Six
GRISS
"NAIREN!" Napalingon ako sa sigaw na iyon at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Daddy. "Saan ka pupunta?"
"D--Dy, si Ayler daw naaksidente," nanginginig ang tinig na wika ko sa kanya.
"WHAT!?" Gulat na tugon niya na ikinatango ko lamang.
"I--I'm going to the hospital," pagpapaalam ko.
"But Nairen, you have to wear the same shoes. Baka isipin na ikaw pa ang pasyente," sabi ni Daddy kaya't napatingin ako sa suot kong sapatos at hindi nga ito pareho. Marahil ay sa pagkataranta ko.
Mabilis akong umakyat muli ng silid ko at inayos ang sarili ko saka tuluyan ng bumaba at sumakay ng sasakyan.
Nang makarating ako sa address ng ospital na tinext sa akin ng tumawag ay mabilis kong tinungo ang information desk.
"Miss," pukaw ko sa atensyon ng nurse na narito. Lumingon ito sa akin at bigla nalang kumislap ang mga mata. Kung nasa normal sana akong sitwasyon ngayon ay baka natuwa pa ako sa atensyon niya ngunit hindi ito ang panahon para doon.
"Yes, Sir? What can I do for you?" May pagpapacute pa sa tinig nito ngunit hindi ko na pinansin.
"I'm looking for Mr. Ayler Liam Mondragon, someone from this hospital informed me that he's here," paliwanag ko. Mabilis niyang kinuha ang logbook niya at nagsimulang maghanap dito.
"Iyon po bang naaksidente?" Tanong nito sa akin.
"Y--Yes, siya nga."
"He's at the room 104--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin nito at nagsimula na akong tumakbo patungo sa nasabing room number.
Nang makarating ako ay halos hindi ko masikmura ang nadatnan ko. May iba't ibang pasyente na may mga tama sa katawan at ang iba pa nga ay sa ulo.
"Ayler?" Paghahanap ko sa kanya na ikinatingin ng mga narito sa akin.
"Pota! May artista friend," wika noong babaeng tulala sa akin sa kaibigan niyang tulala rin sa akin.
"Kuya, pwedeng mahingi ang number---"
"Babae ako," iritado kong sagot sa kanila at mabilis kong nilisan ang silid na iyon.
"SIR!" Napalingon ako at nakita ko ang nurse na kaninang napagtanungan ko. "Sabi ko na nga at dito kayo pupunta," nakangiting wika nito.
"Nasaan ba siya? Bakit wala siya rito?" Usisa ko.
"Nasa room 104 po si Sir, sa private wing," paliwanag niya at kulang na lamang ay mapasampal ako sa noo ko sa katangahan ko. Oo nga naman, hindi naman siya papayag na mahiga sa isang public ward.
Tumango ako at nagpasalamat sa babae saka tinahak ang daan na itinuro niya.
Mabilis kong nakita ng silid at walang alinlangan akong pumasok doon. Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed at may bandage sa ulo at iilang mga sugat sa mukha at braso. Gusto kong maawa sa itsura niya ngunit kailangan ko munang malaman ang lagay niya at sitwasyon.
Lumapit ako at nakita ko siyang nakatingin sa kawalan. "B--Bakit kapag hindi na kita nakikita kung anu-ano na ang nangyayari sa'yo!?" Garalgal ang tinig na sermon ko sa kanya.
Inilipat lamang niya ang mga mata niya sa akin at nakaramdam ako ng matinding kaba nang wala itong ipinakitang emosyon para sa akin. "Just leave," madiin niyang wika.
"Huwag mo na akong balakin na itaboy. Kasama ito sa trabaho ko," turan ko sa kanya at gusto kong sapukin ang sarili ko. Ang dami kong pwedeng sabihin, bakit iyon pa?
Sumilay ang isang mapait na ngiti sa mga labi niya at iniiwas ang pagkakatingin sa akin. "Sabagay, kung hindi nga naman ito kasama sa trabaho mo, hindi mo ako pag-aaksayahan ng oras. Hindi nga pala ako si Ayce."
"Ano ba ang nangyari?" Usisa ko. Kung may tono man na pag-aalala, iyon talaga ang nais kong iparating.
"Just fucking leave! Hindi ako kailangan kaawaan!" Bakas ang iritasyon sa tinig niya saka niya inilagay ang isang braso niya patakip sa mga mata niya.
Kinuha ko ang telepono ko at tumawag sa Phyrric.
"Syreen," wika ko sa kabilang linya.
"Snow," pagtatama niya sa akin ng codename niya. I just can't get use to it. Ayokong tawagin sila sa codename nila. Si Neptune lang tinatawag ko ng gano'n. "Anong problema, Inferno?"
"I told you to call me Griss!" Bulyaw ko sa kabilang linya at tumawa lamang ito.
"Fine, grasa. Grasa na kung grasa. Ano bang kailangan mo?"
