Ten

GRISS

    

"Call me Mr. Mondragon," sagot niya kay Jaya.

      

"Anong ginagawa dyan ni---"

      

"Don't be fooled, Snow." Tinig iyon ni Aeiryn sa kabilang linya sa dapat na sasabihin ni Syreen.

        

"Maaari mo na siyang isama, Sir." Wika ni Jaya kaya't ako naman ay kinaladkad ng lalaking ito patungo sa palagay ko, silid na libre para sa mga nanalo sa bidding.

      

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na wika ko dito ngunit nginisian lamang niya ako. Maloloko niya ang lahat ng tao ngunit hindi ako, at alam kong alam din ni Aeiryn iyon.

      

"You do really know him well, huh?" Makahulugang sagot niya sa akin. "Why? Because you already surrendered everything to him?" Walang emosyong dagdag pa niya.

        

"You can imitate him, but I know Ayler Liam Mondragon better than anyone else, Ayce Lander Mondragon," saka ko siya itinulak sa balikat. "Kaya sagutin mo ako kung anong ginagawa mo rito?"

     

Nginisian niya ako at hinubad ang business suit na suot niya at itinira ang polong panloob. "This is the main reason why I hated to be a businessman. Irritable suits everywhere."

       

"Sagutin mo ang tanong ko! Sinisira mo ang plano ko!" Nauubusan na ako ng pasensya sa kanya.

          

Naupo siya sa gilid ng kama at matamang tumingin sa akin. "If I wasn't here, my stupid brother could have done what I just did," napakunot agad ang noo ko sa itinuran niyang iyon sa akin.

      

"Anong ibig mong sabihin?"

        

"Nothing. Just do what you were supposed to do without getting caught," malumanay na tugon niya na parang lalong nagpagulo ng utak ko.

         

"PAANO KO NGA MAGAGAWA!? IKAW ANG NANALO SA BIDDING!" Iritadong sagot ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung ang nasa harap ko ngayon ay ang taong mula pagkabata ko pa ginugusto. Ang mahalaga sa akin ay ang misyon na ito na sinisira niya!

     

"Don't worry, you will still be able to catch Consolacion. Just follow my instruction," kalmadong turan niya saka tumayo at lumapit sa akin. Ipininid niya ang mga labi niya na dahilan ng pagmamalaki ng dimples niya na madalang pa sa patak ng ulan ang paglabas.

        

"Ano?"

       

"Go out of this room, and walk straight to the right alley. There, you can find Consolocion exchanging money for an item with a guy in red shirt," tiwalang tiwala na pagbibigay nito sa akin ng impormasyon.

      

"How did---"

      

"Alam mo kung ano ang Phyrric sa akin, Griss Nairen. Huwag kang magpanggap na walang alam," sagot niya sa akin ng nakangisi.

        

"I mean, bakit doon ko pa siya huhulihin? Kung hinayaan mo nalang sanang manalo siya sa bidding, wala sanang mahirap na problema ngayon---"

            

"Kung hindi ko ginawa iyon, baka kahit gumagapang na ang gago kong kapatid ay gagawin niya para lang makarating dito at isa pa, kung nagkapalit kayo ng posisyon ni Aeiryn ay ganoon din ang gagawin ko," paliwanag niya.

      

"And why?"

         

"Dahil walang nabubuhay na babae sa mga binibili ni Consolacion. Matapos niyang pagsawaan ay pinapatay niya, mas lalo ng tiyak ang kapahamakan mo kapag natunugan niyang isa kang tauhan ng Phyrric. You could've been killed in this mission, Griss." Tila naman ako ginapangan ng kilabot sa buong katawan dahil sa narinig kong iyon sa kanya. "And by the looks of it, your body wasn't in a very good condition to fight," at nagpakawala nanaman siya ng nakakagagong ngisi.

     

"B--Bastos!" Bulyaw ko sa kanya.

      

"I'm just telling the truth. Now, you have to go before it's too late. Being caught red handed is way better than being caught with no proofs at all," wika niya na ikinatalima ko.

