EPILOGUE

GRISS

      

Narito kami ngayon sa Phyrric ni Ayler at si Ayrill naman ay isinama ni tita Aiyell para mamili ng mga gagamitin niya para sa pagpasok niya sa eskwela. Kahit na nagpilit kami ni Ayler na kami na ang bibili, si tita Aiyell pa rin ang nasunod kaya't wala kaming nagawa. What tita Aiyell wants, tita Aiyell gets talaga.

     

"Buntis!" Sigaw sa akin ni Syreen kaya't agaran akong napalingon sa kanya. Lumapit siya sa amin ni Ayler saka tinignan ng masama si Ayler. "Tulis naman talaga."

         

Nginisian siya ni Ayler. "Iba ang karisma ng isang Freezell Mondragon," pagyayabang nito.

        

Napailing si Syreen at ngumisi. "Hinding hindi ako maiinlove sa isang Freezell na may tama sa ulo. Itaga mo 'yan sa abs ni Ji Chang-wook!"

      

"Huwag kang magsalita ng tapos," napalingon kami sa pagpasok bigla ni Aeignn sa senaryo.

       

"Aeignn," bati ni Ayler dito.

        

"Kuya," sagot naman nito pabalik. "Mom is asking the two of you at the interrogation room."

           

Nagpaalam ako kay Syreen saka na namin tinahak ang daan patungo ng interrogation room. Malapit na kami nang may makita akong babaeng hindi pamilyar sa akin na nakaupo sa isang bench.

          

"Aeignn." Pukaw ko sa atensyon ni Aeignn kaya't napalingon siya sa akin.

      

"Why?" Tanong nito.

        

"Sino 'yong babaeng 'yon?" Usisa ko. Hindi lang ako sanay na may ibang mukha sa loob ng Phyrric. Kilala ko rin kasi ang mga babaeng umaaligid sa mga Freezell kaya't naninibago talaga ako.

         

"She's Lindzzy Sebastian, a college student," tipid na sagot sa akin ni Aeignn.

       

"Obvious naman 'yon, naka-uniform pa. I mean, anong ginagawa niya rito? New agent ba---"

       

"Definitely not. She's so timid," maagap na sagot sa akin ni Aeignn.

   

"So, ano palang ginagawa niya rito?"

       

"She's with---" hindi natapos ni Aeignm ang sasabihin niya dahil may biglang umakbay sa kanya. It was Leik Andrey Freezell-- Laugthner. Pinsan din nila Ayler.

        

"Aeignn! Kanina pa kita hinahanap," nakangiting wika nito saka bumaling sa amin. "Nandito pala kayo. Hi kuya Ayler and Griss!" Masayang bati ni sa amin.

        

Bumati lamang ako pabalik dito. Hindi mo iisipin na malokong bata itong si Leik dahil ngayon ay nakasuot ito ng pormal na damit.

       

"Kapid na kapid ang pagiging professor ah brader!" Pang-aasar ni Ayler ngunit ngumisi lang si Leik at nagkibit balikat.

        

"Alam mo naman, kuya. Nakakapogi at nakakalas talaga ng appeal ang ganitong mukha," mayabang na pahayag nito.

      

"Yeah. O'siya, puntahan na muna namin si tita Aeickel. May sasabihin daw," pagpapaalam ni Ayler dito.

     

Nang makarating kami sa interrogation room at naroon si master habang kaharap si Sera na ngayon ay nakangisi.

         

"Sit down," utos ni master na agad naman naming sinunod ni Ayler.

        

"Bakit kailangan pang narito ang dalawang iyan? Hahatulan mo lang naman ako kung papatayin mo na ako o patuloy pa rin na papahirapan," nakangising wika ni Sera ngunit bigla na lamang nagkasa ng baril si master at tinutok ito sa noo niya.

        

"Don't be smart with me. Kung ako lang ang masusunod, matagal na kitang pinatay. I have low tolerance pagdating sa mga kagaya mong wala sa katinuan," malamig na turan ni master dito na nagpatahimik sa kanya.

      

"Ano po bang sadya namin dito?" Tanong ko.

        

"Kayo ang na-agrabyado ng babaeng ito, kaya kayo ang magdedesisyon sa sasapitin niya sa Phyrric---"

      

"Kung ako ang tatanungin mo, let her suffer in a cell na walang kahit na sinong makakarinig sa kanya. Let her taste what she did to my son, iyong nais mong gawin ang gusto mo ngunit hindi mo magawa dahil tinapos ka na," tinig iyon ni boss Flame na nasa likod pala namin.

    

Miss na miss ko na si Neptune.

