18: The Better Killer
AZORYA
The Better Killer
"What the fuck did you do?!" Halos mabingi ako sa pag-uusisa ni Rosh.
Ano ba ang inaarte niya? First time niya bang makakita ng putol na braso at binti? Dapat wala na lang sa kan'ya 'to. Dapat ay sanay na siya sa ganito.
Mas dumoble ang panlalaki ng mata ni Rosh nang tuluyan kong buksan ang sakong pinaglagyan ko sa kapatid niya. Umawas ang masangsang na dugo.
"K-Kuya!" Humagulgol naman si Rumi nang makita ang Kuya Rosh niya na nakatali sa kama, duguan din katulad niya. "I can't feel my legs and arms!"
Napangiti ako, humalukipkip. "And your poor brother can't feel his cock."
Nang makuha ang ibig kong sabihin, isang hiyaw ang pinakawalan ni Rumi. Lahi talaga sila ng mga may saltik.
"Fuck you!" Bumaling ako kay Rosh nang murahin niya ako. "I'll kill you!"
Habang nakasaladsad sa sahig si Rumi ay naglakad na ako palapit kay Rosh.
Nakagapos ang mga kamay niya ng kadenang nakatali sa chandelier sa itaas ng kama. Nakatayo siya ngayon sa kama nang walang anumang saplot.
"H'wag mo 'kong patawanin, Rosh," mapaglarong sambit ko. "And stop using the word 'fuck'. We both know you can't. Mamamatay kang tigang."
"Shut up!" gigil na sigaw niya.
"No, you shut up!" Sinampal ko siya. "H'wag mo 'kong masigaw-sigawan d'yan, putang ina ka! Nagbago na ang sitwasyon. I am now the player and you are my toy! Susunod kayo sa akin kung ayaw ni'yong umabot nang pitong linggo 'tong parusa ni'yo!"
Bagama't umiiyak ay pinaupo ko si Rumi saka isinandal ang likod niya sa kalapit na pader, nakaharap kay Rosh.
Ibinaba ko ang palakol at kinuha ang baseball bat sa tabi ng kama. Lumapit ulit ako kay Rumi at itinutok ang bat sa mukha niya. Halos pigilin niya ang paghinga, takot sa posibleng gawin ko.
"Kawawa naman si Rumi, oh. Para na siyang salagubang na pinutulan ng paa. Aliwin mo naman siya, Rosh."
Umigting ang panga ng sugatang lalaki. Kung hindi lang nga siya nakagapos ay sigurado akong naghalimaw na siya.
"Sayaw," paglilinaw ko.
"I see what you're doing," naiiling na sagot ni Rosh. "You're not having it."
"Ayaw mo?" Hindi ako para manakot kaya hinampas ko ang ulo ni Rumi. Dumugo iyon at halos mabasag pa.
Hinarap ko si Rosh matapos niyang sumigaw. "Sayaw," pag-uulit ko.
Kahit labag sa loob ay sumayaw siya. Dahan-dahang gumalaw ang balakang ni Rosh habang umaagos ang dugo sa binti niya. Tuluyan na akong napangiti.
"Yeah, that's it. Dance for us."
Narinig ko ang paghikbi ni Rumi sa tabi ko. Kahit kailan, ang arte niya.
Kinuha ko ang asido sa bag ni Azhria at walang pasabing ibinuhos 'yon sa mukha ni Rumi. Halos mapaos siya sa kasisigaw. Pero hindi rumehistro sa akin ang anumang awa. Deserve niya.
"Rumi!" hysterical na tawag ni Rosh.
"You've always placed great value in beauty, Rumi," sabi ko nang lumuhod ako para lumebel sa kan'ya. "Ngayon, literal na wala nang maganda sa 'yo."
Umuusok pa rin ang mukha niya at wala siyang magawa para pigilin 'yon.
"Bakit hindi mo punasan?" Natawa ako. "Oops, wala ka na pa lang kamay."
Tuluyang nagdilim ang paningin ko nang duraan ako ni Rumi. Sa gigil ay hinatak ko ang buhok niya saka ko siya pinagsasampal. Hindi pa ako nakuntento at sinaklob ko ang mukha niya ng transparent bag at binuhol 'yon. Kating-kati akong patayin siya pero may kailangan pa siyang makita.
"Don't die yet, okay?" sabi ko habang nalulumos si Rumi sa loob ng bag.
Sunod kong nilapitan si Rosh na nanginginig na. Sumampa ako sa kama, dala-dala ang baseball bat.
