#4 Synopsis 4th Gen. Novels
Synopsis : Stolen Kiss, Stolen Sex
Rollo Valiente Lopez, isang billiard player, tinaguriang brain king, kalat sa mundo ng sports ang balitang taken na ang binata at may asawa. Kasama ng pag usad ng career niya sa mundong pinasok ay ang pagpapakilala niya kanyang asawa pero sa kasamaang palad itinatwa siya ng babaeng kanyang pinakasalan dati.
Jedenn Sarchez, sa murang gulang nakasal siya para makaiwas sa eskandalo pero sa paglipas ng taon nahanap niya ang lalaking pinangarap niya at gusto niyang samahan.
Nagpropose na ng kasal kay Jedenn ang kasintahan niya sa mahigit na ilang taon. Tago ang relasyon nila dahil na rin na sa mundo ng Showbiz ang fiance niya at siya naman ay hindi alam ng kasintahan na kasal na siya sa isang sikat na Billiard Player.
Sa isang okasyon ng grupo ni Rollo, sumulpot ang babaeng pinakasalan niya na hinintay niyang maging handa para bumuo ng isang pamilya pero ang pagpapakita nito sa kanya ay hindi para sumama sa kanya kundi para hingian ang kalayaan nito.
Paano makakaligtas sa pusong nakabigkis?
Synopsis : I Hate My Ex
Shiloh Valiente Lopez, isang sikat na boksingero sa bansa, wala pang talo sa larong kanyang tinahak.
Peso Montemayor, nagmamay-ari ng Cloud Nine, isang sikretong samahan ng mga Secret Agents sa bansa, at ang babaeng makakatalo sa tibay at lakas ng isang boksingero.
Dating magkasintahan sila Shiloh at Peso pero sa isang trahedya nawalan ng paningin ang dalawa na nagdulot paghihiwalay ng landas ng mga ito.
Makalipas ang ilang taon muling nagsanga ang dalawa ng ipakilala ni Aj sa dalawa ang isang batang babae bilang anak nila.
Namukhaan ni Shiloh ang bata dahil ito ang batang hiningan siya ng limos sa Canmore tower kung saan kasama niya ang mga kapatid ng panahon na iyon.
Ang batang ipinakilala ay ang anak ng mag-asawang namatay sa trahedya, ng bungguin ng rumaragasang kotse ni Shiloh sakay si Peso ang isang motor. Ang trahedyang iyon ay kumitil sa buhay ng magulang ng bata. Pero ang mga mata ng magulang ng bata ay napunta kila Shiloh at Peso na ngayon tatayong kapalit bilang magulang ng batang babae.
Hindi naman inaasahan ni Peso na ang hinahanap niyang pamilya na nagmamay ari ng mga mata niya para makakita siya muli ay magulang ng batang nabunggo nila ni Shiloh. Sa pagbibigay ng responsibilidad ang alam ng bata sila ni Shiloh ang tunay na magulang nito. Na hindi mapaghindian ni Peso kahit na nga ba ayaw na niya balikan ang nakaraan, kung saan isang kahihiyan ng mahuli sila ni Shiloh sa isang malaswang takbo sa trahedyang kanilang kinasangkutan.
Paano niyo aakuin ang isang responsibilidad kung lahat ay pilit ng kinakalimutan ang nakaraan?
January 15, 2023 12.30pm
Fifth Street
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top