Fifteen
GRISS
Unti-unti siyang naglakad palapit sa amin--- o mas tamang sabihin na palapit kay Ayler.
"Have you forgotten everything about me? About us, Ayler Liam Mondragon?" Iba ang kabog ng dibdib ko. Parang gusto ko nalang maglaho.
"C--Cyan," dama ko ang pagkakagaralgal ng tinig ni Ayler sa pagtawag lamang sa pangalan niya.
Sa tagal kong nawala sa buhay ni Ayler, hindi ko alam kung anong naganap sa mga taon, buwan, araw at oras na 'yon. Wala akong kahit na katiting na ideya kung anong klaseng buhay ang mayroon siya noong mga panahon na wala ako at nagpapakahirap upang makapasok ng Phyrric. Hindi ko na alam kung anong dahilan at bumabalik muli sa buhay niya ngayon si Cyan na kababata niya.
"Bakit ka nauutal? Ako lang 'to," nakangiting wika ni Cyan at sa gulat naming pareho ni Ayler ay hinawi nito ang pagkakahawak sa akin ni Ayler saka niya sinunggaban ng yakap ang huli.
Parang gustong magrebelde at maghurumentado ng puso ko sa nasasaksihan ko. AKIN 'YANG LALAKING NIYAYAKAP NIYA! PAG-AARI KO 'YANG KUPAL NA 'YAN!
"I missed you," wika niya saka bumitaw ng yakap kay Ayler para lamang bigla itong sunggaban ng halik sa mga labi.
Hindi ako nakagalaw at nakita kong ganoon din si Ayler. Marahil ay sa gulat at sa bilis ng mga pangyayari, ngunit damang dama ko ang unti-unting pagsakop ng galit at selos sa pagkatao ko.
Ilang segundo ang nakalipas ay itinulak siya ni Ayler. "Stop this!" Bulyaw niya kay Cyan na ikinagulat naman nito.
"Don't you missed me?" Inosenteng wika nito saka yumuko.
Gulat at pagkamangha ang rumehistro sa mukha ko nang bigla na lamang itong yakapin ni Ayler sa harap ko mismo. Nakakalimutan na ba niyang narito ako? Na ako ang girlfriend niya?
"I'm sorry, nabigla lang ako. I missed you too," tila iyon ang cue para lisanin ko na ang hayop na opisinang ito.
Nanginginig ang mga laman na nagsimula akong humakbang papaalis.
"G--Griss," tinig niya na pumailanlang nang hawak ko na ang seradura ng pintuan.
"Aalis muna 'ko," wika ko nang hindi man lamang lumilingon sa kanila. Hindi ko kaya. Para akong dinudurog.
"Bakit ka naman aalis?" Boses iyon ni Cyan. I don't know but it is somehow iritating kahit ang totoo ay friendly ang pagkakasabi niya no'n.
Humarap ako saka ngumiti sa kanila at nakita kong naka-angkla sa braso ni Ayler si Cyan, na animo nagpaulan sa akin ng mga patalim. "Catch up with your missed days," wika ko.
"But I missed you too, Griss. Our beloved baby girl," wika niya sa akin at ngumiti ng ubod ng tamis. It was genuine. Nakakainsulto. Para akong gago ngayon dito sa kinatatayuan ko.
May babaeng naka-angkla sa boyfriend ko pero wala akong magawa. Nakakabobo talaga ang ganitong sitwasyon. Parang nanaisin mo nalang pumatay.
"Aalis na ko Cyan, dumaan lang din naman ako dito dahil may sinabi ako may Ayler. Magpakasaya muna kayo mga kaibigan," saka na ako tumalikod at mabibigat ang kabang na nilisan ang sitwasyon na iyon sa opisina.
Tangina!
"ANONG ginagawa mo rito?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Neptune na nagtitimpla ng kape. Nasa pantry kasi ako ng Phyrric at hindi ko alam bakit dito ako dumeretso. Siguro dahil ito ang hindi puntahan ng mga agent?
"Kaibigan na ba kita ulit?" This smart mouth of mine should receive some punishment, hindi alam magpreno.