       

"I agree with Sir Eulysis," wika ni Ayler na ikinatango ko rin.

      

Nakita naming nanlaki ang mga mata ni Sera at nagpapasag. "NO! HINDI NINYO GAGAWIN SA AKIN IYAN!"

          

That's the truth. Insane game makers hate being alone. Takot silang walang nakikita at napaglalaruan.

          

"Then it's final. Sera Aragon will now face the ultimate punishment--- blank cell punishment," pahayag ni master na kapwa namin sinang-ayunan.

        

"NOOOOOOOOOOOO!!!"

     

Blank cell punishment, isang parusa kung saan ilalagay ka sa isang tahimik na selda at doon ka nalang kusang mamamatay.

       

     

      

     

     

NAGLULUTO si Ayler ng ihahapunan namin ngayon. Wala nanaman sa amin si Ayrill dahil iyon at hiniram nanaman ni Mommy Aiyell. Malapit ko na tagang ipapalit ang pina-ayos naming birth certificate ni Ayrill at si Mommy Aiyell na ang ipapangalan kong ina. Why Mommy?

    

IKINASAL LANG NAMAN AKO NOONG NAKARAANG LINGGO! HINDI LANG IYON, IKINASAL NA LAMANG AKO NA WALANG PROPOSAL NA NAGANAP! WALA NA TALAGA AKONG MASASABI SA ISANG AYLER LIAM MONDRAGON! LAHAT NALANG SA AMIN BIGLAAN!

     

Biglaan ang unang pagniniig, biglaan ang pagiging mag-nobyo, biglaan ang pagkakaroon ng anak, at biglaan ang pagpapakasal! Gustong sumama ng loob ko, pero at the back of my mind, alam kong hindi mangyayari ang lahat nang iyon kung hindi ko rin naman ginusto. Ako na ang marupok, e 'di oo.

      

"Baby, anong gusto mo sa menudo, medyo may tamis o mas lamang ang asim at alat?" Tanong niya habang nagluluto at hindi naman nakalingon sa akin.

      

Sasagot na sana ako nang bigla kong maramdaman ang paghilab ng tyan ko. Imposibleng manganganak na 'ko, next week pa ang due date ko!

        

"A--Ayler," tawag ko sa kanya na agad naman niyang ikinalingon sa akin.

       

"Yes, baby? May masakit ba?" Tanong niya sa akin.

       

"...kapag manganganak ka na, agad mo akong tawagan o kaya ang Mommy Ruiza mo, hindi mo mapapakinabangan si Ayler, believe me..."

      

Para bang otomatikong nag-flashback sa utak ko ang natatanging paalala sa akin ni tita Aiyell.

     

"C--Can you call my mom? Pakisabi urgent," kunwaring walang alam na wika ko pero ang totoo ay akala mo pinapatay na ako sa sakit ng tiyan ko!

        

"T--Tell me the truth," utal na wika niya na lalo kong ikinakaba. "M--Manganganak ka na ba?"

     

Ito na ba? Ito na ba ang tinutukoy ni tita Aiyell? NAWAWALAN NA NG KULAY SI AYLER. PARANG ANY MOMENT MAWAWALAN NA SIYA NG MALAY TAO.

      

"Ahmmmm, oo?" Sa gulat ko ay imbes na mahimatay ay napasalo siya sa dibdib niya na animo inaatake na sa puso habang nakahawak sa door handle ng refrigerator.

        
       

Pinilit kong tumayo at hinanap ang telepono ko. Tinawagan ko si Mommy at mabuti na lang nasa malapit lang sila ni kuya Lexin.

          

Hawak ko ang tiyan ko habang nakatingin ngayon kay Ayler na gumagapang na tila apat na buwang sanggol.
           

"A--Ayler Liam, tumayo ka nga dyan! Bumaba na tayo," paghingi ko ng tulong at tila naman naintindihan niya ako.

       

Inilalayan niya ako ngunit para siyang nutcracker maglakad hanggang sapitin namin ang elevator. Wala kaming kasabay at ipinagpapasalamat ko iyon dahil itong kasama ko nag-oorasyon!

      

Kung maaari ko lang pabilis ang elevator para lang talaga makawala na ako.

         

Halos magpasalamat ako sa lahat ng anito nang biglang bumukas ang pintuan ng elevator at nabungaran ko si Mommy at kuya Lexin. "Griss!" Agad akong kinuha ni Mommy mula kay Ayler at ilalayan nila akong maisakay ng kotse. Si Ayler ay nauntog pa sa salamin dahil hindi niya binuksan ang pinto ng passenger's seat.

