🌻 Best Title Results 🌻

Hello and good morning, participants! 🤗❤

Thank you to our dearest judge for taking his/her precious time to read and judge the books!

Without further ado, here are the results for best title entries:

1. Title: Pieces of Peace

Author: empathyberry
Rating: 9.2%
Feedback:
Sobrang ganda ng title, ‘yong mapapatanong ka kung bakit may “peace” sa title. Kung anong klase na peace ba ang hinahanap nito. Hindi siya common sa Wattpad at ang ganda ng mga poems ni author, kaya keep it up!

2. Title: The Joker’s Bid
Author: Waanjai_Erottika

Rating: 9.8%
Feedback:
Sa synopsis pa lang masasagot na kung bakit nando’n ang salitang “joker”. Ito ‘yong book title na may justice talaga kung bakit gano’n ang title ng story. Hindi ‘yong title na parang ginawa lang para may matawag na title sa story at ‘yong tinatawag na “sabay sa uso”. Hindi rin common ang title at hindi mahihirapan ang dila mo na banggitin iyon nang paulit-ulit kaya madaling i-recommend sa kapwa mo reader. Good job, author!

3. Title: The Amulet City

Author: primslace
Rating: 8.9%
Feedback:
Hindi masiyadong common pero kapag nakarinig ka ng ganiyang title, may idea na tatakbo sa utak mo. Like, parang ganito ang magiging takbo ng story at parang ganiyan. But still, I love your title, bet din ng pinsan ko. Actually, naka-add to lib na nga eh. Keep it up!

4. Title: Aesthetic Memories
Author: HannahRedspring

Rating: 9.9%
Feedback:
Grabe, wala akong masabi. Sa dalawang salita na ginamit ay  matatatak sa utak ng reader talaga. Lalo na no’ng sinimulan kong basahin ang blurb. ‘Yon ang blurb na hinahanap ko. ‘Yong tipong hindi mo na bibitawan ang story hangga’t hindi mo natatapos. Binasa ko ‘yon dahil sa title mo na inakit ako XD. May maganda kang taste sa pagpili ng words, author. Keep it up!

5. Title: Moving the Trap
Author: centrival
Rating: 8.6%
Feedback:
After kong mabasa ang title, automatic na nag-isip ang utak ko ng maaaring plot ng story. Lalo na nang mabasa ko ang nakasulat sa description. Hindi nga iyon matatawag na blurb, parang dialogue lang ng main character. Sa isang story kasi, si Title, si Blurb, at si Book cover, sila iyong parang mga front liner. Sila ang unang aatakihin ng mga reader. Kung sa pagtitinda ng pagkain ang pag-uusapan, sila ang tinatawag na free taste. Sana naintindihan niyo ang punto ko. But still, I love your plot. Keep it up!

6. Title: Sa Huling Araw ng Agosto
Authorgirlinparis

Rating: 9.9%
Feedback:
Alam kong title lang dapat ang i-judge ko pero parang kasalanan mo kung bakit ako umiiyak ngayon. Ang galing mong magpaiyak, ang galing mo! Sa title naman, may hustisya kung bakit iyan ang pinili mong title. Good job!

7. Title: Inside The Abyss: One-shot Collection
Author: BluerAbyss
Rating: 8.6%

Feedback:
I don’t know kung bakit iyan ang naging title. Siguro connected sa username mo kasi collection lang naman. Nagustuhan ko ang mga one-shot so, keep it up!


Below are the rankings for the entries:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top