Two

GRISS

    

"I heard you two did something intolerable," malamig na tinig ni Ayce ang pumailanlang sa clinic habang ginagamot niya ang braso ko na may mga nakapasok na bubog.

        

"That serves that motherfucker right," matigas na sagot naman sa kanya ni Ayler.

       

"S--Saan mo nalaman?" Kapag talaga si Ayce ang kaharap ko, parang normal ang mautal. Tarages.

       

Bigla niya akong tinignan sa mga mata kaya't nailang ako ng higit pa sa sobra. Malamig ang mga mata niya na animo bumabaon sa aking pagkatao. "I have my ways," kalmado ngunit alam mong may panganib niyang tugon sa akin.

       

"Can you not stutter in front of my brother? Sa akin ka lang may karapatang mautal," napalisik ko ang mata kong nakatingin na ngayon kay kupal dahil sa pakikialam niya.

         

"Kapag hindi ka tumigil sa kaka asar mo sa'kin, babangasan kitang kupal ka!" Saka ko pa siya inambaan ng suntok ngunit nagulat ako dahil bigla niya akong dinukwang at mukhang hahalikan nang harangan ni Ayce ang labi niya gamit ang palad nito. Hindi ako nakagalaw doon! Muntik na 'yon!

      

"No porno in my clinic," animo wala lang na wika ni Ayce saka itinulak ang kapatid at tinuloy ang panggagamot sa akin.

       

"Isang beses mo pa 'kong ambaan, kahit na nakaharap lahat ng presidente ng iba't ibang bansa, hindi ka na makakawala sa akin!" Banta niya na parang isa akong gamit na anumang oras ay maaari niyang nakawin.

        

"T--Tigilan mo na akong kupal ka! Wala ka nanamang babaeng mapagtripan kaya ako nanaman 'yang nababalingan mo!" Gigil na gigil na turan ko. Muntik na talaga niya akong mahalikan. Salamat sa palad ni Ayce. Siya talaga ang tagapagtanggol ko.

       

"Who said that I am playing with you?" Rumehistro ang pagiging seryoso sa mukha niya at sa kaabnormalan ko para akong nababagabag na hindi ko malaman.

         

"Maglalandian lang pala kayo, bakit dito pa?" Sabat ni Ayce na tila nakapagpakalma sa akin.

       

"I--Iyang kakambal---"

       

"I said don't stutter in front of him!" Putol niya sa akin ng pasigaw kaya't nagulat ako.

         

"Kapag hindi kayo tumigil na dalawa, Griss will be under suspension kapag nagsabi ako ng ginawa ninyo kay tita Aeickel, and you will not see her," hindi ko alam kung para sa akin ba ang pagbabanta niyang iyon o sa kakambal niya na ngayon ay nakakuyom na ang kamao.

    

"You're not threatening me, aren't you?" Seryosong wika ni Ayler kay Ayce.

        

"I am," sagot naman ng huli na animo wala siyang pakialam kahit magalit itong isa.

       

Bigla niyang ibinuka ang kamao niya at itinaas ang dalawang kamay niya sa ere. "Fine. Fine. You won," pagpapaubaya niya na ikinangisi ni Ayce sa kanya.

        

Tila sila nagka intindihan sa tinginan nilang iyon at nakita ko ang pagsimangot ni Ayler dahil sa pagkakaintindi niya sa nais iparating ng kakambal niya sa kanya.

         

Natapos akong linisan ng sugat ni Ayce at nilisan namin ang lugar na iyon habang kinakaladkad ako ng hari ng kakupalan. Sumisilay pa ako ng medyo matagal-tagal, napaka kj ng kupal!

      

Crush ko si Ayce since birth. Kahit medyo retarded rin ang pag-uugali niya, mas bet na bet ko siya kaysa dito kay kups! Si Ayce kasi ang opposite personality ni Ayler at isa na siyang doktor. Hindi gaya nitong kumakaladkad sa akin na isang warfreak na COO.

       

"Saan nanaman ba tayo pupunta!?" Iritadong wika ko sa kanya.