       

JUSKO PATAWARIN!

    

     

     

    

    

AYLER

      

Alam ko kung anong nangyayari sa paligid ngunit tila hindi iyon masabayan ng isip at katawan ko. Para bang nanlalambot ako at ang nais ko pang ay sundin ang ninanais ng katawan ko.

       

Nang maipasok na si Griss sa delivery room ay siya namang pagdating ng angkan ko. Si Daddy, kasama sina Lolo Loard, Led, Leriz at Lexir.

          

"Nailabas na ba ang bata?" Tanong ni Mommy ngunit tila hindi iyon nagustuhan ng sistema ko at bigla na lamang akong naglakad patungo sa mga Lolo at Daddy ko na tila nagkakaunawaan kami.

          

Sinundan ko ang mga Lolo ko nang magsimula silang gumawa ng isang bilog saka.......

       

"Shit! Magsisimula na silaaaaa!" Tinig iyon ni tita Leickel na kadarating lamang.

           

Naghawak-hawak kami ng aming mga kamay at nagngisian sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong elemento ang sumapi sa akin at nagsimula akong magpaka macho dancer saka.....

      

"BUBUKA ANG BULAKLAK PAPASOK SI AYLER, SASAYAW NG CHACHA ANG SAYA-SAYA!" Sigaw nila at mabilis ko namang ginawa. Kumendeng kendeng akong wala sa patna sa gitna. Ang heaven sa pakiramdam sheeeet! Nakakakilig ang feeling.

             

"FREEZELL! MONDRAGON!" Lahat kami ay napahinto sa malakas na hiyaw na iyon at bumungad sa amin si Lola Cassy habang nakataas ang kilay. "HINDI NA BA KAYO TITINO?"

         

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa amin ni Daddy at mga Lolo na pumila saka nagsimulang lumakad patungo kay Lola.

       

"MAY ISANG LOLA KAMING NAKITA, MASUNGIT, MAGANDA, MATANDANG LOLA, NGUNIT ANG TUNGKOD NIYA SA HARAP AY IISA, SIYA ANG LOLA NA NAGSABI NG KWAK-KWAK---" Hindi namin natapos ang kanta dahil bigla na lamang kaming pinaghahampas ni Lola ng tungkod niya.

       

"Mga animal kayo, hindi na kayo tumino!" Singhal niya sa amin ngunit imbes na magalit ay tila kami naging Voltes 5 na muling nagbuo.

      

"PANAHON NA PARA MAGHASIK NG LAGIM!" Sigaw ni Lolo Loard.

          

Magsisimula na sana kaming kumanta nang bigla na lamang gumitna si Ayrill at tinignan kami bago ngumiti.

         

"Nandya na po ba 'yong baby namin? Hihihi."

      

*BLAAAAAAG!!*

     

*BLAAAAAAG!!*

     

*BLAAAAAAG!!*

     

*BLAAAAAAG!!*

    

*BLAAAAAAG!!*

    

Tumumba na ang mga Lolo ko pati si Daddy sa sinabi ni Ayrill.

     

Matatag ako. Matatag ako. Hindi ako tutumba. Anak ko 'yon. Hind ako tutumba. Bundok ng apo, bulkan ng mayon, bundok ng arayat, bulkan ng taal, lahat ng mga diwatang nagbabantay sa inyo patatagin ninyo ang kalooban ko! WAAAAAAAAHHHHHH!

      

"DADDY! 'YONG YOUNGER SIBLING KO PO?"

        

*BLAAAAAAG!!*

     

"NATUMBA LANG AKO! HINDI AKO PINANAWAN NG ULIRAT! I'M THE WINNER! I'M THE WINNER!" Alam kong para akong tanga pero hindi ko talaga makontrol ang sarili ko.

   

Nalingon ako sa paligid at bigla na lamabg nagsitayo sila Lolo at Daddy saka pumila.

           

"ARE YOU READY KIDS!?" Sigaw ni Lolo Leriz at parang may sarili utak ang paa ko na humanay sa pila nila.

       

"I love youuuu, you love me let's go there and kill barney!" Saka pa kami nagpapadyak na tumungo kung nasaan si Griss. Nakahawak lang ako sa bewang ng nasa harap ko na nagsisimula ng kumendeng kendeng kaya't napagaya na ako!

       

""Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Dora, dora, dora the expolorer!" Pamumuno ni Lolo Leriz.

     

"C'mon vàmonos , everybody let's go! C'mon let's get do it. I know that we can do it!" Sagot naman namin.

     

       

Saktong papasok na sana kami sa delivery room nang makarinig kami ng malakas na sigaw ni Griss.