        

"Before you go, wear the pants and the hoodie I placed in the bathroom of this room," pigil niya sa akin.

      

Mabilis ko siyang sinunod at ginawa ko na ang dapat kong gawin.

    

Ayce Lander is more than someone you could ever imagine. He's not an ordinary human being. He can always be ten steps ahead of everyone.

      

Narito na ako ngayon at nakamasid sa dalawang taong nag-uusap.

       

"Kukuhanan ko sila ng litrato, Snow. Isave mo agad," bulong ko.

      

"Noted."

      

Iniumang ko ang relo na suot ko saka ko sila kinuhanan ng litrato. Itinaon ko pa sa saktong pag-aabutan nila ng item at pera.

      

"Kamusta na si Venom---"

     

"I'm good. Tulog na si De Padua pero inaalam ko pa kung anong passcode ng volt na pinaglalagyan ng mga transaksyon niya," paliwanag ni Aeiryn sa kabilang linya.

        

"Black and Red, nailagay niyo na ba?" Usisa ko.

      

"Kanina pa. Nakakuha na rin kami ng iilang ebidensya laban kay Edward Hipolito. Mabuti at naengganyo siyang manood sa bidding ninyo, dahil kung hindi baka hindi namin napasok ang opisina. Trenta yata ang number sa passcode," sagot ni Missy na may halong reklamo.

        

"And you, Inferno? I guess my cousin did the right thing---"

     

"Kung gayon, alam mong maaaring maalanganin ang buhay ko---"

     

"Buhay natin. I didn't know to whom would he choose to bid, unluckily it was you," sagot ni Aeiryn na kahit paano ay naliwanagan ang utak ko.

       

Nang pabalik na si Consolacion kasama ang mga bodyguards nito, agad akong tumalon upang makahawak sa bukas na kisame sa kinatatayuan ko. Ipinasok ko ang sarili ko dito at saka nagtago.

     

Nang nasa tapat ko na sila ay kinuha ko ang baril na may silencer at mga balang tranquilizer. Isa-isa kong pinaputukan ang anim na bodyguards niya na pare-parehong bigla na lamang nakatulog.

      

Kita ng mga mata ko kung paanong gumuhit ang takot sa mata ni Consolacion. Mabilis akong lumabas mula sa pinagkukublian ko saka ako tumalon pababa sa mismong harapan niya. Nakita kong bigla siyang nahintakutan nang iumang ko ang baril sa mismong noo niya.

         

"H---Hindi ba't ikaw ang babae kanina!? Anong kailangan mo? Pera ba!?"

      

"Kung ako lang ang masusunod, uunti-untiin ko ang gagawin kong pagpatay sa'yo para maramdaman mo ang sakit ng pakiramdam ng mga magulang na napariwara ang anak dahil sa ibinebenta mong droga," walang emosyon na wika ko dito.

       

"A--Anong kailangan mo!?"

     

"Buhay mo. Ibibigay mo ba?"

      

Akmang ihahampas nito sa akin ang briefcase na hawak niya ngunit mabilis akong yumuko saka sinipa pa ilalim ang mga paa niya na naging sanhi ng pagkakatumba niya.

       

"I'm going to fucking kill you---"

      

"Papatayin na kita bago mo pa 'yan magawa!" Nanggagalaiti na akong kalabitin ang gatilyo ng baril.

        

"Gawin mo!" Hamon nito sa akin.

       

"Patulugin mo na 'yan bago mo pa mapatay," malamig na tinig ni Callia sa kabilang linya na tila nagpabalik sa akin sa pagkatao ko.

      

Mabilis kong hinampas ang batok niya ng baril na hawak ko kaya't walang kaabog-abog itong nakatulog.

         

Kinuha ko ang briefcase na dala niya at sinabihan ko sina Callia at Missy na tulungan akong madala ang manyak na ito.

    

Ang inaakala kong mahirap na misyon ay naging madali sa tulong ni Ayce.

