Nineteen
GRISS
"A--ANONG SINASABI MO!?"
Imbes na sumagot agad ay lumuhod siya sa harap ko. "Please hear me out."
"Gustong gusto kong pakinggan ka, Ayler. Pero bakit simula palang parang ayoko na, parang hindi ko kakayanin kung ano pang ibang isisiwalat mo," gulong gulong sagot ko sa kanya. Nagkaroon ako bigla ng takot at pangamba na kaharap ko siya.
"I'm sorry. Hindi ko ginustong kapwa tayo mapunta sa sitwasyong 'to. Noong bumalik ka akala ko magiging ayos na ang lahat, akala ko wala nang multo ng nakaraan ang babalik, at akala ko lahat ng nangyari noon ay naibaon na kasabay nang pagkawala ni Cyan," sagot niya sa akin na ikinailing ko.
"Ngayon ang mga akala mo ay isa-isang nagbabalik at nagbibigay sa iyo ng takot," wika ko sa kanya.
"Hayaan mo akong ipaliwanag sa'yo ang mga bagay na alam ko at maaaring makatulong sa'yo sa pag-intindi sa akin, at sa pag-unawa mo ng sitwasyon na ito," may tonong nagmamaka-awang wika niya sa akin.
"Pero hindi ko maipapangakong masusunod ang anumang naisin mo pagkatapos mong magpaliwanag dahil hindi nalang ikaw at ako, o ang damdamin mo at damdamin ko ang nakasa alang-alang dito. May mga inosenteng tao ang maaaring madamay sa mga desisyon natin," wika kong muli sa kanya at nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya.
"Alam kong malaki talaga ang kasalanan ko kay Cyan pero hindi ko kayang mawala ka sa'kin, Griss. Alam kong walang kapatawaran ang naging kasalanan ko sa kanya pero hindi ko kayang ipilit ang sarili ko na makasama siya kung ikaw lang naman ang kaya kong mahalin. Siguro nga isang malaking sampal at karma sa akin nito, pero sana ibigay mo sa'kin ang pag-intinding hinihingi ko," nangingilid ang luha niya habang binabanggit ang mga salitang iyon.
"Just spill your story," tanging nasabi ko at inalis sa kanya ang paningin ko.
"It happened years ago after the sudden death of someone I truly trust the most, Mr. Nikolai Aragon, my former secretary. Siya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Noong mawala ka, siya ang lagi kong nakakasama sa lahat, maging sa mga desisyon ko nang makapasok ako ng kumpanya. Naging sandalan ko siya at naging matalik na kaibigan. Habang binabantayan ako noon ni Neptune, may nagtangkang sumagasa sa akin mabuti na lamang at kapwa sila naroon ni Nikolai at nagawa nila akong iligtas. Utang ko ang buhay ko sa kanila," panimula niya saka tumayo mula sa pagkakaluhod at naupo sa sofa habang matamang nakatingin sa akin.
"Anong kinalaman noon sa ginawa mo kay Cyan?"
"Isang umagang pagpasok ko, nakita kong napakagulo ng opisina ko at napakaraming nagkalat na papeles. Natagpuan ko si Nikolai na pawis na pawis na animo siya ang gumulo ng opisina ko. Tinanong ko siya, pinilit kong sabibin niya sa akin kung anong ginawa niya ngunit nanatili lamang tikom ang bibig niya. Gusto ko siyang palayasin sa opisina ngunit tumatak sa isip ko ang ginawa niyang pagsagip sa akin, dagdag pa na halos ama na ang turing ko sa kanya."
Huminto siya sandali na animo hindi niya kayang sabihin ang kung ano mang susunod niyang dapat na sabihin.
"From then on, naging mapagsuspetsa na ako sa kanya. Bawat galaw niya ay ipinaaalam ko kay Neptune, bawat galaw niya ay nalalaman ko, at bawat taong makakasalamuha niya ay inaalam ko. Naging lalo akong mapagsuspetsa sa kanya nang kitain niya ang iilang taong sa palagay ko ay nagtataksil sa kumpanya. Hindi ko siya inalis sa kumpanya, bagkus ay pinahirapan ko siya at sinabi kong idadamay ko ang pamilya niya kapag hindi siya nagsabi sa akin kung anong ginagawa niya.... ngunit gaya ng dati ay nanatiling tikom ang bibig niya," ang bigat ng bawat paghinga ni Ayler.
"Nang hindi ko na makayang tiisin ang mga pagtatago niya ng sikreto ay sinesante ko siya kahit pa nagmamakaawa siya sa akin na walang kakainin ang pamilya niya kapag ginawa ko iyon, pero tinuloy ko pa rin. Ayokong may traydor na nakapaligid sa akin, at ayokong mayroon akong pinaghihinalaang tao. Ilang araw matapos ang ginawa kong pagsisante kay Nikolai ay may dumating na babaeng sa palagay ko ay asawa niya sa opisina. Galit at humahagulgol ito habang may dalang sulat para sa akin. Ginulantang niya ako ng balita na pinagbabaril si Nikolai habang papasok ng bahay nila," hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Natatakot ako, nanginginig at hindi ko na alam.
