One

GRISS

"Hoy Kups!" Tawag ko sa atensyon ng mayabang kong amo na ngayon ay nakatutok lamang sa nagprepresent sa harap niya.

Feeling entitled ang kupal na 'to. Hindi pa naman pinapamana ni tito Cloak sa kanya ang kumpanya nila pero kung umasta high and mighty na.

"Problema mo?" Bulong na tanong niya saka inilapit pa niya ng bahagya ang katawan niya sa akin.

"Pangatlong present na 'yan ng tao, para kang abno dyan, bakit hindi mo pa pagpahingahin? Nakabisado ko na nga 'yong sinasabi niyan," gustong gusto ko siyang batukan pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil puro matataas na tao ang nasa tabi namin. Isa pa, ang alam ng mga ito bodyguard ako ng kupal na lalaking 'to.

"He deserves that kind of treatment. Isa siya sa mga nagnanakaw sa kumpanya," napatutop ako bigla ng bibig ko sa narinig ko mula sa kanya.

Oo at bodyguard ako ni Ayler, pero hindi ako nakikialam at mas lalong hindi ako nakikiusisa sa mga galaw ng tao sa kumpanya. Hindi ko papakomplikaduhin ang trabaho ko. Ang gagawin ko lang ay bantayan siya at wala ng iba.

Para ngang mas aatakihin pa ako sa puso kapag tinapatan ako ng mga coupon bond kaysa tutukan ako ng baril. Ayoko ng mga papeles! Palagi pa akong napapagalitan ni Bossing Flame kapag hindi ako gumagawa ng incident report, mabuti at madalas akong napagtatakpan ng mga tropa ko sa Phyrric.

"Kups, nagugutom na 'ko patigilin mo na 'yan, todasin nalang natin agad!" Game na game kong wika sa kanya at sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Kapag hindi ka tumigil, ako ng totodas sa'yong tibo ka," gigil na bulong niya kaya't napatahimik ako. Kapag may gigil na sa boses ni kupal nananahimik ako, aba noong minsan binantaan ba naman akong kapag napagigil ko daw siya ng sobra ay hahalikan ako. Mahirap kalabanin si Ayler kapag ganoon, sineseryoso niya ang mga kabugokan niya.

Papadyak-padyak na ako ng paa sa upuan ko dahil nagugutom na talaga ako. Badtrip talaga si Ayler kapag nagseseryoso sa trabaho. Sinabi ko na kasing maglie low muna, ayaw naman pumayag.

The truth is, hindi ko binabantayan si Ayler dahil may nagtatangkang pumatay sa kanya, kung hindi dahil natatakot si tita Aiyell na baka sa sobrang kupal at playboy ng lalaking 'to, makabuntis bigla ng wala sa panahon. Sumpa pa naman din daw ng mga Freezell na isang beses lang magkaka anak, baka maanakan pa nito ay kung sino lang, 'di nayari siya kay tita Aiyell at tito Cloak.

"Makakaalis na kayo," rinig kong pagtataboy niya sa mga tao dito sa assembly room. Agad naman nagpulasan ang mga ito paalis.

"S--Sir, may gagawin pa po ba kayo? Pwede po bang kumain na 'ko?" Pagpapaalam ni Sera sa kanya. Sekretarya niya 'yan pero natatakot sa kanya. Sabagay, ako lang naman yata ang hindi takot kay kups.

Tinanguan lamang niya ito at nagkukumahog na itong umalis. "Bakit ba hanggang ngayon utal pa rin 'yong sekretarya mong parang may aphasia?" Natatawang wika ko.

Bigla na lamang niya aking kinabig sa bewang na sobrang ikinagulat ko. Inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko na animo hahalikan ako kaya't nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw lang naman ang hindi nauutal sa akin, tibs. Hayaan mo, sa susunod uutalin ka na rin," saka niya ako biglang pinakawalan at nilisan niya ang silid.

"KUPAAAAAL!" Gigil na sigaw ko nang tuluyan na siyang makalabas.






"KAPAG ako'y nabubuang, ako'y nag pupunta sa bar saka mambababae. Kapag ako'y nabubuang, ako'y nag pupunta sa bar saka nagpapakalalake," pakanta-kanta lang ako sa harap ng salamin ko habang nilalagyan ng fix ang buhok ko. Medyo humahaba na ito at mukhang dapat ko ng bawasan.

Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin.

Sheeet Griss Nairen Heiton bakit ba ang gwapo mo?

Ibang klase kasi gumawa ang tatay at nanay ko. Ipinanganak na nga akong maganda bumonus na gwapo pa. Si Master Aeickel daw kasi ang pinaglihian noon ni Mommy nang ipinagbubuntis niya ako. Si Master Aeickel ang head ng Phyrric, babae siya pero mukhang lalaki sa sobrang gwapo.

"Anak sobra na ang pagpuri sa sarili," napalingon ako kay Daddy na inakbayan ako.