      

"KUPAL KANG MONDRAGON KAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

       

"HALAAAAAAAAAA!" Tiling ganti koooo. "BAKEEEEEEEET!???? Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants! Absorbent and yellow and porous is he! SpongeBob SquarePants! If nautical nonsense be something you wish. SpongeBob SquarePants! Then drop on the deck and flop like a fish! SpongeBob Squarepants!" POTA! BAKIT ALAM KO 'TONG KANTANG 'TO!!!?

        

"HINDI KA NA MAKAKAISA KAHIT KAILAAAAAAAAAN KUPSSSSSSS!!"

         

"PUPUTUKAN PA RIN KITAAAAAAAAAAAA TIBSSSSSSS! SA'YO LANG TITIGASAN! SA'YO LANG PUPUTOK!" Nabobobo na 'ko sa isasagot ko sa kanya.

    

Biglang tumahimik ang paligid at nangibabaw ang iyak ng isang sanggol!

     

"S--SANGGOL!?"

     

*BLAAAAAAAAAAAAAAAAG!!*

      

      

    

  

GRISS

      

"Ayler, please ikaw na muna ang pumunta sa anak mo. Pagod na 'ko," wika ko saka ako nahiga. Kanina pa nakikipaglaro ang batang iyon sa amin at tila walang kapaguran.

         

"ARKAEL NAIZE HEITON-- MONDRAGON! Sinabi ko na sa'yongako lang ang may karapatang pumagod sa Mommy mo, ano nanamang ginawa mo!?"

       

(Pronunciation: Arkael Neyz)

    

At ganoon pa ang ama. Maaga ka talaga puputian ng buhok sa kanilang dalawa!

       

"Mommy, can I go to Lola Aiyell and Lolo Cloak po bukas?" Wika ni Ayrill na kakapasok lamang ng kwarto namin ng Daddy niya. Mabuti nalang at mabait at madaling kausap itong panganay namin.

       

"Of course baby, pero magbebehave lagi ha? And---"

      

"Hindi pwede pong maging spoiled brat," dagdag niya sa sinasabi ko na ikinangiti ko. I love Ayrill and Arkael so much. Walang tulak kabigin sa kanilang dalawa kahit pa hindi ko tunay na anak si Ayrill. Para sa akin, silang dalawa ang kayaman namin ni Ayler.

        

Lumabas si Ayrill ng silid namin at siya namang dating ni Ayler habang karga ang gwapong-gwapo kong anak na ngayon ay nakangiti sa amin. Hindi maipagkakailang anak siya ni Ayler at apo ni Mommy Aiyell. Kuhang kuha niya ang mga mata nila.

        

"Ma-ma," bibong wika nito. Walong buwan pa lamang kasi siya.

         

"Yes, baby? Ayaw mo ba kay Daddy?" Bigla itong tumango na ikinatawa ko.

         

"Si Mommy ba, gusto kay Daddy? Pwede bang si Daddy naman ang dumede kay Mommy---"

      

"AYLER LIAM JUSKO!!" Sigaw ko ngunit tinawanan lamang niya ako kaya't tumawa pati si Kael. Lumapit sila sa akin at niyakap ako bigla ni Ayler.

         

"I love you," bulong niya sa akin.

       

"I love you too, so much, and most." Sagot ko bago lumayo sa kanya at hinagkan siya sa mga labi.

       

Wala na akong hihilingin pa. Hindi kami mga perpektong tao, at perpektong pamilya ngunit sapat na ang mayroon kami, para maging masaya.

       

THE ARROGANT CLIENT I once had, turns to be THE MISCHIEVOUS FATHER of my children. Ano pang hahanapin ko? Freezell at Mondragon na, aayaw ka pa ba? Minsan hindi rin masamang maging tibo, kasi doon ka pa pala mahuhulog sa tamang tao--- no, siguro hindi tamang tao, baka sa isang tao na gagawin mong tama para sa'yo.

     

This is me, Griss Nairen Heiton-- Mondragon, the wife of the ever arrogant Ayler Liam Freezell-- Mondragon and this is our story.

     
--

   
~ The End

    
Natapos ko po ito nang wala mab lang isang buwan. Hehehe.
Thank you so much sa mga nagmamahal sa akin na hanggang dito at sinundan ako. Mahal ko kayo, alam kong alam ninyo 'yon. SANA PO PATULOY NINYO AKONG SUPORTAHAN.

     
NEXT STORY: FREEZELL SERIES #7

➡️ THE SECRETIVE PROFESSOR

    
Kups and Tibs.... 'til next time. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top