"Baliw ka na," komento ni Rosh.
Tumango ako. "You turned me into this. Now suffer its consequences."
Tumangu-tango siya, tila sumuko na.
"You can kill me," umagos ang luha ni Rosh, "just spare my sister, please. She's been through a lot already."
"I've been through a lot also," mapait akong ngumiti, "did you spare me?"
Hindi siya nakasagot.
"You've always liked fucking holes, Rosh," pumuwesto ako sa likod niya, "but did it once cross your head how it feels like while your hole is fucked?"
Gaining a hint from my words, Rosh started being loud again. "No, please!"
"Huli na para magmakaawa pa. Ubos na ako, Rosh. Inubos ni'yo na ako. At hindi ko hahayaang mag-isa lang ako. Sama-sama tayo sa impiyernong 'to."
Ipinahid ko ang dugo niya sa baseball bat at walang-awang ipinasok 'yon sa loob niya. Daig pa ni Rosh ang kinatay na baboy sa lakas ng sigaw niya. Alam kong nasasaktan siya. Ganito rin ang paulit-ulit na pinaramdam niya sa 'kin.
"Did it reach your soul, huh?" tanong ko saka mas lalong idiniin ang bat sa loob niya. "What? Answer me, Rosh!"
"Stop, p-please," he begged. "Stop . . ."
His pleading was music to my ears.
Ngunit nabingi na ako nang sariling galit. Wala akong ibang maramdaman kung hindi pait. Hindi ako masamang tao. Pero binaboy nila ako. Minsan, hindi sapat ang magpatawad. Minsan, kailangang gumanti para maibalik ang ninakaw na dignidad. At ito na 'yon.
This is my revenge. These monsters are good as dead to me. And this is how I kill them. This is how I can live again.
Tumigil lamang ako sa pag-ulos nang sumirit ang dugo mula sa likuran ni Rosh. Nawalan na siya ng malay-tao.
Si Rumi naman ay patuloy na iniinda ang kawalan ng hangin. Suffocating to death, her eyes managed to glare at me even through the transparent bag.
I did not free her. Habang nasisiil ay hinatak ko lang siya palabas ng kuwarto. Dinala ko siya sa kusina.
When I went to open the freezer and noticed it holds enough space for her, I placed Rumi inside and closed it.
Gusto kong maramdaman niya ang takot ng pag-iisa, ng walang sinumang darating para tulungan siya. I wanted her to feel helpless. I wanted her to lose hope and wish for her own death.
Habang hinihila ang hawak na palakol na siyang nagkakalat ng dugo sa sahig ay blanko lamang ang aking mukha na naglalakad sa kahabaan ng pasilyo.
Ilang taon ko silang hindi ginambala, pero ngayong nakabalik na ako . . . wala akong patatahimikin sa kanila.
Suffer well, Rumi. Garem, you're next.
***
"Just how much will I have to pay to afford your forgiveness? I'm willing to pay the price just to have you back!"
"Kahit lumuhod ka pa ulit sa harapan ko, hindi ko na 'to isasampal sa mukha mo! Kahit lumuha ka pa ng dugo, hindi mo na ulit matitikman ang katas ko!"
Naantala bigla ang paglalakad ko nang marinig ang mga tinig na 'yon na tila nagbabangayan. Huminto ako saka hinahanap ang pinanggagalingan nito.
"I stated my apology a thousand times already! And having our video out, I have suffered downright persecution. You even had the chance to take your anger out on me! I'm still recovering, yet here I am . . . begging before you!"
"What did you expect? An award for it? Garem, pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang pagkakataon kong makabuo ng pamilya kasama si Rumi! Kaya wala akong kakayahan para patawarin ka! Napopoot ako sa 'yo!"
Namataan ko sina Garem at Quiro na nagtatalo sa sala. Pinagbuti ko ang pagtatago sa likod ng malaking paso nang may dumaang mga kasambahay sa gilid. Hindi naman nila ako nakita.
Nang muling sulyapan ang dalawa ay namataan ko si Garem, nakaluhod na. Halos halikan niya ang paa ni Quiro.
"Just take me again! I won't hurt you again. I promise I'll be good. I'll be the best partner you could ever ask for!"
Gamit ang paa ay sinipa ni Quiro si Garem palayo. Bakas ang galit sa diin ng titig niya sa umiiyak na si Garem.
"Una pa lang ay malinaw na sa atin na libog lang ang dahilan ng pagsasama natin. Nagbabayad ka para makakain. Ginamit lang natin ang isa't-isa . . ."