"Give me a copy of the cctv footage along coastal road near Limaco Hospital," paliwanag ko saka mabilis na ibinaba na ang tawag.
"I told you, huwag mo na akong pakialaman. Do other missions, I'll tell my Mom that this thing has to stop. Hindi ko na rin gustong bantayan mo pa 'ko," pahayag niya na hindi pa rin inaalis ang kanyang braso sa mga mata niya.
"You don't have to tell me what to do, I have my brain and I can surely decide for my own," saka ko inalis ang kamay niya at hinawakan ang baba niya saka iniharap ang mukha niya sa akin. "If I decided to stay here with you, then I'll stay here with you, not unless gusto mong balian pa kita ng buto kapag nakipagpilitan ka pa sa gusto ko?"
Biglang sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi niya na parang gusto kong iurong ang desisyon ko. "Are you sure?" Saka niya biglang kinabig ang bewang ko kaya't halos mahiga na ako sa itaas niya. "If you decided to stay, then I must never let you go."
Naaamoy ko na ang init ng hininga niya sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "A--Ayler."
"Can I have a kiss? I just went through hell few moments ago," hindi ko alam saan niya kinukuha ang pinagsasasabi niya! Sa lahat ng nakaratay, siya ang mayabang at walang hiya!
Humakbang ako patalikod hanggang sa nakawala ako sa pagkakahapit niya. "Katawan mo lang ang nabugbog, hindi ang utak mo! Tigilan mo 'ko," saka ko siya inismiran at hinugot ang telepono ko na nagvibrate.
Naisend na ni Syreen ang footage kaya't naupo ako at pinanood ito. Halos maluha ako sa nasaksihan kong pagsalpok ng sasakyan niya sa isang eighteen wheeler truck at sa kanan naman niya ay isang mustang na itim. Naganap ang aksidente sa isang crossing.
"PAANO MO NAGAGAWANG MAGING GANYAN KAKUPAL KUNG GANITO PALA KALALA ANG INABOT MONG DISGRASYA!?" Nanggagalaiti ako sa galit at pag-aalala tapos makukuha niya pa akong asarin?
"I'm fine. The safety features of my car saved me, especially the seatbelt and the airbag," paliwanag niya na animo chill lang sa nangyaring aksidente.
Tumayo ako at lumapit sa kanyang muli. "KUNG WALA ANG MGA IYON AYLER LIAM, BAKA PINAGLALAMAYAN KA NA NAMIN NGAYON! HOW CAN YOU BE SO FUCKING INSENSITIVE---"
"Nag-aalala ka ba?"
"OF COURSE, I AM!"
"You're thinking about my safety?"
"OF COURSE, I DO!"
"Then... Do you like me?"
"OF COURSE--- AYLER!" Lintik siya! Talagang pinaiiral niya pa rin ang kakupalan niya kahit na napakaseryoso ko na!
Tinawanan lamang niya ako. "Then, take care of me. If you're really concern about me, you will never leave my side. Not now, not ever."
Tila naman nakakabobo ang mga katagang iyon at napatango na lamang ako.
GUSTO ko nalang maiyak sa ginawa kong pagpayag sa nais niya. Narito pa rin naman kami sa ospital, at ito siya ngayon, ginagawa akong alila.
Dinalaw siya ng Mommy at Daddy niya, ngunit ang kakupal-kupalang nilalang, pinauwi ang mga magulang dahil ayos na ayos daw siya at willing naman 'di umano akong bantayan siya. Gusto ko mang tumutol ay hindi ko na nagawa dahil sa paraan ng pagpapasalamat sa akin ni tita Aiyell.
"Saan ka pupunta?" Maagap na tanong niya nang tutunguin ko ang daan palabas ng silid.
"Maghahanap ng lalake, sasama ka?" Pabalang na sagot ko at sa gulat ko ay bigla siyang napabangon.
"What the--- Ouch!" Inda niya sa bugbog at sugat niya sa katawan.
"Sino bang nagsabing tumayo ka!?" Singhal ko sa kanya.
"Sino bang nagsabing manlalalake siya kaya ako napabangon!?" Ganting singhal niya.
"Ikalma mo 'yang utak mo. Parang gusto ko ng maniwala sa pag-iinarte mo na gusto mo 'ko," iritadong pahayag ko at bumulong-bulong siya na masyadong malabo at mahina para marinig ko.
"Aano ka ba talaga?" Usisa niyang muli.
"May ipinadadala akong papel kay Callia dito tungkol kay Mr. Cojuangco, para na rin hindi na icancel ni Ayce ang cards mo---"
"Ayce nanaman---"
"Hello Ayler! Para sa'yo 'tong ginagawa ko, huwag kang mag-inaso dyan!" Putol ko sa pag-iinarte niya.