Binunot niya ang wallet niya at may kinuhang nakatupi-tuping papel mula rito.
"A--Ano 'to?" Utal na wika ko nang iniabot niya sa akin ang papel.
"His letter for me," mapait niyang tugon sa akin.
Binuklat ko ito at binasa.
Mr. Mondragon,
Isinulat ko ang liham na ito para sa'yo dahil alam kong ano mang oras ay malalagay na sa alanganin ang buhay ko lalo na't wala na ako sa tabi ninyo. Hindi po ako traydor gaya ng inaakala ninyo, lahat ng galaw ko ay para sa ikakabuti ninyo, lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo dahil higit sa lahat, itinuring na kitang parang tunay kong anak. Patawarin mo 'ko sa mga naging paglilihin ko sa'yo, patawarin mo 'ko sa mga ginawa kong bagay na hindi mo maintindihan. Ayoko lang na madamay ka pa kung kaya ko namang trabahuhin mag-isa. Kung mawawala ako, mag-iingat ka, lagi mong pag-iingatan ang sarili mo at higit sa lahat maging matalino ka sa pagtitiwala.
- Nikolai
"He dedicated his life for my well-being pero anong isinukli ko? I let him die. Wala akong nagawa, o mas tamang sabihin na wala akong ginawa," nakita kong unti-unting bumagsak ang mga luha na kanina ay pinipigilan niya. "Sa sobrang gulo ng utak ko noon, gusto kong hanapin ka, gusto kong magsabi sa'yo ng lahat, pero wala ka, you already left."
I wanted to console him, but I stopped myself.
"I became miserable, ilang buwan kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari kay Nikolai. Sinubukan kong ipa-imbestiga ang nangyari sa kanya ngunit wala akong naging lead. Hanggang isang araw na umiinom ako at naroon si Cyan, siya lang ang laging naroon para sa akin, tila ako nawala sa sarili at hindi ko alam ang nagawa ko sa kanya. Naaalala ko lang ang mga hikbi niya at pagpigil ngunit hindi ko na alam ang lahat ng detalye. Nagising na lamang ako kinabukasan na kamao ni Neptune ang sumalubong sa akin at si Cyan na nakatulala," ramdam ko ang panginginig ng tinig niya lalo na sa mga huling binitawan niya.
"Kahit ano pang sakit ang nararamdaman mo, hindi naging tama na ginahasa mo Cyan!" Sigaw ko sa kanya.
"I know and I fucking hate myself for doing that thing to her. Kung alam mo lang, Griss. Kung alam mo lang anong ginawa ko para makabawi, pero biglang naglaho si Cyan," mahinang wika niya.
"Ayusin mo ang sarili mo Ayler. Hindi maaaring sisisihin mo ang pagiging wasak mo sa pagkamatay ni Nikolai para gawan mo ng hindi maganda si Cyan. Mas lalo mo lang akong binigyan ngayon ng dahilan na huwag ng magpaloko sa'yo---"
"Wala ako sa sarili ko no'n. Honestly, I think I was drugged. You already saw what happens to me kapag nakakainom ako ng gamot," nagulat ako sinabi niya at kalaunan ay napagtanto koang tinutukoy niya.
"You mean---"
"Viagra or not, paracetamol or not, any drug can make me hallucinate and lost my sanity in a few seconds. It's a rare disease," paliwanag niya sa akin.
"Y--You're kidding me," hindi makapaniwalang turan ko.
"No, I'm not. Bata palang ako hindi na ako pinapainom ng mga gamot, kung mayroon man ay napag-aralan ng husto. Remember when I had my accident and Mom immediately transfered me to where Ayce can supervise me?" Wala sa sariling napatango ako. "Honestly, based on my opinion, what I did to Cyan was all set-up. Palagay ko ginawa iyon upang mapababa ako bilang COO ng kumpanya, but Dad remained firm about it. Gumawa siya ng paraan, pero hindi ko alam kung ano."
"Iyon ba ang nais sabihin ni Cojuangco nang mahuli natin siya?" Paninigurado ko.
"Yeah. Cojuangco learned about it, pero hindi ko alam kung paano."
"Ang dami mong itinatago Ayler," mahinang wika ko saka umiling. "Naiintindihan kita, iniintindi kita, pero hindi ko pa rin kayang saktan si Ayrill. Just be with Cyan, iyon ang mas makakabuti---"
"Damn it, Griss!"
"I'm sorry," saka ako lalabas sana nang hablutin niya ang braso ko.
"Si Ayrill ba talaga? O ang bagong lalake mo ang dahilan?" Bakas sa tinig niya ang galit. "Huwag mong idahilan ang anak ko, dahil kung talagang pinipili mo 'ko, magagawa mong maging ina sa anak ko---"
"HIBANG KA NA BA!? BUHAY PA ANG NANAY NG ANAK MO PERO GUSTO MO 'KONG MAGPAKA-INA---"
"IKAW ANG MAHAL KO!"
