Twenty
THERE WERE LOTS OF SUDDEN CHANGE IN POINT OF VIEWS. BE CAREFUL IN READING PARA HINDI MAGULUHAN.
GRISS
"Neptune!" Naglalandas na ang mga luha ko sa mga mata habang hawak ko ang katawan ni Neptune na tadtad ng bala.
"R--Run," hirap na hirap na wika niya sa akin.
"Why did you fucking do that!?" Halos hindi ko alam kung anong parte ng dumudugong katawan niya ang tatakpan ko.
"L--Leave me. S--Save yourself," sinundan pa ito ng pag-ubo niya na naglalabas na ng dugo.
"Bayani," anang isang tinig kaya't napa-angat ako ng tingin at halos hindi maprosesa ng utak ko ang nakikita ko.
"A--Anong ginawa mo!?" Galit na turan ko dito ngunit imbes na sumagot at sumenyas ito sa kung saan saka may mga lalaking bigla na lamang tumungo sa amin ni Neptune at binuhat kami.
Gusto kong lumaban ngunit nanghihina ako sa nasasaksihan kong kalagayan ni Neptune.
"Dadalhin pa ba ang lalaki? Mukhang dehado---"
"Huwag kang magmarunong sa akin. Dalhin silang pareho," anang tinig na iyon.
Sinasabi ng isang parte ng utak ko na manlaban ngunit bumubulong ang isa na magpatianod na lamang dahil mas mapapahamak si Neptune kung gagawa ako ng hindi maganda.
Sa huli ay kapwa kami isinakay ni Neptune sa isang sasakyan.
"Lalapatan ko ng lunas ang isang ito, baka hindi umabot," wika ng isa sa mga narito sa sasakyan saka sinira ang damit ni Neptune.
"Bakit niyo binaril kung gagamutin n'yo rin naman," puno ng kasarkastikuhan na pahayag ko sa kanila kahit na ang totoo ay alalang alala ako sa kalagayan ni Neptune.
"Hindi para sa kanya ang bala, sa iyo sana talaga. Nagkataon na bayani pala itong mang-iibig mo," sagot niya sa akin na ikinakuyom ng mga nakatali kong kamay.
"Wala akong naaalalang may atraso ako sa'yo," singhal ko dito ngunit tinawanan lang ako nito.
"Wala akong sinabing may atraso ka sa'kin," sagot niya saka itinuon ang tingin sa harap.
"Kung ganoon bakit ninanais mo akong patayin!? Sana tinuluyan mo nalang ako!"
"Not so easy, Griss. Isa pa, eksperto ako sa paghawak ng baril, bakit sa palagay mo hanggang ngayon hindi pa namamatay iyang mang-iibig mo?" Bakas sa tinig nito ang kayabangan.
"Of course you're an expert. Lumaki kang nakikita mo kung paanong humawak ng baril, at isa pa, nananalaytay na nga pala sa dugo mo ang pagiging kriminal," sagot ko rito na muli lamang nitong tinawanan.
"Wala ka bang balak itanong kung anong pakay ko sa'yo?"
"Kung may balak kang sabihin ang pakay mo sa'kin, kanina mo pa sana sinabi. Alam ko kung paano kang mag-isip, huwag kang umastang ikaw lang ang nakakakilala sa akin," sagot ko sa kanya at nakitang kong napangisi siya dahil aninag ko ang salamin sa gilid niya.
"Maayos na ang isang ito, pero kailangan pa rin matignan," wika ng lalaking gumamot kay Neptune.
"Out of all people, ikaw pa talaga? Sana alam mo kung anong ginagawa mo, at naaalala mo pa kung sinong binabangga mo," turan ko sa kanya.
"Alam ko, Griss. Alam na alam ko, at alam kong alam mo na hindi ako gagawa ng isang bagay kung hindi ako sigurado. Ikaw na ang nagsabi, kilala mo 'ko."
Kapag nakawala ako dito, ako ang papatay sa'yo.
AEICKEL (OO! NAMISS KO RIN SIYA)
"Chief!" Agad akong napalingon kay Missy na humahangos ngayon palapit sa akin.
"Bakit?"
"We lost track of Neptune at Inferno," tila mabilis na gumana ang utak ko sa narinig ko. Mukhang tama ang hinala ko, at tamang ipinadala ko si Eulyco kay Griss.
"Give me the previous data, ako ang maglolocate," saka ako mabilis na pumasok ng opisina ko.
"Wife---"
"Not now, Nigel. Nawawala ang dalawang elite agents," pigil ko sa asawa kong nais yatang maglambing sa akin. Pasensya na siya, ngunit hindi ko iyon kayang unahin sa ngayon.
"Anong kutob mo sa nangyari?" Tanong niya sa akin. Sa katagalan ng panahon ay unti-unti ng natututunan ni Nigel kung paano pakibagayan ang paraan ko ng pag-iisip at pagkilos.
"This was more than just a set up. Those persons doing these were clouded with pain and hatred," sagot ko sa kanya saka nagsimula akong magtipa sa laptop ko.
