Three

GRISS

      

"Bakit ba hindi ako binibigyan ni bossing Flame at master Aeickel ng ibang misyon? Ayaw ko na sa misyon ko," bugnot na bugnot na himutok ko kay Neptune.

      

"Ilang beses kong sasabihin sa'yong tawagin mong Night si headchief, ang kulit mo talaga!" Saka niya ako dinagukan kaya't binigyan ko siya ng matalim na tingin.

      

"Hindi porke't mas mataas ka sa'kin ay papayag na akong saktan mo 'ko," malamig kong wika rito.

      

"Kalma! Sorry," paghingi niya ng paumanhin.

      

Bigla ang pagdaan ng isa sa mga senior ko kahit na mas matanda ako sa harap ko. "Aeignn!" Anak siya ni master Aeickel. Panganay iyan pero hindi namin gaanong nakakausap. Magkasingtahimik sila ni Aeiryn.

        

"How many times do I have to tell you to call me Dark?" Malamig ngunit puno ng iritasyon na wika niya. Wala talaga akong hilig sa pagtawag ng mga code name nila lalo na kapag narito lang naman kami sa Phyrric.

     

"Aeignn ang pangalan mo, kaya Aeignn ang itatawag ko sa'yo," saka ko siya nginisian. "Pasabi naman kay master Aeickel ilipat na ako ng misyon, ayaw ko na sa Mondragon na iyon," pagpapaawa ko dito.

        

"What's wrong with kuya Ayler?" Pagpasok bigla ni Aeiryn sa senaryo. Isa rin sa mga senior ko na kakambal nitong si Aeignn.

      

"W--Wala naman Aeiryn," saka pa ako tumawa at napakamot sa batok.

        

"Have you developed some feelings with my cousin?" May panunuya ang tinig na iyon ni Aeignn kaya't hindi ako nakasagot agad.

         

"MGA BATANG 'TO! IWAN KO NA KAYO!" Kabadong pahayag ko saka ko sila nilayasan.

     

Ibang iba ang ugali ng bunso nilang kapatid na si Aeidan sa kanilang dalawa. Si Aeidan lang sa kanilang tatlo ang hindi pumasok sa Phyrric. Mas pinili ni Aeidan ang maging isang professor sa isang unibersidad at part time model sa agency ni Daddy.

     

Palabas na ako nang Phyrric nang makakita ako ng toro--- este tao na umuusok ang ilong at tila ako yata ang target na suwagin.

        

"WHY DIDN'T YOU COME TO WORK THIS MORNING!?" Galit na galit na wika niya. Kayang kaya niya akong kainin ng buhay ngayon.

       

"AYOKO LANG!" Pagmamatapang ko, pero ang totoo kasi talaga niyan, ilang na ilang ako sa kupal na ito ngayon. Hindi ko alam paano ko pagtatakpan ang sarili ko sa ginawa kong kahihiyan.

    

*****

    

Tila isa rin ako sa nalulunod sa nainom niyang alak at hindi lang siya dahil sa ipinapalasap niya sa akin na klase ng halik ngayon na alam ko sa sarili kong hindi ko alam kung paano tutugunin.

     

Ibang klase ang halik na ito na hindi ko maikukumpara sa iba sapagka't wala pa naman akong ibang lalakeng nahalikan sa tanang buhay ko kaya nga't iniyakan ko ang pagnanakaw niya sa unang halik ko, ngunit ito ako ngayon at nakikisalo sa langit na ipinalalasap ng labi niya.

     

Tila ako batang naliligaw na nais lamang magpatianod sa galaw ng tubig at hangin. Tila ako musmos na susunod sa unang taong mag-aabot sa akin ng pagkain at laruan.

       

"Answer my kisses, baby." Napaka mapang-akit ng tinig na iyon na ibinulalas niya nang hindi inaalis ang pagkakalapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

      

Hinawakan ng isang kamay ko ang seatbelt na suot niya habang ang isang kamay ko naman ay dumako sa batok niya. Hindi ko alam. Ngunit tila ba ako nanghihina sa klase ng paghalik niya sa akin.