"I do love you, but we can still be friends. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo kung iyon ang iniisip mo. Kaibigan mo ako noon, gano'n pa rin hanggang ngayon," wika niya saka iniabot sa akin ang kapeng itinimpla niya at naupo sa tabi ko.
"Malaki naman ang tiwala ko sa'yo," wika ko kay Neptune saka kinuha ang kape. "Nagalit lang ako pero hindi naman sisirain ng galit na 'yon 'yong pagkakaibigan natin na matagal nating binuo," saka ko siya nginitian.
Ginulo niya ang buhok ko kaya't mabilis kong hinawi ang kamay niya. "Ayan gusto ko sa'yo, mabilis kang makamove-on."
"Sana nga Neptune, mabilis lang."
"May problema ka ba?" Usisa niya sa akin kaya't muli kong naibaling ang tingin ko sa kanya.
"Pwede bang sa inuman ko sabihin? Wala yata akong lakas ng loob," turan ko na sinabayan ko ng tawa.
"Alam mong ayaw kong umiinom ka," seryosong wika niya sa akin.
"Gusto ko lang muna sanang may pagbalingan ng atensyon ko," sagot ko sa kanya.
"Sinaktan ka na ba niya?" Ramdam ko na may galit at hinanakit sa tinig niya.
"Ako lang siguro ang nagpapasakit sa sarili ko?" Saka ako tumawa na may halong sarkastiko.
"If he's giving you reasons to get mad, then get mad. Huwag mong pigilan, baka atakihin ka dyan, ay wala ka nga palang dibdib," Neptune really knows how to light up my mood.
"Sira talaga 'yang ulo mo!" Saka ko siya inambaan ng suntok na tinawanan lamang niya.
"Gusto mo ba talaga magbar?" Tanong niya na ikinatango ko.
"Tara na kasi. Hindi ako magpapakalasing, promise!" At itinaas ko pa ang kamay ko na animo nangangako.
"Fine," pagsuko niya saka ako inakbayan.
Kaya ayokong mawalan ng kaibigan na mapagsasabihan, dahil hindi ako ganoon kagaling magdala ng problema. Nakakatakot na baka kung saan ako dalhin ng galit, takot, at hindi magandang nararamdaman ko.
Nakasakay na kami sa sasakyan ni Neptune nang tumunog ang telepono ko at bumungad ang pangalan ng taong ayaw ko muna sanang maka-usap sa ngayon.
"Baby."
"Let me breathe. Ayokong kausap ka ngayon," kung hindi ko gagawin ang barahin siya ngayon baka hindi ko na magagawa dahil sa tinig niya na animo nagmamakaawa.
"Baby please, let us talk," ito na nga ba ang sinasabi kong hindi ko alam kung matatanggihan ko siya.
"Tapos na ba kayong alalahanin ang nakaraan niyo? Sabihan mo 'ko kung tapos na," puno ng kasarkastikuhan na wika ko. Kailangan kong panatilihin ang ganitong ekspresyon ko kung hindi talo ako.
"Please Griss, let me explain. Marami kang dapat malaman at marami akong dapat na ipaliwanag sa'yo. Let us talk," pagmamakaawa niyang muli. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng tinig niya ngunit pinipilit ko ang sarili ko na hindi mahulog sa patibong na ito.
"Nasaan ka?"
"I'm with her. Nagpasama siya sa akin dito sa bar, but I can leave her just to see you baby. I miss you," damn you Mondragon! You're making me insane!
"I'll see you at 11pm in your condo," sagot ko sa kanya.
"Bakit 11pm pa? Can't it be right now?" Tila nagpanting ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Sa lahat ng may kasalanan, he's the bossy and arrogant.
"Hindi lang ikaw ang may karapatang mag-bar, Ayler. I have all the rights and I can drink whatever I want--- with whoever I want," saka ko mabilis na pinatay ang tawag.
"Mr. Mondragon?" Napalingon ako kay Neptune na siyang nagmamaneho.
