Christmas Special
Merry Christmas everyone!!! 🎄
----------------------------------------------
Christmas is consider as a special day for us. As we celebrate the birth of our Lord Jesus Christ, we also set this day as a family gatherings.
Giving of gifts those who don't have.
Attending misa de gallo.
And also lending other the love.
For Peace, Juri and Hannah, christmas is just an ordinary days for them. Yes, they celebrating it in the orphanage but they never feel it the essence of celebrating it.
Two days before christmas, Hannah is busy searching for information about the guy she is stalking.
She was about to finish when her phone rang. Its her colleague.
"Yes, Jessica?" she answered.
"Ma'am Hannah, natapos ko na pong i-arrange ang mga drafts na babasahin niyo. Dadalhin ko ba na diyan?"
"Yes. Dito ko nalang sa bahay yan babasahin."
After ng pag-uusap nila ay agad na binaba ang tawag. Humarap ulit siya sa desktop niya saka binasa ang info.
Sage Henry Fortalejo.
Nasambit nalang ni Hannah. Babasahin pa sana niya ang iba pang info ng tumunog na naman ang phone niya. This time, its Peace.
"I hope you have a good reason just by disturbing me" she said with annoyance.
"Yes. I have Miss Loner. Mother Shine ask me if we can celebrate christmas in the orphanage."
"And?"
"I told her that we are too busy but she said na magtatampo siya sa atin. Alam mo naman si Mother Shine, napakaunique niya kung magtampo. Sige na, Hannah."
"Marami kasi akong gagawin---"
"Don't use a reason about that mystery guy. Promise, ngayong taon lang. Tsaka, tinabi ko nga yung trabahong iniwan mo. Which is hindi naman talaga kailangan. So ano? Kailangan ka ba naming kaladkarin ni Juri jan?"
Napabuntong-hininga na lang si Hannah. Tinignan niya ang picture ni Sage sa monitor niya.
"Wait me there."
She ended the call then get up from her swivel chair. Kinalikot muna niya ang phone niya upang i-connect sa desktop niya.
Agad naman siyang nag-ayos. Palabas na siya ng kwarto niya ng may nagdoorbell. Nang buksan niya ito ay tumambad sa kanya si Jessica.
"Kompleto na ba lahat yan?" Inabot ang di kalakihang box.
"Opo. Aalis po kayo?"
"Yeah. Kailangan ako sa orphanage. Maybe I'll read this later."
"That's new. Anyways, merry christmas sayo ma'am. Sige po mauna na ako."
"Sige. Merry christmas din."
Isinirado naman niya ang pinto at tinungo ulit ang kwarto upang ilapag doon ang box. Agad din naman siyang umalis ng bahay niya.
Samantala, aligaga naman ang mga katulong sa kusina sa orphanage sa paghahanda nila sa christmas celebration nila mamayang gabi.
Nandoon na rin sila Peace at Juri na busy sa kani-kanilang ginagawa. Si Peace sa decoration at Juri naman ay inensayo ang mga bata sa pagsasayaw.
Ilang sandali pa ay dumating na rin Hannah. Dumeretso naman siya sa hall kung saan ginaganap lagi ang christmas party nila.
"Finally, you're here. Na'san ang gifts mo?" Tanong ni Peace.
"Um, nakalimutan ko. Ang dami ko kasing ginagawa."
"Okay. Kung ganun, ikaw nalang ang magwrap ng mga gifts na dala namin ni Juri. Busy rin naman ako pero buti nalang at may online shopping. Doon nalang ako namili ng ipangreregalo ko. Kaya gora ka na doon." Tinuro niya ang office nila Mother Shine.
Tumango nalang si Hannah. Binati naman siya ng ibang bata at kasamahan sa orphanage and she just smile in response.
Lahat sila halos may ginagawa lahat. Tulong-tulong lahat upang mapasaya nila ang mga bata sa orphanage.
Goal ng orphanage na iparamdam sa mga bata na kahit wala silang mga magulang, madarama pa rin nila ang pagmamahal at kalinga.
Itinuro rin sa mga ito ang kahalagahan ng pasko sa ating lahat. Ang mensahe sa araw ng kapanganakan ni Hesu Kristo bilang tagapagligtas sa kasalanan natin.