Nanginginig man sa paghagulgol ay pilit kumalma ni Garem. Tumayo siya.
"No! I knew you loved me!"
"As a priest, I just fed your soul."
"Stop lying! You love me! I know it! You're just driven by your anger! You didn't mean your words! You love me!"
Tumalikod na si Quiro, halatang tapos na sa kan'yang punto. Pero yumakap si Garem sa likuran niya, umiiyak pa.
Ano na namang kabadingan 'to?
"I love you, and it will never change."
Bago tuluyang umalis ay nagsalita si Quiro, bagay na ikinatigil ni Garem.
"I don't love you, and it won't change."
Mabilis pinahid ni Garem ang mga luha niya nang dumating ang ilang guwardiya. Tila natataranta sila.
"Sir! Your sister! She's . . . torn!"
Bago pa man makasagot si Garem ay mabilis nang tumakbo si Quiro na hindi pa pala mas'yadong nakakalayo.
Ginamit ko ang pagkakataong 'yon para ilantad na rin ang sarili ko.
Itinapon ko muna ang palakol.
"Tulong! Tulungan ni'yo 'ko!" Tumakbo ako palapit sa kanila. "Rumi and I were attacked! May isang armadong lalaking umatake sa amin. Galit na galit siya sa 'yo, Garem. I think it's about politics. Puntahan ni'yo na si Rumi. Siya ang napuruhan. Isugod ni'yo na siya sa malapit na ospital bago pa lumala ang lagay niya! She's . . . b-barely alive!"
Tumango ang isang guwardiya. "She's telling the truth. Your sister's currently fighting a bloody battle, Sir! If not treated immediately, she could die."
"Why are you still here? Get her now!" Garem exclaimed and the guards then followed quickly. Sa pagkabahala ay nakagat naman ni Garem ang mga kuko saka siya lumapit sa telepono.
He's now dialling a call.
Nang masigurong kaming dalawa na lang ang naiwan sa malawak na sala ay tuluyan nang gumuhit ang ngiti ko kay Garem na nakatalikod sa akin habang nagpipindot sa telepono.
"Akala mo ba talaga, ikaw lang ang magaling gumawa ng kuwento?"
Kunot-noo niya akong nilingon.
Sa isang iglap ay naibaba niya ang telepono, tila may nadiskubre siya.
"You did it to Rumi, didn't you?"
Lumalim ang ngiti ko. "Nadali mo."
"Hayop ka talaga!" Tumalim ang titig niya sa akin. "I shouldn't have heeded Rosh's persuasion! Siya lang naman talaga ang nag-iisip na magagamit ka namin . . . na may pakinabang ka sa pamilyang 'to. Pero kung ako lang ang masusunod, noon pa kita pinatay!"
"Nagawa ni'yo naman na dati 'yan, 'di ba? Pero heto ako, buhay na buhay!"
Garem stared at me as if he's so done with my tales. He looked so drained.
"Ano na namang pakulo 'yan? Ano, magpapanggap ka na namang ikaw si Zorya? Save the effort. It won't work on me this time, you filth-seeping slut!"
Sa halip na huminto ay tumuloy ako.
"I was told . . . that the reason of your scholarship withdrawal was because I failed to effectively meet the eligibility requirements, which is funny, since my academic records were far better than all your other scholars, Sir Attorney."
Pagkabigkas ko no'n ay natigilan siya.
"Pero alam mo ba na bago pa man nangyari ang kahayupan ni'yo, gusto ko rin sanang mag-abogado? Isa ka sa mga tinitingala ko. Ang galing mo kasi, sikat din. I even watched one of your case defenses firsthand, Sir Attorney. Nag-ipon pa ako ng pamasahe noon galing sa minsanang pag-part-time ko sa cafeteria ng university. Nakita ko kung paano mong ipinagtanggol ang isang katulong na pinagbintangang nagnakaw sa amo niya. Sabi ko, kapag naging abogado na ako, gusto kong maging katulad mo. Hindi tumitingin sa estado ng kapwa. Basta kapag nasa katuwiran, ilalaban mo. Kung hindi mo nga siguro ako p-in-ersonal noon, baka nga naging asset pa ako ng kompanya mo. Baka napayaman pa kita lalo . . ."
Nagrebelde nga ang boses ni Garem at tuluyang tinakasan siya. Wala siyang naisagot sa akin. Natulala lang siya.