       

"Sa langit. Sasama ka ba?"

      

"Napakakupal mo!"

        

    

   

 

     

     

    

NARITO kami sa langit--- I mean sa opisina ngayon at nakatayo lang ako sa gilid niya habang may inaasikaso siya sa desktop niya.

         

Iniuwi niya ako ng matiwasay kagabi nang walang ginagawang masama at lubos ko namang ipinagpapasalamat iyon. Ramdam ko ang gigil niyang rawr! ang datingan.

        

"S--Sir, narito na po ang mga pinapakuha niyong report mula sa sales department," utal nanamang wika ni Sera na animo ba ay kakainin siya ng amo niyang kupal.

        

"Ms. Viscasa, ano ang nababalitaan ko na sumasama ka daw sa pakikipagparty ng ibang empleyado na hindi mo naman kakilala?" Diretso niyang turan kay Sera saka niya hinablot ang ibinibigay nitong mga papeles.

      

"I--Inaya lang naman po ako nila Mr. Calderon---"

      

"The next time you go with them, you're fired---" napahinto siya sa pagsasalita sa ginawa kong pagtapik sa balikat niya.

         

"Bubu," bulong ko sa kanya. "Iyan nalang nagtyatyaga sa'yo---"

      

"Kapag muling sumama si Ms. Viscasa kay Mr. Calderon, you'll be my secretary and that's final!" Matigas na wika niya saka nag walk out at pumasok sa banyo ngunit mabilis ko talaga siyang sinundan.

        

"Abnoy ka ba-----!!" Mabilis akong napatalikod dahil ang kupal umiihi pala! Hindi pala nag walk out! Naihi pala!

            

"Harap na tibs," kalmado niyang wika, ako naman ay parang tanga na humarap sa kanya.

         

"KUPAL KA SA LAHAT NG KAKUPAL KUPALANG NILALANG!" Sigaw ko sa kanya. Gustong gusto ko siyang patumbahin sa isang suntok lang ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.

      

"Ano bang problema mo?" Kalmado niya pa rin na wika na animo walang ginawang kasalanan.

       

"Baki ba pinang hihimasukan mo ang buhay ni Sera!? Natural may buhay rin 'yon pagkatapos ng trabaho sa'yo! Isa pa anong magsesekretarya? Nakikita ko palang ang mga trabaho mo parang kukumbulsyonin na 'ko, tapos gusto mo gawin ko pang trabaho!? Hibang na yata iyong kupal na 'to!" Litanya ko sa kanya pero ang loko sinagot lang ako ng ngiti niyang pang aso!

         

"You don't know anything," iiling na wika niya. "Hindi si Sera ang tipo ng babae na dapat sinasama sa bar---"

       

"Bakit!? TYPE MO BA 'YON?" Hindi ko mawari kung anong himig ang nagamit ko basta para sa akin ay nagtatanong lang ako, pero tinawanan ako ng kupal.

       

"Hindi. Ako ba, type mo?"

      

"KUPAL! Nakikipag usap ako ng maayos sa'yo ah!" Gigil na gigil na 'ko sa kanya o baka kulang ang salitang gigil.

        

"May nakikipag usap bang maayos habang nasa banyo?" Bigla ang pag-init ng pisngi ko sa narinig kong iyon. May punto siya. Napakabobo ko.

        

"Bakit mo nga kasi binabawalan!? Sumagot ka ng maayos o tatamaan ka sakin ng matindi-tindi," pagpapakalma ko sa sarili ko.

         

"She's so vulnerable. Hindi niya alam na ginagamit lamang siya ni Mr. Calderon upang makakuha ng impormasyon ukol sa akin. They want me out of Dad's company. They think that Ayce is more suited in this position than me," matino niyang sagot sa akin.

      

"Kahit naman ako, iyon ang iniisip ko," pahayag ko na ikinakunot ng noo niya.

       

Pero ang totoo, never nahilig sa kumpanya si Ayce. Ayaw niya ng kahit anong posisyon sa kumpanya, iyon ang sabi ni tita Aiyell. Mas gusto ni Ayce ang makasagip ng buhay kaysa makipagpatayan sa interes ng kumpanya.

