Sixteen
GRISS
Hindi sapat na sabihin na nagunaw ang mundo ko sa mga narinig ko. Hindi sapat na parang hinihiwa sa pira-pirasong bahagi ang puso ko. Para akong unti-unting sinasampal ng katotohanan na hindi kami ang para sa isa't isa.
"A--Anak?" Ramdam ko na hindi rin makapaniwala si Ayler sa malaking surpresang ito na kapwa yumanig sa aming pareho.
"Yes. Ayrill was made that day," makahulugang wika ni Cyan sa kanya.
"I--I don't know. I mean... bakit mo siya itinago?" Kumpronta niyang muli kay Cyan.
"Daddy don't you like me? I've only seen your face in pictures po," tinig ng inosenteng bata ang pumailanlang sa tensyonadong opisina.
Lumuhod si Ayler sa harap ng bata saka hinaplos ang inosenteng mukha nito. "Of course, I like you and I love you. You completed me," animo nanonood ako ng isang teleserye nang taguan ng anak, ang masakit nga lang, ako ang madrastang kontrabida.
Gusto kong tumalilis ng alis, gusto kong maglaho, gusto kong pumalahaw ng iyak. Ako dapat 'yon, ako dapat ang ina ng mga anak niya, ako dapat ang ina ng batang magpapa-antig ng puso niya. Ako dapat, pero hindi na pwede. Umasa ako. Asang asa ako. Durog na durog ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.
Tila may isang masayang pamilya sa harap ko, tapos ako ang extra. Tila may isang magandang eksena, tapos ako ang sisira dahil ako ang kontrabida.
"I like you and I love you too po, Daddy. Sabi po ni Mommy kapag nakita ko na po kayo, magkakaroon na po ako ng happy family," tugon sa kanya ng bata.
"Y--Yes, yes.... I will give you a complete family," tugon niya sa anak niya na lalong nagpalugmok sa akin sa karimlan.
Kumpletong pamilya? Ako? Paano ako? Paano naman ang kung anong meron tayo? Wala na ba ako? Wala na 'kong papel?
Mga salitang nais kumawala sa bibig ko ngunit hindi ko magawa. Natutuod ako sa mga naririnig at nasasaksihan ko. Tila ako ngayon isang hangin lang sa kanilang tatlo.
"Are we going to get married?" Tanong ni Cyan na nakatingin direkta sa mga mata ni Ayler.
"But Griss---" Hindi niya naituloy ang dapat na sasabihin niya dahil hinawakan ko ang balikat niya saka umiling at mapait na ngumiti.
"Ayrill deserves a family. Limang taon mo siyang pinagkaitan, panahon na para magpaka-ama ka sa kanya," mga salitang lumabas sa mga labi ko.
Martyr? Bakit hindi ko ipaglaban ang akin? Bakit hindi ko ipilit na ako dapat ang unahin niya? Maiintindihan n'yo lang ako kapag bata na ang kalaban n'yo. Hindi na 'to sa pagitan naming tatlo nila Ayler at Cyan, this is already a decision that will determine Ayrill's future. Hindi ko kayang ako ang magiging dahilan nang pagkasira ng masaya at kumpletong kinabukasan ng bata. Hindi kakayanin ng konsensya ko na masaya ako pero may nadudurog na bata sa pagiging makasarili ko.
"Thank you for your support, Griss." Nakangiting wika sa akin ni Cyan. Wala siyang ideya kung anong meron kami ni Ayler, wala siyang ideya na kung magiging makasarili ang babaeng nginingitian niya ay maaaring masira ang pamilyang ninanais niyang buoin. This situation sucks. Mapapangiti ka nalang talaga ng mapait.
"Aalis na 'ko. Magkita at mag-usap nalang tayo tungkol sa project mamaya, Ayler." Paalam ko saka tuluyan ko ng nilisan ang silid na iyon na hindi na hinintay ang sagot niya.
Habang naglalakad ako palayo ay siya namang pagdaloy ng masaganang luha mula sa mga mata ko. Traydor ang mga bobo. Kanina ko pa pinipigilan, tapos ngayon nagsilabas.
NASASAKTAN? Kulang ang salitang 'yan. Wasak na wasak ako at natagpuan ko ang sarili ko dito sa tabingd dagat habang may dalang mga botelya ng alak. Nakakailan na rin ako nang tumunogang telepono ko.
"Nasaan ka?" Seryoso ang tinig niya na nakakatakot.
"Oy, Neptune. Bakit?"
"Nasaan ka kako?" Pag-uulit niya ng tanong niya kaya't wala akong nagawa kung hindi sumagot.
"Nagpapahangin lang," wika ko at ipinilit kong ayusin ang paraan ng pagsasalita ko na nagbubuhol na yata dahil sa alak.
