagpa gising sa ka-engotan ko mula sa pagtitig sa kanya.

"T-thank you ulit....ahmm ito oh...hindi ko pa nabubuksan." dahil pinalaki ako ng mommyta ko na palaging may ibigay pabalik sa taong tumulong sa akin, bagong lip balm ko nalang ang ibibigay ko sa kanya.

"Aahmm... Hindi man ito mapagaling ang sugat mo sa gilid ng labi mo...at least mamo-moisturize nya lips mo. Sakto medyo... dry ang lips mo." tinuro ko pa yung lips niya pero hinawakan nya agad ang kamay ko para pigilan dumikit ang daliri ko sa sugat nya. Hindi naman nya binitawan agad, nakatitig lang sya sa akin. Akala ko nga may sasabihin sya pero binitawan niya lang din ang kamay ko at umiwas siya ng tingin.

Saktong tumunog ang phone ko kaya I took the opportunity to part ways with him at hindi naman awkward ang exit ko dahil bago ako umalis sa harap niya ay nakuha ko ang kamay niya at matiwasay na nailagay dito ang lip balm ko.

Kumaway pa ako sa kanya for the last time bago ako bumaba ng hagdan pero bakit ganun parang gumagalaw yung hagdan at—

"AAAAAHHCCK!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top