Eighteen

GRISS

       

"Nasa loob ba siya ng opisina?" Tanong ko kay Sera na ang atensyon ngayon ay nasa xerox machine.

       

"Oo, pero may kasama siya," sagot sa akin nito na ikinatango ko na lamang.

      

Gaya ng nakagawian ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko ipinihit ang seradura ng pinto.

         

"You're going far away, Daddy?" Tinig iyon ni Ayrill kaya't mabilis akong napatigil sa tuluyang pagpasok at naiawang ko lamang ang pinto.

         

"It is just a business meeting, Ayrill. Daddy will comeback after three days," mabait na sagot niya sa anak niya. Parang tinatarak ang puso ko?

     

Nakakatawang isipin na pagkatapos kong mahibang kagabi at mangarap na magka-anak siya sa akin ay narito ako ngayon at naririnig ang usapan nilang mag-ama.... anak nga niya ngunit hindi sa akin.

          

"Hindi pa rin natin napag-uusapan ang gagawin natin sa pamilya natin, Ayler." Tinig iyon ni Cyan na animo nagpasakit ng dibdib ko. Pamilya natin? Ako dapat 'yon.

          

"After this business meeting I will settle everything---"

       

"Does that includes marrying me?" Mabilis kong nailagay ang kamay ko sa bibig ko sa itinanong ni Cyan. Kulang ang salitang gulat  sa akin.

       

"Yes, Cyan. That includes my decision of marrying you," parang mas lalong nagpasakit ng dibdib ko ang sagot niya.

      

Umaasa? Bobo na kung bobo, tanga na kung tanga, pero oo. Nakakabobo na isang araw ako ang mahal, sa sumunod na araw may iba nang aalukin ng kasal.

     

Hindi naging sapat ang isang buwan para makalimutan ko siya at maging lahat nang mabubulaklak niyang mga salita. Kahit anong pilit pala nating kalimutan ang tao, kung hindi naman siya sa utak mo nakaukit,  wala rin. Paano ba mabubura kung sa bobong puso mo siya tumira?

      

"Thank you, Ayler." Narinig kong sagot ni Cyan.

       

Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumasok at nakita ko ang gulat na mata nilang dalawa.

      

"Good morning, reporting for duty." Pukaw ko sa atensyon nila saka naglabas ng pekeng ngiti.

       

"Ikaw, Griss! Bakit hindi mo sinabi sa akin na agent ka pala? Akala ko pa naman kung ano ka na ni Ayler," dumagundong ang kabog ng dibdib ko sa sinabing iyon ni Cyan. Hindi ang parte kung saan isang agent ako, kung hindi roon sa inisip niya kung anong mayroon kami ni Ayler. If she only knew, baka kahit sulyap ay hindi niya ako payagan.

       

I love the man you wanted to marry. I had sex with the man you wanted to be with. I was praised and pleasured by the man you wanted to be a father to your child.

     

I mentally slapped my face for whatever I was thinking. Kinakain na 'ko ng katarantaduhan ng utak ko.

       

"Sorry. There are company rules kasi na kailangan sundin and that includes company and individual confidentiality," magalang na turan ko saka ngumiti.

          

"Pero hindi mo naman gusto si Ayler, hindi ba?" Napaka-alanganin ng tanong niyang iyon na sumilay pa ang isang awkward na ngiti sa labi niya.

      

I don't like him. I love him.

      

"Of course not. Sinong magkakagusto sa kupal na 'yan? Ikaw lang, Cyan." I silently thanked my tongue for not stuttering.

         

Tumawa siya sa sinabi ko at tumango. "Akala ko rin noon si Ayce ang gusto ko, but it turns out that Ayler took a huge place in my heart. Tignan mo nga at nagbunga pa," tumatawang wika niya.

       

If she only knew na ang mga ngiti niyang iyon ay nagsisimulang dumurog sa akin at nagtatayo ng kademonyohan sa pagkatao ko, baka hindi niya na iyon hayaan na masilayan ko.

        

"...Ayrill was made out of my sin..."

     

Naalala ko nanaman ang mga binitawan niyang iyon na nais ko sanang malaman kung ano ba talagang nilalaman.

       

"Bagay naman kayo and Ayrill is so pretty. Maganda ang naging bunga," darn you Griss Nairen!

            

"Are you a woman po ba?" Bigla akong napatingin kay Ayrill dahil sa tanong nito. "You're so handsome po, even more handsome than my Daddy."

     

Nilapitan ko ang bata at hinaplos ang buhok nito. Paano ko wawasakin ang inosenteng nilalang na 'to? Paano ko magagawang agawan ng kinabukasan ang walang muwang na 'to? At paano ko aagawan ng ama ang batang mula nang maisilang ay napagkaitan ng isang buong pamilya?

