Twenty-five

GRISS

     

Narito kami ngayon sa bahay nila Ayler kung saan narito rin sina tita Aiyell, tito Cloak, Ayce, at Ayrill. Nakaharap sila sa amin ni Ayler na animo ba inuusig kami sa paraan na sila lamang ang may alam.

           

"Manang Esther, makikuha nga muna po si Ayrill at dalhin n'yo sa playroom, kakausapin lamang po namin ang mga batang ito," wika ni tito Cloak sa kasambahay nila na agad naman nitong sinunod.

  

"Hindi namin nalaman na mag-nobyo at mag-nobya kayo tapos ngayon sasabihin mo nabuntis mo si Griss?" Panimulang atake sa amin ni tita Aiyell habang nakataas ang kilay kaya't talagang kinakabahan ako.

        

"Since I was young Mom, I already told you na si Griss lang ang gusto kong maging asawa at si Griss lang ang bubuntisin ko," sagot niya sa Mommy niya na gusto ko tuloy siyang dagukan. Ang kupal niya!

      

Napayuko ako dahil sa kahihiyan na dinadala sa akin ni Ayler. Walang preno ang bibig niyang nakalamon yata ng dila ng manok!

         

"Yes and I agreed with your idea, pero hindi ko sinang-ayunan na buntisin mo si Griss bago mo pakasalan!" May gigil sa tinig ni tita Aiyell na para bang nais niyang kurutin sa tagiliran ang anak.

         

"Baka maunahan kasi ako ni Ayce," bulong niya habang nakanguso na rinig naman naming lahat. "Inagapan ko lang ang sitwasyon---"

         

"AYLER LIAM!" Napakislot ako sa pagsigaw ni tita Aiyell na pumutol sa dapat pang sasabihin ni Ayler.

         

"What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Mom. Alam mo namang maliit palang kami, ang gusto na talaga ni Griss ay si Ayce," sagot pa rin niya.

        

"So.... pinikot mo siya?" Napaangat ang tingin ko kay Ayce na ngayon ay nakangisi sa kakambal niyang mukha nagsisimula nang mapikon sa kanya.

        

"Walang pikutan na naganap sa amin! Alam kong alam mo 'yan! Isa pa, hindi ba't kayo naman talaga ang may dahilan kung bakit naging ganoon ang nangyari sa amin---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang tumayo si tito Cloak at pinanlisikan si Ayler ng mata na sobrang ikinatakha ko.

         

"Shut up," nakakakaba ang tinig ni tito Cloak pero parang kabado rin siya sa dapat na sasabihin ni Ayler.

        

"What now, Dad? Siguro hindi alam ni Mommy 'no?" At sa lubusan kong mas lalong ipinagtakha ay nakangisi na ngayon si Ayler habang nakatingin sa sarili niyang ama.

        

"Ano bang pinaggaganyang ninyong mag-ama? May hindi ba ako alam?" Tanong ni tita Aiyell na siya rin naman talagang nais kong itanong.

         

"Yes, Mom." Sabat ni Ayce sabay nginisian din si tito Cloak.

          

"And what is it? Care to tell, o pare-pareho ko kayong palalayasin?" Bakit ba ganito ang mga Freezell at Mondragon na ito? Nakakatakot silang mag-usap.

         

"Sweetie, you don't have to know it---"

       

"Dad placed a viagra pill disguised as a paracetamol at Ayler's condo," biglaan pagsabat ni Ayce na ikinamulagat ng mata ko dahil sa hindi inaasahang impormasyon na narinig ko.

       

"K--Kung gayon, kayo po ang may pakana kung bakit nangyari sa amin iyon ni Ayler?" Pagsapaw ko sa kanila ngunit sinenyasahan ako ng kamay ni tito Cloak na tila sinasabi nito na mali ang iniisip ko na sinabayan pa niya ng pag-iling.

         

"Hayst! Ayce Lander, pasalamat ka anak kita!" Tila nabuking na wika ni tito Cloak saka muling umupo at humarap sa akin. "Hindi naman para sa inyo 'yong viagra na 'yon," nakanguso niyang wika saka lumingon kay tita Aiyell. "Akala ko kasi pagkatapos naming dalawin sa Ayler sa ospital ay doon na rin kami dederetso ng tita Aiyell mo sa condo ni Ayler para makapag pahinga---"

      

"OH MY GOSH CLOAK!" Saka hinampas ni tita Aiyell sa braso si tito Cloak.

           

"Hindi ko naman alam na tatakas pala ng ospital 'tong anak ko para makita ka at doon kayo tutuloy sa condo niya. Kinabukasan naman pumuslit ako at inalis 'yon, kaso ayon nga, kulang na ng isa," tila nagpapaawa pa si tito Cloak sa amin.

        

"My goodness! Ang tanda na natin tapos gagawa ka pa ng kalokohan with that pill!" Gigil na wika ni tita Aiyell na ikinangiti ko. They are still so in love with each other.

