Twelve
GRISS
Naglalakad lang ako sa kahabaan ng bangketa nang may makita akong pamilyar na bulto ng tao. Nakita ko nanaman siyang muli.
Was this person following me? Parang imposible. I'm in disguise.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil baka masama lang talaga ang tama ng ulo ko nitong mga nakaraang araw dahil kay Ayler at kung anu-ano nang nakikita ko.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pinakapakay kong lugar dito.
"Target located," wika ko sa kabilang linya kung nasaan si Syreen.
"Noted---"
"Baby, take care of yourself. Aanakan pa kita," gusto kong mapasampal sa ulo kosa ginagawa ni Ayler. Sumama na nga siya dito sa side mission, ngayon naman ay ginugulo niya si Syreen sa trabaho. Mabuti nga at napakiusapan ko si Syreen na payagan siyang pumwesto sa sasakyan.
"Umayos ka dyan! Tatamaan ka sa'kin," bulong ko sa kabilang linya.
"Sinabi ko na sa'yo, matagal na nga akong tinamaan," parang gusto ko nalang bumalik sa sasakyan saka ko siya hambalusin ng isang daang tubo.
Kung hindi dahil sa katigasan ng ulo niya, wala sanang nakikialam at nangungulit sa akin sa side mission na ito.
*****
Kakababa ko lang ng tawag ni Missy. May side mission at walang available na agent para samahan si Syreen kung hindi ako lang.
"Aalis ako. Siguro naman hindi ka na kailangan bantayan ngayon gaya ng dati---"
"Of course, you still have to look after me!" Parang bata niyang wika sa akin. Narito kami ngayon sa restaurant na ibinook ni Sera.
"Ang usapan namin ni tita Aiyell, kapag hindi ka na babaero pwede na kitang iwan-iwan kung gusto ko. Hindi naman ako magreresign, may aasikasuhin lang ako!" Mahabang paliwanag ko sa kanya ngunit ang kupal bigla na lamang akong nginisian na animo siya manggagantyo!
"You mean, okay na sa'yong iwan ako kung kailan mo gusto dahil alam mong ikaw nalang ang babae ko at mas lalong ikaw nalang ang bubuntisin ko---"
"AYLER LIAM! IYANG BUNGANGA MO!" Napakabugok niya talaga. Wala man lang preno ang bibig!
"What? I'm just telling the truth here. Kaya ganyan ka, kasi alam mong ikaw nalang ang aanakan ko at sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, hindi ko gagawin na magpapikot sa ibang babae," punong puno ng tiwala sa sarili ang isang ito. Paano ko ba mababawasan?
"Fine! Enough of your opinions and perspectives, basta aalis ako. Take care of yourself, huwag kang iinom at mas lalong huwag kang mambababae dahil babasagin ko iyang bungo mo, damay pati itlog mo!" Banta ko sa kanya na imbes katakutan at nginisian lamang niyang muli.
"Miss mo na itong itlog ko? Miss ka rin daw niya pati nitong hotdog ko," ika ba naman ng walang hiyang kupal sa akin!
"BASTOS! W--Walang nakakamiss ng itlog mo, at mas lalong hindi ko namimiss 'yang hotdog mong kupal ka!" Nanggigiligid yata lahat ng lamang loob ko sa kanya.
Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin saka naupo sa tabi ko. "12.5 na ayaw mo pa? Baka kapag ginalit mo pa lalo 'to umabot ng 15 ewan ko lang kung hindi ka umiyak sa sarap," bulong niya sa akin na nagbigay kilabot sa buong pagkatao ko. Kapag talaga naman tinamaan siya ng kakupalan, jusko!
"15 mo mukha mo! Shoo! Bumalik ka sa pwesto mo!" Inis na turan ko sa kanya saka ko siya itinulak.
Tinawanan lang niya ako saka bumalik na sa pwesto niya. "Kung hindi ko pa alam, siguradong naghirap ka sa paglalakad pagkatapos ng nangyari," talagang sinusubukan niya ang hangganan ng pagtitimpi kong kupal siya!
"Kung hindi na kaya ako bumalik sa'yo pagkatapos ng side mission ko?" Nakita kong nahintakutan siya sa itinuran kong iyon ngunit mabilis lamang siyang nakabawi.
"Kung sabihin ko kaya kay tito Levin at tita Ruiza na papakasalan na kita dahil may nangyari na sa atin?" Binundol ako ng matinding kaba sa kawalang hiyaan na ibinulalas niya.
"H--Hindi mo gagawin 'yan!"
"Why can't I? Gusto ko nga maipakasal ka na sa akin para wala ka ng kawala," tila nag-eenjoy talaga siya sa pang-kukupal at pang-wawalang hiya niya sa akin!