"Yeah," tipid na sagot ko at inilingon ko na ang paningin sa daan.
"I guess, his nightmare just cameback," muli akong napalingon sa sinabing iyon ni Neptune.
"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ko dahil tila ako binundol ng kyuryosidad sa sinabi ni Neptune.
"Hindi gaya si Ayler ng pagkakakilala mo sa kanya Griss. He's in love with you? He's possessive to you? He's teritorrial when it comes to you? Get back to your senses, matalino ka at magaling mag-imbestiga. You can do better," tila punong puno ng paalala ang mga salitang iyon ni Neptune sa akin.
"Just go straight to the point," may laman ang mga salita kong iyon na kung siguro sa perspektibo ng iba ay maaaring nakakatakot.
"Hindi ikaw ang una Griss. Ayler once had that attitude noong ako pa ang nagbabantay sa kanya. You're lucky to have him? No. He did the same thing to someone named Cyrill Anne, also known as Cyan. Your childhood friend."
Tila panandaliang huminto ang inog ng mundo ko. Tila ako binuhusan ng tubig na punong puno ng yelo na nagpamanhid sa akin.
Ngayon bumalik na siya, paano na ang isang substitute na gaya ko?
All this time, here I am thinking what we have is special, thinking that I am so lucky to have him, thinking that I caught a diamond in a car full of trash. I must have been fooled. Damn me.
But what he showed me these past few days were enough for me to believe him.
Pero hindi na sana siya nagsinungaling na mula noon hanggang ngayon ay ako lang kung may iba pala, kung may dinaanan pala siyang bus stop along the way.
Napigilan ang pakikipagtalo ko sa isip ko nang bigla na lamang may kumatok sa bintana ng sasakyan at nakita ko si Neptune. Nakahinto na pala kami hindi ko man lamang napansin.
Pumasok kami ni Neptune sa bar at ako ay dumeretso sa counter kung saan mukhang handa na ang bartender para sa mga nais kong inumin.
"Everclear, ten shots." Walang pakundangan kong pahayag sa bartender na mukhang ikinabigla nito.
"S--Sigurado po ba kayo----"
"Just fucking give me what I asked kung ayaw mong pasabugin ko 'yang bungo mo," malamig na turan ko rito saka ko tinaliman ng tingin.
"Just give her what she asked," tinig iyon ni Neptune na nasa gilid ko na pala. "Nangako kang hindi ka maglalasing tapos ten shots of everclear, anak ka talaga ng katigasan ng ulo Griss Nairen," dinig kong sermon niya ngunit ipinag-kibit balikat ko na lamang ito.
Kung nasasaktan ka, iintindihin mo pa ba ang sermon ng iba? Nakakabobo. Hindi pa 'ko niloko pero para na akong naloko sa ginawa niya. Dapat hindi ako nagtiwala sa kanya. Sabagay, sinong magtitiwala sa taong nang dumating ang ex-lover niya ay na-etsepuwera ka? Wala, ako lang. Napakatanga.
Hindi ko alam kung nakakailang baso na ako basta ang alam ko para na akong abno dahil nahihilo na 'ko, at talagang umiikot na ang mundo.
"Ihahatid na kita, Griss. Tinawagan ko na rin ang kuya mo na abangan tayo sa gate," wika ni Neptune saka ako inalalayang tumayo. Hindi ako makatanggi dahil totoong nahihilo na 'ko.
"Haaay, Eulyco. Ano nalang ang isang Griss Nairen kung walang taga-alaga na gaya mo," sisigok-sigok kong wika. Malala na talaga ang tama ko.
"Mas okay na 'to kaysa iwasan mo 'ko," makahulugang sagot niya sa akin saka kami naglakad palabas ng bar.
Saktong nasa may pintuan na kami ay halos nagkagulatan pa kami dahil narito rin pala ang walanghiya kong boyfriend kasama ang ex-lover niya na naka-angkla pa sa kanya.
"Griss!" Hindi ko gustong paniwalaan, pero bakas talaga sa tinig ni Cyan ang pag-aalala nang makita ako.
