34

Mina's P.O.V

5:00 a.m kagigising ko lang, tinignan ko naman yong calendar, hindi nga ako nananaginip, ikakasal na ako.. sa kapatid ng taong mahal ko... Wala akong ibang magawa kundi umiyak, ayaw ko toh pero ayaw ko ding mailayo kay Chaeyoung....

Bakit ba kasi kailangang ako pa?
Mamayang 7:00 ang kasal, dalawang oras nalang, sabi ni Eomma na dapat maaga ako, dapat daw hindi ko siya pinag hihintay dahil speacial ang araw na ito, haha sakanila oo pero saamin nila Jeong? Hindi....

*1 Unread Message*

My Cub🐯🐅

Goodmorning Minari~
Wag kang mag papalate ok?
I Love You i always do.

Bakit parang excited pa siyang ikakasal ako sa kapatid niya?

Naligo naman na ako kasi sabi kahapon ni Eomma na dadating yong mag aayos saakin mga 6:00 kaya dapat daw maaga ako.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang gown ko, dapat black toh eh, hindi naman ako masayang ikakasal ngayon.

*KNOCK *KNOCK

"Come in!" Siguro yon na yong mag aayos sakin.

"Hello Minari!" Nagulat naman ako ng makita ko si Jihyo kasama si Dahyun.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa dalawa, agad naman silang umupo sa harap ko.

"Kami ang mag aayos sayo." Sabi ni Jihyo "Alam niyo ba? Baka mag mukha akomg zombie pag pasok ko sa simbahan ha!" Pang aasar ko sa dalawa, tumawa naman sila.

Ilang minuto pa ay inayusan na nila ako, "Kaya mo toh ok? Wag kang mawawalan ng pag asa mina." Tumango naman ako sa sinabi ni Jihyo, bale parang pangatlong ina ko na siya, si Nayeon ang pangalawa, bigla ko tuloy naalala si Nayeon, kamusta kaya siya ngayon? Sana okay lang siya.

