Hannah

Hannah

Never I thought that I still have a chance to live in this world. I've been facing death several times but still I'm living.

I was on second year in high school when I met him. He's not as handsome as what some authors in a book describe a prince.

He's not a kind of knight in shining armor who would save you from danger. He's not that smart as what we always imagine for a guy.

He is the opposite for what we ever imagine for a guy to fit for us. But what I assure you, he is a guy with a kind heart. Even if others taken him for granted, he never expect of exchange of his kindness to others.

That is the reason why I notice him.

I'm no popular in school but I became one because of what I did to be the talk of the school.

Habang papunta ako sa garden ng school, napansin ko na may kumusyon sa di kalayuan. May binubogbog na lalaki na sa palagay ko ay kabatchmate ko. Yung nerd.

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kanya?"

"Bakit? Ipagtatanggol mo ba ang loser nato?" tanong ng isang lalaki.

"Oo. Ano bang kasalanan niya at pinagtutulungan niyo siya?!"

"Aba't makikialam pala tong--"

Sinugod naman niya ako pero nakaiwas ako. Sumunod naman yung dalawang lalaki at tinangkang suntukin nila ako pero umiwas ako saka ko sila pinagtatadyakan.

Nasipa naman ako nung isa pero nakabawi rin ako. Hanggang sa pareho silang tatlong bugbog sirado. Tutulungan ko na sana ang lalaki ng may nakakita sa amin at agad naman kaming pinatawag.

Simula noon ay naging close kami. Nagtutulungan kami sa mga assignment at exam namin. Hanggang sa nagkaaminan ng damdamin.

Yun na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Sa isang basagulerang katulad ko, I never thought that I would be able to experience to love and be love.

Sasaya nga kayo ngunit sabi nga ng iba, kong sobra ka nang masaya, kapalit naman nun ay matinding kalungkutan. At hindi nga nagkamali.

Akala ko ay hindi na ako gagambalain ng mga dati kong nakaaway. Pauwi na sana kami noon nang harangin kami ng mga lalaki. Pinauna ko naman si Sage na umuwi. Sinabihan ko lang siya na mag-uusap lang kami.

Bigla akong nangamba nun hindi dahil sa naduwag ako. Kundi sa maiiwan ko. At yun ay si Sage. Nangangamba akong hindi ko na siya makita kung maalanganin man ang buhay ko ngayon.

Nasa kalagitnaan na kami ng away ng marinig ko ang sigaw ng isang lalaki. Halos hindi na ako makabangon nun dahil sa bugbog at palo ng kalaban ko.

Sa kanya naman napunta lahat ng atensyon. Pipigilan ko sana sila ngunit sumugod sila sa kanya. Buong pwersa ko namang tumayo upang iligtas si Sage.

Ngunit hindi ko inasahan ang nangyari ng sumunod. May isang lalaki na bigla nalang pinalo ang uli ni Sage gamit ang bakal.

Nahinto naman sila nang tumumba ito at saka nagsialisan. Dahan-dahan naman akong pumunta kay Sage habang umiiyak.

Napukaw nalang ako ng may maghiwalay sa aming mga pulis. Dinala naman ako sa estasyon at kinulong doon ng ilang araw.

Parang gumuho naman ang mundo ng malaman ko na namatay si Sage dahil sa pagkakapalo niya sa ulo. Dahil hindi pa ako pwedeng ikulong ay ibinigay ako sa DSWD. Itinakwil na rin ako ng tyahin ko dahil sa nangyari.

Simula noon ay hindi na ako umasa na mabuhay pang muli. Si Sage lang ang naging kakampi ko sa buhay. Siya lang ang nag-appreciate sa akin.

Bumalik naman ako sa pagiging basagulera ko hanggang sa maging magnanakaw at taga-deliver ng mga droga.

Naging masaklap ang buhay sa akin. Siguro dahil na rin sa guilt ko sa pagkamatay niya. Sa palakad-lakad ko sa lansangan, nakilala ko si Mother Shine. Dinala niya ako sa orphanage at doon naramdaman ko muli na may silbi pa ako sa buhay.

-----------------------------------------

Napabangon naman ako bigla. Its been a while since I encounter that nightmare. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang alaala ng pagkamatay ni Sage ng dahil sa akin.

Bumaba naman ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. I think I need a beer para makatulog ako ulit. Kakainom ko palang ng beer ng may marinig akong ingay galing sa sala.

Agad naman akong kumuha ng kutsilyo at dahan-dahang tumungo doon. Napansin ko namang may nakahiga sa carpet na para vang naghihingalo kaya agad kong pinailawan ang buong sala.

Nang lapitan ko ito ay agad ko naman siyang tinulungang ihiga sa sofa. Tumungo ako ulit sa kusina upang manghagilap ng first aid kit. Kinuha ko rin ang beer ko para ipainom sa kanya saka bumalik sa sala.

"Here, drink this first" ibinigay ko sa kanya ang beer saka ininom niya.

Nagsimula naman akong gamutin ang parteng nabaril sa kanya. Malalim-lalim rin ang naabutan ng bala. Pumiksi naman siya ng konti ng makuha ko ang bala.

Pinatungan ko agad ng bandage sugat niya saka ko nilinis ang dugo sa katawan niya.

"What happen? Bakit may tama ka na naman?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" pabalik niyang tanong.

"Pasalamat ka at binangungot ako. Kundi patay ka na bukas" I tap her wound.

"Aray! Grabe ka ha! Pero salamat"

"Halika na at ihahatid na kita sa kwarto mo"

Inalalayan ko naman siya hanggang sa kwarto niya. Nang makahiga na siya ay lumabas ako sa kwarto niya at tinungo ang kwarto ko. Kumuha ako ng ilang gamot saka bumaba naman upang kumuha ng tubig.

Nilinis ko muna ang sala saka ko ibinalik sa lalagyan ang medicine kit at umakyat na sa taas at tinungo ang room niya.

"Heto, inumin mo yan para madaling maghilom yang sugat mo"

"Thanks. Matutulog na ako. Ikaw rin"

"Iinom muna ako. Hindi pa ako makatulog eh"

"Okay. Salamat ulit" she smile then she close her eyes.

Lumabas naman ako sa kwarto niya saka tumungo ulit sa kusina at kumuha ng ilang beer. Iinom na sana ako ng may magsalita sa likod ko.

"Kumusta siya?" lumapit naman siya sa akin at nakiinom rin.

"Ayos na siya" natahimik naman kami. "I thought this is our break fron all our appointments" dagdag ko.

"Nandito kasi ang target niya. Kaya hindi na niya hinintay na makatakas pa ito"

Silence...

"Nightmare again?" I nod. "Siya na naman?" I didn't respond. "He really give a large amount of love kasi hindi mo man lang siya makalimutan"

"Mahirap makalimutan ang taong tumatak na sa puso mo. At hinding-hindi ko siya aalisin dito" itinuro ko ang puso ko.

"May magagawa pa ba ako? Just be strong always. Mapaglaro ang tadhana"

I just nod. Ilang sandali pa ay nauna na siyang umakyat sa taas. Nang mapag-isa ako ay naisip ko na naman siya. Yung mga magagandang alaala na ginawa namin.

Napaluha nalang ako pangungulila ko sa kanya. Sana nga ay buhay pa siya ngayon. Sana ay masaya na kaming nabubuhay ng tahimik.

Kung hindi lang dahil sa kanila. Sisiguraduhin kong uubusin ko silang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top