Kabanata 1
TUMALON ako sa tuwa nang sabihin ni Papa na pumapayag na ito sa kurso kong political science. Noon pa, gusto ko ng mag-abogado pero sabi ni Papa pumili ako ng ibang kurso dahil hindi niya iyon kaya.
Kaya ganoon na lang ang tuwa ko nang sabihin niya na ituloy ko na. Mag-e-enroll pa man din sana ako bukas sa kursong BSED pero mukhang magbabago na.
Ilang buwan pa naman akong malungkot kasi gusto ko talaga maging isang abogado. Sabi ko nga kapag nakatapos ako at nakahanap ng trabaho. Kung kaya ko pa, mag-aaral talaga ako ulit at itutuloy ko ang pangarap ko pero mukhang si Papa na ang gagawa ng paraan para maabot ko ang pangarap ko.
"Mag-aral ka ng mabuti. Alam ko na masaya ang Mama mo dahil pinayagan kita sa kursong gusto mo."
Ngumiti ako at niyakap ng mahigpit si Papa. Simula ng nawala si Mama ay naging malambing na ko sa kanya. Mas naging open ako sa sarili kong ama.
"Pagbubutihan ko, Papa!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Ganado ako mag-aral. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko. Kaya nang nagsimula na ang pasukan pag-aaral lang talaga ang inatupag ko.
"Ava! Sama ka na mamaya! Mag-iinuman sa bahay nila Peter," yaya sa akin ni Aisha. Classmate ko.
Umiling ako habang nililigpit ng mga gamit. May isang oras na break kami. Pagkatapos ay sunod-sunod na ang klase. Dalawang major subjects at isang minor mamayang alas-kwatro ng hapon. Kanina pa nila pinag-uusapan ang tungkol sa inuman.
Noong nakaraang araw kasi ay nagpunta na sila sa bahay ni Peter at panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga nangyari.
"Minor subject lang naman 'yon! Tsaka baka wala ulit si Maam."
Umiling ako ulit at ngumiti.
"Hindi p'wede kasi. Sa susunod na lang."
"Hayaan niyo na si Ava! Kita niyong studious 'yan. Basta, pakopya na lang sa assignments," ani ni Ainnah.
Hindi ako sumagot at nagpanggap na abala sa pagsuksok ng gamit ko sa bag. Nakakaramdam ako ng pagka-unfair. Nag-aaral ako nang mabuti. Hindi ako nagka-cutting. Tapos sila tamang gala lang at umaasa nang makakakopya sa akin. Ayaw man lang maghirap.
Nagpapakopya naman ako kaya lang na-realize ko nitong huli. Niloloko na lang ako. Ginagamit. Tinatabihan para sa mga sagot.
"O, Pa! Galing 'to kila Bossing?" tanong ko ng makita ang mga tupperware na may lamang pagkain.
Tumango si Papa. Kauuwi lang niya galing sa trabaho. Paiba-iba kasi minsan ang oras ng trabaho niya dahil nga on-call driver. Hindi naman pumayag si Papa na stay-in sya dahil nga maiiwan ako sa bahay. Pero parang ganoon na din naman. Kasi palagi siyang umaalis. Minsan madaling araw. Minsan buong araw o maski sa gabi ay wala siya.
"Oo, birthday ng bunsong anak nila. Kaya heto maraming tira. Inutusan kami ni Sir ibalot na lang kaysa mapanis."
Tumango ako at nakangiting tumulong sa paga-unpack ng mga pagkain. Saktong-sakto hindi pa ko nakakain. Magsasaing palang sana ako. Kaso sabi ni Papa pauwi na daw siya.
Mayroong panahon na kapag may handaan sa amo nila Papa. Nag-uuwi siya ng pagkain. Minsan bawal kapag daw inutos ni Maam.
Matuling lumipas ang dalawang taon. Pasok pa rin lagi ako sa dean's lister. Akala ko tuloy-tuloy na ang magandang buhay namin ni Papa. Pero hindi pala.
"Totoo ba, Ava? Aba, nasa balita si Papa mo! Miyembro pala ng malaking sindikato!" sabi ng kapitbahay namin na pinuntahan pa ko sa bahay namin para lang itanong sa akin ang tungkol doon.
Kanina habang naglalakad ako pauwi sa amin. Pinagtitinginan na ko ng ibang kapitbahay namin. May alam na pala sila. Ako wala pa. Kagagaling ko lang kasi sa school.
Binundol ako ng kaba.
"Hindi ko po alam. Hindi po masama ang Papa ko, Ate."
Dumami iyong nakiusosyo na kapitbahay nakikibalita.
"Eh kung ganoon patunayan niya. Naku mahirap yata kasi nakitaan siya ng droga sa sasakyan! Iyon ba 'yong laging inuuwi ni Papa mo dito? May droga pala 'yon?" tanong nang isa at nagtanguan silang lahat.
Mangiyak-ngiyak ako dahil pakiramdam ko kahit anong sabihin ko hindi sila maniniwala. Hindi dapat ako umakto ng ganito dahil ang pinili kong kurso ay pag-aabogado. Dapat matapang ako.
Ganunpaman, kabado talaga ako. Lalo na ako iyong nandito sa sitwasyon ay ako at ang Papa ko 'yong inaakusahan.
"Mag-aabogado ka 'di ba? Ayan na! Tulungan mo ang Papa mo!"
Iniwan ko silang lahat doon dahil tinatawagan ko si Papa kung nasaan siya. Dahil wala na sa TV ang tungkol sa balita sa kanya. Nanuod pa ko sa internet para malaman kung saang presinto siya.
May naipon ako kahit papaano kaya nakuha kong bumiyahe papunta sa police station sa Cavite. Kaya lang pagdating ko doon ay maraming mga reporters! Hindi ako makasingit. Malaking case daw ito dahil malaking sindikato ang involve at ang Chinese na amo ni Papa ay nadawit din dahil sa kanila nagtatrabaho si Papa. Bukod doon, sasakyan nila ang gamit ni Papa nang bumiyahe ito papunta sa Cavite.
Iyon pala may karga siyang mga droga. Hindi ba niya 'yon alam? Marami akong gustong itanong. Masasagot lahat ng iyon kung makakausap ko siya.
"Papa ko po kasi ang nakakulong, Sir! Gusto ko makausap ang Papa ko!"
"Papa daw niya!" dinig kong sabi ng reporter.
Umiling 'yong pulis. Nasa harap lang ako ng police station. Hindi ako makapasok dahil bawal daw tumanggap ng kahit sinong bisita.
"Paanong bawal? May karapatan ako bisitahin ang Papa ko! Hindi pa siya nahahatu—"
"Miss! Ikaw ba 'yong anak ni Mr. Dizon? Alam mo ba ang tungkol sa pagiging involve niya sa sindikato?"
Hindi ko na nakausap 'yong pulis dahil nga sa dinumog ako ng media!
"Miss!" sabay-sabay pa sila sa kakatawag sa akin at pinalibutan na ako. Imbes na mahabol ko pa iyong pulis ay hindi ko na nagawa. Gabing-gabi na. Napilitan na din akong umuwi at wala man lang akong napala!
Tikom ang aking bibig habang nasa biyahe. Inaantok na ko sa pagod pero hindi ko magawang makatulog dahil sobrang sakit ng ulo ko. Hindi pa mawala sa isip ko ang maraming tanong at hindi pa rin ako mapakali hanggat hindi ko nakakausap o maski nakikita ni anino ng papa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top