Seven

GRISS

"Griss."

"Inferno."

"Grasa."

"HOOOOOOYYYYYYY!!!" Bulyaw sa akin ng tatlong maria ng Phyrric. Tulala kasi ako dahil hindi ako makamove on sa nangyari sa ospital. Para pa rin akong nanginginig sa nangyari at sariwang sariwa pa rin ang lahat sa alaala ko.

"Ano ba 'yon?" Wala sa sariling tanong ko sa kanila.

"Kanina ka pa namin kinakausap, pero parang may kausap kaming lingaw," wika ni Elle, mas kilala sa codename na Hydra.

"Sinasabi ko ang side mission na ibinigay ni boss Flame, kaso parang ayaw mong tanggapin---"

"MERON!?" Putol ko sa dapat ba sasabihin ni Jo, mas kilala sa codename na Hail.

"Yep. Actually nilalatag namin sa'yo 'yong plano pero parang wala kang interes," matabang na wika naman ni Charisse, mas kilala sa code name niyang Glacier.

"H--Hindi! Hindi! Interesadong interesado ako!" Halos pasigaw na wika ko sa kanila. "May iniisip lang ako," pakalmadong dagdag ko.

"Jowa ba?" Usisa ni Jo.

"Babae ba? Sa lahat kasi ng babaeng agent, ikaw ang babaero," sabat naman ni Charisse.

"Sabihin niyo, 'yong misyon niya. Si Mondragon, matinik daw---"

"SHATTAP!!" Bulyaw ko kay Elle kaya't napatahimik ito sa pagsasalita.

Jusko! Hindi niyo alam ang dinaranas at dinanas ko sa kamay ng Mondragon na iyon!

*****

"WALANG HIYA KA! WALANG MODO! KUPAL! NAPAKAWALANG HIYA MO!!!" Halos mailabas ko ang vocal chords ko sa lakas ng sigaw ko na iyon kasabay ng malakas na paghampas ko sa kanya.

"ARAY!" Angil niya ngunit tuloy lang ako sa paghampas sa kanya hanggang sa dakutin niya ang dalawang kamay ko at itinaas ito.

"WALA KANG HIYA!!"

"Ako ba ang humawak!?" Gigil na sagot niya sa akin.

"KAHIT NA! SINADYA MO---"

"Kung sinadya ko 'yon, baka hindi lang paghawak ang nangyari sa pagitan natin, Griss," biglang sumeryoso ang tinig niya na ikinakaba ko ng sobra.

"W--WALANG HIYA KA PA RIN!"

"Don't worry, sooner or later you'll get use to it. You'll realize how heavenly does it feel," tila ako nahintakutan sa sinabi niya kaya't hinatak ko ang mga kamay ko at mabilis ko siyang nilayasan. "SAAN KA PUPUNTA!?" Dinig kong sigaw ng hari ng kayabangan at kakupalan!

"LALAKLAK AT MAGHUHUGAS NG HOLY WATER DAHIL SA KAWALANG HIYAAN MO!!" Sigaw ko pabalik saka ko nilisan ang ospital ba iyon.

*****

"Ano ba kasing problema---"

"Huwag niyo na akong tanungin, sabihin niyo na sa akin ang side mission. Mas gusto ko iyon kaysa magkwento ng kamalasan na taglay ko," nanlulumo kong pahayag sa kanila. Hindi ko maikwekwento kahit kanino ang kahihiyan na iyon. Halos ayaw ko ngang madantay sa akin ang kanan kong kamay.

"Pumunta ka kay Black, kanina ka pa niya hinahanap ukol dyan," wika sa akin ni Jo na agad ko namang ikinatalima papunta sa opisina ni Missy.

Nang makarating ako ay naabutan ko si Callia, Syreen at Aeiryn na narito habang kinakausap ni Missy.

"Bakit lahat babae? Bakit walang lalaking agent dito?" Pabalang kong tanong saka ako naupo sa tabi ni Aeiryn.

"This will be exclusive for the female elites dahil mas madali tayong makakapasok," sagot sa akin ni Missy o Black. Isa sa humahawak ng mga side missions ng Phyrric.

"What do you mean mas madali?" Usisa ni Syreen. Siya ang mata ng organisasyon. Kung may nais kang malaman ukol sa isang lugar, kayang kaya niyang nakawin ang footage ng walang nakakahalata. Siya ang pinakamagaling sa amin sa technology, kung wala si Aeiryn.

"This mission is about illegal gambling, drug trading, and human trafficking. Nakatago ang hide out ng mga ito sa liblib na lugar sa ng probinsya ng Pampanga. Sasmuan ang naaalala kong itinawag nila sa eksaktong lugar," mahabang paliwanag ni Aeiryn.

"Ibig mong sabihin magpapanggap tayong mga pakawalang babae?" Seryoso kong tanong.

