Twenty-four

GRISS

    

Bigla na lamang lumakad si Aressa na ikina-alarma ko.

     

"Don't worry, mapapasuko rin naman natin sila kapag ipinain na natin ang isang ito," saka nito sinampal ang isang lupaypay na katawan. Napatutop akong agad sa bibig ko dahil baka mapakawalan ko ang malakas na tinig nang pagkagulat dahil sa nasaksihan ko. It was Neptune. Halos wala na siyang buhay. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ko. Not him please... not the only friend I ever had.

        

"Nilamog mo tapos gusto mong ipain natin," umiiling na wika ni Clark.

       

"Hinahanap sa'kin ang babae niya at ang kulit. Pinatahimik ko lang," tila baliw na saad ni Aressa. Gustong gusto kong kumilos at sagipin si Neptune.

     

Hindi ko kaya ang nakikita ko. Hindi ko kayang nasasaktan siya ng ganito. Paano kong kakayanin na makitang ganito ang nag-iisang taong nagmamahal sa akin nang walang kahit anong kapalit? Paaano kong kakayanin na titigan ang nag-iisang tao na tuwing kailangan ko ay nariyan? Ang taong walang ibang hiniling kung hindi ang kaligayahan ko? Ang taong walang ibang ginusto kung hindi ang ikakabuti ko? Damn it Neptune! Hindi pa ba sapat na sumalo ka ng bala para sa akin!? You're in this fucking situation because of me! Dahil gusto mo akong iligtas! Tang ina, ano bang ginagawa mo!?

      

Nang akma na akong lalakad palapit sa kanya dahil hindi ko na kayang walang gawin ay may kamay na pumigil sa braso ko. Gulat na gulat ako sa nalingunan ko. "A--Ayler. Anong ginagawa mo rito!?"

        

"Hintayin natin ang iba," tanging isinagot niya sa akin.

     

Imbes na magwelga ako ay muli kong itinuon ang paningin ko kay Neptune na ngayon ay mayroon ng tumutulong dugo mula sa ulo niya. Napakagago ng sitwasyon!!

      

Ilang sandali pa ay dumating na sina Aeiryn at nagsimula na silang ikutan ang pwesto nina Aressa.

        

Lahat kami ay napaawang ang labi nang makita naming bigla na lamang lumapit si Ayler sa kinaroroonan nila Aressa.

        

"Ako ang gusto ninyo? I'm here. Let Eulyco go," wika niya na tinawanan lamang nila Aressa at Clark.

     

May dalawang nakagapos pang katabi si Neptune ngunit hindi ko mabanaag dahil kapwa may nakasaklob na tela sa mga ulo nila.

          

"Kapag napatay na kita, hindi lang itong si Eulyco ang pakakawalan ko," wika ni Aressa saka biglang inalis ang tela sa ulo ng dalawa pa nilang bihag.

      

Sa gulat ko ay tumambad sa amin sina Verico..... at Cyan.

           

Hindi ko alam ngunit wala akong gulat na nakita sa mga mata ni Ayler. Tila alam na niya kung sino ang dadatnan niya rito.

        

"She's the person I was talking about last time. They took Cyan," tinig iyon ni master sa kabilang linya.

         

"Pero bakit ninyo po hinayaan na makialam dito si Ayler!" Halos wala ng galang na wika ko.

      

"He knows what he is doing, Inferno. Besides, kung hindi ko pinababa si Ayler, baka nagpakabayani ka nang iligtas si Neptune," malamig ang tinig na sagot sa akin ni master sa kabilang linya.

        

"Hayop ka Aragon," mapait na wika ni Ayler dito.

          

"Give your life, in exchange of their lives---"

        

Hindi na natapos ni Aressa ang sasabihin niya dahil bigla na lamang itong napaluhod dahil sa putok ng baril mula sa kung saan. Lahat kaming agent na narito ay kapwa walang alam sa kung anong nangyayari.

         

"Sinabi ko sa'yong sa susunod na magkita tayo, akong papatay sa'yo," awang ang labing napalingon kami kay Ayce na ngayon ay lumabas mula sa pinagkukublian niya.

          

Paanong narito siya!?

     

"Kung mapapatay mo man ako, sisiguraduhin kong hindi ako nag-iisa," saka biglang itinutok ni Aressa ang baril niya kay Neptune at pinaputok ito ng magkakasunod.

       

"NEPTUNE!!" Sigaw ng lahat at isa-isa kaming lumabas mula sa pinagkukublian namin.

      

Alam kong nahihirapan din gumawa ng sariling aksyon at desisyon ang ibang agent dahil baka mas magpalala pa ito ng sitwasyon.

        

"Tang ina Aressa napapalibutan na tayo!" Sigaw ni Clark at muling pinaputukan ni Ayce si Aressa na tuluyang nagpatumba dito ngunit hindi ko na iyon inintindi, bagkus ay mabilis akong dumulog kay Neptune.

     

Nanginginig ang mga kamay ko na iniangat siya at inihiga ang ulo niya sa hita ko.