      

Nang mapagdesisyonan ko nang tugunin ang klase ng halik niya ay hinablot ko ang batok niya at ninamnam ang labi niya sa kahit na anong paraan na alam ko.

      

"Ouch!" Mahinang hiyaw niya saka lumayo sa akin, ngunit muli ko lamang hinabol ang mga labi niya para ipalasap ang klase ng halik na alam ko. "Fuck it! Don't fucking bite my lips!"

     

Bigla akong parang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong reklamo niya. Doon ko lamang napagtanto kung gaano ako kahayok sa pagkagat ng labi niya na may sugat na ngayon at may kakaunting dugo. Kaya pala may lasa ng kalawang!

      

"Sorry---" ngunit bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay ito na siya ngayon at tulog na tulog sa tabi ko na may kasama pang mahinang paghihilik.

     

*****

    

Para akong isang halaman na kahit minsan ay hindi pa nadiligan, para akong birhen na hindi pa nabasbasan, at para akong preso na sabik sa kalayaan sa ginawa ko. NAKAKAHIYA O MAS HIGIT PA SA SALITANG NAKAKAHIYA!

    
Ipinagdarasal ko na sana ay hindi niya naaalala ang mga nangyaring iyon, kung hindi ay maaari na sana akong lamunin ng lupa ngayon na ngayon din!

      

"Do you want tita Aeickel to learn about this?" Bigla ang pagbundol ng kaba ko sa itinuran niya. Hindi maaaring malaman ni master na nagpapabaya ako sa trabaho, matatantusan ako, minus points pa 'yon.

      

"Nananakot ka ba!?" Mayabang kong turan kahit ang totoo ay wala akong mukhang maiharap sa kanya.

      

"NATATAKOT KA BA!?" Mas mayabang niyang turan.

      

"O--Oo, lika na alis na tayo dito," saka ko siya kinaladlad paalis ng Phyrric.

        

Nagulat ako ng bigla niyang higitin ang braso niya mula sa akin.

      

"B--Bakit?" Tamang hinala talaga ako na baka bumalik siya at magsumbong kay master.

       

"I--I can feel it," kita ko ang pamumula ng mukha niya kaya't napakunot ang noo ko at nawala ang kabang nararamdaman ko.

        

"Feel what?"

      

"Your not-so-huge breast!" Saka niya ako iniwan at naunang naglakad palayo.

     

Napalaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya.

      

"KUPAL KA AYLER LIAM!!!"

       

      

       

     

    

   

   

 

"MAMAYA ihanda mo ang sasakyan at mayroon tayong aalamin na isang private meeting na nagaganap sa likod namin ni Daddy," wika niya na hindi naman ako tinapunan ng tingin at nakatuon ang pansin sa mga pinipirmahan niyang papeles.

        

"Bakit ba hindi nalang ipagtutumba ang mga iyon?" Iritadong wika ko. Lately ang daming ahas sa kumpanya nila.

        

"Ang pagiging mapagmasid ay isa sa key points ng pagiging businessman, tibs."

      

"Ah kaya pala nanapak ka," pilosopo kong sagot na nakakuha ng atensyon niya. Tinignan niya ako sa isang iritadong ekspresyon.

       

"Huwag mo ng ipaalala, nacut ang credit card ko dahil doon," tila frustrated niyang wika sa akin.

       

"YOU MEAN, NAKADEPENDE PA RIN ANG CREDIT CARD MO KAY TITA AIYELL AT TITO CLOAK!?" Oo, literal na gulat na gulat ako.

        

"Hindi, huwag kang histerikal. Kaya kong bilhin lahat ng gusto mo," nagulat ako sa isinagot niya kaya't pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Si Ayce ang nagcancel ng credit card ko, hind niya ibabalik hangga't hindi ko naaayos ang gusot kay Cojuangco," paliwanag niya sa akin na hindi ko naman hinihingi.