"Exactly," tugon sa akin ni Callia. Anak-anakan iyan ni bossing Tungsten. Magaling iyan sa body cloning parang tatay-tatayan niya. Magaling din siya sa paghanap ng mga pinakatatagong lihim gaya ng kaso ni Mr. Cojuangco.

"Oh, bakit apat lang tayo? Bakit hindi kasama sina Jo, Elle at Charisse?" Usisa kong muli. Ang tres maria's ang pinakamagaling sa amin maging mga mata. They were well-trained and really attentive when it comes to being the eye in a certain mission.

"Hail, Hydra, and Glacier will be doing a side mission same with ours. Iba nga lang ang destinasyon nila. Somewhere in Iloilo," sagot sa akin ni Missy matapos niyang tignan ang logbook niya.

"Kailan aalis? At ano ang plano?" Tanong ni Syreen.

"Tomorrow, 7pm let's meet here, then by 10pm we'll go. Nagawan na ng paraan ni kuya Aeignn kung paano tayo makakapasok doon bilang mga babae. Might as well be with the person you want to be with before we proceed with our mission, you know the drill," sagot ni Aeiryn na sabay-sabay naming ikinatango.

Noon kasi ay nirevised ni master Aeickel ang agent's code. Sa tuwing sasabak kami sa misyon ay bibigyan kami ng ilang oras para makasama ang tao o ang mga taong nais namin makasama, nang sa gayon ay anuman ang mangyari sa amin sa misyon ay wala kaming magiging pagsisisi.

Hindi ko alam kung malala na ba talaga ang tama ko sa utak o naipakulam na ako ng hari ng kayabangan at kakupalan, dahil siya ang pinaka unang pumasok sa isip ko na nais kong makasama. This is so motherfucking frustrating!






SA kaboboban ng mga paa ko, dinala ako ng mga ito dito sa ospital. DITO NILA AKO DINALA KAHIT NA ILANG BESES AKONG NAKIPAGTALO SA UTAK KO!

Nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog, habang nasa tabi niya si Ayce na mukhang nakaduty dahil naka doctor's gown pa ito. Nailipat na nga pala nila ng ospital si Ayler, napagdesisyonan ni tita Aiyell na dito nalang sa pinagtatrabahuhang ospital ni Ayce upang masubaybayan siya.

"Akala ko winalk-outan mo raw siya?" Napako ako sa paglalakad nang magsalita si Ayce.

"M--May misyon ako," nauutal nanaman ako sa pagsagot sa kanya.

Bigla siyang umikot at tinapunan ako ng isang mapang-usig na tingin. "And you chose to be with him before you go?"

Hindi ako nakasagot agad. Kung tatanungin niyo ako kung bakit alam ni Ayce ang kalakaran sa Phyrric, it is his story to tell.

"S--Siya pa rin ang amo ko," sagot ko.

"And?" Pagpapatuloy na usisa niya.

"A--And? Wala. Iyon lang ang pakay ko," saka ako nagsimulang maglakad muli palapit kay Ayler.

"Do you like my brother?" Para akong natuod sa tahasang tanong na iyon ni Ayce sa akin.

"N---No! Of course not!" Hindi ko alam kung bakit tunog defensive ang sagot kong iyon.

"I see. Then does that mean, na ako ang gusto mo?" Kung kanina ay natuod lamang ako, ngayon ay halos hindi na ako makahinga dahil nalunok ko na yata ang dila ko.

Ang kaninang hindi ako makahinga ay mas tumindi pa nang bigla na lamang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumakad papalapit sa akin.

Pakiramdam ko ay huminto ang inog ng mundo at tanging malakas na kalabog lamang ng dibdib ko ang tunog na pumapailanlang sa paligid at wala ng iba pa.

"A---Ayce," nais ko siyang pigilan sa paglapit niya sa akin dahil pakiramdam ko ay aatakihin na ako.

"Why can't you answer my question?" Wika niya nang tuluyan na siyang makarating sa harap ko.

Sasagot na sana ako nang bigla niya akong hinapit palapit sa kanya na wari ba ay yakap-yakap niya ako. "A---Anong ginagawa mo---"

"Tell me, Griss Nairen. Do you like me?" He said that straight to my eyes. It looks like he's trying to penetrate my being the way he looks at me.

"Ano----"

"Answer him, gusto ko rin malaman kung ano nga ba ang estado ko sa'yo," gulantang ako ngunit hindi si Ayce, nang biglang bumangon si Ayler at naupo sa kama habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa mga nakatuping tuhod niya.