    

    

    

    

   

   

 

"PUTEK! Kayo naman ang mag-isip. Hindi abot ng utak ko ang kaabnormalan ni Consolacion!" Iritadong wika ni Syreen saka iniabot sa amin ang briefcase.

        

"I'm busy," wika ni Aeiryn na may inaayos sa logbook niya saka kami nilayasan.

      

Agad kong kinuha ang baril ko at ikinasa iyon. "Hoy, aano ka!?" Gulat na tanong sa akin ni Missy.

     

"Papaaminin ang hayop na 'yon, kaysa nabobobo tayong pare-pareho dito!" Saka ako naglakad ngunit may bulto ng tao na humarang sa akin. "M--Master."

       

"Congratulations for succeeding in this mission," kapwa naman kami napayuko sa pagbibigay niya ng papuri sa amin. "But I heard, it went smoothly with the help of someone?"

      

"O--Opo, si Ayce po dumating."

     

"Baka mas nauna pa nga sa'tin 'yon doon," sabat naman ni Syreen.

        

"Okay. By the way, where are you going?" Kinabahan ako agad sa tanong ni master na iyon.

     

"Papaaminin niya raw po si Consolacion--- HMMMMP!" Maagap kong tinakpan ang bibig ni Missy.

       

"Wala po master. Kaya niyo po bang idecode itong briefcase ni Consolacion?" Paghingi ko ng saklolo. Wala ng hiya-hiya. Kaysa mabaliw kaming pare-pareho.

      

Pumwesto si master sa briefcase, at sa loob lang ng limang segundo ay nagclick ito tanda na wala ang pagkakalock nito.

      

"WOOOOOHHH! How, Chief? HOW?" Bilib na bilib na wika ni Syreen.

        

"It was written in the briefcase. Kilala si Consolacion sa pagiging malilimutin ng numero at letra dahil sa dyslexia. Nakasulat ang simbolo ng pi sa briefcase, at anim na numero ang kailangan kaya't ibig sabihin, ang value ng pi hanggang sa ika-anim na numero. 314159."

    

Ngayon ko lamang narinig na nagpaliwanag si master ukol sa ganitong bagay. Marahil ay nais na talaga niyang matuto kaming mga sumusunod na henerasyon.

        

Binuksan niya ang briefcase at bumungad sa amin ang kumpol ng mga lilibuhing pera ngunit hindi iyon ang nakatawag pansin sa aming pare-pareho, kung hindi ang isang journal. Mabilis ko itong binuksan.

      

"YES!!" Sigaw nilang lahat nang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

     

Nasa amin na ang mga listahan ng mga drug lords sa bansa.

       

"Beware, that could be a bait," anim na salita ni master na tila nagpakaba sa aming lahat. "There's no such thing as easy earned treasure."

        

      

     

     

    

  

"GRISS!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses na iyon.

      

"Neptune! Bakit?"

     

"Saan ka pupunta?" Napakunot ako sa pag-uusisa niya.

      

"May lalakarin lang. Bakit?"

    

Bigla siyang napakamot ng ulo. "Iyong pangako mo---"

       

"Shit! Oo nga pala. Ngayon na ba?" Maagap kong tanong nang maalala ko.

       

"Busy ka ba? I mean, may lalakarin ka, hindi ba?"

     

I'm on my way to meet him and give him my answer.

      

"Hindi naman. Saan ba?" Biglang nagliwanag ang mga mata niya sa narinig mula sa akin.

        

Inaya niya ako sa isang kainan na hindi gaanong matao malapit sa Phyrric at ngayon ay kapwa na kami naghihintay ng orders namin.

         

"G--Griss."

    

"Kailan ka pa naging mahiyain? Umayos ka nga," tumatawa kong wika sa kanya saka ko kinuha ang baso ng tubig sa harap ko at lumagok dito.

      

"Mahal kita," halos maibuga ko lahat ng maaari kong ibuga dahil sa gulat ko sa sinabi niya.

      

"H---Ha!?"

     

"Mahal kita. Mula noon pa, wala na akong ibang hinangad kung hindi ang mahalin ka at mahalin mo rin ako," para akong tinapunan ng tubig na puno ng yelo dahil dito.