      

"Share mo lang?"

      

"Wala ka talagang kwentang kausap! Bantayan mo nalang ako, mas natutuwa pa 'ko. Magpaka estatwa ka nalang dyan," iritado niyang sagot saka muling ibinaling ang atensyon niya sa ginagawa.

     

Ganito ang trabaho ko, maghapon nakadikit sa kanya. Maghapon nakamasid sa kanya. Ultimo nga bilang yata ng paghinga niya sa buong maghapon nakabisado ko na.

      

Sa totoo lang, medyo masaya ako na hindi niya naaalala ang nangyari dahil sa sobrang kalasingan dahil kung oo, baka nakabaon na ako six feet under the ground.

      

"S--Sir, saan po ang schedule niyo after lunch?" Wika ni Sera nang makapasok siya ng opisina.

      

Hindi ba dapat siya ang may alam no'n?

     

"I will be with Griss. Cancel my other appointments," sagot niya na hindi man lamang tinapunan ng tingin si Sera.

       

"N--Noted po. I--Isasama niyo po ba ako?" Magalang na tanong niya.

      

"Si Griss ka ba?" Aroganteng sagot ng kupal kaya't tila napahiya si Sera.

       

"S--Sorry po," siya pa ang humingi ng paumanhin. Naaawa na ako sa sekretarya niyang katangi-tanging nagtyaga sa arogante at retarded na pag-uugali niya.

        

"Makakaalis ka na," utos niya rito na agad naman ikinatalima ni Sera.

       

"HOY KUPS! Sinabi ko na sa'yo na maging mabait ka kay Ms. Viscasa, hindi ba? Kapag iyon nagresign, saan nanaman ako hahagilap ng magsesekretarya sa'yo?" Iritado kong sermon sa kanya.

      

"Ikaw ang ipapalit ko---"

      

"SIRA NA BA TALAGA ANG ULO MO?"

      

"Nasisira na sa'yo, tibs. Ayaw mo ba?" Saka niya binitawan ang ginagawa niya at tumayo saka naglakad papunta sa gawi ko.

       

"A--Aano ka!?" Ngayon sa tuwina'ng lalapit siya sa akin, pakiramdam ko may bitbit na siyang isang malakas na unos na hahataw sa akin anumang oras.

       

"Bawal ka na bang lapitan?"

       

Bigla akong tumakbo patungo sa pinto ng opisina upang makaiwas sa kanya. "Ihahanda ko ang sasakyan, kups!" Saka ako nagmamadaling makaalis.

      

   

     

      

    

   

  

IGINALA ko ang mga mata ko sa paligid. Mga matataas na tao ang nakikita ko sa hindi kilalang restaurant na 'to.

     

Nakadisguise ako, kung disguise nga bang maituturing ito. NAKADRESS AKO! NAKADAMIT PAMBABAE! NAKATAKONG! Kung pwede ko lang isumpa si Ayler sa ginawa niya sa akin ay ginawa ko na. Kung maaari ko lang siyang ibaon sa pinanggalingan niya ay ginawa ko na. Halay na halay ako sa itsura kong ito.

        

"Huwag kang sumimangot, mukha kang bibe," pang aasar niya sa tabi ko habang naka halfmask siya.

      

"Hindi ka ba naman talagang naghahanap ng gulo, pwede pala ang halfmask, sukat pinagganito mo pa akong damit!" Oo, galit na galit talaga ako na nakadress akong tube style na nakamermaid cut. Siya pa ang pumili nito! Tapos noong unang niya akong makita, hindi makapagsalita. Noong tinanong ko kung bakit, ang laswa ko daw kasing tignan dahil mukha akong tomboy na abnoy.

     

Higit pa sa salitang tuwang tuwa ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang gusto ko siyang igisa sa malaking kawa.

        

"Calm yourself. You look so stunning," hindi ko alam kung anong trip niya pero ramdam ko ang sinseridad niya sa itinuran niyang iyon.