"Dad, 'yong damit ko po magugusot," wika ko habang pinipilit na alisin ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

"Ang sungit naman 'nak," depensa ni Daddy saka ako inakbayan hanggang leeg.

Even my Dad treats me like a guy.

"Daddy nasasakal ako. Mom si Dad oh!" Sigaw ko.

Nakita ko naman dumating si Mommy na humahangos na may dalang sandok at naka apron.

"Levin!" Bulyaw ni Mommy.

"Yes, Honey?"

"Upo!" Utos ni Mommy. "Kaya lumaking parang lalaki 'yang anak mo dahil sa'yo. Lahat ng hindi mo nagawa kay Lexin noong maliit siya, kay Griss mo ibinuhos. Hindi man lamang naranasan niyang batang 'yan maglaro ng barbie---"

"Mom!"

"Totoo naman. Mukha ka na ngang lalaki, nagpagupit ka pa na panglalaki, tapos ginagawa ka pang lalaki ng ama mo," bulalas ni Mommy at nakita kong napanguso si Daddy sa narinig.

"Mom aalis pala ako. Hinihintay ako ni kups este ni Ayler doon sa napagkasunduan naming lugar," paalam ko.

Papalabas na sana ako nang hatakin ni Daddy ang damit ko.

"Dad bakit nanaman?" Tanong ko.

"Magpaka bait ka. Uwi ng maaga," bilin niya.

"Opo. Uuwi po ako ng umaga. Bye!" Saka ko na binirahan ng alis bago pa marealize ni Daddy ang sinabi ko.

"GRISS NAIREN! BUMALIK KA NGA DITONG BATA KA!" Dinig kong sigaw ni Daddy. Pero just like the old days hindi ko nalang siya pinansin.

Nakarating ako sa isang sikat na bar at nakita ko si Ayler na nakasandal sa sasakyan niya habang nakahalukipkip na tila ba inip na inip na siya sa kakahintay sa akin.

"Kups!" Pagkuha ko ng atensyon niya. Tinaliman niya agad ako ng tingin na akala mo ba ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya.

"Bakit ang tagal mo? We almost lost the opportunity!" Bulyaw sa akin ng aroganteng mainitin ang ulo.

"Lolo mo lost the opportunity! Nandito na nga ako dadaldal ka pa, imbes na pumasok na tayo para talo-talo na," iritadong tugon ko sa kanya.

Biglang kumalabog ang puso ko nang magsimula siyang lumakad papalapit sa kinaroroonan ko na seryoso ang mukha at ang ekspresyon.

Halos lumuwa ang mata ko nang hapitin niya ako na dikit na dikit sa katawan niya. Kupal na 'to! Nakakadalawa na siya!

Inilapit niya ang mga labi niya sa tenga ko habang sakop ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at ang isa ay nakahapit sa bewang ko. "Kahit gaano ka pa hindi katakot sa akin, ako pa rin ang amo mo. I'll decide the time, the place, and the exact act you'll do in a certain situation. Ako ang masusunod at wala ng iba," ayokong aminin ngunit nanginginig ang tuhod ko sa paraan ng pagsasalita niya.

Mabilis ko siyang itinulak at sinamaan ng tingin. "Tigilan mo ako sa kayabangan mo Mondragon!" Sigaw ko para lamang mapagtakpan ang mas malakas na pagtambol ng dibdib ko.

Imbes na masindak ay tinawanan lamang niya ako saka kinuha ang isang kamay ko at kinaladkad ako papasok ng bar. Wala man lang pang intindi ang kupal! Nanginginig pa ang tuhod ko sa ka abnoyan niya!

Nang makapasok na kami ay binitiwan niya ang kamay ko at umakyat sa 2nd floor na mabilis ko namang sinundan.

Ang totoo niyan, narito kami dahil may nabalitaan itong si Ayler na dito daw nagaganap ang illegal na bentahan ng shares ng kumpanya. Wala naman nga akong alam dahil ayaw kong panghimasukan 'yon, pero itong si kupal hindi kaya ng wala ako. Ika nga niya sa akin noong nakaraang araw...

"...tibs, kung hindi kita isasama, hindi natin matatawag na gulo 'yon, dahil sa ating dalawa ikaw ang may hatid na disgrasya..."

Ganyan kabuting nilalang sa akin si Ayler simula't mga bata kami. Paborito niya ako sa lahat. Sa pagwrewrestling, sa suntukan, sa baril-barilan, sa basketball, sa katusan, at higit sa lahat sa katarantaduhan.

Napansin kong may isang maliit na komosyon na nagaganap sa 1st floor at doon din nakapako ang mga mata ni Ayler. "That man in red shirt, he's one of the stockholders, Mr. Gino Cojuangco," pagpapakilala ni Ayler sa akin dito. Agad ko naman itong pinagmasdan at namumukhaan ko nga ito.