"Excuse us, lasing na siya. Iuuwi ko na sana," rinig kong tugon ni Neptune sa kanila.
Naiiwas ko ang ulo ko nang makita ko ang nagbabagang mga mata niya na nakamasid sa akin. Wala akong pakialam sa kanya ngayon. Kupal siya! KUPAL NG INA!
"Ako na ang maghahatid sa kanya," wika niya ngunit halos yumakap na ako kay Neptune dahil ayaw kong sumama sa kanya at ayokong makasama siya!
"Just let them be, Ayler. Eulyco was once your bodyguard, hindi naman niya siguro gagawan ng hindi maganda si Griss," wika ni Cyan. Nanggigigil ako sa kanya kahit wala siyang ginagawa sa'kin at nagiguilty ako dahil doon! She's so fucking nice, how can I fucking hurt and hate her!?
"But---"
"Ayokong magpahatid sa'yo, kasing baho mo 'yong sasakyan mo kupal!" Saka ko hinatak palayo si Neptune.
"Hindi na rin ako magpapahatid sa'yo, Ayler. Hintayin mo nalang ako sa office mo bukas. I'll show you my surprise for you," dinig ko pang sabi ni Cyan bago kami tuluyang nakalayo ni Neptune.
Isurprise ko rin kaya sila? Pasabugin ko mga nguso nila?
MASAKIT ang ulo ko ngayon na naglalakad patungo sa opisina niya. HINDING HINDI NA TALAGA AKO IINOM KAHIT KAILAN!
Nang marating ko ang opisina niya ay nakaupo siya at nakamasid na sa akin. Tila ba kanina pa siya nakamasid sa pintuan na pinasukan ko para masalubong niya ng ganito ang mga mata ko.
"You promised me that we'll talk," may diin at galit sa tinig na iyon. "But you enjoyed your night out with your suitor."
"Ang dami mong alam tungkol sa akin, pero ako walang alam sa ilang siglo ng buhay mo," sarkastiko kong saad sa kanya.
"Sinabi kong handa akong magsabi basta't kausapin mo---"
"SANA SIMULA PALANG NAGSABI KA NA! HINDI SANA AKO NAGPATIRA SA'YO! HINDI SANA AKO NAHULOG SA MGA TIRADA MO!" Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mga salitang iyon mula sa mga labi ko.
Napangiti siya ng mapait sa sinabi ko. "May nakarating na siguro sa'yong balita para maging ganyan ang reaksyon mo."
"Kahit walang balita, Ayler. Kung ikaw ang nasa katayuan ko kahapon, kakayanin mo bang may hahalik sa akin sa harap mo mismo---"
"HELL NO---"
"EXACTLY MY POINT!" At naglakad ako palapit sa kanya saka ko siya kinuwelyuhan. "Hindi mo alam gaano kasakit na makitang may ibang humahalik sa pag-aari mo, hindi mo alam gaano kasakit na may bigla nalang babalik at aangkinin 'yong alam mong sa'yo, at hindi mo alam gaano kasakit na 'yong taong nangakong ikaw lang ang titirahin at sa'yo lang titigasan, ay yayakap ng ibang babae sa harap mo mismo. Hindi mo 'yon alam!" Pigil na pigil akong maglandas ang mga luha mula sa mata ko. Ayokong maging talunan.
Sasagot na sana siya nang bigla na lamang tumunog ang intercom sa mesa niya.
"S--Sir, nandito po si Ma'am Cyan, papapasukin ko na po ba?" Nang marinig ko iyon ay agad kong binitawan ang kwelyo niya at inayos ang sarili ko. Pinahid ko rin ang mga nangilid na luha sa mata ko.
"Let her in," wika niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cyan......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
Na may kasamang batang babae.
"Surprise Daddy," wika ng batang babae saka mabilis na tumakbo patungo kay Ayler at niyakap siya sa tuhod.
"Sorry for the very late introduction, Ayler. She's Ayrill Liane Mondragon. Our five year old daugther. I combined our names to form hers."
My world just got destroyed. Paano na 'ko?
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top