"Wag kang mag alala, ayos lang si Nayeon, kaya wala ka dapat ipag alala. Ok?"




























~~~~~~




Momo's P.O.V

"Nasaan na daw si Chaeyoung?! Anong oras na!" Sigaw ko sa telepono habang nag aayos ng isusuot ko, ayaw ko mag gown hahaha mag susuot pang lalake ako.

"Andito na ako! Kasama ko si Jeongyeon-unnie! Papunta na kami diyan wag kang mag alala!" Sigaw naman ni Chaeyoung sa kabilang linya, silang mag kapatid nalang ang wala dito. #TeamTop

"Excited na ako!" Nag tatatalon naman sa tuwa si Tzuyu, kahit kailan talaga tong batang toh.

"Wag ka masyadong excited mahahalata yong plano natin eh!" Tumawa naman si Daniel, yes andito din siya, gusto niya daw tumulong sa plano eh.

"Ok ok tama na tigil na nasan na sila Sana?" Tanong ko kay Tzuyu.

"On the way na daw unnie." 6:40 na din kailangan na naming maka punta sa simbahan.

Napag isipan ng parents nila Jeongyeon at Mina na sa Twice Church sila ikasal dito sa JYP city.

"Andito na kami!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun yong mag kapatid.

"Ang tagal tagal niyo naman!" Pag rereklamo ko, "So ano yong plano niyo?" Tanong sakin ni Chaeyoung, "Mamaya na sa Church masyado kang excited! Hays!"

Naka puting suit si Chaeyoung, habang si Jeong naman pare pareho kaming naka black. Biglang lumuhod si Chaeyoung na parang tanga. Abay nag pa cute panga daw.


"Tzuyu-ah!" Bumukas nanaman ang pinto at may sumulpot na ahas na agad pumulupot kay Tzuyu, sino pa nga ba?

"Sila Nayeon?" Tanong ni Jeongyeon kay sana, "Andoon na sa Church." Ngumiti naman si Jeongyeon.

"Tara na tara na dapat mas maaga ang top kaysa sa bottom!" Sigaw ko naman at itinulak silang lahat palabas.

Sumakay kami sa Van ko, si Daniel ang nag drive, nag text na din sila Dahyun na papunta na din sila.

6:55 noong nakarating kami sa Church, pumwesto naman si Jeongyeon at Chaeyoung sa pinaka harap, best man yong kapatid niya. Excited na ako!

Chaeyoung's P.O.V



Malapit na mag simula ang kasal, naka tayo lang ako dito katabi ni Jeongyeon, nag simula nang mag lakad ang flower girl, naiinggit ako, hindi ko maiwasang umiyak, lahat ng kaibigan namin andito, para sa kasal ng mahal ko... Sa iba....

Nakita ko namang nakatingin sakin si Mr. At Mrs. Yoo, hindi ko sila kayang kausapin o lapitan man lang.

Andito na siya, bagay sakaniya ang puting gown, sana ako nalang si Jeongyeon.

Hinintay kong alalayan ni Jeongyeon si Mina pero nakatingin lang siya saakin. "Kunin mo na si mina Unnie wag kang mag alala tanggap ko na."

Bigla naman akong itinulak ni Unnie papunta sa tabi ni Mina, "Ano ba?!" Mag sasalita na sana ulit ako ng biglang may mag salita galing sa speaker ng simbahan.










"Ating tunghayan ang pag iisang dibdib nila Myoui Mina at.......

































































.

.

.

.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

.....

...









...

.

















































"....Son Chaeyoung."



Nagkatinginan naman kami ni Mina, tapos tumingin saamin si Jeongyeon. "Ano? Mag lalakad kaba o kukunin ko nalang sayo ulit si Mina?"


Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at nag simula ng mag lakad papunta sa altar.

Lumingon ako ng isang beses kila momo, so ito yong plano nila? 'Thank you' nag thumbs up naman silang lahat, nag thank you din ako kila Mr. And Mrs. Yoo... Eomma, Appa.

Nag simula na ang kasalan, hindi ako makapaniwalang ikakasal ako sakaniya.

Naka lipas ang dalawang oras ay natapos na ang pari sa pag sasalita.

"You may now kiss your bride."

Hinalikan ko naman siya at nag palakpakan silang lahat.

"Hooo! MiChaeng!!!"

"MiChaeng! MiChaeng! MiChaeng! MiChaeng!" Sigaw ng mga barkada ko, nag papasalamat ako sakanila.

(FAST FORWARD)

"Unfair! Bakit hindi niyo sinabing ako yong ikakasal?!" Tumawa nama n silang lahat "Wag kang mag alala Chaeyoung hindi lang ikaw ang hindi na inform." Sinuntok naman ni Nayeon-unnie sa balikat si Jeongyeon-unnie.

"Aray! Sorry na! Gusto kasi namin masurprise kayong tatlo nila mina eh!" Tumawa naman ako, kahit Kailan talaga isip bata silang lahat.

"T-thank you Momo-unnie." Niyakap ko naman siya, "Kahit ano, basta sumaya ka lang insan."

Dumating naman sila Mr. Yoo kasama si Mrs. Yoo.

"C-chaeyoung alam naming andami naming pag kukulang pero sana mapatawad mo kami, sorry anak.." niyakap ko naman si Mr. Yoo. "It's ok Appa, Eomma." Halos umiyak naman sa tuwa si Eomma ng tawagin ko silang ganon.

Agad din naman silang umalis para pumunta sa bahay nila Jeongyeon kasi doon magaganap ang handaan, sabi nila na sumunod nalang daw kami.

"Thank you Eomma! Appa!" Sigaw ni mina at niyakap din sila Mr. At Mrs. Myoui.

"Wag ka saaming mag pasalamat anak, sila ang umisip ng plano." Humarap naman ako sakanila at nag bow. "Pero thank you po dahil pumayag kayong pakasalan ko ang anak niyo, Mr. Myoui."

"Papa nalang anak, myembro kana ng pamilya namin, hindi na kami makapag hintay na pamunuan mo ang kompanya namin." Nagulat naman ako sa sinabi nila. "Po?"

"Ikaw na ang may ari ng Company namin Chaeyoung, sana alagaan niyo iyon ni Mina at alagaan mo siya okay?" Tumango naman ako at niyakap silang pareho.

Umalis na din sila agad dahil kailangan din nilang pumunta sa bahay nila Jeongyeon.

"So explain!Paano niyo nagawa to?!"

"Well noong Camp fire sinabi niyong mag kapatid kayo ni Jeongyeon, ang goal lang naman ay maikasal sa Yoo si Mina, at noong tinanong kita kong Yoo ka, ang sabi mo Hindi kaya nagulo ang utak ko at hindi ko na iprocess ng maigi... Pag katapos nong song, nalaman ko na yong gagawin, tapos sinabi ko kay Jeongyeon, Jihyo, at Sana. Pumunta kami agad sa bahay nila Jeongyeon para ipaliwanag na mahal na mahal mo si Mina kaya kong kailangan maikasal sa Yoo si Mina dapat kay Chaeyoung lang,sayo lang, pumayag silang ikasala ka kay mina kahit alam nilang hindi ka payag na tawaging Yoo, sabi ni Tita kahit yon nalang daw ang pang bawi nila sa pag kukulang sayo. Next pumunta kami kila Mr. Myoui, nakausap namin siya agad dahil kay Sana at Jeongyeon. Sinabi saamin ni Mr. Myoui na ang tamlay daw ni Mina isang linggo na, sinabi naman namin yong plano namin sakaniya, nagulat nga sila dahil ang alam nila only child lang si Jeongyeon, pero pumayag siya para daw sa ikasasaya ni Mina." Huminto naman sa pag sasalita si momo kasi hingal na din kakadada.

"Thanks guys! Salamat dahil binigyan niyo ako ng pag kakataong ikasal sa taong mahal ko!"

"Hay! Gutom na ako! Tara na!" Hila ni Daniel kay Jihyo, tumawa naman kami at pumunta na sa Van.

Si Daniel ang mag dadrive at sa passenger seat si Jihyo, next row ang 2yeon at Dahmo, Second row Satzu, dahil may last row pa, doon na kami umupo ni Mina.

"Chaeyoung Saranghae~"

"Son Myoui Mina Nado Saranghae~"

"Mag kaapelyedo na din tayo sa wakas."

Hinalikan ko naman ang kamay niya na may Wedding Ring.

"Sino next year?!"patawang tanong ni Jeongyeon.

"Kami!" Sigaw naman ni Momo.

"Lagot ka Dahyun tago na."

Napuno naman ng tawanan ang Van.

Today is the happiest day of my life.






~~~~~~~

I feel so speciarrrrrrr!

Buti nag excist yong ganitong mv hhahah may nagamit ako🐯🐧.

Tatapusin ko nalang hahaha kasi may nag babasa pa pala... :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top