"Palalampasin na sana kita kasi wala ka namang ginawang pananakit sa akin. Hindi ka rin kabilang sa mga gumahasa at nambugbog sa akin. Wala kang ginawa kun'di manood at makinig lang habang ginagawa nila 'yon sa akin. At naintindihan ko 'yon. Abogado ka, at gusto mo, malinis ka."
Malalim ang paglunok na ginawa niya na halos maglabasan ang mga ugat sa leeg niya. Kapagkuwan ay muling tumalim ang titig niya, tila natauhan.
"Sa pagbaliktad mo ng kuwento, doon sa pag-imbento mo ng naratibo, sa pagharang mo ng hustisya, at pati sa patuloy na pananahimik mo, ikaw na mismo ang dumungis sa pagkatao mo."
Tumaas ang kilay ni Garem, walang pakialam sa mga pinagsasabi ko.
"Pinatay ni'yo na nga ako! Dinurog, inubos, at kinuha ni'yo na ang lahat pati buhay ko! Pangalan ko na lang nga ang mayroon ako, sinira ni'yo pa! Ano? 'Yong ingay sa university, ikaw ang nagpakalat no'n, 'di ba? Para mapagtakpan ang kababuyan ng kapatid mo, ako na lang ang sinira mo. Tama nga 'yong sinabi mo sa isang interview. That you don't just beat your enemies once. You strike them for life. Kaya nga hanggang ngayon, sa mata ng tao, sa kamalayan ng bayang ito, malandi, makati, at pariwara ako!"
"I just did you a favor!" Garem threw a glance of pity on me. "Just thank me for making your petty life relevant. Ang iba nga, nalalaos kapag namatay na. Pero ikaw hindi. Mas sumikat ka pa!"
Sa puntong 'yon ay naintindihan na niya ang sitwasyon. Matalino nga si Garem, pero mas matalino pa rin ako.
"So, inaamin mo? Na kayo ang sumira ng buhay ko? Na pinadukot, ginahasa, binugbog, at pinatay ng magkakapatid na Balzuari . . . si Azorya Mizhara?"
Ngumisi naman si Garem, malawak, nagmamataas. Saka siya sumagot.
"Yes," and he just destroyed himself with that, "yes, we did. And now that you're back, you will go about it again. More savagely. Bettered brutality. You won't come out of this mansion alive!"
I glanced at the phone I set up behind an artificial bush atop a golden vase.
This is my deathly gift to him.
"Thanks for letting the whole world know how savage and brutal of a monster the Balzuaris really are."
Garem's confession was broadcasted online. It's the most fitting gift for him.
Para sa kan'ya, na ginawa ng buhay ang trabaho at repustasyon niya, ang pagkasira nila ay kamatayan din niya.
"Wait . . . what's that?"
Lumalim ang ngiti ko nang makita na niya ang kinaroroonan ng iPhone ni Rosh. Yes, I used his account to go live.
"What the hell is this?" he queried as he took a hold on it. "What did you do?"
"I'm a thoughtful woman, Garem. You told me that you made me the talk of the town . . . now I want to share the spotlight with you. Pinasikat din kita!"
"N-No . . . no, no, no! No! N-No way! This isn't happening, wake up, Garem! Inhale, exhale! This isn't happening!"
I sat down on the plush velvet sofa as I watched Garem go ballistic over his sudden popularity. He then threw the phone on the floor and jumped on it as if his life depended on breaking it.
"This! Is! Not! Happening! Break! Break yourself! Begone! Stop recording now!"
I crossed my legs and wiped some blood off my cheeks. Kapagkuwan ay sumandal ako, matamis ang ngiti.
"Hindi mo ba na-appreciate ang gift ko sa 'yo? Hindi ka natutuwa na hindi ka na malalaos kahit pa mamatay ka? Just think! Internet is forever, Garem. Kaya kahit na mamatay ka pa, maaalala ka pa rin nila. Don't you like that, huh?"
Upon murdering the phone to pieces, Garem eventually locked gaze with me.
At the same time, one chambermaid came forth and spilled her discovery.
"Sir Garem! Si Sir Rosh po, tinuli ulit!"
Ngumisi ako. Nagpuyos lalo si Garem.
"You . . . I will fucking kill you!"
"Again? Ulit-ulit? Boomerang ka?"
Garem then sprinted up to me and choked me harshly. Sa pagkabigla ay wala akong nagawa kung hindi pilit ilayo ang pagkakasakal niya sa leeg ko.
But he was strong.
Physically, he was.