         

"So, you think that Ayce is better than me?" Seryoso ang tono niya na ikinakilabot ng kaibuturan ko. Sa sobrang seryoso niya, para tuloy akong giniginaw sa kaba.

       

"M--Medyo gano'n," bigla ba naman siyang humakbang papalapit sa akin kaya nautal ang pananalita ko. "L--Lalabas na 'ko, kups--"

      

Ngunit bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay hinatak niya ang braso ko at mabilis akong isinandal sa nakasaradong pintuan ng banyo.

        

"Do you want me to show you that I'm much better than my brother?" May tinig nanghahamon siya na ikinabahala ko. Noon ko pa sinasabi sa inyo, hindi uso sa bokabularyo nito ni kups ang salitang biro.

      

"N--Nagjojoke lang, hindi ka naman mabiro," utal kong sagot at sa gulantang ng pagkatao ko ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na tipong iisang hangin na lamang ang hinihinga namin.

        

"Pero hindi kita kabiruan, paano 'yon?" Gusto kong mapamura dahil langhap na langhap ko ang amoy menthol na hininga niya. Hindi na ako gumagalaw o mas tamang sabihin na hindi na ako humihinga dahil kaunting galaw lamang ay maglalapat na ang mga labi namin!

            

"A--Ayler," ang sarap murahin mg sarili ko mula ulo hanggang paa dahil sa pagka utal ng mga salita ko na animo nakiki ayon talaga sa kanya.

        

"My name really sounds so good kapag ikaw ang bumabanggit," he's so fucking teaseful at hindi ko na malaman ang dapat kong gawin! Wala akong mahanap na sasabihin at hindi ako makapag isip ng tama. Naaabnoy na talaga ako!

          

"L--Let me go," kung tinig nagmamakaawa man ako, baka iyon na nga talaga ang nais kong iparating.

       

"Paano kung ayoko?" Gusto ko ng maiyak dahil nararamdaman ko na kaunting kaunting tulak na lang wala na ang first kiss ko.

         

"I will----" Biglang may tumulak ng pintuan sa likod ko upang buksan ito na naging sanhi ng pagkakalapat ng mga labi namin! KAPWA NANLAKI ANG MGA MATA NAMIN DAHIL SA NANGYARI!

        

Doon ko siya naitulak ng malakas saka ako tumakbo paalis at nakita ko pa si Sera na may hindi ko maintindihan na nakaguhit sa mga mata.

        

"GRISS!" Tinig ng hari ng mga kupal!

       

NINAKAWAN MO AKONG KUPAL KA!!!!!!!!

  

   

     

     

   

  

"BAKIT magang maga iyang mata mo?" Tinig iyon ni kuya Lexin. Narito kasi ako sa veranda ng bahay namin nakamasid sa kawalan habang yakap ko ang mga tuhod ko.

        

"Huwag mong itanong," malamig na tugon ko sa kanya.

       

"Dalawa lang naman ang magiging dahilan bakit ka iiyak. Una, nanakawan ka ng unang halik mo at pangalawa, natanggal ka sa mahal mong trabaho," gusto kong mapamura dahil kilalang kilala ako ni kuya.

       

"Manahimik ka na. Wala akong balak magkwento!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa lamang niya.

       

"So iyong una pala," saka siya naupo sa tabi ko. "Sino sa kanila? Si Ayler o si Ayce?" Pagkarinig ko no'n ay agad ko siyang sinuntok sa balikat.

      

"Imbes na magalit ka na nanakawan ako, parang wala lang sa'yo, kuya!" Iritadong sumbat ko sa kanya.

         

"Hindi naman sa gano'n, pero noon pa mang bata kayo alam kong mangyayari ito," sagot niya sa akin na iknakunot ng noo ko.

      

"Anong ibig mong sabihin?"