       

"Napakabobo mo! Sino bang nagsabing iligtas mo 'ko!?" Hindi ko na napigilan ang paglalandas ng mga luha sa mata ko sa nakikita kong estado niya.

        

"I--I love you, Griss Nairen," hirap na hirap na wika niya saka ngumiti sa akin. "I--Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko."

      

"Gago naman! Huwag ka ng magsalita!" Akmang bubuhatin ko na siya ngunit pinigilan niya ako at umiling.

        

"H--Hindi na 'ko aabot," patuloy niya. "M--Mawawala na rin naman ako, mas mabuting sa mga bisig mo na lang ako mawalan ng buhay." Lalong umagos ang mga luha sa mga mata ko sa pinagsasasabi niya.

      

Pinahiran ko ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya. "Napakabayani mo kasi!!!"

     

"I--I'm sorry Griss. P--Patawarin mo na ganito lang ako kaya hindi mo ako nagawang mahalin. M--Maybe in another life, baka magkaroon na ako ng pagkakataon," patuloy na wika niya saka siya umubo na may kasamang dugo. Ramdam ko na rin ang unti-unting pagbigat ng katawan niya pati ang unti-unting pagbagsak ng mga talukap ng mga mata niya.

       

"Mapagbiro ka, pero hindi maganda 'tong biro mo Neptune. Nakakapikon na!" Gusto ko ng pumalahaw ng iyak ngunit mas pinili kong yakapin siya at ilapit ang tainga ko sa labi niya dahil humihina na ang boses niya.

            

"M--Mahal na mahal kita. H--Hindi ko na magagawang magmahal ng iba. A--Alagaan mo ang sarili mo kapag wala na 'ko. H--Huwag basta iiyak, Griss. L--Lagi mong iisipin lahat ng gagawin mo bago ka magpasya. W--Wala ng Neptune na magbibigay ng payo sa'yo. W--Wala ng Neptune na maghahanap kapag hindi ka matrack. W--Wala ng Neptune na aalalay kapag gusto mong maglasing. W--Wala ng Neptune na one call away. I--I will be leaving you, but I am glad na iiwan kita na alam kong nasa tamang tao ka na. F--Fly high my dearest Griss. A--Always choose your happiness. M--Mahal kita. M--Mahal na mahal....." Iyon na ang huling mga salita niya bago tuluyang bumagsak ang ulo niya na hudyat na wala na siyang buhay.

     

Napayuko na lamang ako sa walang buhay niyang katawan at doon ko ibinuhos lahat ng panaghoy na nais kong pakawalan kanina pa. Nasasaktan ako, tang ina sobrang sakit.

           

"Tapos na ba ang drama!?" Sigaw ni Clark saka kinuha bigla si Cyan at tinutukan ito ng baril sa ulo.

          

"Sumuko ka nalang Clark. Mas mapapasama ka kapag hindi ka pa sumuko gayong wala ka ng kasama," mapait na wika ni Aeiryn at nagsimula silang lumapit kay Clark.

            

"Papatayin ninyo rin naman ako, bakit hindi ko nalang gayahin si Aressa na nagsama ng isa sa inyo sa hukay?" Nakangising wika nito at sa isang iglap lamang ay sunod-sunod na putok ang pumailanlang at natagpuan namin si Verico na wala na ring buhay at puno nang dugo na umaagos mula sa katawan niyang binaril ni Clark.

        

"NAPAKAHAYOP NINYO!!" Sigaw ni Ayler.

        

Napalingon ako kay Cyan at nakita kong bakas ang takot, sakit at lungkot sa mga mata niya. Marahil ay sa sitwasyon.

           

Lumapit sa akin si Syreen na umiiyak at tinulungan akong alalayan ang walang buhay na katawan ni Neptune.

             

"Hindi ako hayop lang, Ayler. Kung isa lang ang isinama ni Aressa sa hukay, hindi ako ganoon.... hindi ganoon kababaw lamang ang kaligayahan ko," at sa isang kisapmata ay nakatutok na ang baril niya kay Ayler habang sakal ng braso niya si Cyan.

              

"Iputok mo 'yan, sisiguraduhin kong puputok din ang ulo mo," banta ko ngunit tinawanan lamang ako nito.

      

"Talaga bang iniisip ninyo na may kinatatakutan pa ako ngayon? Wala na. Pare-pareho nalang tayong mamatay---" ngunit hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla na lamang siyang kinagat ni Cyan at tumakbo patungo kay Ayler..... ngunit kasabay ng pagtakbo niya patungo kay Ayler ay ang sunod-sunod rin ang putok ng baril na pinakawalan ni Clark..... patungo sa katawan niya.

          

"CYAN!!!" Sigaw ni Ayler saka mabilis na dumulog kay Cyan ngunit tila huli na.

         

Tumayo ako at ibinigay si Neptune kay Syreen saka ko kinuha ang baril ko at itinutok at ipinutok ito mismo kay Clark.

      

"MGA HAYOP! MGA BALIW!" Tanging naisigaw ko nang walang buhay na bumagsak si Clark sa harap ko mismo. Marahil ay hindi niya inaasahan na ako ang magpapaputok ng baril sa kanya.

