Mysterious Killer
Third Person
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw si Selene ng antok. Sino ba namang makakatulog kung ang kaharap mong mga dokomento ay tungkol sa misteryosong killer.
Marami nang report sa estasyon nila na natatagpuang patay na itinatapon kung saan marami ang pwedeng makapansin. Hindi naman sila sigurado kung yung mga napapatay ay iisa lang ang pumapatay.
Ang masaklap pa ay puro may mga kaso ng pagnanakaw at pumapatay ang tinatarget nitong 'Mysterious killer'.
Pero, pati ba namang ibang politician at businessmen? Nagdududa na tuloy si Selene na may ibang pakay ang killer kaya niya dinadamay ang mga high rank officials.
"Delgado, hindi ka pa ba uuwi sa inyo?"
Napaangat naman ng tingin si Selene sa nagsalita. Si Karl. Kasamahan niyang pulis.
"Hindi mo na naman binibitawan yan" dagdag pa nito.
"Gusto ko lang pag-aralang mabuti ang kasong 'to. Sa tingin ko ay may mali eh" komento naman ni Selene.
"At ano naman yun? Ikaw, nahahawa ka na talaga kay Detective Conan. Iwas-iwasan mo rin ang manood ng mga ganyan" biro ni Karl.
"Hindi ito tamang oras para magbiro, Karl" nasabi nalang niya ng hindi ito tinitignan.
"Alam mo, kung ano mang mali ang nakita mo diyan mareresolba rin yan. Tsaka, nakatatak na nga oh, case closed" tinuro pa nito ang nakatatak.
"Paano mo sasagutin ang pagkakapare-pareho ng pagkamatay nila? At ito, yung pagkamatay ni Mr. Kazaki at ng iba pang business tycoon. Somethings wrong with their deaths, how can you actually say na case closed na ang ganitong kaso?"
"Wow. Nosebleed ha. Nag-eenglish ka na naman kapag galit ka. Selene, hindi naman yan mako-close kung may proweba pang iba di ba? Tsaka, mabuti pang umuwi ka na muna. Ipahinga mo yang sarili mo't hindi ka na naman mag-eenglish kapag nagagalit ka" payo sa kanya ni Karl.
Wala nang nagawa si Selene kundi ang tumayo sa upuan niya. Agad niyang iniligpit ang mga papeles at isinilid sa bag niya.
"U-uy! Dadalhin mo yan? Hindi ka na naman matutulog?"
"Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko ito inaral ng mabuti. Sige, alis na ako"
Napailing nalang si Karl sa tinuran ni Selene. Agad namang sumakay si Selene sa motor niya at umuwi. Hindi talaga siya makakatulog hangga't hindi niya nakikita ang mali sa imbestigasyon.
Habang bumabyahe siya hindi naman niya inaasahang may makakatagpo siyang kotse na kamuntikan na niyang ikatumba. Muntikan na ring mabangga ang katagpo niyang kotse.
Nang makarecover siya sa insidente ay agad siyang bumaba ng motor niya saka nilapitan ang kotse. Nagsibaba naman ang sakay nito na mga babae pala.
"What the heck, Juri? Gusto mo ba kaming patayin sa kaba?" reklamo ng babaeng nasa backseat kanina.
"Good thing hindi nabangga yung kotse mo" komento naman ng isang babae na nakaupo sa front seat.
"Sorry. Kayo naman kasi. Tinulugan niyo ako. Ay! Wait yung--- hala! We bump on an officer" gulat ng babaing driver.
"Good evening ladies. Maayos lang ba kayong lahat?"
"Luckily officer. Ospital na ang punta namin" may inis na turan nito.
"Hannah.." warning nung isa.
"Sorry talaga, officer. I didn't notice you. I was a bit sleepy on the road and then that happen" naiiyak na sagot nito.
"Juri..." pag-aalo ng isa sa kanya.
"Wag niyo lang uulitin ang nagyaring ito. Pwede ko man lang bang makita ang driver's license niyo" tanong ni Selene sa driver.
Agad naman itong pumasok sa loob ng sasakyan saka bumaling ulit sa kanya upang ibigay ang driver's liscence nito.
Juri Tikagawa. Japanese ito.
Agad rin niya itong isinauli. Nagsulat naman siya sa papel niya ng konting report na nagyari sa kanila.
"Next time, mag-iingat na kayo. Isa sa mga dahilan ng pagkakadisgrasya ay ang inaantok sa daan. Kaya mas mabuti kung magpalit-palit kayo ng pagmamaneho para hindi kayo madisgrasya" she reminded them.
"Tatandaan namin yan officer. Pasensya na at pati kayo naperwesyo namin. Sige po, alis na kami. Pasensya na ulit" hinging despensa nang isang babae.
"Sige. Mag-ingat kayo"
Agad naman nagpaalam ang tatlong babae. Nagpresinta naman yung Hannah na siya ang magmaneho at baka daw madisgrasya ulit sila. Tinungo na rin ni Selene ang motor niya at umalis na sa lugar na yun.
Samantala, naging busy naman ang tatlo habang bumabyahe. May ginagawa si Juri sa kanyang laptop habang si Peace naman ay nakatingin lang sa phone niya at nagsu-surf sa social media.
"I've got it" tugon ni Hannah.
"Me too" sagot rin ni Peace.
"Good. Kailangang malinis nating magawa ang plano upang walang makaalam" seryosong kumento ni Hannah.
"Don't worry. We just need to do the usual to terminate this person" komento ni Juri habang nakatutok sa profile ng biktima nila.
"Right. Masyado na siyang nakikialam. Kailangan na nating kumilos sa lalong madaling panahon" ani ni Peace.
Tinutukan naman nito ang larawan na nasa social media. Marami ang nasa larawan ngunit isa lang ang tinitignan niya.
Officer Delgado.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top