"Habang umiinom ng alak?" Napalinga ako sa paligid ko dahil sa sinabi niya at tama nga ako, nasa likod ko siya at ngayon ay naglalakad na palapit sa akin.
"Paano mo nanaman akong natrack!?" Tanong ko nang maupo na rin siya sa buhanginan katabi ko.
"You forgot to turn off you car's tracker," sagot niya saka inagaw ang boteng hawak ko at lumagok dito.
"Bakit mo ba 'ko sinundan?" Usisa ko saka muli kong inagaw ang bote sa kanya.
"Sinabi na ba ni Cyan?" Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang iyon.
"You knew?" Marahan siyang tumango.
"Matagal na, pero hindi ko alam kung anong dahilan ni Cyan bakit mas pinili niyang itago kay Ayler ang anak nila. I already warned you na hindi gaya si Ayler ng kung anong pagkakakilala mo sa kanya, Griss."
"I've been wanting to ask you this question, Neptune. Anong nangyari kay Ayler noong nawala ako sa buhay niya?" Imbes na sagutin ako agad ay ngumiting mapait sa akin si Neptune.
"Mas magandang hindi mo na lang malaman, o sa kanya mo mismo alamin," wika niya saka lumingon sa alon ng dagat.
"Nasasaktan ako," nasabi ko nalang mula sa kung saan saka lumagok ng alak.
"Nagmamahal ka, natural 'yan," sagot naman niya sa akin saka ako tinapik sa balikat.
"Tinakasan ko siya noon, dahil pakiramdam ko kailangan kong habulin ang pangarap ko na hindi ko makukuha kung iaalay ko lang ang buhay ko sa kanya. Ngayon ko pinagsisisihan ang desisyon na 'yon. Sana hindi ko siya iniwan. Sana ako ngayon ang nasa tabi niya. Ako kasi dapat talaga 'yon," ang mga taksil kong luha ay nagbabadya nanamang pumapatak.
"Hindi mo rin naman alam na ganoon ang mangyayari---"
"Oo, hindi ko alam, pero may choice ako. Ang naging malaking pagkakamali ko, I took him for granted, I took the wrongest choice, I became selfish, para sa pangarap ko iniwan ko 'yong taong mula bata ako alam ko sa sarili kong hindi ako sasaktan. Ngayon, naging siyang isang taong hindi ko na makilala together with his past na wala ako, mas lalo ko siyang hindi nakikilala. I missed those days of his life na ako sana 'yong kailangan at hinahanap niya, I missed those days na ako sana 'yong nasa tabi niya. I missed his growth, I missed his evolution, kaya ngayong maraming nagbago sa buhay niya, nahihirapan akong sumabay, dahil noong dapat na naroon ako, wala ako."
Damn these tears!
"Kung hindi mo pinursige ang pangarap mo, nasaan ka kaya ngayon? You see Griss, everything happens for a reason. Kung nakatadhanang malayo ka sa kanya para tumatag siya habang wala ka, mangyayari at mangyayari 'yon. Naging hindi lang maganda ang sitwasyon, dahil may involved na bata, na pwede mong masira ang buhay kung patuloy kang susugal," wika nito sa akin.
"I'm glad I held myself from asking him to choose me, and I'm glad I made the right choice. Kaso ang sakit pala 'no? Habang pinilili mo ang tama, hindi mo naman mautusan ang sarili mong huwag masaktan. Being torn between what is right and what will make you happy is the hardest decision to make."
Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Ang nais ko lang ay mapawi lahat ng sakit at pagsisisi na mayroon ako.
MALALAKAS ang naging pagkatok ko sa condo unit niya. Lasing? Oo lasing ako, pero alam ko kung anong ginagawa ko, alam ko pa rin ang mga kahayupan kong desisyon sa buhay gaya nang pagpunta ko ngayon dito sa unit niya.
"Griss," wika niya nang makita niyang ako ang nasa bukana ng pinto.
"Griss nalang?" Saka ako ngumiti ng mapait at itinulak siya upang makapasok ako sa loob. Dumeretso ako ng upo sa sofa niya.
"You're drunk," wika niya sa akin.
"Hindi, nagjojoke lang ako," sarkastikong wika ko sa kanya.
"Sinong kasama mong uminom?"
Napikon ako sa tanong niya kaya't hilo akong napatayo sa sofa saka ko itinulak ang balikat niya. "Ano bang pake mo?"
"Ilang oras kitang kinokontak pero hindi ka sumasagot," bakas sa tinig niya ang panlalamig at pinipigil na inis.