"Anong gusto mong gawin ko? Babalian ko ba ng buto?" Seryosong wika ko sa kanya ngunit tinignan lamang niya ako sa tingin na tila nais niya akong dagukan sa mga pinagsasasabi ko.

"Hindi ko alam paano kang naging paborito ni Mommy at tita Aeickel," iiling iling na wika niya saka biglang bumaba na ikanagulat ko. Susugod yata ang kupal wala man lamang pasabi!

Mabilis akong bumaba at sinundan siya na ngayon ay akala mo hari na nakatayo sa harap ng madla habang nakangisi.

"Having fun?" Wika niya sa mga ito at nakita ko kung paano natuod ang mga tao na iyon na makita nila ang COO ng Mondragon Corp. na nakikita ang katarantaduhan nila.

"Mr. Mondragon---"

"I'm not like my Dad and absolutely not my twin brother. I don't resort to law and justice, I resort to violence," at bigla na lamang niyang sinuntok si Mr. Cojuangco!

Akmang gaganti ang mga tauhan nito ngunit mabilis ang naging reflexes ko. Dumakot ako ng isang upuan saka ko ipinalo ito sa mga iyon. Suntok at sipa na walang humpay.

May isang papalo sana ng bote kay Ayler ngunit mabilis ko itong naharangan ng braso ko. "Griss!"

Sinipa ko ang sikmura nito saka ko tinuhod ang kanyang mukha. "You don't who you are messing with," malamig na wika ko sa lalaki at nang akmang bubunutin ko ang baril sa bewang ko ay mabilis akong pinigilan ni Ayler.

"Stop. Let's go," saka niya ako kinaladkad paalis ng lugar na iyon.

Nang makalabas na kami ay isinandal niya ako sa pinto ng sasakyan saka kinuha ang braso ko na mayroon na palang umaagos na masaganang dugo.

"Sino bang nagsabing harangin mo 'yon!?" Galit na galit siya at kinuha ang laylayan ng damit ko saka niya ito pinunit!

"Anong ginagawa mo!?"

Nang mapunit niya na ito ay itinali niya sa parte ng braso kong may umaagos na dugo ang nakuha niyang piraso ng tela.

"I'm asking why did you do that?" This time ay mas kalmado na siya.

"H--Hindi ko hahayaan na mapukpok ka sa ulo at lalo kang maging abnoy dahil sa huli ako rin ang mahihirapan!" Sigaw ko upang mapagtakpan ang panandaliang pagkaka utal ko. Sana lang ay hindi niya napansin.

"Bakit ka nauutal?" Ang aroganteng kupal napansin pa.

"Umalis na tayo baka ikaw ang samain sa'kin," wika ko saka ako umalis sa pagkakasandal sa sasakyan ngunit muli lamang niya akong isinandal pabalik. "ANO BA KUPS!?" Ubos na ang pasensya na wika ko sa kanya.

"You'll stay here with me, tibs." Tinapunan niya pa ako ng kakaibang tingin!

"P--Pinagsasasabi mo!?" Oo! Oo nauutal ako dahil sa mga salita niyang pang out of the universe!

"Dito ka lang sa'kin," nakangising paglilinaw niya.

"N--Nakakatuwa ka niyan? H--Ha?" Bigla niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko na animo ay preso niya ako.

"This is the first time I heard you stutter because of my presence," he said so seductively that I want to puke! Anong pinaggagagawa niya ba!?

"M--Masakit lang talaga ang sugat ko, hindi dahil sa'yo. H--Huwag assuming!" Bulyaw ko sa kanya na ikinatawa lang niya. Iyong tawang nakakainis dahil sa kayabangan.

"Kung alam kong magkakaroon ako ng ganitong epekto sa'yo ay sana noon ko pa ginawa ang mga bagay na ito," napakunot ang noo ko sa mga lumabas na salita mula sa kanya.

"A--Anong ibig mong sabihin!?" Pagtitiyak ko dahil naguguluhan ako sa kanya. Abnoy na rin yata ako.

"Griss Nairen Heiton, how do you want to be with me? Wildly or smoothly?"

"KUPAL KA TALAGANG ABNOY KA!" At nagpilit akong makaalis sa pagkaka presyo niya sa akin at nagtagumpay naman ako.

Narinig ko ang nakakaloko at nakakabingi niyang tawa na animo nais na galitin ang natutulog kong demonyo.

"Let's go, ipapagamot muna kita kay Ayce," saka niya hinawakan ang braso ko at iginiya ako papalapit sa pinto ng passenger seat.

"K--Kay Ayce?" Napahinto ako sa narinig ko.

Iniharap niya ako sa kanya at ipinaglapit ang mga mukha namin na halos wala ng kalahating pulgada ang pagitan.

"Oo, tibs. Sa taong gusto mo, pero tandaan mong ako ang para sa'yo."

--

AYLER LIAM lang malakas! 😂
Comment naman po if may dating ang 1st chapter. HEHEHEHE.

PS. From now on no more chapter titles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top