      

"Try lang naman, Sweetie." Nakatikim ng kurot si tito Cloak kay tita Aiyell na ikinatawa nalang namin.

        

"Sorry about that, Griss baby. Dahil pala roon kaya---"

       

"No, tita. Don't be sorry. Ginusto ko rin naman po iyon, dahil kung hindi, wala naman pong mangyayari. Mahal ko po ang anak ninyo, wala po akong kahit na anong pinagsisisihan," nakangiti kong sagot kay tita Aiyell kahit na medyo may pagka-awkward ang mga salitang napili ko upang isagot sa kanya.

           

"If you have chosen me, then by this time, kinakasal na tayo. Hindi ka buntis dahil uunahin kong iharap ka sa altar, kaysa iharap ka sa kama," lahat kami ay nagulat sa pagsabat na iyon ni Ayce.

            

"Ayce!" Iritadong wika ni Ayler. Tinignan ko si Ayce at tila sinasabi niya na makisakay ako sa pang-aasar niya sa kapatid niya.

      

"Naiisip ko na rin 'yan ngayon. What if tinuloy ko ang pagkakagusto ko sa'yo? Sana hindi ako nasaktan dahil hindi ka naman arogante, hindi ka naman kupal, at mas lalong hindi ka babaero---" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko pa dahil bigla na lamang nag walk-out ang pikon na ama ng anak ko.

       

Nang tuluyan siyang naka-alis ay nagtawanan kami ni tita Aiyell at tito Cloak habang si Ayce naman ay nakangisi at nagkibit-balikat.

      

"Ikaw bata ka, alam mo namang pikon ang kapatid mo, gagawan mo pa talaga ng ikakapikon niya lalo," iiling-iling na wika ni tita Aiyell habang nakangiti. "O'siya, Griss. Sundan mo na ang pikon na iyon. Wala namang ibang tatakbuhan 'yon kung hindi ang kwarto niya," baling sa'kin ni tita Aiyell.

        

"Salamat po tita---"

      

"Make sure na magpropose na siya sa'yo. Ayoko ng bastardong apo," tumatawang wika nito na ikinatango ko.

       

Simula pa lamang pala ay alam na nina tita Aiyell at tito Cloak na hindi anak ni Ayler si Ayrill ngunit mas pinili nilang manahimik dahil hiniling ni Cyan na hayaan siyang ayusin ang gusot na ginawa niya. Dahil anak ang turing nila kay Cyan ay hinayaan na lamang nila ito, dahil umano mabuti naman itong tao at alam nilang hindi gagawa ng ikasasakit ng iba. Naikwento lang sa akin ni tita Aiyell kanina habang hinihintay namin ang pagdating ni Ayler galing opisina.

     

Iba lang siguro talaga kapag isa ka ng ina. Mas pipiliin mo talaga ang ikakabuti ng anak mo kaysa sa kalagayan mo. Gaya ng pinili niyang pumasok sa buhay ni Ayler para lamang mabigyan ng maalwang buhay at kumpletong pamilya si Ayrill. Kahit na para sa mata ng iba ay mali, ngunit kung para sa anak niya ay kaya niyang gawin iyon.

      

     

    

    

    

  
    
MALALAKAS ang pagkatok ko sa pintuan ng silid niya ngunit tila wala naman siyang naririnig.

      

"Kapag hindi mo 'to binuksan, hindi mo na kami makikita ng anak mo kahit na kailan!" Banta ko at hindi na ako nagtakha nang wala pang limang segundo ay nakabukas na ang pintuan niya.

         

Bumungad sa akin ang itsura niya na animo nagpakamiserable na agad sa sandaling oras na iyon na wala siya sa paningin ko.

       

Nakabukas na ang limang butones ng polong puti na suot niya, nakaluwag na ang necktie niya, at gulo-gulo na ang buhok niya. Mukha na siyang gangster na sasabak sa away.

       

Mabilis niya akong hinatak papasok ng silid niya at agad na sinara ang pinto. "Akala ko bang nagsisisi kang ako ang pinili mo!?" Nasa himig talaga niya ang iritasyon at pagkapikon. Gusto ko tuloy mapangiti.

      

"May sinabi ba 'ko?" Pang-aasar ko ngunit sa halip na sagutin niya ako ay bigla na lamang niya akong hinapit at siniil ng halik. Agad ko naman itong tinugon na animo uhaw rin ako sa halik na ibinibigay niya.

             

"Damn it!" Mura niya nang pakawalan niya ang labi ko. "Kahit hindi ka magsorry, pinapatawad na kita. Your kisses were enough to make my iritation fades away," dagdag niya saka muli lamang akong siniil ng halik na agaran ko rin namang tinugon.

        

Magiging hipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako umaasa na may mangyayari ngayon sa amin habang kaming dalawa lang ang nasa silid niya.... ngunit mali ako. Mabilis niya akong inilayo sa kanya saka pinagmasdan sa mga mata ko.

           

"W--What?" Disappointment? Pilit kong itinago na mabakas sa tinig ko iyon. Magmumukha akong uhaw kapag nagkataon.

