#6 Synopsis 4th Gen Series

Hypnotize the King : Jan Carl and Astraea

Book 4 : 4th Gen Series

Introduction : What Do I best

Theme Song What Do I Best by Sheryn Regis

Jan Carl Canmore, isang seaman, isang hari, isang lalaking nahuhumaling sa isang babaeng namumuno sa lugar na balak niyang sakupin.

Astraea Lopez Valiente, isang modelo, isang feeling reyna, isang babaeng ang hangad ay maging kasapi at mapabilang o makilala bilang isa sa magagaling na namuno ng Emperio.

El Emperio, isang lugar kung saan binuo ng lolo ni Astraea na si Orion Valiente, ang lugar kung saan nakilala ang galing at husay ng leader ng grupo sa ikalawang henerasyon na binuo ng mga ninuno ni Astraea buhat sa angkan ng tatlong kilalang haligi ng bansa sa larangan ng negosyo na sila Rod Cheung, Dennis Lopez Jr at si Ramon Valiente. Mga haligi na nagsimula ng isang grupo na hinangaan ng kahit ana sino.

Sa pag-upo ni Astraea sa Emperio pinamahalaan niya ang El Casa ang lugar kung saan nakilala ang pinakamagagaling, mahuhusay at de kalidad na mga high class escort sa bansa. Mga escort na kinilala sa iba't ibang bansa.

Sa kanyang pag-upo, isang balak ang binuo ng grupo at ito ay wasakin ang nagsilbing mata sa loob ng kanilang samahan.

Sa pagpasok ni Astraea sa naturang lugar, sumulpot ang mga Prinsipe na siyang dahilan ng pag-asam ng leader ng mga ito na makamtan ang lugar kung saan lihim at legal ang lahat na siyang magtutulay para sa grupo at sa palasyo. Mga babaeng kailangan ng hari para maging laruan sa loob ng palasyo.

Nang malaman ni Jan Carl ang tungkol sa El Casa, inirekomenda niya sa ama nitong hari ang pagtiwalag sa Stem, ang pinakakilalang negosyo ng Mafia sa blackmarket. Pero ang lahat ay magbabago sa plano ng susunod na Mafia Leader at ito ay pagwasak ng El Casa para maputol ang durugtong sa pagitan ng dalawang samahan at para sagipin ang Stem.

Bukod dito ang kontrata na pinirmahan ng ama ni Astraea na si Autumn tungkol sa escort na si Kim Madlangbayan ay hindi natuloy, sa paglipas ng panahon nanatiling nakahang kontrata at dahil dito ang halaga ng kontrata ay lumalaki sa paglipas ng panahon.

Isang utang... isang babae at ang kabayaran ay dadaloy sa pagitan ng uupong hari at ang reyna na nakaupo sa trono ng Emperio.

"Mahal ako." sabi ni Astraea.

"Sa liit mong iyan mahal ka? Eh para ka lang dilis." sabi ni Jan carl na ikinamilog ng mga mata ni Astraea.

"Hoy! Hindi ako maliit." sabi ni Astraea at nagulat ang binata ng itaas ni Astraea ang suot nitong dress dahil wala itong panloob.

Napatingin si Jan Carl sa paligid at napahingang malalim ng makitang wala naman nakatingin sa kanila.

Napangisi si Astraea saka nakakaakit na nagsalita.

"Busog lusog ang sino mang titikim sa akin. Ang dilis na ito ay isang malaking isda sa karagatan na malaman at...." sabi ni Astraea saka ito tumingkayad na ikinalunok ni Jan Carl

"...mataba..." udlot na sabi ni Astraea saka ngumiti at kawit sa mga kamay sa leeg ni Jan Carl sabay bulong nito kahit hirap tumingkayad.

"....mataba ang kimpay ko." pilyang bulong ni Astraea.

"Bastos!" sigaw na sabi ni Jan Carl na ikinapula ng mukha ng binata sa walang modong babae sa harapan niya

"Hahahaha! Welcome to my Casa. I'm Queenie." nakakaakit na sabi ni Astraea saka ito bumitaw sa pagkakakawit sa leeg ni Jan Carl.

"Unano." sabi ni Jan Carl ng bumitaw si Astraea at hanggang dibdib lang niya ito.

"Mataba naman ang kimpay ko. Tse!" sabi ni Astraea saka ito umirap at tinalikuran si Jan Carl.

"Hoy! Mag panty ka!" sigaw ni Jan Carl na ikinatingin ng lahat dito sa Casang iyon.

"Hahahaha! NO PANTY DAY ngayon at ako nagpanukala ng araw na ito mula ng ako ay maging reyna ng Emperio." sabi ni Astraea na ikinanlaki ng mga mata ng mga Prinsipe sa sinabi ni Astraea.

"Whoahhh! Walang mga panty." bulungan ng mga Prinsipe na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.

"Samyuin niyo ang amoy na binilad na kempay." natatawang sabia ni Astraea na ikinailing ng mga pinsan nito at ikinamilog ng mata ng mga kliyente ng Casa na nasa bar na iyon sa gabing yaon.

"Manyak. May panty kaya ako skintone nga lang. Ngayon maglaway ka at bangungutin." sabi ni Astraea sa isip habang kumekembot itong naglalakad palayo sa binata.


Doctor's Love : Alex and Rio

Book 5 : 4th Gen Series

Introduction : After All

Theme Song : After All by Cher and Peter Cetera

Orion Ash Alexis Valiente, isang kilalang doctor na namamahala ng isang sikat na hospital sa bansa, ang Cheung Hospital. Bukod sa pagiging OB-GYNE naabot ni Alex ang tagumpay sa larangan ng medisina ng makagawa ito ng dalawang uri ng gamot. Gamot na siyang nagpagaling sa hari ng Canmore Palace.... at gamot nagpabagsak sa huwad na hari.

Rio Grande, sa edad na disi otso anyos pa lamang nakamit na nito ang pangarap na maging isang mahusay na doctor. Bukod dito sa murang gulang nakagawa na ito ng iba't ibang klase ng gamot. Kaya naman sa paglipas na mga taon naging eksperto ang babae gumawa ng medisina na makakatulong sa lahat. Pero sa angking husay at talino nito, hindi niya inaasahan na ang kababagsakan niya ay isang mental institution kung saan ideneklara siyang baliw ng lahat.

Sa pagpasok ni Rio sa isang sitwasyon bilang reyna ng palasyo, sinundan siya ni Alex at doon nagdeklara ito bilang asawa niya na tatayo sa tabi niya bilang hari na pagsisimulan ng sigalot ng lahat.

Nang mailagay ni Alex sa Mental Institution ang kakambal nitong si Amon Valiente at ang asawa nitong si Rio Grande, na lalong nagpakilala sa galing at husay ni Alex na nagdulot ng pinakamalaking eskandalosong balita hindi lamang sa grupo nito kundi sa Canmore Palace.

Dalawang tao na pinag-ugnay ng kapalaran at paghihiwalayin din ng kapalaran. Mga pagsubok na puso ang magpapasya kung ano nga ba ang mas matibay...

... ang tagal ng pinagsamahan o lalim ng pagmamahalan.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top