Nang matapos na ang lahat at nakapagprepare na ay nagsitipon naman sila sa hall kung saan gaganapin ang party nila.
Sinimulan nila sa pagdadasala saka nagpatuloy ang programa. Makikita sa mukha ng mga bata ang kasiyahan. Lalo na sina Hannah, Peace at Juri.
Ayaw talaga nilang magcelebrate ng pasko ngunit hindi rin nila mahindian ang tahanang nagsilbing pag-asa at ilaw nila sa panahon ng kadiliman sa buhay nilang tatlo.
Before the program finish, tinawag naman ni Juri (the host) si Mother Shine sa harapan para sa konting speech.
"Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil naging successful ang party natin ngayon. At gusto ko rin batiin na happy birthday Lord Jesus Christ. Nagpapasalamat rin ako dahil naririto ngayon ang tatlo sa espesyal na tao na bumuo nitong orphanage. Juri, Peace at Hannah...."
"....Alam kong pare-pareho kayong busy sa mga career niyo at nagpapasalamat ako dahil nandito kayo. Hindi ko kayo masisisi kung ayaw niyong magcelebrate ng pasko ngunit nakiusap ako para lang makasama ko ulit kayo ngayon pasko. Alam ko malayo ako sa pamilyang iniisip niyo ngunit sa tinagal ninyo rito ay itinuring ko na kayong mga tunay kong anak...."
"..... Mga anak, maraming salamat sa inyo. Sa lahat ng mga bata rito, nagpapasalamat ako dahil naipanganak kayo mundong ito. Naniniwala akong lahat ng ipinapanganak sa mundo ay purpose. Ibig sabihin, kahit kailan hindi nagkamali ang Panginoon sa paggawa ng nakatadhana sa atin. Kung ano man ang hirap, pagkasuklam, at lungkot ang nadarama natin, nawa'y mawala sana ito. Ang Panginoon natin, nandiyan lang yan, naghihintay sa tawag natin. Handa niya tayong tulungan..."
".... Sana kahit hindi na pasko ay maisaisip natin ang mensahe at kahulugan ng pasko. Magandang gabi sa lahat."
Nagpalakpakan naman lahat ng bata. Nagpipigil naman ang tatlo sa kanilang emosyon.
Nang matapos na ang programa ay agad tumulong ang tatlo sa pagbibigay ng regalo sa mga bata. Nasiyahan naman kahit papano sila sa pagdadaos ng kapaskuhan sa orphanage.
Agad rin namang nagpaalam si Hannah dahil may tatapusin pa siyang trabaho na ipapasa niya pagkatapos ng pasko.
Nilapitan naman siya ni Mother Shine. Alam na ni Hannah na may sasabihin itong 'words of wisdom'.
"Aalis ka na?"
"Opo. Ang daming nakatinggang trabaho sa bahay."
"Masaya ka ba?"
"Po?"
"Masaya ka ba ngayon? Dito? Kasama namin?"
"Syempre naman po. Bakit naman hindi? Ang makita kayo lalo na ang mga bata, masaya po ako."
"Hindi para sa amin kundi para sa iyong sarili. Sa inyong tatlo, ikaw ang ang mas nakaranas ng pait ng buhay na wala ang magulang. Alam kong wala ako sa posisyon na sabihin ito ngunit gusto ko lang malaman mo, na kahit na anong mangyari may pamilya kang babalik-balikan. Kaibigan na masasandalan at kaibigan na makakatulong. Sana, pagdating ng tamang panahon, makimita ko na sa mga mata mo ang tunay na kasiyahang inaasam mo."
Ngiti lang ang sinagot ni Hannah saka niya niyakap si Mother Shine. Huminga siya ng malalim upang pigilan ang pagtulo ng luha niya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap at ngumiti rito.
"Salamat sa paalala, Mother Shine."
"Mangako kang magiging masaya ka."
"Darating po tayo diyan. Sige po, mauuna na ako."
Tumalikod naman si Hannah saka sumakay sa sasakyan niya. Huminga muna siya ng malalim saka niya ito pinaandar.
-----------------------------
Hey readers!
Sorry sa late updates. Naging busy talaga ako.
Anyways! Merry christmas again to all! May your christmas have a full happiness that you deserve.
Hanggang sa muli!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top