Trivia 101 First Gen
Ang tatlong kuwento lamang dapat ng unang henerasyon ay kay Rico,Rod at Steven.✍️
Nakagawa ako ng kuwento ng minsan hindi ko na mabasa ang nobela ng gusto kong author
Kaya sabi ko gagawa ako ng sarili kong nobela sa sarili kong imahinasyon
So bahala kayo kung trip niyo ang trip ko 😂🤣
Nagawa ko ang unang nobela ko sa kasagsagan ng covid lack down. At boring na boring ako sa buhay ko.
Si Ramon ay mortal na kaaway ni Rod pero sa huli naisipan ko gawin siyang kaibigan ni Rod.👊
Si Ramon dapat ang leader ng grupo at hindi si Rod.💪
Kabaliktaran ng nailathala si Ramon dapat ang kalaban ni Rod sa puso ni Ella. Pero ang kinalabasan si Ramon lamang ang hindi nagkagusto kay Ella. 😍
Si Ella ay anak dapat ni Steven sa pagkabinata kaso masyado malaki ang agwat ng edad ang kailangan at hindi magtutugma sa age nila sa pag aaral..kaya kuya na lang 😂
Si Patty ay kontrabida dapat at makakaagaw ni Ella sa puso ni Rod
Si Eric dapat ang mortal na karibal ni Rod sa puso ni Ella at hindi si Lance
Ang kuwentong NJOL ay hango sa buhay ng isang barkadahan na nasangkot sa isang gulo, na may broken families.
Ang description ng St Valentine Academy ay base pinagsama samang tatlong unibersidad sa Manila na inilagay sa iisang lugar
Ang pagkamatay ni Ramon sa huling kabanata ay dapat na totoo kaso may time na naisip ko ang pangalang Orion at naiiyak ako kay Tiffany. Ayoko ng sad ending.
Ang La Secretos ay isang bar na matagal ko ng iniiisp dahil ang akala ko ganoon ang bar, pero ng makapasok ako sa ibat ibang bar sa manila nadismaya ako. Dahil sa imahinasyon ko lang talaga ang La Secretos
Ang character ni Marie ay base sa pinagsama sama kong character ng mga naging bestfriend ko sa buhay.
Si Ella ay ang imahe na gusto ko pero hindi ako. 😂🤣
Si Rod ay base sa mga pinaghalo halo kong crush noong bata pa ako hanggang magdalaga ako. Ayieeee 😂😁
Si LJ ay base sa mga koreano na in ngayon
Si Dennis ay base sa character ng bestfriend na manunulot at mukhang pera
Si Ramon ay base sa bad boy images na mga nakilala ko noong nag aaral ako.
Si Tiffany ay base sa kaibigan at mga kaklase kong working student
Si Patty ay base sa mga estudyanteng tahimik lang na nasa loob ang kulo
Si Kat ay base sa matalinong tao pero walang suwerte.
😁😁😁😁😁April 16, 2021 12:14 am
Hanggang dito muna dugtungan ko sa susunod sa parehong pahina na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top