       

"I am tita Griss, your Mommy and Daddy's childhood friend. I may be more handsome than your Daddy, but unluckily, tita Griss is a naturally born woman." Nakangiti kong paliwanag sa kanya.

        

"I see. I once saw your picture in---"

       

"Ayrill, saan mo gustong kumain?" Si Ayler ang pumutol sa sasabihin ng anak niya kaya't wala akong nagawa.

     

Nagliwanag ang mga mata ng bata at maagap itong sumagot. "JOLLIBEE!"

       

I want my own child. I want it so badly. Para akong mababaliw sa nararamdaman ko habang kaharap ko silang dalawa.

           

       

      

     

    

  

  
KALALAPAG lamang ng eroplano at ito kami ay kanya-kanya sa pag-aasikaso ng mga gamit namin.

           

"Nawawala 'yong pouch ko, hon!" Narinig kong iritadong wika ng isang babae kaya't napalingon ako dito.

         

"Tignan mo lang dyan, huwag kang maghisterikal," sagot no'ng lalaki sa kanya na sa palagay ko ay asawa niya.

        

"Wala nga kasi!" Sigaw ng babae.

        

"Mahalaga ba 'yon? Anong laman? Kung hindi naman hayaan mo na. Naroon na sa baba ang service," wika ng lalaki.

        

"N--Nothing," utal na sagot ng babae.

      

"It is not your job to get curious about other people's business. Tara na," napalingon ako kay Ayler at malalamig lamang niyang mata ang sumalubong sa akin. Those loving eyes of his whenever he looks at me before, was long gone now.

       

Sumunod ako sa kanya at malaking van ang sumundo sa amin. Mabilis lamang ang naging byahe namin at ilang minuto lamang ay narating na namin ang hotel na rented for this business meeting.

       

Dumeretso kami sa front desk at mukhang nakilala ng receptionist si Ayler. "Mr. Mondragon?"

      

"Yes, please." Maagap na sagot naman niya.

        

"Room 0119 po." Nakangiting sagot ng babae.

       

"And?"

     

"Ano pong and?" Tila naguguluhan na sgaot ng babae sa kanya. "Sinabi po ni Mr. Teodoro na hindi niyo naman daw po kasama ang inyong sekretarya kaya't isang room lang po ang reserved para sa inyo," para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong iyon.

        

"No miss. I told Mr. Teodoro na hindi ko kasama ang sekretarya ko but I am with my bodyguard," halatang nagtitimpi na ang mga salita niya.

    

"All rooms were occupied po, Sir. Sorry." Kita ko naman ang sinseridad ng paghingi ng paumanhin na babae pero hindi naman maalis ng paumanhin niya 'yong katotohanan na wala akong tutulugan.

        

"Fine. I'll just share room with my bodyguard," madaskol na wika niya saka marahas na kinuha ang susi at umalis na.

       

Sinundan ko siya ngunit may tinig na pumigil sa akin. "Sir, may nakasabit pong maliit na pouch sa maleta niyo," wika ng babae kaya't napalingon ako doon at nakita ko ngang may maliit na pink pouch ang nakasabit sa maleta ko.

       

Ito pa yata ang hinahanap no'ng babae.

    

Mabilis ko itong kinuha at nagpasalamat sa babae saka na ako maagap na sumunod sa mayabang na nilalang.

           

Nasa silid na niya kami at nakita kong nakaupo lamang siya sa sofa. "This was a technical problem. Hindi natin parehong ginusto ito---"

        

"Were you bothered by my presence? Hindi kita hinihingan ng paliwanag, huwag kang defensive," wika ko saka ko binitawan ang maleta.

          

Tumingin siya sa akin saka ngumisi. "I'm not bothered at all."

       

"Anong nginingisi mo? Huwag kang mag-isip ng kahit ano, dahil parang pinagtaksilan mo na rin ang anak mo," wika ko saka ako pumasok ng banyo.

         

"Kaya kong magtaksil kung ikaw ang magiging dahilan," dahil sa narinig kong isinagot niya ay mabilis akong napalabas ng banyo.

          

"Kahit na anong dahilan, hindi naging maganda kahit kailan pa man ang pagtataksil," seryoso kong wika.

         

"I am not married, Griss."

      

"But you have a child now, and you are with the mother of your child."

       

"Wala pa akong sinabing papakasalan ko si Cyan," wika niya sa akin sa seryosong tono.

         

"Then why did you fucking leave me?" May pait na sa tinig kong iyon.

       

"I pushed you once, agad kang bumitaw."

      

Gusto ko siyang murahin sa isinagot niyang iyon sa akin.

       

"Sinong tanga ang ipinagtutulukan ka na, tapos pipiliin mo pa rin ang manatili---"

      

"Ako," putol niya sa akin saka tumayo at naglakad patungo sa gawi ko na nagpatuod sa akin. "Ako ang tangang kahit ilang beses mong inayawan, pinagpilitan pa rin ang sarili sa'yo, ako ang tangang kahit ilang beses mong hindi pinili ay sumige pa rin ng pagmamahal sa'yo, at ako ang tangang may anak sa ibang babae pero ikaw pa rin ang iniisip at minamahal."