So against me, he won.
Darkness crept in, luring me to sleep.
***
Nagising ako dahil sa isang malakas na suntok na tumama sa sikmura ko. Nang magmulat ay dilim lang din ang tumambad sa akin. Hanggang sa bigla na lamang may humataw sa binti ko.
Base sa amoy ay natukoy kong isang lumang sako ang nakatakip sa ulo ko, habang ang kamay at paa ko naman ay iginapos pataas, habang nakabitin patiwarik ang aking katawan sa ere.
Katulad dati, nahuli na naman ako.
Katulad dati, natatalo na naman ako.
Katulad dati . . . mahina pa rin ako.
Halos malulon ko ang dila nang may tumamang bakal sa leeg ko. Para bang may nasirang kung ano sa lalamunan ko. Pero simula pa lang pala 'yon ng mas malagim na pananakit sa akin.
Sunod-sunod na suntok pa ang sinalo ng sikmura ko. Habang nakabalot ng sako ang ulo ko ay binuhusan ako ng tubig na siyang halos lumunod sa 'kin. Nahirapan akong huminga pero tawa lang ni Garem ang narinig ko sa labas.
"Ano, na-miss mo ba 'tong ganito? Ganitong bonding gusto mo, 'di ba?"
Habol-habol ko ang hininga matapos tumagas ng tubig palabas ng sako at mabigyan ako ng sapat na espasyo para makalanghap ng hangin. Kahit nahihirapan ay sumagot pa rin ako.
"No monster can kill me twice!"
"Says by a lowlife slut who got fucked up . . . more than six hundred times!"
Ilang hagupit, sapak, palo, at tadyak pa ang natamo ng katawan ko bago niya hatakin ang sako. Kinulob niya ang ulo ko, nilulumos ako gamit ang sako.
"That's it! It's an expensive air we have here so you better work hard in order to breath it!" Humalakhak si Garem.
Ramdam kong napalilibutan ako ng ilang tao, ngunit si Garem lang ang nananakit sa akin. Tila ba bumabawi siya sa panahong hindi siya nakisali sa kahayupan ng mga kapatid niya.
Nahigit ko ang aking hininga nang kapusin ako ng hangin sa loob ng sako.
Kung hindi pa dumating ang isang guwardiya ay baka napatay na ako ni Garem sa pagkakalumos sa loob.
"According to the medical team, Sir Rosh's condition went stable already. But Ma'am Rumi had lost too much blood and she's fighting death right now. The doctors demand to have a word with you, Sir. Please, meet with them in the Balzuari's Medical Hospital. Your sister needs you."
Unti-unting lumuwag ang hawak ni Garem sa sako hanggang sa kumalas na siya. Halos higupin ko naman ang lahat ng hangin nang makawala ako.
"Get this bitch back to the basement." Saka siya bumulong sa akin. "Once I return, it'll be your second death. And this time, I will make sure you won't be able to come back to pester our lives!"
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang mga yabag ng mga paa niya papalayo sa akin. Kapagkuwan ay ibinaba na rin ako sa pagkakatiwarik saka ako marahas na pinilit at hinatak ng ilang mga braso patungo sa kung saan.
Mahabang mga pasilyo ang dinaanan namin bago kami bumaba sa matarik na hagdan. Sa sandaling makababa ay basta na lamang akong ibinagsak at itinulak. Tumama ang tuhod ko pero hindi ko ininda 'yon. Hinayaan ko lang silang itali ang mga braso ko sa tila posteng sinasandalan ko ngayon.
"There," saad ng baritonong boses nang maigapos ako nang tuluyan. "Let's go up, buddy. I'm starving."
"But we're instructed to guard her," tugon naman ng kasama niya.
"We need not to worry. Unless she wields magic, she can't escape here."
"Alright, then. Let's go up and eat. She will die later anyway so we're bound to finally have enough time to lay in bed."
Malalim akong napabuga ng hangin matapos marinig ang paglagapak ng pinto mula sa 'taas. Naghintay pa ako nang ilang minuto upang tiyaking wala na sila bago ko sinubukang alugin ang kadena para kalagan ang sarili ko.
I should not dally any more.
After what I did to his siblings, Garem will surely kill me. Or worse, torture me alive again. But I won't let him!
Hindi ako bumalik para matalo lang ulit. I survived this once and I know I will survive it again. They will not go unpunished. It's them, I'm yet to finish.