        

"H--Hindi ko alam ang sasabihin ko," sagot ko. Ginagap niya ang kamay ko saka niya ito ipinaloob sa magkabilang palad niya. He's been a good friend of mine.

      

"I don't need your answer now. I'm sorry for confessing. Natatakot akong baka kasi mahuli na ako kung patatagalin ko pa," punong puno ng sinseridad ang mga salita niya kaya't hindi ko maapuhap ang nararapat na salitang dapat kong sabihin sa kanya.

       

"P---Pag-iisipan ko---" Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil may nabagsak na upuan sa likuran ko kasabay no'n ay ang pamilyar na bulto na lumabas ng pintuan ng kainan.

      

Ayler...

   

"I think he heard us," wika ni Neptune na ikinablik ng tingin ko sa kanya.

        

"A--Alam mo?"

     

"Natatakot akong maunahan---" there, I slapped him.

        

"I guess I lost a friend in you," saka ako tumayo at tinalikuran siya para sundan ang kupal na kailangan makarinig ng eksplanasyon ko.

       

"KUPS!!" Nakita ko siyang pasakay na sa sasakyan niya ngunit imbes na huwag tumuloy ay mabilis lamang siyang pumasok sa sasakyan niya saka ito pinasibat paalis.

      

Agad akong tumawag ng taxi at pinasundan ko ang sasakyan niya. Huminto ito sa isang nakasaradong bar. Nakita kong nangangalampag siya doon kaya't mabilis akong nagbayad at tinungo siya.

        

"Ayler!"

    

"Leave me fucking alone!" Bulyaw niya sa akin nang pigilan ko ang mga kamay niya.

      

"You're not fully recovered!" Sigaw ko saka ko siya iniharap sa akin.

     

"IYON NGA, GRISS! I'M NOT YET FULLY RECOVERED BUT I CHOSE TO SEE YOU! I DIDN'T KNOW, YOU WERE BUSY WITH YOUR FUCKING SUITOR!" Kita ang pag ngangalit ng mga bagang niya.

      

"Kung ganyan ka rin lang, hindi nalang ako magpapaliwanag pa!" Gigil na sigaw ko sa kanya.

         

Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat nang akma ko siyang tatalikuran. "Ipapaliwanag mo kung anong nakita ko? Para saan? Para paikutin ako? Una si Ayce, then your co-agent? Wow! Just wow! Hindi talaga pwedeng ako? Wala talaga? Hindi talaga ako mapupunta sa choices!?" Ayoko ang nakikita ko sa mga mata niya. Tila may mga luhang nagbabadyang malaglag.

      

Honestly I want to meet him and tell him my unsure answer. Now, I don't know anymore. Mas lalo akong naguguluhan sa sitwasyon.

     

"H--Hindi sa ganoon---"

    

"THEN WHAT!?" Saka niya ako binitawan at napahawi siya sa buhok niya. "Pwede bang ako naman? I can make you happier and make you feel less pain now. We grew, we aged. Alam ko na lahat ng mga dapat at hindi. I'm no longer into games and experience. I'm ought to something permanent," ramdam ko ang bawat sakit ng mga salita niya lalo na nang magsimula ng pumatak ang mga luha niya.

     

"B--Bakit ako?"

     

"GUSTO KITA, GINUSTO KITA, GINUGUSTO KITA, AT GUGUSTUHIN KITA. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw? Ikaw na mula pagkabata ay hindi ako nagawang tignan sa paraan ng pagtingin mo sa kapatid ko!" Ramdam ko ang hinanakit sa tinig niya.
   
   

"Hindi ko pa nasisiguro kung ano bang totoong nararamdaman ko. Nauubusan ako ng mga salitang bibitawan sa'yo."

      

"But you promised me that I'll hear your answer after your mission!"

       

"Then hear this out.....

    

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

  

...

   

...

   

You took my virginity. How can I run away from you?"

    

"I---I took your what!?"

   
--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top