24

Tzuyu's P.O.V

"Eomma! Saan ba kasi tayo pupunta? Like seriously? Bakit sobrang aga? 3 a.m?" Sino ba namang hindi maiirita? Alas dos ng madaling araw gigisingin ka ng nanay mo kasi mag papasama sa meeting like what the heck?

"You know what? Just eat your breakfast, may pupuntahan tayong school inexcuse na kita sa mga klase mo kahapon pa." Alam mo? Masaya akong inexcuse kasi tinatamad pa akong pumasok pero yong may pupuntahan akong ganito? Ha! Sapakan nalang

"Bakit kailangan ko pang sumama?" Umupo nalang ako at sinimulan nang kainin yong pancake ko hmm i love this taste like Sana.

"Malayo kasi kaya gusto ko ng kasama ok? Pag katapos mo maligo kana." Tumango nalang ako, ngayon lang ata ako makakaubos ng pancake ko a anong syrup inilagay dito?

"Eomma! Maliligo na ako!" Tumayo naman ako and nilagay sa lababo yong gimamit ko, mayaman ako pero hindi ako tamad. Hinugasan ko nalang din kasi iisang plato lang naman at tinidor.

Maliligo na sana ako ng maalala ko si Sana, mag paalam kaya ako? Yah yah sige papaalam ako.

My Sanake🐍💍

Wifey may pupuntahan
daw kami ni Eomma huhu
Ang aga aga pa eh :(

Hindi pa siya nag reply, siguro tulog pa.
Naligo nalang din ako kaysa tumunganga at mag hintay sa reply niya, siyempre tulog pa yon ano ba.

Natapos na akong maligo, jusko ang lamig bakit kasi ang aga aga ni Eomma, ok dahil nilalamig ako kailangan ko ng Jacket grrrrrr!

"Bring extra Shirt!" Rinig kong sigaw ni Eomma galing sa baba, Ehh mag tatagal ba kami doon? Siguro ok na yong dalawa tapos dalawa ding shorts diba? Tapos sag dalawang underwear.

Hinanap ko naman yong bag ko tapos pinasok ko lahat doon, siyempre tinupi ko ayaw ko namang pag nanguha ako ng damit biglang lalabas yong panty at bra ko nakakahiya yon.

Bumaba na ako, nakita ko si Eomma na ready na din pala sa Sala, ok sorry naman kupad kong kumilos.

Lumabas na kami ng bahay tapos kinuha niya yong kotse niya, ayaw ko sa passenger seat, sabi niya malayo edi dito ako sa likod, hihiga ako mwehehehe.

"Saan ba tayo pupunta?" Bakit kailangan niya pa kasi akong isama tsssss.

"Sa qwqwqzx University." Hindi ko naiintindihan yong sinabi niya, ano daw? Nahihiya akong tanungin ulit hahaha saka na titignan ko nalang mamaya.

"Kailan ulit yong next meet niyo?"

"Next Month Eomma." Isang buwan ko nang hindi nakikita si Sana huhu pero isang buwan nalang din makikita ko na siya hihi.

"Ahh si Sana? Athlete din ba siya?"

"Yes, and sa meet ko siya nakilala, swimmer siya." Ngumiti naman si Eomma, siguro masaya siyang naka hanap ako ng taong mahilig din sa mga sports.

"Ok medyo malayo pa tayo kaya matulog ka muna." I nooded and i closed my eyes, ang sakit sakit ng mata ko kasi nagising ako ng maaga kaya kailangan kong matulog.

_________________________________________

"Tzu, hindi kaba nagugutom, bibili ako. Anong gusto mong kainin?" Nagising ako ng maramdaman kong tinatapik ako ni Eomma sa pisnge, eh? Ilang oras akong naka tulog?

"Kahit ano na Eomma." Tumango naman siya tapos lumabas na sa kotse, wala akong ganang lumabas.

Tinignan ko naman yong Cellphone ko, 6:23 a.m siguro gising na si Sana diba?

Pero bakit hindi pa din siya nag rereply? Hmmm :(


Hayaan mo na iintindihin ko nalang siya, siguro nalate na siyang gumising kaya nag mamadali na siya tapos hindi na niya ako nareply'an oo nga baka nga! Wag ka nang mag isip ng kung ano ano.

Kinain ko naman lahat ng binili ni Eomma, hindi ako patay gutom, gutom lang talaga ako, hindi ako kagaya ni Dahyun na palaging busog at Gutom parehas sila ni Momo.