"S-Sino 'yan?" Isang malamyos na tinig ang nagpahinto sa pagkilos ko. Itinigil ko ang pagpupumiglas mula sa kadena saka nakiramdam sa aking paligid.
May sako pa ring nakatakip sa ulo ko kaya wala akong makita kahit anino.
"May tao ba riyan?" Sa puntong 'yon ay tila naulinigan ko ang pagiging pamilyar ng tinig niya. "Ano, sagot!"
"Sachi?" I faintly asked.
Then came silence.
"Azhria? Is it you, Azh?"
Malapit lang ang tinig niya. Para bang nasa likod ko lang siya at nakagapos din sa posteng pinagkakapiitan ko.
"Yeah," I replied. "It's me."
Sachiko then breathed as she gasped.
"Ano, 'tinuloy mo ba? Pinakasalan mo ba si Rosh? Sinabi ko naman na sa 'yo! They will not let me go. See? Instead of freeing, they trapped me in here. Hindi sila tumupad sa kasunduan kaya dapat hindi ka rin sumunod. Now, you're bound to that monster . . . forever."
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Azhria did it to save Sachiko because she knew I placed her with great value.
She sacrificed her own freedom just so Sachiko could live. Azhria was a hero.
And I let her down by overtaking.
"Kumusta ka na, Sachi?"
Banayad ang mga salitang 'yon.
Kusa silang lumabas sa bibig ko.
Kahit na mahina ay narinig ko ang malumanay niyang buntong-hininga.
"How am I supposed to answer that? We're about to face death. At sa mga Balzuari pa talaga! Magagaya rin tayo kay Zorya. They will kill us with no remorse. They will feast on our dead bodies! So I'm far from okay, Azh!"
"Sinasaktan ka pa ba ni Heseul?"
Silence, once again, befallen us.
Until Sachiko replied with coldness.
"H-Hindi na," pinagtibay niya ang boses, "hindi na. Simula no'ng gabing nahuli natin sila ng kabit niya, hindi ko na siya ulit nakita. And it was a total relief for me. I'm better now. At utang na loob ko lahat sa 'yo 'yon, Azh. Salamat. You didn't just save me from betrayal . . . but lifetime torment too."
"Dati ko pa naman kasi sinasabi sa 'yo na walang kuwenta ang lalaking 'yon. Nagsayang ka lang nang ilang tinta at papel sa kasusulat ng love letters para sa kan'ya araw-araw. Si Walden, 'yong top student ng ABM-1 na nagbibigay sa 'yo ng leche flan na palagi mong tinatanggihan, siya ang bagay sa 'yo."
"Hala! Naalala mo pa 'yon? Actually, sinita ako no'n sa comment section tungkol doon sa pag-share ko ng oral defense ni Garem galing sa dummy account ko. He told me that it's too inappropriate and I should take it down. S'yempre, girl boss era ko 'to kaya ni-like zone ko lang siya. Then I got a notification. B'wisit na 'yon! In-add ba naman ako sa GC ng mga bold? Naging literal na leche siya!"
Then Sachiko giggled as if we were not chained in the basement. As if this was just a casual night. As if we were inside our dormitory room. As if we were just preparing to sleep. Just like . . . before.
"Na-miss kita, Sachi."
"Na-miss din kita, Zorya."
Napangiti ako nang matutop niya halos ang dila niya. Natahimik ulit siya saglit saka humugot ng hangin at nagsalita.
"Sorry, Azh . . ." biglang bawi niya. "Pero sandali! Paano mo pala nalaman ang pagsulat ko kay Heseul noon? Pati 'yong tungkol kay Walden? Isang tao lang naman ang nakakaalam no'n, eh."
"Kasi ako 'to, si Zorya. Kaibigan mo."
Narinig ko ang pagpitik ng dila niya.
"Ibinagok ba nila ang ulo mo?" tanong niya bigla, halatang hindi naniniwala.
Kahit na hindi niya ako nakikita ay mapusong kumurba ang ngiti sa labi ko. Lumalim iyon nang may maalala.
