Rendezvous

Hannah

Naitapon ko ang mga papel ko sa desk dahil sa frustration. Kahit anong gawin ko, hindi ko ma-trace ang ibang information tungkol sa Sage na yan.

I know I need to focus on my 'mittere'. Pero hindi ako makapagfocus dahil lang sa walang kwentang lalaking kapangalan 'niya'.

Hinihilot ko ang sentido ko nang nagring ang phone ko.

"Yes? May ipapadala na ba kayo sa fashion show ni Peace Santos?"

"Yes, ma'am. May I know kung bakit hindi po kayo ang personal na makakapunta?"

"I just need a break, Jessica. I can't concentrate on my work these past few days. I really need this break."

"Ganun nga po ang napapansin ko. Magpahinga kayo ng mabuti ma'am para makabalik agad kayo. Ang tahimik ng department natin kapag wala kayo."

"Wag mo na akong bolahin, Jess. Sige na at baka ikaw pa ang mapagbuntungan ko ng sakit ng ulo."

"Ay! Opo. Sige po. Bye. Enjoy the vacation!" Nawala na ito sa linya.

Nang matapos ang tawag ay napatakip ako ng mukha. I can't take this anymore. I need to breathe.

Dali-dali naman akong nag-impake ng mga damit na kakailanganin ko. Nang ma-prepare ko na lahat ay nilisan ko na ang bahay ko.

I turn on my security equipments para malaman ko kung may naloloob sa bahay ko. Kung may makapasok man, alam ko na kung sino yun.

Maggagabi na nang makarating ako sa lugar na tambayan namin ni Sage noon.

This is my breather. Everytime I am here, narerelax ako at nararamdaman ko ang presensya niya.

Naramdaman ko nalang na may luha nang dumadaloy sa pisngi ko. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil parang sumisikip na ang puso ko.

"Sage... bakit ganito pa rin kasakit? Please... I don't want to hurt again..."

Napahagulgol na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan.

Kung pwede lang burahin lahat ng sakit at alaala ko sa kanya. Ayoko nang marasan ito.

"Um, excuse me. Hindi sa inaabala kita pero private property ito. And this."

Tinignan ko ang panyong ibinigay niya. I am about to nag him but when I look at him, I become tongue tied.

It can be. Paano nasa harapan ko na siya? Am I hallucinating? Siya ba yung hinahanap ko o siya yung hinahanap ng puso ko.

"Um, miss?" Untag niya ulit sa akin.

"I-I know this place. Nakarating na ako dito when I was in high school. I didn't know na binili na pala ang lugar na 'to."

"Ahh.. g-ganun ba? Kami kasi ang may-ari nito. Noon pa nasa amin ito. At kami lang din ang nakakaalam nito."

"What is your name again?"

"Sage Fortalejo. Bakit?"

"Sage Fortalejo rin ang kasama kong pumunta dito. With the same face as you. Now tell me, are you deceiving me? Because the way you ask me is like you don't know me."

Parang maluluha na naman ako. Mas gusto ko pang nagpapanggap lang siya kesa hindi niya ako makilala.

"B-But I am Sage Fortalejo. Unless, you met my twin brother."

"Y-You're twin brother?"

"Si Sane ba ang tinutukoy mo? Um, kung siya ang hinahanap mo, w-wala na kasi siya. At dahil yun sa akin?"

Napatitig naman ako sa kanya. Malalim ang hininga niya.

"Bakit? Anong nangyari?"

Naupo naman siya sa tabi ko at tumingin sa malayo.

"I thought na hindi ko na yun maalala. The biggest mistake I've ever made is leading my brother through his death. Namatay siya dahil sa pinagpanggap ko siya that time as me. Lagi nalang yun ang hiling ko sa kanya dahil ayoko sa mga pinapagawa nila mommy sa akin. That's why heto ang punishment ko. Being abandoned by my own parents."

"Yeah. I think you deserve it."

Napalingon naman siya sa akin na parang hindi makapaniwalang sinabi ko iyon.

"You deserve that dahil kung hindi mo iyon ginawa, hindi siya nawala sa akin." Lumingon ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumayo ako. "Sorry sa pang-iinvade ko rito. I guess nasanay na akong pumunta dito. Sige."

Dali-dali naman akong umalis roon. Nang makasakay na ako sa kotse ay naisip naman akong paraan upang parusahan pa ang totoong Sage.

All along I blame it on myself. Pero siya rin pala talaga ang dahilan ng pagkawala ni Sage or Sane sa akin.

"Don't worry Sane. Igaganti kita. Hindi ako papayag na hindi na hindi kita maiganti sa magaling mong kapatid."

Pinaharurot ko naman ang kotse ko at bumalik ako sa bahay. I have some long work to do.

*****

Sage

Mag-aalas nueve na nang makarating ako sa inuupahan kong bahay. Kaagad akong nahiga sa kama.

Matagal-tagal na rin. Akala ko nakalimutan ko na pero hindi pa pala. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya.

Sana nga lang ay mapatawad niya ako. Ayoko ng nangyari sa aming dalawa ng kakambal ko. Walang may gusto na mangyari yun.

Sana matapos na lahat ng paghihirap kong ito. Hindi ko na kasi kaya.

"I'm sorry..." nasambit ko nalang.

*********

Hello readers!

Short update lang siya. Sana magustuhan niyo.

Love lots!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top