PROLOGUE

FREEZELL SERIES #6

   

"Griss!" Napalingon ako sa pagtawag sa akin na iyon ng walang hiya kong amo.

    

"Oh napano kang kupal ka?" Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya dahil nagsisintas ako ng sapatos ko.

   

"You cannot go home early today, may lakad tayo," saka niya ginulo ang buhok ko na bagong gupit lang. Nakalapit na pala siya sa akin.

    

Inalis ko ang kamay niyang gumugulo sa buhok ko. "Hoy, ang usapan natin ay usapan. Kapag oras na ng uwian ko, oras na ng uwian ko. Huwag mo 'kong paextend-extend dyan! Gusto mo yatang tamaan?" Saka ko pa siya pinanlisikan ng mata at iniumang sa kanya ang kamao ko.

   
    
"Alam mo kaya madalas akong natatanong kung sino ba daw talaga sa ating dalawa ang amo, at kung sino ang bodyguard---"

   

"AGENT! Agent ako kupal! Hindi mo 'ko bodyguard, huwag kang ambisyoso dyan," at tumayo ako kaya't halos magpantay na ang mukha namin.

   

"The fact that mommy hired you to guard me, you're my bodyguard." Pagdepensa pa talaga niya sa pagtawag sa aking bodyguard.

   

"Ay ewan ko sa'yo! Basta uuwi ako ng maaga, tapos!" Saka ko siya tinalikuran at nilayasan. Ang gwapo kong pikon talaga, lalo na kapag siya ang kaharap.

    

"HOY BABAE!" Sigaw niya pa rin ngunit hindi ko na siya pinansin.

   

*****

   

"NAIREN, anak?" Agad akong lumapit kay daddy na nagluluto pala sa kusina.

   

"Yes, 'Dy?" Tanong ko.

   

"Tumawag ang Tita Aiyell mo, hindi nanaman daw kayo magkasundo ng binabantayan mo?" Napataas lang ang kilay ko sa sinabing iyon ni Daddy. Favorite ko si Tita Aiyell at Tito Cloak, pero hindi ang mga anak niyang retarded ang pag-uugali.

   

"Lahat na ho ng pagpapasensya binigay ko na sa kupal na 'yon, 'Dy. Hindi ko na alam ano pang gagawin ko, to think na mas matanda pa siya sa'kin ng three years. He's 28 and I am 25 pero kala mo kinder kung umasta. Parang hindi magmamana ng kumpanya!" Himutok ko naman sa Daddy ko.

    

"Nairen, iha. You cannot please everyone and vice versa, but atleast be good to that person. Siya ang kauna-unahan mong assignment from Phyrric Organization. Hindi mo naman siguro gustong mapahiya, hindi ba?" Napanguso ako sa sinabing iyon ni Daddy. He has a huge point, kaya napatahimik na lang ako.

    

"Oh, bakit nandito ka?" Si kuya Lexin na kakapasok lang ng kusina dala ang librong binabasa niya.

    

"Hi my nerdy kuya," saka ko siya inabutan ng basong may lamang tubig. Lalabas lang naman 'yan ng kwarto kapag nauuhaw.

   

"Ang tanong ko bakit nandito ka?" Singhal niya sa akin.

    

"Uwian na, syempre uuwi ako!" Ganting singhal ko naman sa kanya.

     

"Ano? Pinagpapaalam ka ng amo mo kay Mommy na isasama ka dahil birthday niya. Icecelebrate daw ng mga kaopisina mo," napahawak akong bigla sa mga labi ko.

   

"Shit! Nakalimutan ko!" Dali dali akong umakyat sa kwarto at nagdamit ng pang-alis.

   

*****

   

NAKARATING ako sa bar na alam kong pagdarausan niya ng kaarawan niya. Nakita ko ang mga kaopisina ko na nagsasayawan at nag-iinuman.

   

"Griss!" Tawag sa akin ng isang empleyado. Tumango lamang ako dito at ngumiti.

   

"Hey, handsome!" Isang hindi ko kilalang babae naman ang lumapit sa akin at kumapit agad sa braso ko.

    

Hirap na hirap ako dahil lagi akong napagkakamalang lalaki! Oo gwapo nga ako, pero hindi hamak na mas lamang ang gandang taglay ko!

   

"Fuck off, bitch. Babae 'yan," pang spoil naman sa sitwasyon ng amo kong naglalakad na pala palapit sa akin.

   

Umalis ang babae sa gulat dahil ngitian ko rin siya ng ngiti kong pambabae.

   

"Kupal ka! Bakit hindi mo sinabing birthday mo?" Saka ko pa siya hinampas ng mahina.

  

"Do I have to remind you that? Dapat alam mo 'yon, bodyguard kita!" Sagot naman niya sa akin na may halong iritasyon.

   

"Hindi naman po kasi lahat ng tungkol sa'yo Amo, ay dapat alam ko." Pinaningkitan ko siya at inaambaan ng suntok.

   

Nagulat ako nang bigla niyang sinakop ng kamay niya ang kamao kong nakaamba sa kanya.

  

"Isa pang amba mo sa'kin, hahalikan na talaga kita," puno ng pagbabanta niyang wika.

   

Binawi ko ang kamao ko mula sa kamay niya at tumungo sa bar counter.

   

"I am Griss Nairen Crosante-- Heiton, and he is Ayler Liam Freezell-- Mondragon.....

   

...

   

...

    

...

     

...

     

...

     

...

    

THE ARROGANT CLIENT.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top