Assassination

Sort of SPG.

-----------------------------------------

"Magpakita ka! Alam kong nandiyan ka lang! Wag kang duwag!" Sigaw ng lalaki habang pinagbabaril niya ang kisami.

Dahan-dahan namang umatras ang lalaki at pinakinggan niya ang paligid. Nakarinig naman siya ng kaluskos sa may likuran niya at agad naman niya itong pinaputukan.

Ngunit hindi niya inaasahang mabaril ang kaliwang binti niya. At isinunod pa ang kanan kaya ito napaluhod. Bumaril ulit ito hanggang sa mawalan na ng bala.

Makikita ang takot sa mga mata ng lalaki. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng mga yapak.

"Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ng lalaki sa naka-itim na suot at naka-face mask pa.

Imbes na sagutin ng killer, kinuha nito ang pulyal at isinaksak kaliwang balikat nito. Susubukan sanang manlaban ng lalaki ngunit tibapakan lang ang kabilang braso niya saka isinaksak naman ang pulyal sa kabilang balikat nito.

Humihingi ng tulong ang lalaku ngunit imposibleng may makarinig sa kanya dahil walang magtatangkang dumayo na tao sa isang abandonadong gusali.

Hindi pa nakontento ang killer at sinubukan nitong paikutin ang punyal sa loob ng katawan niya. Hindi na alam ng lalaki kung anong gagawin dahil sa sakit na ginagawang torture sa kanya.

Halos maputol naman ang hininga nito ng bunutin ang punyal sa katawan niya. Hindi pa nakontento ay isinaksak rin ito sa magkabilang kamay ng lalaki.

Hanggang sa pinagsasaksak na rin nito ang tiyang ng limang beses. Nang masiguro na ng killer na mapuputulan na ito ng hininga ay binunot niya ang kanyang baril saka pinagbabaril sa ulo ng tatlo beses.

Ipinatong naman ng killer ang baril sa kaliwang kamay nito at ang pulyal sa kanang kamay naman. Tumingin naman siya sa relo niya saka nagdesisyon umalis.

Ilang minuto pagkaalis ng salarin ay nagsidatingan ang mga pulis. Agad naman silang nagsipasok na may pag-iingat dahil baka nasa paligid pa ang killer.

Nang makapasok sila sa loob ay nadatnan nila ang nakahandusay na na bangkay. Na sa tantya nila ay bago pa ang naganap na krimen.

Inutusan naman ni Selene ang mga tauhan niya na maghanap sa buong gusali. Agad nilang ipinakuha ang bangkay.

Hindi pa naiipapasok sa loob ng ambulansya ang bangkay ay hinarang na ito ng may edad na babae.

"Yosef!" Sigaw nito habang umiiyak.

"Papa!" Tawag naman ng isang dalaga.

Hindi makapaniwala si Selene na nadamay si Congressman Yosef Madrid sa mga napapatay ng walang dahilan.

Hindi nila mahanap ang point kung bakit may pumapatay sa mga politician na hindi klaro kung ano ang dahilan.

Nang ma-clear ang area ay agad namang sumunod si Selene sa head quarters upang malaman ang result ng autopsy.

"Grabe no? Napakabrutal ng pagkakapatay kay Cong. Madrid. Parang may galit talaga sa kanya ang pumatay. Kulang nalang katayin niya si congressman" rinig niyang komento ng isang pulis.

"Sinabi mo pa. Sigurado akong ang gumawa nun ay may galit kay congressman. Aba't ke buti-buti nung tao tapos brutal na kamatayan lang ang matatamo niya" komento naman ng isa.

"Sana nga at madakip na ang gumagawa nito sa mga politician. Halos lahat ang takot ng tumakbo sa election dahil sa mga nangyayari sa bansa natin. Baka wala na nga tayong lider dahil halos inuubos na ng killer ang mga taga-gobyerno."

"Sa tingin mo, ano kaya ang dahilan ng killer?"

"Malabong sa pulitika yan. Baka naman personalan. Kasi, kung pulitika malalaman mo na sinadyang patayin ang kabilang kampo para lang manalo. Pero ito, parang assorted eh. Parang warning ika nga."

"Kung ano man ang dahilan, kailangan pa rin nating hulihin ang kriminal. Kaya dapat maging handa at alerto tayo. Dahil hindi lang mga politician at mga kriminal ang pinapatay, pati na rin ang iba pang mga sektor na sakop ng gobyerno." Sabat naman ni Selene sa dalawang pulis na kasamahan niya.

"Eh paano nga natin mahuhuli eh parang may superpower ang mga gumawa nyan sa kanila. Gaya ng kanina. Anong klaseng kriminal ang makakatakas ng ganoon kadali pagkatapos niyang pumatay?"

"Ayan ka na naman sa mga superpowers mo, Gamboa. Realidad ito, hindi kathang-isip" komento nito. Napakamot nalang ang lalaki.

"Sige na, bumalik na kayo sa mga trabaho niyo" utos naman ni Selene.

Nagsibalik naman ang dalawa sa kanilang mga trabaho habang si Selene naman ay pinag-aralan rin ang bagong kasong aasikasuhin nila.

-----------------------------------------------------

Hapong-hapo namang pumasok si Peace sa bahay niya. Kakahiga lang niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya.

"Himala at nakapasok ka sa bahay ko" sambit ni Peace habang nakatingin sa kisame.

"You never fail to amaze me. How's the mission?" Tanong ni Juri.

"As usual. Boring" walang buhay niyang sagot.

"Hmm. Di ba may sinusundan ka? That can be exciting."

"Who? The guy that Hannah gave to me to stalk? He's somewhat a boring one. Sa lahat ng ayoko ay yung wala akong napapatay sa isang araw. That would be the death of me." Napangiti namang lumingon si Peace kay Juri.

"Iba rin yang tama mo no? You are consider as an addict already. Addiction of killing innocent people?" Natawa naman ito sa sinabi.

"At tumawa ka pa talaga ha? Wala akong pakialam kong adik ako o hindi, at least hindi drugs di ba?" Napaupo naman si Peace sa kama.

"That is worst than drugs."

"As if naman hindi ka pumapatay?" Napataas naman ng kilay si Peace.

"But unlike you, I only do it occasionally" pagyayabang naman ni Juri.

"Pero may extrang service naman. Yuck! Mga old men pa. Nakakasuka ka!" She tease.

"Hey! That's absurb! I'm not kaya!"

"Yes way my dear. Anyways, matutulog na ako. Ikaw rin. Umalis ka na."

Agad namang humiga si Peace at natulog. Umalis naman rin si Juri. Its a tiring day for them. For being an assassin for a day.

-------------------------------------------------

Advance happy new year guys!!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top