"Namasukan kang sales lady noong third year college ka. Ginamit mo ang unang suweldo mo ro'n para kumuha ng magaling na abogado kasi lahat ng nilapitan mo ay tinanggihan ka dahil ipina-blacklist ni Garem ang kaso ko sa buong San Lamuerte. Pero hindi ka nagpatinag. Kahit mag-isa, walang sapat na pera, at dehado ka, tumayo ka pa rin para ipaglaban ako sa husgado. Noong mga panahong tinalikuran na ako ng lahat, nilingon mo ang alaala ko. Ginawa mo ang makakaya mo para linisin ang pangalan ko. Ilang mga tao ang binayaran mo para tulungan kang tuklasin ang katotohanan sa likod ng pagkawala ko. Sinubukan mong bigyan ako ng hustisya sa paraang alam mo. Sapat na ang mga 'yon para mapatunayan mo ang sarili mo. Pero kahit hindi mo naman ginawa 'yon, ang pananatili mo sa tabi ko simula noong harapin ko ang mundo sa labas ng ampunan, ang pakikinig mo sa mga kuwento ko, ang pagpapasaya mo sa mga araw ko sa eskuwela, at ang pagkakaibigang hindi mo ipinagdamot na ibigay sa akin. Lahat 'yon dala ko, Sachi. Lahat 'yon hindi ko nakalimutan. Alam kong natakot ka lang. Alam kong nahiya ka lang kaya saglit mo 'kong binitiwan. Pero matagal na kitang napatawad, Sachi. Kaya ngayon . . . sana matutunan mo na ring patawarin ang sarili mo."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi matapos kong marinig ang impit na paghikbi ni Sachiko. Kapagkuwan ay tuluyan siyang humagulgol, bagay na nagbigay-ingay sa tahimik na lugar.
"Zorya . . ." narinig ko ang malakas niyang pagsinghot saka siya sininok, "i-ikaw nga ba talaga 'yan, Zorya?"
"Oo," ibang klaseng emosyon ang umagos sa aking puso, tila ba may kung anong kumurot at tuluyang humaplos dito, "ako nga ito, Sachi."
"Zorya . . ." Kaagad niyang sinubukang magpumiglas ngunit katulad ko ay nabigo siya sa kan'yang tangkang pagpapakawala sa sarili. "Zorya! Hindi ko naiintindihan kung paano 'to nangyari, pero naniniwala ako sa 'yo. I knew it the first time I met Azhria. Instantly, I felt a strange connection with her. I trusted her since day one. I knew that she's different and cool and powerful. I knew that she will be the key in unlocking the truth behind your mysterious disappearance. Kung bakit at paano . . . wala na akong pakialam. Ang importante ay nandito ka na ulit, nakakausap na ulit kita. Miss na miss na kita, Zorya! Lagi kong ipinagdarasal na sana magpakita ka sa akin, na sana multohin mo ako, na sana yakapin mo ako . . . na sana tabihan mo ulit ako. H'wag mo sanang isiping ginawa ko ang mga ginawa ko kasi nakokonsensiya lang ako. Truth is, I did it by heart. I wanted to do all of those things for you. Kasi nawala ka at nandito ako, kaya ako ang dapat na magtuloy ng laban mo. Kasi nga tinanggap mo 'ko. Kasi minahal mo 'ko. Kaya kahit hindi ako kasing galing mo, kahit hindi ako kasing talino mo, kahit hindi ako kasing tapang mo, sa sarili kong paraan, gusto kong tulungan kang manalo . . . kasi kaibigan mo 'ko."
Bagama't kapwa kami nakagapos ay nagawa naming maabot ang kamay ng isa't isa. Habang nakasandal sa isang malamig na poste, nakapulupot ng makapal na kadena ang mga braso, ay nagtagpo ang mga kamay namin ni Sachiko at yumakap sa isa't isa.
"Sachiko . . . kaibigan ko."
Akala ko, naubos na ako. Pero may natira pa pala. May iluluha pa pala.
In that basement, while our battered bodies were tightly chained to a pillar, Sachiko and I cried our longing hearts out while our both palms hugged and fingers intertwined. It was a peaceful moment. The kind that I never thought was still possible for me to experience.
"So, it's you and not Azhria who told me where Rumi was held captive and instructed me to use her against his brothers if ever an error comes up?"
Right. This was not the first time that I took over Azhria. In fact, the times that I did were too many to count already.
"Kung ikaw si Zorya, nasa'n si Azhria?"
Bago pa ako makasagot ay ilang yabag ng mga paa ang mabilis na bumaba sa hagdan. Hanggang sa daluhan nila ako at kalagan. Marahas. Nagmamadali.
"Sino kayo? Saan ni'yo dadalhin ang kaibigan ko? Mga wala kayong puso!"
"Babalikan kita, Sachi!"
"H'wag kang papatalo, Zorya! Lumaban ka! Mag-iingat ka!"
"Ililigtas kita! Babalikan kita!"