"Just don't mention my brother's name. Pangalan ko lang ang maaaring lumabas sa mga labi mo, hindi pangalan ng kapatid ko at mas lalong hindi pangalan ng kahit sino!" Gusto ko siyang sapukin sa mga inaasta niya. Even before, when I was in senior high school, dinaig niya pa si kuya Lexin sa pagiging overprotective niya sa akin.
"Whatever. Lalabas na 'ko, just give me ten minutes," paalam ko saka na ako lumabas.
Naupo na muna ako sa isang bench. Napatingin sa'kin ng bahagya iyong magjowa na katabi ko. Mukhang ang babata pa ng mga ito. May dextrose sa kamay ang lalaki, kaya siguro nasa ospital.
Ang babae nakapatong 'yong ulo niya sa balikat ng lalaki habang magkahawak ang mga kamay nila. Bahagya akong lumayo nang magsalita ang lalake.
"Babe, tikoy ka ba?" Bigla rin akong na curious kung anong klaseng banat ang gagawin nito.
Halata naman sa babae ang pagkakilig. "Bakit, babe?"
"Wala," medyo nagulat ako sa isinagot ng lalaki.
"Ihhhhh, bakit nga?" Halata pa rin sa boses ng babae ang kilig.
"Wala."
"Sabihin mo na kasi, bakit nga?" Patuloy na pakikipagpilitan ng babae sa lalake.
"Wala nga."
"Babe naman. Bakit nga?" Malambing pa rin na wika nang babae na halata pa rin na kinikilig sa sasabihin nang lalake.
"Wala nga! Ang kulit mo! Bakit, tikoy ka ba? Ha? Tikoy ka ba? Nakakainis! Nagpi-feeling tikoy! Sige tikoy ka nalang!" Sabi ni lalake sabay walk out.
Ako naman ay naiwang tigalgal at nagpipigil ng tawa. Jusko, mga kabataan nga naman ngayon. Maiintin na nga ang mga ulo, mukha nakalimutan pa ang older version ng lambingan.
"Griss," pukaw ng isang tinig ng babae sa akin.
"Nar'yan ka na pala Callia."
"Here's the files," saka niya iniabot sa akin ang isang brown envelop.
"What have you found out?" Tanong ko.
"You'll be shock after you read those," bahagyang napakunot ang noo ko.
"Why?"
"There were innocent people involved."
"Okay. I think I need to go, para maiayos ko na ito," paalam ko.
"Sige. Mag-iingat ka, and Griss, always be alert and always tell us before you act and move," sagot niya na ikinatango ko.
Napansin niyo bang medyo civil kami ni Callia? Si Callia kasi ang tipo ng babaeng agent na walang maraming arte. Kung ano ang pakay niya sa'yo, iyon lang talaga at wala ng magiging iba pa.
Nakabalik ako ng kwarto niya at nakita kong hirap na hirap siyang naglalakad. "Aano ka?"
"I want to fucking urinate, but these feet doesn't want to fucking cooperate!" Bakas na ang iritasyon sa kanya.
Agad akong umagapay sa kanya at isinampay ang kamay niya sa balikat ko saka ko ipinulupot sa bewang niya ang mga braso ko. "Don't strain yourself too much, baka lalong matagalan ang paggaling mo."
"Kung ikaw ang magiging taga pag-alaga ko, willing akong maging lumpo---"
"SIRA ULO!" Putol ko sa katangahang nais niya sabihin. "Hindi nakakatuwa ang gano'ng biro Mondragon," banta ko.
"Sorry," mabilis naman niyang isinagot.
Nang marating namin ang pintuan ng banyo ay hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin. Kung sasamahan ko ba siya sa loob o maghihintay nalang ako dito sa labas.
"I can't go inside without your help," wika niya na animo ba nabasa niya ang iniisip ko.
Sa sobrang ilang na nararamdaman ko ay hindi na ako nagsalita pa, bagkus ay inlalayan ko siya papasok hanggang sa nasa tapat na kami ng mismong inidoro!
"Lalabas---"
"Hindi ako makakatayo ng walang alalay," maagap niyang tugon sa dapat sanang sasabihin ko.
"Mas hindi ko naman kayang panuorin ka habang umiihi ka!" Singhal ko sa kanya.
"Fine. Pumunta ka na lang sa likod ko, saka ko ako hawakan sa bewang habang nakatalikod ka," paliwanag niya na mabilis ko namang sinunod.
Kung may higit pa sa salitang ilang, iyon talaga ang literal na nararamdaman ko ngayon lalo na nang marinig ko ang tunog ng ihi niya!
Saktong tila isasara na niya ang zipper niya nang kapwa kami mawalan ng balanse kaya't mabilis akong umikot sa kagustuhan kong masalo siya, ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
My freaking hand landed in his fully erected cock!!
"Shit...." Rinig kong mahinang ungol niya!
GOSH! TELL ME, THIS IS JUST A FREAKING NIGHTMARE!!
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top