I placed a tiny chip locator in Eulyco's wallet dahil alam kong iyon ang bagay na hindi nawawala sa bulsa niya.
"Missy," tawag ko sa kadarating.
"Yes, Chief?"
"Ask Aeignn and Aeiryn to be on standby. Magpadala ka rin ng taong makakalipad agad pa-Davao para tignan ang pamangkin kong si Ayler bago niyo tunguin ang address na ito," wika ko saka ko inabot kay Missy ang maliit na papel na sinulatan ko ng address na nakuha ko sa locator.
"Hindi ka ba sasama sa misyon na 'to, Chief?" Usisa sa akin ni Missy kaya't tinignan ko siya.
"Wala sa Davao ang hahabulin at tatrabahuhin ko. Just follow my instructions and take care," wika ko saka ako tumayo mula sa harap ng laptop at nilapitan si Nigel.
"Why?" Tanong niya nang makalapit na ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-iisip kung anong susunod kong gagawin.
"May pupuntahan tayo," saka ko hinatak ang kamay niya patayo.
"Saan?"
"To someone who can easily clarify all my theories," sagot ko saka na kami lumabas ng opisina ko.
Hindi maaaring may iba pang buhay ang mapahamak.
SOMEONE
Ibinaba ng mga tauhan namin sina Griss at Eulyco habang ako naman ay naglakad papasok kung saan naghihintay siya sa akin.
Mabilis akong humalik sa pisngi niya at siya naman ay ngumiti sa akin.
"Bakit inabot kayo ng ganito katagal?" Malambing na wika niya sa akin.
"Nagka-aberya. Akala ko kasi si Griss lang ang kukuhanin namin, nagkataon na naroon itong si Eulyco kaya't pati siya ay nadamay," sagot ko na ikinatango niya.
"I see."
"Alam mo bang sa mga oras na ito ay pinaghahanap na iyan ng Phyrric dahil siguradong nawala na sa tracker nila," pahayag ko saka naupo sa tabi niya.
"Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang mahalin at samahan ko. Bukod sa alam mo ang galaw ng Phyrric, alam mo rin kung anong dapat unahin at gawin. I love you for that," saka niya ako kinintalan ng halik sa labi bago inihilig ang ulo niya sa balikat ko.
"Ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko. Alam kong may sapat kang rason para gawin ito. Hindi rin ako nagsisisi na mahalin ka dahil alam kong hindi mo kayang mabuhay ng matiwasay hangga't hindi mo pa nakukuha ang hustisya," sagot ko sa kanya.
"Naitali na namin sila ng maayos," wika no'ng isang tauhan. Bago ako bumaba ng sasakyan kanina ay kapwa ko tinurukan ng pampatulog sina Eulyco at Griss.
"Siguraduhin ninyo. Griss and Eulyco were both elite agents, they were trained to easily remove complicated knots---"
"No, love. What they used to tie them were chains. Hindi nila iyon maaalis," sagot ko saka hinaplos ang buhok niya. "Ipahinga mo na ang isip mo. Mamaya tayo makikipagharap sa kanila---"
"Hindi ko pa oras para humarap sa kanila. Hindi pa oras upang malaman nila kung ano man ang pakay ko sa kanila. Magiging tama lang ang oras, kapag nakita kong halos mabaliw na ang Mondragon na iyon kakahanap sa babaeng iniibig niya, at siya na mismo ang kusang tutungo sa kinaroroonan natin upang mamatay mismo sa mga kamay ko. Pagsisisihan niyang nakilala niya ako at ang pamilya ko. Sisiguraduhin kong uupusin ko siya. He'll taste hell in my hands. Ipaparanas ko sa kanya ang mawalan ng taong tanging sandigan mo," ramdam ko ang galit at pagpipigil ng bawat salita niya. Hindi ko siya kayang pabayaan kaya't ginagawa ko lahat para sa kanya. Isa pa, siya rin ang tumulong sa akin noong mga panahon na akala ko ay hindi na ako makakawala kailan man.
"I understand. Haharapin ko sila mamaya at ibibigay ang nais kong mangyari sa kanila," sagot ko sa kanya saka ko siya kinintalan ng halik sa noo.
"Salamat."
GRISS
Ibinukas ko ang mabibigat na talukap ng mga mata ko at nakita kong nasa isa kaming malawak na sala kung saan nakatali ang mga kamat at paa ko ng kadena sa isang upuan.
Ipinilig ko ang ulo ko at natagpuan ko si Neptune na kahit papaano ay mas maganda na ang kulay ng balat, hindi gaya kanina na animo ano mang oras ay mawawala na siya.
"Neptune!" Bulyaw na bulong ko sa kanya.
Nakita kong unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at napalingon sa gawi ko. "I--I'm alive?" Hirap na wika niya na ikinatango ko.
"Kailangan nating makaalis dito," turan ko sa kanya ngunit imbes na sagutin at umiling ito sa akin.
"T--There's no way out, Griss. Ang maaari lang nating gawin ay maghintay kung may darating upang iligtas tayo," sagot niya sa akin na ikinabundol ng kaba ko.