"Hindi ka ba titigil!?"
"Shut me with your lips, that would be the most effective way," ugggghhh! Napakakupal!
"Susungalngalin na talaga kita ng tinidor sa nguso mo Ayler Liam kapag hindi ka pa tumigil!" Saka ko pa itinutok sa kanya ang tinidor na hawak ko.
"Fine. Fine. Then let me come with you---"
"Hibang ka na nga talaga," iiling-iling na wika ko saka inabot ang baso ng tubig.
"I'm serious," doon ko halos maibuga ang iniinom ko na muntik pa tatang lumabas sa ilong ko dahil sa lamig ng tinig niya at sa pagkakaseryoso ng pananalita niya.
"Hindi! Retarded ka ba? Misyon 'yon, hindi playground!" Punong puno na 'ko sa kanya!
"Alam ko! At hindi ako sa playground naglalaro Griss Nairen, sa kama, kasama ka." Wika niya na may kasamang pagngisi pa!
Ramdam ko ang pamumula ko sa mga binibitawan niyang kaabnormalan! Napakawalang hiya niya talaga. Ang sarap i-stapler ng bibig niya!
"OO NA ISASAMA NA KITA! TUMIGIL KA LANG!" Akala mo wala siya sa restaurant kung makapagsalita!
"Bibigay ka rin pala baby, sana kanina pa."
Arggh!!
*****
"Pagpasensyahan mo na muna siya Snow, hayaan mo nakuha ko naman na 'yang location, by tomorrow we can proceed with the next move---"
"Aalis ka ulit bukas!?" Ayaw niya talagang patahimikin ang misyon ko!
"Inferno, can I throw this man?"
"Feel free, Snow. Feel free."
KUNG nasaan man kami ngayon, itong kupal na si Ayler lang ang nakakaalam.
"Kanina pa tayo narito," walang ganang wika ko sa kanya kaya't nilingon niya ako.
"Just wait," sagot naman niya sa akin at muling ibinalik ang atensyon niya sa mansyon na nasa harapan namin. We're like policemen doing a stakeout.
Halos mailuwa ko ang nginunguya kong chewing gum nang makita ko kung sino ang bumaba mula sa magarang kotseng kakaparada lang sa harap ng malaking mansyon.
"S--Si Clark Belmonte!?" Hindi makapaniwalang saad ko.
"And he's with Gino Cojuangco," at tama nga ang sinabi niya dahil kasunod na bumaba ng sasakyan ay si Gino Cojuangco.
Si Clark ang lalaking nagpakilala noon sa akin sa party, at si Mr. Cojuangco naman ang sinapak ni Ayler sa bar na isa rin sa stockholder ng kumpanya nila.
"How are they freaking related?" Usisa ko dahil nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya habang nakamasid sa kanila.
"They are the parasites of our company. That Clark Belmonte owns a share in our company with a ghost name," paliwanag niya sa akin na hindi ko pa rin naman naintindihan. I'm not into business!
"Gusto mo bang patayin ko nalang sila?" Kung inosente man sa kanya ang dating no'n, hindi iyon ang nais kong iparating.
"If only Lola Cassandra would let me use the noble agents, this will be just a piece of paper to junk. These piece of shits will surely suffer in my hands," seryosong wika niya sa akin.
"Bakit hindi ito pinakikialaman ni tito Cloak? He's the owner at the very least," pahayag ko.
"I don't know what's with Dad, he wants me to deal with these shits all by myself. Kahit si Ayce ay ayaw niyang papakialaman sa akin."
"So?"
"I'll surely solve this by myself, and of course with the help of you," saka niya ako nilingon at nginitian.
"Tatay mo nga ayaw kang tulungan, ako pa kaya?" Nakangisi kong turan ngunit bigla na lamang niyang tinawid ang pagitan namin saka ako hinapit.
"I have planted some seeds in your fertilized egg, wasn't that enough for you to help me? Tatay ako ng mga magiging anak mo," hanggang dito pa naman jusko Ayler Liam!
Itinulak ko siya nang makarinig ako ng kaluskos na yabag papalapit sa amin. Hinawakan ko ang braso niya saka ko siya hinatak payakap sa akin habang nakatago kami sa isang malaking poste.
Sinenyasan ko siya na huwag magsasalita pero halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang pwesto na mayroon kami. Nakasubsob ang ulo niya sa dibdib ko!
"I like this idea," bulong niya. Napakakupal talaga niya!
"WALA 'TOL! MAGSYOTANG BAKLA, NAGLALAMBINGAN LANG!" Sigaw ng lalaking nakita kong nakalapit na sa amin.
