Vacation

Hannah

Its been a while since we've go out of town. Nung nakipagdeal ako kay Juri, kinabahan talaga ako dahil baka i-set na naman niya ako sa isang date. I hate dating.

Buti nalang at bakasyon lang ang hiling nitong hapones nato. At kasama pa si Peace. So ang magiging role ko naman nito ay manager o tagabantay ng dalawa.

Hindi pa nga kami nakakarating, hindi na sila maawat sa pangti-trip sa akin o kaya'y sa kasabayan naming mga sasakyan. Hay!

"O, wag mong sabihin bagot na bagot n ka na diyan?" tanong ni Peace habang nagmamaneho.

"Hannah, your deal" maarteng banta ni Hannah.

"What? Kasama niyo naman ako di ba? I just can't believe na may mga kaibigan akong maiingay" seryoso kong sagot.

"Ay ang mean te?" biro naman ni Peace.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko habang nakatingin sa labas.

"Yup. We almost there. I really excited for this outing!" masayang pahayag ni Juri habang pimapalakpak pa.

Maya-maya ay nakarating na kami sa isang vacation house ni Juri. Medyo malayo-layo rin ito sa centro dahil maraming kahoy ang nasa paligid ng bahay.

Napamangha kami ni Peace sa vacation house ni Juri. Grabe talaga ang babaing ito. Napakayaman!

"Grabe, sobra-sobra namang ganda nitong tagong bahay mo" manghang komento ni Peace.

"How did you get this huge house?" amaze kong tanong.

"Its my dad's gift to my mom in their anniversary. And they give it to me on their will testament. C'mon" she smile.

Nagtinginan nalang kami ni Peace saka pumasok sa loob. Its been 7 years from now since Juri's parents ambush.

I know how she mourn. The days she stayed in the orphanage, she almost didn't speak because of a great trauma.

"Welcome to my haven" nakangiting sabi ni Juri.

"Whoah! Ang ganda...! Bahay ba talaga to o palasyo na?" manghang tanong ni Peace.

"Peace, pareho lang silang bahay. Mas malaki lang ang palasyo" komento ko naman.

Napalingong naman siya sa akin na nakanguso pa. "Ito naman, hindi ka talaga mabiro. KJ! Hmp!" agad naman itong umakyat sa taas.

"Juri? Hija ikaw ba yan?"

Napalingon naman kami ni Juri. Lumapit naman sa amin ang may katandaan ng babae.

"Nana Celine!" tili naman ni Juri. "I miss you po" she hug her.

"Namiss rin kita. Kumusta ka na? Dalagang-dalaga ka na o" manghang komento ng ginang.

"Of course I am, Nana. Famous model na nga ako eh" pagmamayabang nito. "Ay! Siya nga pala, Nana. She's Hannah Samonte. One of my bestfriend. Hannah, si Nana Celine. My nanny since I was child. And the caretaker of this house" pakilala niya.

"Hello po. Magandang umaga sa inyo" bati ko.

"Magandang umaga rin. Ke ganda-ganda niyo naman"

"Naku po, matagal na" biro ko.

"I told you bestfriend ko siya" natatawang sambit naman ni Juri.

Nagtaka naman ako ng magtawanan ang dalawa. Napalingon naman kami ng magsalita si Peace.

"Uy! May kasama pala tayo. Hello po! Peace Santos po. At your service" magiliw na bati ni Peace.

"She's Nana Celine. My nanny before and the caretaker of this house" pakilala ni Juri.

"Magandang umaga po Maam Peace" bati ni Manang Celine.

"Ay naku po! Peace nalang po. Medyo hindi ako sanay na tinatawag na maam. Kaya okay lang na first name basis nalang po"

"Ah. O sige. Ay! May gusto po ba kayong kainin? Ipaghahanda ko po kayo"

"Yes po. Actually, we're starving on the road pa" reklami ni Juri.

"At siya po ang salarin" turo sa akin ni Peace.

"Malay ko ba na malayo to? Tsaka, kumain naman kayo ng dala natin sa byahe ha?" pagtatanggol ko sa sarili.

Inismiran lang ako ng dalawa na kinatawa ni Manang Celine.

"O sige, magsipunta muna kayo sa mga kwarto niyo't ipaghahanda ko kayo" tugon niya.