         

"Hi," tinig na nakapag patingala sa akin. Isang lalaki na kasing taas siguro ni Ayler ang nasa harap ko ngayon. "I'm Clark Belmonte," pagpapakilala nito saka iniabot sa akin ang kamay na tanda ng pakikipagkilala.

       

Inabot ko ito tanda ng pakikipagkapwa tao. "I'm Nairen Heiton," saka ko ito nginitian na ginantihan din naman niya ng ngiti.

      

Naramdaman ko ang pag-alog ng lamesa nang magkagulatan kami dahil inalapit nito ang kamay ko sa bibig niya at hinalikan.

        

"Whoever the fuck are you, lumayo ka na hangga't kaya ko pang magpigil," ramdam ko ang lamig at nakakatakot na tinig na iyon mula sa lalaking katabi ko na siya ring nagpaalog ng mesa dahil sa pagtayo niya ng biglaan.

        

"Chill dude," tumatawang sagot ni Clark at hinablot ko ang kamay ko sa kanya dahil hinapit ako ni Ayler palapit. Mahigpit ang pagkakahapit niya na animo nais niya akong hindi na makahinga.

      

"You're flirting with my woman in front of me and you want me to act chill? Para mo nalang din sinabing babarilin kita, tapos irerequest kong huwag kang mamatay," para akong nanginig sa sobrang makapagot hiningang lamig ng tinig niya samahan pa ng nakakatakot na banta.

      

Balak pa sanang sumagot noong Clark ngunit hinatak ko na si Ayler paalis. "Excuse us," paalam ko kahit paano.

     

Nadala kami ng paghatak ko sa kanya sa tagong bahagi ng malaking restaurant kung saan bibihira ang tao. Inalis ko ang halfmask ko at ganoon din ang ginawa niya.

       

"Usapan natin walang hahatak ng atensyon para maging madali ang pagmamasid natin, pero parang gusto mo na agad gumawa ng eksena!" Sermon ko sa kanya. Napapataas niya ang dugo ko sa mga alam niya.

      

"I can even punch my brother if he dares to flirt with you---"

     

"Ayler Liam! This is not about flirting. Ano bang pinag-iiisip mo. Ako nanaman ang natripan mo! Ginagawa natin 'to para maisaayos ang kumpanya niyo. Kung ako lang, hindi na sakop ito ng trabaho ko ngunit ginagawa ko dahil utos mo," mahabang turan ko sa kanya ngunit nagulat ako nang imbes na mainis sa sermon ko ay nginisian niya ako na animo may naiisip siyang kalokohan na papatay sa akin sa mga oras na ito.

        

"Really?"

     

"Anong really at anong iningingisi mo dyan!? Para kang abnoy na pinapagalitan na, natutuwa pa!" Puno na ng iritasyon ang boses ko dahil talagang sinasagad niya ang kakaunting pasensya na mayroon ako.

         

"Nothing, I just remembered something from what you've said," sagot niya saka mas lalo pa niyang pinalawak ang ngisi niyang nakakapikon talaga! Napakayabang ng datingan, idagdag mo pa na may maliit siyang hikaw na silver sa tainga na lalong nakapagpadagdag sa mayabang niyang aura na mapipikon ka.

     

"Anong remembered remembered! Sabihin mo kung ano!? Hindi para mo 'kong ginagawang uto-uto! Sinusunod ko naman lahat ng utos mo---"

     

...

   

...

  

...

  

...

   

...

   

...

    

...

...

   

...

    

...

   

"Because of your obedience, you bit my lips instead of responding to my kisses in a sweet and smooth way. Such a wild and rough obedience, huh?"

    

Napakakupal! NAAALALA NIYA LAHAT!
    

--

   
MAG-AUPDATE RIN PO AKO ULIT MAMAYANG HAPON. NASA MOOD LANG AKO NGAYON AT HINDI MAKATULOG KAYA SINULAT KO NA PO ITO. HEHEHE. THANK YOU!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top