#5 Synopsis 4th Gen Novels
Synopsis : The Sold Princess
Book 2 4th Gen
Luna and Bronze
Click the video for the second theme song for this Novel
Mahika by Adie and Janine Berdin
"Paano mo mapapaibig ang pusong may ibang minamahal?"
Luna Cheung, nag-iisang anak na babae ng bilyonaryo na nag-mamay-ari ng minahan sa Isla Traquilo. Sa edad na bente singko anyos nangangarap pa rin na makatuluyan ang pinsan nitong si AJ Valiente na leader ng grupo nila at isang Mafia Leader
Bronson Banner, kilala sa tawag na Bronze, isang Filipino American na nagmamay-ari ng pinakamalaki at kilalang Gold Jewelry Company sa bansa.
Lumaki si Luna na walang alam sa negosyo dahil nag-iisa siyang anak na babae kaya naman ang ama at tatlong kapatid na lalaki nito ang kumikilos para sa kanilang mag-ina para mabuhay. Marangyang pamumuhay ang ibinigay ng ama sa kanila lalo na sa kanya, at dahil minahan ang negosyo ng ama hindi maitatangging malaki ang kinikita nito at iyon ang nasa isip ni Luna. Kaya naman namuhay siyang tila Prinsesa at lahat ng luho ay nalalasap niya. Ngunit sa glamorosong pamumuhay may simple bagay na nakaakit sa dalaga mula noong bata ito at iyon ay umibig sa unang lalaki ng buhay niya.....
.....si Jollibee.
Bakit nga ba hindi? Halos lahat ng bata sa bansa gusto si Jollibee pero si Luna iba ang pagkahumaling dito. Pagkahumaling na kahit ang pamilya nito ay hindi ito mapigilan.
"Kung hindi si Aj ang makakatuluyan ko, si Jollibee ang pakakasalan ko." diin na sabi ni Luna na ikinaikot ng mga mata ng pamilya niya.
Napadpad si Bronze sa Pinas noong bata pa siya, kung saan nakita niya ang isang batang babae na tuwang tuwa sa isang mascot na noong araw lang na iyon niya nakita. Ang malaking mata, malaking mukha, ang maliit na pakpak, pulang katawan, malaking sapatos, at ang ngiti na tila ka aakitin. Mga katangian na kahit siya natuwa kahit na nagbibinata na siya. Pero ang hindi niya malimutan ang batang babaeng napakaganda na kasama ng mascot, tila ito Prinsesa sa ganda. Tsinita ang mukha, maputi, matangkad sa edad nito dahil bulol pa ang bata pero kahit ganoon kakaiba ang karisma nito. Kaya naman ng araw na hindi niya inaasahan ay dumating ng ibenta ng ama ng babae ang sarili nitong anak sa kanya, kapalit ng karangyaan na hindi mawawala sa pamilya nito.
Karangyaan na mananatili sa isang Prinsesa....
The Fake Heiress : Hades and Elis
Book 3 4th Gen Series
Introduction : Falling In Love
Theme Song Falling In Love by Six Intervention
"Sa Pagkuha ng lahat pati puso'y kanyang aangkinin...."
Hades Nicolas Lopez, anak ng bilyonaryong negosyante na kabilang sa kilalang grupo sa bansa. Ilang taon niyang pinag-aralan ang pagbawi ng yaman ng kanyang ina na siyang tanging tagapagmana.
Elizabeth Nicolas Samo, kilala sa palayaw ni EliS na nagmamay ari ng isang kilala at malaking lingerie business sa bansa na namana niya sa kanyang ina pero ang lahat ay isang paglilinlang ng nakaraan dahil ang lahat ng kanya ay isang hiram lamang.
Mahabang panahon ang ginugol ni Hades para muling mapasakamay ang yaman ng kanyang ina na ninakaw ng stepbrother ng ama ni Shimmer Nicolas, at pinasa sa anak nitong babae, na ngayo'y hawak ng apo nitong babae.
Sa ikatlong henerasyon muling kukunin ni Hades ang manang para sa ina nito at sa pagkakataon na ito hawak na niya ang lahat ng dokumento na nagpapatunay na siya ang lehitimong tagapagmana ng mga Nicolas.
Isang bangungot kay Elis ang araw na lahat ng pinaghirapan ng tatlong henerasyon ng pamilya niya ay maglalaho sa kanyang mga kamay, kaya naman hindi siya papayag na ang lahat ng sakripisyo para iangat ang kompanya at mapanatili sa rurok ng tagumpay ay mapapasakamay lamang ng isang gahaman, dahil ang kumukuha ng pag-aari niya ay apo ng namayapang kilalang bilyonaryo na sila Dennis Lopez at Ramon Valiente.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top