"Salamat po" sabay na sagot nina Juri at Peace.

"Sige po manang" paalam ko saka sumunod sa dalawa.

"Hannah, this will be your room. Sa dulo naman ay si Peace na ang nag-occupy. And right side is my room"

"Thanks" pasalamat ko saka pumasok sa kwarto.

Bumungad naman sa akin ang kulay puti na dingding. Iilan rin ang mga gamit sa kwarto gaya ng aparador, study table, make-up table, lamp na nakapatong sa little drawer at kama.

Para kang nakapasok sa isang secluded na lugar at preso ka doon with matching white uniform. Hay! Umaandar na naman ang pagiging imaginative ko dahil sa mga libro.

Nag-aayos ako ng gamit ko sa aparador ng may nagbukas ng pinto.

"Kakain na raw tayo" aya ni Peace.

"Okay, susunod ako"

Agad ko namang tinapos ang pag-aayos saka bumaba. Pagdating ko sa dining area ay panay na ang kwentuhan nila.

"Halika na hija at sumalo ka na sa kanila" aya ni Manang Celine.

"Thank you po"

Pumwesto naman kaagad ako saka kumuha ng pagkain. Kakasubo ko pa lang ng pagkain ng bigla ko nalang maibuga ng di kalakasan naman.

"Ewww! You're so gross naman, Hannah" nangdidiring komento ni Juri.

"Ano ba yan, Hannah? Hindi ba masarap ang luto ni Manang Celine?" tanong naman ni Peace.

Inasikaso naman ako ni Manang dahil sa kabiglaan ko.

"Eh sino namang hindi mapapabuga sa sinasabi niyo" inis kong komento.

"What's wrong in setting up a date for you?" takang tanong ni Juri.

"Oo nga? Sige na, Hannah" puna naman ni Peace.

"Mukha bang pumunta ako dito para makipagdate? Juri naman"

"What? You said you do what I wanted to do with you?" inosenteng tugon nito.

"But I thought this vacation would do. Naman o! Alam niyo naman na ayokong makipagdate" reklamo ko.

"Kaya ka nagmumukhang matandang-dalaga eh dahil wala kang love life. Or maybe mayroon na kaya ka nagrereact" ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"What? No! Why would I need a lover? You know that I'm busy with my job, and I don't really have time for some romances" explain ko.

"Whoah! Nosebleed ako dun" kantyaw ni Peace.

"Me too" segunda naman ni Juri.

I sigh. "Please Juri, hindi ako magiging kj sa vacation nato. Just don't set me on a date" kalmado kong pakiusap.

"Bakit ba ayaw mong makipagdate? Natrauma ka ba diyan?" wala sa lugar na tanong ni Peace.

Napahinto naman ako sa pagkain. Nagkatinginan naman kami ni Juri.

"No. Its just that, I'm too busy to have a romantic relationship with someone. Alam niyo namang ang orphanage na ang naging buhay ko"

Silent..

"Sorry if I'm manipulating your personal life" paumanhin ni Juri.

"I'm sorry too. Wala pa kasi isip ko ang ganyang bagay. I hope you understand" pakiusap ko sa kanila.

"Enough of drama girls. Nandito tayo to relax. Makapagbeauty rest. Mag-unwind. Juri, saan tayo pwedeng gumala?" pag-iiba ng topic ni Peace.

"Of course, the beach here is good. Try nating magpa-tan. What do you think Hannah?"

"Maybe I should try it. Para naman maiba ang aura ko" maikli kong sagot.

"Great. So let's get ready shall we?" excited na komento ni Juri.

"Yey!"

Nag-unahan naman ang dalawa patungo sa taas. Magliligpit sana ako nang pinagkainan namin pigilan ako ni manang.

"Ako na hija. Sige na, maghanda ka na. Nandito kayo para magrelax"

"Um, sige po. Salamat"

Agad rin naman akong umalis at tinungo ang kwarto ko. Inihanda ko naman ang ilang damit na gagamitin ko at isinilid sa shoulder bag ko.

Pagkalabas ko ay naghihintay na ang dalawa na panay ang kwentuhan.

"Let's go?" aya ko.

"Let's go!" sabay na sambit nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top