Maiksi lang ang buhok ko pero babae ako! Gustong gusto kong isigaw iyan pero hayaan na, importante nakaligtas kami.
"Can we do this again in my bed? I love the smell and softness of your mountains. So fucking refreshing!" Pukaw niya sa atensyon ko.
"KUPAL!"
"BAKIT kasama mo 'yan?" Harang sa amin ni Charisse nang makapasok na kami ni Ayler sa Phyrric.
"Freezell rules," kibit balikat kong sagot sa kanya. Si Ayler naman ay ngumisi lang sa kanya. Aroganteng tunay!
Freezell rules means, walang kahit sinong maaaring magbawal sa mga may dugong Freezell na pumasok ng Phyrric, unless they were banned by Madam Cassandra Freezell, the sole owner and founder of Phyrric.
"Kamusta nga pala ang misyon niyo sa Iloilo? At parang hindi ko nakikita sina Elle at Jo?" Tanong ko matapos kong imwestra na mauna na si Ayler sa sarili kong opisina.
Malungkot na humarap sa akin si Charisse at umiling. "They didn't make it."
"ANO!?" Gulat na gulat kong wika sa kanya.
"We were bombed in our location. I was the only survivor, Elle and Jo didn't make it," parang nanglambot ako sa sinabing iyon ni Charisse. Elle and Jo were good agents.
"HOY BRUHA KA! SINONG NAGSABING PATAY NA KAMI!?" Halos masapok ko si Charisse nang parang torong maghahamon ng gulo si Jo na papalapit sa amin habang nakabenda ang ulo at binti.
"As if we'll die," wika naman ni Elle na nakacast ang kaliwang braso.
"Oo nga pala, masamang damo kayo," tumatawang wika ni Charisse.
"Sira na talaga 'yang ulo ni Charisse. Huwag mong paniwalaan," nakangusong tugon sa akin ni Jo.
"Fine. Fine. Mabuti at nakaligtas kayo?" Usisa ko.
"Gladly, we were there," saktong pasok naman ng dalawang kilalang nurse sa Phyrric. Si Nurse Jethsy at Nurse Sab. Ang alam ko si tito Nigel ang nagpasok sa kanila rito sa Phyrric.
"My healing hands revived them," wika pa ni Nurse Sab at iminodel ang kanyang mga kamay.
"Pinalad talaga," bulong ni Elle na hindi ko naman nakuha ang ibig sabihin.
"Maiwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako," paalam ko sa kanila.
"Paka-asikaso mo, yummy!" Pang-aasar pa nila na ikina-iling ko na lamang.
Nang marating ko ang opisina ko ay para akong natuod.
Nasa harapan ko si Neptune at Ayler na kasalukuyang nagsusukatan ng tingin! Tila ba ano mang oras ay magsasabong na sila!
"Anong ginagawa niyo!?" Tanong ko ngunit hindi nito nakuha ang atensyon nila. Parehong nakakuyom ang mga kamao nila.
"You let her slipped away before," nagulat ako nang magsalita si Neptune.
Ngumisi si Ayler sa kanya. "Sa'yo na nanggaling, before, ibig sabihin na alam mong noon pa akin na siya."
"No one owns her!" Giit naman ni Neptune. Are they talking about me!?
"No, man. Akin siya noon, akin siya ngayon, at akin pa rin siya hangga't nabubuhay ako. Hinding hindi ka magkakaroon ng pagkakataon," pati ako ay halos kainin na ng kaseryosohan ni Ayler.
"I know what you did before, Mondragon. You will never run away from that mistake," kunot noo akong napabaling kay Neptune na nakangisi na rin ngayon.
"Wala kang alam doon, at wala kang karapatan na pakialaman iyon. We're talking about Griss, at sinasabi ko sa'yo na oras na gumawa ka pa ng hakbang sa kanya, you will be good as dead," kung nakakatakot ang pagiging seryoso niya, mas nakakakilabot ang paraan ng pagbabanta niya.
"Not because you're a Freezell---"
"Being a Freezell has nothing to do with this, man. Touch my woman, and your death will be as bright as the sun."
Bigla na lamang niya akong tinignan at hinablot ang braso ko.
"Anong problema---"
"I was the one who took her first kiss, I was the one took her virginity and I will be the only one who will own her heart. Not you, and definitely not anyone," this was the first time I saw this possessive side of him. Masyadong nakakatakot.
"Y--You took her---"
"I could even get her pregnant. Now weakling, back off."
--
MAYA PO ULIT. MASAMA LANG PAKIRAMDAM KO. HEHEHE. (Wala akong covid) 😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top