"Tell me, is it me or Ayler?" Hindi pa rin binibitawan ni Ayce ang pagkakahapit sa akin at wala naman akong lakas para itulak siya. Tila ako nauupos na kandila

"I will accept your decision, whatever it may be," hindi ko alam ngunit ramdam ko ang pait sa tinig niya.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako at nilabanan ko ang mga mata ng taong matagal ko ng gustong gusto, ang taong bata palang ako ay lubos na ang paghanga ko, at ang taong pinapangarap ko mula pa noon.

"I--I like you," turan ko rito at sa gulat ko ay ngumisi ito saka bumaling sa kapatid niya na ngayon ay nakakuyom na ang dalawang kamao.

"Tama ka, kahit kailan ay hindi pa ako nanalo sa iyo," saka ito hirap na tumayo at lumakad palabas ng silid ng iyon.

Nang makalabas na siya ay bigla akong pinakawalan ni Ayce saka hinaplos ang pisngi ko. "Such a strong guts, Griss Nairen. But you should learn how to hide more of yourself. I can clearly see through you and I can easily read you," at sa gulat ko ay kinintalan niya ng halik ang pisngi ko bago ako tinalikuran at iniwan sa silid na iyon.

Hindi ba't tama naman ang naging desisyon ko? O baka, pinipilit ko lang ang sarili ko na tama ang ginawa ko?

Lumabas din ako ng silid na iyon at sinubukan kong hanapin si Ayler. Kailangan niyang magpahinga, at isa pa hindi ako naniniwala na nasasaktan siya sa pagsasabi ko kay Ayce na gusto ko siya.

Knowing Ayler? He's the greatest prankster. Gustong gusto no'n na napipikon ako at gustong gusto no'n na nagmumukha akong tanga. Baka nga ang kupal pa na 'yon ang nagsulsol kay Ayce na gawin sa akin iyon.

Nadatnan ko siya sa garden ng ospital na walang gaanong tao. Nakaupo lang siya sa bench at nagmamasid sa fishpond.

"Kups," pagkuha ko sa atensyon niya ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Pinaprank mo ba 'ko?" Saka ko hinawi ang balikat niya upang magtama ang mga mata namin.

"I like you.... a lot," halos kapusin ako nang hininga sa biglaan niyang pagsasalita ng ganoon.

"A--Ako rin naman, gusto kita. Syempre kaibigan kita mula pagkabata," ilang na wika ko saka ko pa ito sinundan ng tila naiilang na pagtawa.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya at sinamahan pa ng mapait niyang ngiti. "Kaya mo lang ba akong gustuhin bilang isang kaibigan? Hindi ba kaya ng mas higit pa roon?"

"Ayler---"

"I can't pretend that I don't like you, when all along this fucking heart only screams your name. I can't pretend that I'll never fall for you, when all along it's only you."

"A---Are you confessing?"

"Bullshit, Griss! Do I fucking look like joking to you!?" Tumaas ng bahagya ang boses niya kaya't napalinga ako kung may naagaw ba kaming atensyon ngunit hinawakan lamang niya ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. "Can't you look at me even just for once? Pwede bang ako naman?"

Tagos na tagos sa akin ang mga salita niya at ngayon ay hindi ko na naiisip na isa lamang kalokohan ang pagsasabi niya sa akin na gusto niya ako.

"G--Gusto mo talaga ako?"

"I don't know when did it starts. Basta ang alam ko isang araw gusto na kita, ayoko na mayroong nakikihati sa akin sa oras mo, ayoko na mayroong babae at lalakeng nagpapapansin sa'yo, ayoko na mas pinipili mo si Ayce kaysa sa akin, at ayoko na gumugusto ka ng iba kung hindi rin lang naman ako. I'm crazily head over heels to you, pero ikaw, baliw sa kapatid ko. How can this life be so fucking ironic?" Saka niya binitawan ang baba ko at napahilamos siya ng dalawa niyang palad sa mukha niya. "Why can't I be Ayce? Why am I so fucking fucked up!?"

Hinawakan ko ang mga kamay niya at inialis ito sa mukha niya.

"I will be in a dangerous mission tomorrow," panimula ko at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"WHAT--- NO! YOU CAN'T GO----"

"I have to. Kung makababalik ako, ibibigay ko agad sa'yo ang sagot ko tungkol sa pag-amin mo, at kung hindi naman...."

"What?"

"I will be writing a short message for you. Kapag hindi ako nakabalik, kuhanin mo iyon kay master Aeickel. Buksan mo kung kailan ka magiging handa."

"But you'll come back to me, right? Babalik ka? Not for anyone else, but for me?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga salita niya na punong puno ng sinseridad.

"Ayler Liam, take care of yourself," saka ako tumayo at ginulo pa ang buhok niya bago tuluyang lumakad palayo.

Master Aeickel and Ayce were right. They see through me. I'm indenial. I'm really starting to fall for Ayler Liam Mondragon, or I might have been inlove with him all along.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top