Hinatak ko ang braso ko saka ko siya sinampal. "Hindi ko kayang maging makasarili, Ayler."
Tuluyan kong nilisan ang silid na iyon.
NAGLALAKAD lang ako nang walang tiyak na paparoonan.
"Griss," nagulat ako sa tinig na iyon at ang mas nakakagulat ay nalingunan ko si Neptune.
"A--Anong ginagawa mo rito?" Literal na gulat na gulat ang pagkakasabi ko.
"Mukhang nalaman mo na ang totoo," wika niya saka may mapait na ngiting sumilay sa mga labi niya. "Naramdaman ko kasing magiging malungkot ka rito sa Davao, kaya pumuslit ako," paliwanag niya sa akin ngunit hindi niya ako makukumbinsi.
"Eulyco," may pagbabanta ang tinig kong iyon.
"Fine. This is a side mission for me, binigay ni Chief."
"Anong side mission? Bakit hindi ko alam?"
"Your client's life is not in danger..... but you are." Para akong niyanig ng kung ano dahil sa narinig ko.
"A--Anong ibig mong sabihin?" Ibang kaba ang nararamdaman ko.
"Hindi ko alam kung paanong nasabi iyon ni Chief but she told me she has her own basis of making you my side mission," sagot niya sa akin. "Pinaalalahanan niya akong huwag iaalis ang paningin ko sa'yo."
"I'm an agent, Neptune. Kaya kong protektahan ang sarili ko," wika ko sa kanya.
"Naisagot ko na rin kay Chief 'yan, Griss. But she still insisted na kailangan kitang bantayan."
"Fine."
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang alam kong nakasunod siya sa akin.
"Alam mo pala kung anong ginawa ni Ayler kay Cyan, bakit hindi mo sinabi?" May hinanakit sa tinig ko. Hindi ko siya nililingon.
"Hindi ko kayang ipaliwanag sa'yo iyon lalo na't ikaw ang nagmamahal, Griss. Ikaw ang iintindi sa kung anong sasabihin niya, ayokong kwento ko ang marinig mo dahil baka may kulang at hindi maganda ang maging dating sa'yo," sagot niya sa akin.
"Bakit hindi mo pinigilan---"
"Wala ako nang gabing mangyari iyon. I was in a side mission. Umaga ko na nalaman ang ginawa ni Ayler kay Cyan," paliwanag niya sa akin.
"Hindi ko na alam ang iisipin ko," nauubusan na talaga ko ng dapat sabihin.
"Dahil umaasa ka pa rin na si Ayler pa rin ang lalaking iniwan mo, si Ayler pa rin ang lalaking nakalakihan mo, at si Ayler pa rin ang taong inakala mong siya. You have to open your eyes, Griss. Hindi masamang maging tanga, pero ang maging bulag, oo."
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Hindi ako bulag, Neptune. Kung bulag ako, pinili ko na sana ang kasiyahan ko kaysa sa kinabukasan ni Ayrill. Kung bulag ako, pipiliin kong maging makasarili at tatakbo ako pabalik sa mga yakap at halik niya. Kung bulag ako, pipiliin kong makasakit ng iba para maramdaman kong muli ang pagmamahal niya.... pero hindi, Neptune. Masakit, pero pinipilit kong kayanin."
"Hindi mo kailangan kayanin. Magpakatotoo ka sa sarili mo, gusto mo bang bumalik sa kanya?" Iyon na yata ang tanong na pinakamahirap sagutin sa ngayon.
"If my own happiness could cause someone else's pain, I'd rather choose to be hurt. Siguro nakatadhana talaga kong maging mag-isa?" Saka ko ito sinundan ng tawa na puno ng kasarkastikuhan.
"Hindi ko kahit kailan ipinilit ang sarili ko sa'yo, pero kung tatanggapin mo ang pagmamahal ko para maging sandigan ng sakit mo, ibibigay ko ng lubos ang pagkatao ko sa'yo," puno ng sinseridad na wika niya sa akin saka ngumiti ng may halong lungkot.
"If only I could make this fucking heart learn how to choose whom to love, believe it or not, I would have nominated you a long time ago," mapait na turan ko sa kanya. "Kaso, hindi. You're a brother to me, Neptune. Hindi ko kayang magbigay ng higit pa roon," napayuko ako dahil sa itinuran kong iyon.
"I understand. Huwag mo 'kong kaawaan, alam kong mangyayari 'to. All I want for now, is for you to be happy, for you to be able to choose your happiness without hurting others. I may seem so selfless pero iyon ang hiling ko... ang maging masaya ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Fly high, Griss. Raise your wings and look for your happiness. I will be so glad to see you happy and contented. You will always be my greatest love," hindi ko nagugustuhan ang mga salita ni Neptune. Tila ba ito may nais iparating na lubos kong ikinababahala.
Halos yanigin ang pagkatao ko nang mabilis niyang tinawid ang pagitan namin saka ako niyakap ng mahigpit......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...at kasunod no'n ay ang nakakabinging sunod-sunod na putok ng baril sa mismong gawi ko.
"NEPTUNE!!!!!!!!!!!!!!!!"
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top