Tuluyan na akong kinaladkad ng mga lalaki at halos mabingi pa ako nang biglang humampas ang pintong buong puwersa nilang hinatak at isinarado.
Natuyo ang lalamunan ko. Alam kong hindi maganda ang susunod na mga mangyayari ngunit hindi ako nanlaban. Nanahimik lang ako.
Kailangan kong ipunin ang natitirang lakas ko. Mapapagod ako kung uulit lang ako sa pagpupumiglas. Delikado ang mga oras na 'to para sa akin kaya hindi ako p'wedeng maubusan nang lakas. Matatalo at bibigay ako kaagad.
While being harshly pulled elsewhere, I silently readied myself. Physically. Mentally. Emotionally. Holistically.
This could either lead to my death or survival. So I must be methodically wise. I will do everything to survive.
Halos mapudpod ang mga paa ko sa marahas na paghatak nila sa akin. Hanggang sa bigla na lamang kaming huminto. Tinanggal na nila ang sako.
Blinding light kissed my sight as my eyes became unfolded. And when it toned down and fully adjusted, I saw an empty glass box, huge enough to accommodate a human of my size.
It looked like an aquarium.
Halos mahulog naman ang puso ko nang bigla na lamang akong binuhat ng mga lalaki. Kapagkuwan ay inakyat nila ang kalapit na hagdan at buong puwersa akong inihulog sa loob ng aquarium saka nila ito isinarado mula sa itaas na may ngisi sa mga labi.
Kahit nasaktan sa pagkabagsak ay kaagad akong bumangon. Nasa loob ng malaking kuwarto kami. Ngunit bukod sa aquarium, sa akin, at sa mga armadong lalaki, ay walang anumang makikita sa loob nito kun'di puro puti.
Until Garem, in his red suit, entered like an evil boss in movies. With him was his tinted glasses and amused smile. He stopped walking right before the aquarium where I was put in.
"I do not want to dirty my hands by beating you to the death," Garem then muttered, sound slightly distorted by the transparent glass separating us, "and so I will do what I do best. Watch closely . . . until your final breath."
"Halimaw ka! Halimaw kayong lahat!"
He hushed me by putting his index finger against his lips. "Shh, save up some air. You're going to need it later."
Then Garem flicked another finger, signalling his henchmen to move.
They brought in a golden chair and Garem sat on it with pure excitement.
"Get the water rolling, boys."
I gazed at him with pure disdain.
But he was too engrossed to notice.
"I can't wait to watch this show."
Almost instantly, I felt the floor where I was atop rumbled. That's the time I noticed several outlets on my stance.
I was alarmed when I heard a burbling sound below. Then came a flash of running water, wetting my bare feet, filling up space in the entire aquarium.
"Too bad Rosh won't see you get wet." Garem chuckled. "Tinuli mo kasi."
My jaw clenched, both fists balled.
"You think you can kill me with this? I've been to hell and went back. I will survive this. And when I do, I will raze hell on you. Uubusin ko ang lahi mo!"
"Oh, don't just spill . . . show me!"
The water below was wildly running and bubbles were formed by it. Until it reached my knees, hips, and waist.
How can I survive this? Think, Zorya!
If an average human was submerged to water, it would approximately take four to six minutes before death by drowning occurs. Now, what to do?
I punched the glass cover but I only hurt my fist. Not even a slight damage was made. It thus prompted Garem's amusement to arise. He's enjoying while watching me panic alongside his henchmen. They were all smiles.
Since I cannot break it open, and I was trapped inside with no way out, I guess I only have one choice left in here.
To gather enough air and hold my breath for as long as I can, until someone comes to my rescue.
Chance of survival? About 25%.
When the water almost reached my neck, I sucked up as much air as my head reached the roof of the glass box.
Seeing Garem's face lit up, I shut my eyes closed and inhaled deeply as my entire body sunk and eaten by water.
My body felt afloat, lightweight.
Hold your breath, Zorya. Don't overthink. Relax. This will pass.
Thirty seconds . . .
You're doing great, sustain it.
One minute . . .
Who cares about numbness?
Two minutes . . .
Hang on, you're not alone.
Three minutes . . .
You can still save you.
Four minutes . . .
It's okay to feel tired.
Five minutes . . .
Well, at least, you tried.
Six minutes . . .
You will be remembered.
When life throws you daggers, collect them and forge a sword. Use it to give life a good fight. You don't need to win. Sometimes, you just have to learn.
And I learned that I can't do this alone. It's time to have the better killer back.
Come back, Azhria. I need you.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top