     

"I will not take you unless I get an assurance that you'll be with me forever," wika niya sa akin.

         

"Nagpopropose ka ba!?" Iritadong sagot ko sa kanya.

         

"Of course not!" Aba't siya pa talaga ang nagtaas ng kilay sa aming dalawa. SIYA NGA ITONG NAMBIBITIN SA AKIN NGAYON!

       

"Oh? Anong pinagsasasabi mong forever? Wala lang? Hari ka lang talaga ng kakupalan? Sabagay, si kups ka nga pala! KUPAL!" Hindi ko alam saan nanggagaling ang inis ko. Kung sa hindi niya ba pagpopropose o sa pagkabitin ko? Abnoy na nga ako.

       

"Nothing. Parang biglang gusto ko lang sabihin 'yong mga salitang 'yon, and....."

      

"And?" Bitin na nga ako, pati mga salita niya pabitin pa!

     

Bigla niya na lamang akong niyakap saka inilagay ang baba niya sa balikat ko at bumulong. "I want you too, baby. Alam kong gusto mo ako ngayon. Let me have you, so you can have me too."

       

Damn!

     

Kung akala niyang uurungan ko siya, nagkakamali siya. Mabilis ko siyang itinulak sa kama kung saan napahiga siya at agaran akong sumampa sa ibabaw mismo niya.

        

"Hindi pwedeng ikaw ang laging masusunod, dahil kahit sa kasabihan, ladies first. I'll have you first, before you can have me baby."

   

I claimed his lips, that immediately made him moan. Damn! Why does his moan was now a good thing to hear!? I must be rellay fucking obsess--- scratch that, baka talagang sabik na sabik lang ako sa kanya.

         

I started roaming my hands in his body. Wala akong pakialam kung babae ako, I want to pleasure him.

        

Akmang aalisin ko na ng tuluyan ang mga damit na suot niya ngunit bigla niya akong pinigilan. "I'm the man, I should be the one---"

        

"Lalaki ka lang, ako pa rin ang masusunod. Now shut your mouth, and just moan! Mas gusto kong naririnig ang ungol mo. Let me have you the Griss' way."

     

There.... we both tasted pleasure, ecstasy, and glory. What's there to be ashamed of? I'm already pregnant, wala ng dapat pang ipagpakipot.

      

       

       

     

    
NASA opisina kami ngayon at itong si Ayler ay parang tanga na walang tigil sa kakadantay ng katawan niya sa akin. Para siyang pusa na ngayon palang naglalandi.

    

Napipikon na ko sa inaakto niya pero parang gusto ko rin. Ay ewan, nakakabaliw ang pagbubuntis, pero wala ng mas babaliw sa lalaking ito na nagpahanap ba naman kay Ayce ng santol na nasa labas ang buto. Anong akala niya sa santol? Kasoy? Naaawa rin ako kay Ayce pero wala akong magawa dahil parang binabawian siya nitong kupal na 'to.

        

"Daddy!" Wika ni Ayrill na ngayon ay tila tapos nang magkulay-kulay kaya't mabilis kong itinulak si kupal dahil baka makita pa ng anak-anakan namin ang pagkamanyak niya.

          

"Yes po?" Akala mo santo niyang wika.

      

"Can I buy ice cream po?" Paalam ni Ayrill kaya't mabilis na pinindot ni Ayler ang intercom at tinawagan si Sera upang pumasok.

      

Nahihirapan pa rin akong mag-adjust sa mukha ni Sera na walang pinagkaiba kay Aressa.

          

"Paki tulungan naman si Ayrill bumili ng ice cream na gusto niya?"

     

"S--Sige po, Sir." Sagot naman nito at inakay si Ayrill palabas ng opisina.

       

Wala pa siguro silang sampung minutong nakakaalis nang bigla na lamang magkakasunod na tumunog ang telepono ko.

          

Si Missy.

       

"Griss?" Tila kabado ang tinig nito.

      

"Why?"

     

"Beware of Sera Viscasa-- Aragon, she's the mastermind! Ngayon lang napagtagni-tagni ni Chief ang lahat ng nangyari! We all got fooled! She manipulated everything. Mula sa pagkakakilala nina Aressa at Clark, sa pagtulong ni Clark kay Verico, sa pagkakagusto ni Verico at Aressa sa isa't isa, hanggang sa pagmamanipula sa Eerie. She's one of their higher ups! She drugged and hypnotized her sister to be insanely obsess in killing Ayler and in killing her own father. Sera wasn't after the wealth of the Freezell and Mondragon, she's after the satisfaction and obsession of a successful game maker according to Chief. She's a psychopath! An insane freak!"

        

Nanginginig na nabitawan ko ang telepono ko.

     

Kaya ba.... kaya ba hanggang ngayon ay hindi mapalagay ang kalooban ko?

      

"A--Ayler si Sera..... si Sera ang mastermind ng lahat ng ito!"

     

"A--Anong ibig mong sabihin!!?"

      

SI AYRILL!!!!!!
    

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top