"Sasaktan mo 'ko tapos gusto mo okay lang ako? Hindi mo 'ko nasaktan LANG, nasaktan mo 'ko ng sobra! Hindi simpleng sakit lang na kapag natapos kang magsorry ay uto-uto na 'ko ulit sa'yo!" Tang ina ng mga luhang 'to! Sinabi kong huwag pumatak sa harap niya pero mga traydor.
"I'm sorry. Hindi ko alam ang tungkol sa anak namin ni Cyan---"
"Damn you! You fucking broke me," saka ko siya sinuntol sa dibdib niya at nanghihina akong napaupo sa pang isahang sofa at napahilamos sa mukha ko. "Ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko, ikaw rin ang kauna-unahang lalaking nanakit sa'kin ng ganito. Mali ba 'ko? Mali bang mahalin ka? Bakit ganito agad? Hindi pa 'ko lubusang nagiging masaya pero meron na agad pasakit?"
Nakita kong naglakad siya patungo sa harap ko saka lumuhod upang maging magkatapat ang mukha namin.
"Alam mo kung gaano kita kamahal," he then tried holding my hand pero iniiwas ko. "I can do anything for you, I can even give you my life if you ask me to---"
"Huwag kang magpatawa. Kung mula pa noon ako lang ang sa tingin mong para sa'yo, hindi ka gumawa ng bagay na magreresulta sa sitwasyon natin ngayon," mapait na tugon ko sa kanya ngunit mapait niya lamang din akong nginitian.
"Ikaw ang nang-iwan. Ikaw ang humabol ng pangarap mo. Ikaw ang nawala bigla sa buhay ko. Masisisi mo ba 'ko? You left me when I needed you, you left me when I asked you not to leave, you left me when I am not sure of myself. Ikaw ang nang-iwan, Griss."
Tinignan ko siya at nakita ko ang mga tinatagong hinanakit sa mga mata niya. "Masakit kang magmahal, Ayler. May sumbat."
"Mas masakit kang magmahal, kasi 'yong pagmamahal mo kailangan ko pang hintayin, kailangan ko pang makailang beses na ipagpilitan ang sarili ko, at kailangan ko pang gumawa ng mga bagay na makakapag-parealize sa'yo na mahal mo rin ako. Mas masakit kang magmahal, Griss. You were never sure of what you want."
Ramdam ko ang sakit ng mga salita niya? Oo, pero dapat malaman niya rin kung anong sakit ang bigay niya sa akin.
"I chose you, hindi pa ba sapat 'yon? Ikaw, ano? Kapag pinapili ba kita ngayon, pipiliin mo 'ko? Hindi. You will never choose me over your child and that pains me like hell!"
Tumayo siya saka ako tinitigan. "Bakit? Akala mo ba masarap sa pakiramdam ang piliin? No, Griss. Definitely not. It was never a privilege to be an option."
"Damn you!" Saka ko siya tinaliman ng tingin. "Inilalayo mo ang usap! Ang problema dito ay may anak ka at gusto ng anak mo na mabuo ang pamilya niya!"
"She's still a child---"
"Kaya mas dapat mo siyang i-priority. Lahat ng gugustuhin niya kailangan mong ibigay dahil limang taon kang hindi naging ama sa kanya. Nakakatawang isipin na sa limang taon na pagkawala ko, agaran kang nakagawa ng bagay na ikasasaya mo."
"Dahil noong umalis ka, hindi mo lang ako basta iniwan, dinala mo 'yong damdamin ko. I became evil pero si Cyan ang nagtyaga sa akin. Ayrill was made out of my sin, hindi ko man maipapaliwanag sa'yo pero mabuti nang alam mo."
"Anong ibig mong sabihin? Anong gusto mong iparating!?" Naguguluhan na 'ko. Sobrang gulong gulo na 'ko. Ang dami niyang itinatago sa akin!
"Hindi ko na alam kung anong gusto mong mangyari, Griss." Bakas na rin ang pagsuko sa tono niya sa akin.
"Gaya ng hindi ko rin alam kung saan patungo ang pag-uusap nating ito. I came here to confront you pero parang ako pa yata ang nakumpronta mo dahil sa pag-iwan ko," mapait kong tugon.
"Hindi kita kinukumpronta. Sinumbatan mo 'ko, kaya ibinigay ko lang sa'yo ang mga salitang nararapat sa bawat sumbat mo," sagot niya sa akin.
Tumayo ako at tinapatan ang mga mapang-usig niyang tingin.
"Now tell me straight to my face Ayler Liam. Anong gusto mong mangyari? Fucking say it straight to my face," tinitigan nga niya ako saka ngumiti muli ng mapait.
"Just like what you said, I will prioritize Ayrill especially her wishes and happiness. Griss....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
Let's break up."
--
I WILL UPDATE AGAIN LATER. MGA 2AM.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top