"Andito na tayo umayos kana yang mga kalat! Ms.Chou Tzuyu please malaki kana  alam mo na kong anong gagawin mo." Tumango naman ako tapos pinulot lahat ng kalat ko tapos nilagay sa basuraan sa loob din ng kotse.

Natatakot na akong lumabas, kapapasok palang ng Kotse nakatingin na lahat dito yong mga studyante, mama welp ayaw kong mamatay. Gusto kong malaman kong anong pangalan ng school pero very nice hindi ko nakita dahil natakpan ng mga students ipatokhang ko na ba? O lalabas nalang ako dito tapos pag sisipain sila?

"Baba na." Bumaba naman ako, at tama ako! Pag kababa ko nakatingin sakin lahat! Wala ba silang mga klase? May matututunan ba sila sa kakatitig saakin?

"Siya ba si Tzuyu? Tama nga sila matanggkad siya at maganda pero medyo maitim pero ok na din." -_- putcha salamat sa maganda at matangkad pero sa maitim? Sapakan nalang oh?

"Move faster Tzuyu!" Tumakbo naman ako, hindi ko namamalayan naka layo na pala siya sakin ehehehe.

Pumasok kami sa isang classroom, ay wait hindi siya classroom, principal's Office siya.

Pag bukas ni Eomma ng pinto nagulat ako kong sino ang naka upo sa table ng principal, siya ang principal dito? Wow what a small world.

"Oh Mr. Minatozaki..." Nagsalubong ang kilay ko ng sambitin ni Eomma yong apilyedo niya, siya ang dahilan kong bakit namatay si Dad.

"Mrs. Chou, long time no see." Argh this bastard, bakit ba hinahayaang mabuhay ang kagaya niya?

"Hindi ko alam na ikaw pala ang kakausapin ko ngayong araw na to, pero siguro wala na tayong pwedeng pag usapan." Aalis na sana kami ni Eomma ng mag salita ulit siya.

"Oh come on! Matagal na panahon na yon! Hindi kapa ba naka move on?" Pang aasar ni Mr. Minatozaki, ganon padin siya. Kaibigan siya ni Eomma at Appa simula Highschool, pero dahil sa maka sarili din minsan si Mr.Minatozaki, pinag palit niya yong kaibigan niya sa pera, napaka mukhang pera.

"Shut up!" Hindi ko na kaya nahihirapan ako pag naalala ko yon, pinag pustahan si Dad! Pero bakit?! Bakit hindi nakulong si Mr. Minatozaki? Bakit hindi sila nakulong lahat?!

"Oh is this how your mom raise you? What a shame!" Gusto ko siyang suntukin, kahit mas matanda  siya sakin wala akong pake.

Biglang bumukas yong pinto ng room pero wala akong pake, lalapitan ko na sana si Mr. Minatozaki ng.....

Biglang may yumakap saakin galing sa likod, ang lamig ng pakiramdam ko... "Please Tzuyu don't hurt him.." what why? He killed my Dad! Hindi niya alam ang nangyare!

"Sana! Wala akong pake! Pinatay niya ang tatay ko!That Bastard!" Mas humigpit yong yakap niya.

"That Bastard is my Dad Tzuyu..." Bakit ba napaka liit ng mundo?

"Oh hello my lovely daughter, kilala mo siya?" Hindi nag salita si Sana dahil naka yakap padin siya sakin.

"Don't tell me na siya yong lagi mong kwenikwento saamin na girlfriend mo?"  Kumawala naman na siya pag kakayakap saakin.

"Yes dad siya." Hindi ko alam na principal din ang tatay niya, bakit? Bakit hindi niya sinabi? Noong una ay akala ko mag ka apilyedo lang sila pero nag kamali ako.

"Wow! Seriously wow!" Pumalakpak naman siya but slowly.

"Bakit hindi mo sinabi sakin to sana?" Hinarap ko siya, umiiyak siya ngayon.

"Kasi alam ko kong anong past ng pamilya natin! Ayaw kong mailayo sayo!" Pero nag sinungaling ka padin Sana, bakit?

"Let's go home Tzuyu!" Hinatak naman ako ni Eomma, mag sasalita na sana si Sana pero pinigilan siya ni Eomma.

"Don't ever talk to my daughter.... Again!" Wala akong ibang nagawa kundi sumunod kay Eomma, pero bago pa kami naka labas ay nakapag paalam pa ako.

"Goodbye sana, Saranghae...."

.|End of Chapter 24|.

~~~~~~~~

:( Wala na akong load whahahah mag eexpired na mamaya baka hindi ako maka pag update 🤦‍♀️ sorri kaya i uupdate ko na toh.

Pls basahin niyo din yong isa kong story :) salamat💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top