"Pero kailangan pa kitang dalhin sa ospital---"
"Walang tinamaan na delikadong parte ng katawan ko. That person knows how to shoot a gun without killing the target. He did this just to scare me, and frighten you so that they can easily dragged us in here," paliwanag niya sa akin. "Unfortunately, they succeeded."
"P--Patawarin mo 'ko. Hindi ko alam. Noong nakita kong puno ka ng dugo ay parang hindi na gumana ang utak ko---"
"Of course, you should be sorry. Dahil wala naman dapat dito si Eulyco kung hindi dahil sa'yo," wika ng isang tinig kaya't mabilis kaming napalingon dito.
"I--Ikaw!?" Hindi makapaniwalang turan ni Neptune. Alam ko ang nararamdaman niya dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na siya ang nasa likod nito.
"Oh. Nakapikit ka na nga pala kanina at halos mamatay na kaya hindi mo ako nakita. So.... yes Eulyco, it's me." Gusto ko itong saktan sa paraan na gusto ko dahil s kayabangan ng pananalita niya na animo ba tuwang tuwa at ipinagmamalaki pa nito ang ginagawa niya.
"Wala kaming kasalanan sa'yo!" Sigaw ni Neptune kahit na may iniinda itong masakit sa katawan.
"Magkaibigan nga kayo," saka niya pa ito sinundan ng tawa. "Wala akong sinabing may ginawa kayo sa akin. At isa pa, hindi ako ang may kilangan sa inyo. Ginagawa ko lamang ito upang makabawi sa mga Freezell---"
"Pero walang Freezell sa aming dalawa ni Neptune!" Singhal ko dito.
"Wala nga, pero kayang kaya kong paikutin ang isang Freezell gamit ka," nakangisi niyang wika sa akin.
"Kung iniisip mong kaya mong paikutin si Ayler gamit ako, nagkakamali ka," sagot ko sa kanya.
"Ikaw ang nagkakamali, Griss. Kapag pinaalam kong hawak kita, hindi mo na alam ang maaari niyang gawin dahil wala ka sa tabi niya. Isa pa, hindi ba't kaya ka nga niyang piliin kaysa sa anak niya," nakakakilabot ang paraan ng pagsasalita niya.
"Hintayin mong makawala ako dito, sisiguraduhin ko sa'yong babasagin ko lahat ng maaaring mabasag sa'yo!" Galit na galit na turan ko sa hayop na taong ito kasabat ng panlilisik ng mata.Hindi ko inakalang magiging ganito siya.
"Huwag mo akong titigan ng ganyan, Griss Nairen. It runs in the blood. Hindi ko nga alam kung paanong nakaligtas si kuya sa sumpang ito," sagot niya saka sinundan pa nito ng nakakabingi at napakahayop na tawa.
"Hindi siya magiging gaya mo kahit kailan dahil may utak 'yon. Hindi ko ba alam at bakit nagtiwala ako noon sa'yo, gayong may sapak nga pala kayo sa ulo," nakangising wika ko sa kanya na animo nagpa-panting ng tainga niya. Naramdaman ko na lamang ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Singhal nito sa akin.
Idinira ko nag dugong nalasahan ko saka ako muling ngumisi at sumagot sa kanya. "Bawiin? Damn boy, truth hurts."
"Papatayin kita---"
"Hindi mo 'yan gagawin. Malaki pa ang pakinabang ko sa inyo, hindi ba? Kapag nawala ako, sinong ipapain ninyo?"
"Huwag masyadong malaki ang ulo, Griss. Kapag pinatay kita, maaaring ang anak ni Mondragon ang kuhanin ko upang maging bitag---"
"But you won't," lahat kami ay napatingin sa tinig na iyon na nasa bukana ng pintuan.
"MASTER!" Sigaw ko na animo nakakita ng liwanag.
"Hindi ninyo gagawin na kuhanin ang bata at patayin si Griss, because you were obsessed with the romantic punishment you were plotting. Gusto ninyong saktan si Ayler sa paraan na puso niya ang maghihirap," sagot ni master Aeickel saka inilabas ang baril at itinutok ito sa lalaking nasa harap namin.
"Hindi ko alam na hanggang dito ay makikialam ka," nakangising wika nito.
"Of course.......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
VERICO VICENTE-- RICAFORT. Hindi ko naman kaya na kung saan-saan nagkakalat ang kapatid ng asawa ko. And besides, hindi pa kayo tapos na mag-ina sa parusa ng Phyrric. Might as well drag you back."
Sa gulat ay mabilis ako nitong hinatak saka tinutukan ng baril sa ulo. "Aalis ako kasama si Griss, at kapag hindi ninyo iyon pinayagan, sisiguraduhin kong papatayin ko siya ngayon mismo."
"Go on," halos manlaki ang mga mata ko sa isinagot ni master sa kanya. "Bring her with you. Sagabal lang siya sa binubuong pamilya ng pamangkin ko."
"MASTER----" ngunit huli na. May mga iba na ring tauhan ang dumulog sa amin upang buhatin ako paalis at palayo ng lugar na iyon.
Why....
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top