          

Pumihit ako at nakita kong yakap na ni Ayler ang duguang katawan ni Cyan.

       

Bakit kailangan humantong sa ganito?

        

      

      

     

   

AYLER

     

Hawak ko ang katawan niyang halos wala ng buhay habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin.

       

"T--This time I saved you. T--Thank you for everything, Ayler."

        

"TANG INA ANO BANG GINAGAWA N'YO! DALHIN NATIN SI CYAN SA OSPITAL!!" Sigaw ko sa lahat ng narito ngunit lahat sila ay nakayuko na lamang sa akin. "AYCE! TANG INA DOKTOR KA, TULUNGAN MO 'KO!" Sigaw ko sa kapatid ko ngunit tanging iling lamang ang natanggap ko mula sa kanya.

         

"Too late," bulong niya sa akin saka siya tumalikod sa amin ni Cyan na wari mo ay hindi niya kaya ang nakikita niya.

         

"A--Alagaan mo si Ayrill. A--Alam kong alam mo na ngayon na hindi mo siya tunay na anak," kahit na may kuton na ako ay nagulat pa rin ako sa sinabi ni Cyan. "H--Hindi mo ako ginahasa. I--I think you deserve to know that bago man lang ako mawala. A--Ayrill is Clark's daughter. S--Siya... siya ang gumahasa sa akin," tila lalong nagngitngit ang kalooban ko sa narinig kong iyon. "I--I'm sorry for ruining your relationship with Griss. G--Gusto ko lang sanang bigyan ng matiwasay na pamilya si Ayrill. P--Patawarin ninyo sana ako. M--Maraming salamat sa lahat...." Tuluyan na siyang nawalan ng hininga sa mga bisig ko kaya't wala akong nagawa kung hindi sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Napakasakit.

        

Why does my wrong decisions have to be this fucking painful and disastrous?

     

   

      

     

     

   

GRISS

      

Lahat kami ay nagluluksa ngayong araw ng libing ni Verico, Cyan at Neptune. Si boss Flame ay walang emosyon sa mukha ngunit bakas ang mga luhang nais tumulo dahil sa pagkamatay ng sarili niyang anak.

        

Nasa tabi ko si Ayler habang karga niya si Ayrill na walang muwang sa nangyayari at walang kamalay-malay sa sinapit ng kanyang ina sa sarili niyang ama.

            

"All agents will be given one week leave to cope up with this nightmare," mapait na wika ni master Aeickel saka yumakap kay boss Flame. "I'm sorry. I will take all the responsibility---"

         

"No one's taking the responsibility except for that organization called Eerie. I will make sure to pay them back for what they did to my son," bakas ang poot sa tinig ni boss Flame.

          

"Everyone may leave now," wika ni master kaya't isa-isa na kaming nagsi-alis.

         

Karga pa rin ni Ayler si Ayrill habang ako naman ay nakasunod lamang sa kanilang dalawa. Huminto si Ayler sa harap ng opisina ko at pumasok doon kaya't sinundan ko.

       

Iniupo niya si Ayrill sa sofa at lumuhod upang magkapantay sila. "Ayrill."

      

"Yes Daddy?"

     

"From now on, your mom will be Mommy Griss," wika niya sa bata saka hinaplos ang pisngi nito.

        

"W--Why Daddy? Where is my Mommy Cyan?" Nasasaktan ako para sa kanya. Napakamura pa ng edad niya para maranasan ang mawalan ng isang ina.

           

Lumapit ako sa kanila niyapos ko ang maliit na katawan ni Ayrill. "Mommy Cyan was already somewhere safe and comfortable, Ayrill. Masaya na si Mommy Cyan mo with her angels up there in heaven. Hindi ba't gusto mo maging happy na si Mommy Cyan mo?" Paliwanag ko at naramdaman kong tumango ang maliit niyang ulo na yapos ko rin. "Then magiging masaya na tayo para masaya na rin si Mommy Cyan. We will give you a family gaya ng hiling ni Mommy Cyan mo," patuloy ko saka ko siya marahang inilayo sa akin. "Is that okay with you?"

     

"Yes po Mommy Griss," nakangiting tugon sa akin ng bata.

          

"We will be a happy family together with your younger sibling. Your sibling is on the way Ayrill. Be good to your sibling, okay?" Wika naman ni Ayler na mabilis na nagpaliwanag sa mukha ni Ayrill.

           

Niyakap niya kami ni Ayrill kaya't yumapos din ako sa kanya. "Thank you, Ayler."

        

"No, baby. Thank you. Thank you for enduring too much pain for me. I love you," bulong niya pabalik sa akin.
      

  
How I wish, Cyan and Neptune could see this moment. Sana nakikita nila na kahit hindi maganda ang naging pagkawala nila.... ay natutupad naman ang mga bagay na nais nila.... na maging masaya ako o kami, at magkaroon ng sariling pamilya si Ayrill. Sana matapos na ang lahat. Sana dito na magtatapos lahat ng hirap.

    
--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top