       

"You have to find it out on your own, Griss Nairen. You're old enough to handle your own situation. Besides, hindi mo dapat iniiyakan ang unang halik mo na nawala, you're 25 years old, so instead of crying over a spilled milk, why don't you initiate revenge?" Payo niya saka ako tinawanan. My brother is such a very very very weird bookworm.

        

"Bahala ka sa buhay mo, panira ka lang talaga lalo sa mga pang imortal na payo mo!" Saka ako tumayo ngunit tumunog ang telepono ko.

       

"Griss," sa lamig ng boses na iyon hindi ko na kailangan pang alamin kung sino siya.

      

"A--Ayce?"

      

"I'm in the middle of operation. Can you get Ayler for me? He's so drunk," sagot niya na huli na nang magrehistro sa utak ko.

      

Mabilis kong napatay ang telepono ko at nagbihis. Malilintikan ako kay master Aeickel nito at kay tita Aiyell. Hindi pwedeng malasing si Ayler ng wala ako dahil baka mapikot siya. Letsugas talaga!

     

Maagap kong tinrack ang location niya at naroon siya sa madalas niyang puntahan na bar.

      

Nang makarating ako sa loob ay agad kong sinuyod ang lugar. Napakaingay at napakamausok kaya ayoko talaga sa bar na ito, pero ang kupal ito ang pinakagusto.

         

Natagpuan siya ng mga mata ko sa isang sulok at tila lupaypay sa kalasingan habang may isang babaeng halos hubad na ang katawan na nakalinggis sa kanya.

      

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Mabuti at umabot ako!

     

Tumikhim ako kaya't napalingon sa akin ang babae at tila nagkabituin ito sa mata. "Why, handsome? Are you open for threesome?" Para naman akong kinilabutan sa itinuran nito.

        

"Lumayo ka dyan," wika ko na ikinatawa lamang ng babae.

       

"Why? Gusto mo ba ikaw lang?" Mapanukso nitong wika kaya't lumapit ako dito at hinawakan sa braso.

       

"Huwag mo 'kong iwhy-why dyan, baka iwagayway kita palabas ng lupaypay!" Iritado kong wika saka ko siya itinulak sa kung saan palayo kay Ayler.

        

"Ang harass mo naman!" Sigaw nito sa iritadong tinig.

      

"May mas ihaharass pa 'ko, huwag mo akong subukan!" Saka ko ito inambaan ng suntok kaya't napawalk out ito.

       

Isang magkakasunod na palakpak ang nakapagpabalik sa atensyon ko sa kanya.

        

"You're really good in doing your mission," wika niya sa matuwid na pananalita kahit pa alam kong wala na siyang ibubuga physically.

        

"Syempre. Kahit gaano pa ako kagalit sa'yo ngayon, mas ayaw ko naman na magalit si tita Aiyell sa akin at todasin ako ni master Aeickel," ako na parang tangang sumasagot sa lasing kong amo.

        

"Kaya ka lang naman lumalapit sa akin dahil sa misyon mo, hindi ba?" May himig hinanakit sa tinig niya na ayaw ko sanang pansinin ngunit hindi ko magawa.

     

"Hindi lang naman iyon, natural lang na bilang kababata mo, ayokong mapariwara ka ng landas at kung sino lang ang makakatuluyan mo," sagot ko saka ko siya inalalayan na makatayo at makalabas ng bar.

      

Isinakay ko siya sa passenger's seat at ako naman ay umikot papunta sa driver's seat. Nilagyan ko siya ng seatbelt at nang akma na akong babalik sa pagkaka upo ko ay hinatak niya ako palapit sa kanya.

   

"A--Are you mad at me?" Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya na animo bata siyang kailangan bigyan ng atensyon.

   

"H--Hindi ako galit. Huwag na nating isipin 'yon," utal na sagot ko.

        

"Really?" Nakita ko ang pagsilay ng galak sa mga mata niya.

      

"Y--Yeah."

      

"Then I guess, this would be fine."

     

And before I could even react, his lips were already in mine. I froze for a moment but later on, I found myself responding to his kisses. Clearly savoring the taste of liquor in his mouth and savoring the silence of the night.

      

Ako pa yata ang mapipikot!

    
--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top