       

"Enough, Ayler."

        

"Mayroon ka na ba talagang iba? Someone better, as what you've said?"

         

"I do have," sagot ko at nakita kong gumuhit ang mapait na ngiti sa kanya.

          

"Hindi ka handang magtaksil sa kanya?"

     

Wala akong pagtataksilan. It's always you. Walang hahawak sa aking iba, at wala na siguro akong mamahalin na iba. Tang ina, binuhos ko na sa'yo lahat.

      

"Pagtataksil? Does it even an option?" Saka ko siya itinulak palayo dahil masyado na siyang malapit sa akin.

        

"I missed you," bulong niya mula sa kung saan at rumehistro ang nangungulila niyang mga mata.

        

"Ayler!"

       

"God knows how much I wanted to drag you back in my arms pero alam kong patuloy lang kitang masasaktan kung magpapaka-makasarili ako," malungkot na pahayag niya sa akin.

       

"Pero bakit ngayon sinasabi mo 'yan!?" Galit na wika ko.

       

"Dahil hindi ko kaya, Griss. Sinasabi mo pa lang na may bago at mas higit sa akin, para mo na akong ginagago. You're giving me the pain I haven't experienced before."

      

"Wala ng tayo. Tinapos mo na. Now let me have the peace of mind with my new man. 'Yong walang ikaw na makikialam, 'yong walang ikaw na manggugulo, 'yong walang ikaw na gagawa ng kakupalan. Masaya na 'ko, sana ikaw rin." Unti-unti na akong gumagaling sa pagsisinungaling.

      

Kung itatanong sa akin saan ko kinuha ang mga katangahan na pinagsasasabi ko? Kung saan ko kinuha ang lakas ng loob? Sabihin nalang nating, sa kainosentehan ng batang si Ayrill. She deserves a life na hindi sisirain ng isang gaya ko lang.

          

"Hindi ko kayang maging masaya kung wala ka," damn this Mondragon! How the fuck does his goddamn brain works!? He was the one who pushed me away and now he's saying these words!? He must be really so fucking insane.

       

"Just deal with your own problem all by yourself, Ayler. Pagod na 'ko."

      

"Napagod din naman ako noon, pero hindi ako sumuko sa atin," hindi ko na alam kung anong gusto niya.

        

"Ano bang ginagawa mo ha!?" Saka ko siya nilampasan at naupo sa dulo ng kama. "Gulong gulo na 'ko sa mga gusto mo!"

         

"I want you back. I want my Griss back. I want my baby back."

          

"Yesterday you told me to be professional---"

        

"Dahil akala ko kaya ko."

       

"Tapos ngayon sasabihin mong gusto mo 'kong bumalik---"

       

"Dahil iyon ang totoo."

         

"Hibang ka na Ayler. Malabong malabo na ang takbo ng utak mo!" Singhal ko sa kanya ngunit bigla na lamang niyang inilang hakbang ang layo namin saka ako hinapit patayo.

        

"Hibang na hibang na 'ko. Totoo iyon. Hindi ko na alam ang takbo ng utak ko. Kapag nasa harap kita gusto kong angkinin ka, kapag nasa harap kita nasisira ang sistema ko, kapag nasa harap kita hindi ko nakokontrol ang sarili ko, at kapag nasa harap kita, bigla hindi na 'ko sigurado sa mga plano at gusto ko. You're my main function."

         

Nakakatuod ang bawat salita niya maging ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

         

"Don't---"

      

"Kapag hindi ko sinunod ang dinidikta ng puso ko, baka kung ano pang mangyari sa akin. I never loved Cyan. I never intended to have sex with her. I never wanted anyone else in this life of mine, except you Griss. You're all I want. Alam ni Mommy 'yon. I even begged her to asked you to be my private bodyguard years ago for some nonsense reason. It's always you. Kahit kailan hindi ka napalitan at kahit kailan hindi ka mapapalitan."

       

"Hindi ko alam ang isasagot ko."

      

"Malaki ang naging kasalanan ko kay Cyan pero sinabi niyang matagal na niya akong napatawad. Malaki ang kasalanan ko sa kanya, pero hindi ko kayang iyon ang magiging dahilan ng pagkawala mo sa akin. Handa na akong sabihin sa'yo lahat, just for you to stay with me, and just for you to choose me. Paniwalaan mo sana ako."

   

"Si Ayrill---" hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil pinutol niya ito ng mga salita niyang halos hindi ko kayaning marinig.

       

"I raped Cyan. Ayrill was made out of that sin of mine. I raped her mother."

    
--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top