Primero
HER EYES settled on top of the gate of the university. Mahina niyang tinapik ang dibdib niya dahil bahagya siyang nakakaramdam ng kaba. This wasn't the first time na pumasok siya sa loob ng university, she'd been here when she took the entrance examination.
Pero iba ngayon dahil papasok na siya bilang estudyante. Not just some stranger passing by.
"Hi! I noticed you've been standing here for a while. My name is Denise, you are?"
A beautiful woman approached her. They're on the same height, mas lamang lang ang babae sa harap niya sa porma. Numipis ang mga labi niya nang makita ang hawak nitong tumbler, putek, Aqua flask. Mayaman.
"Ah, naka harang ba ako?" tanong niya at lumingon sa paligid niya. Hindi naman.
"No, silly!" Tumawa ito at inilahad ang kamay sa harapan niya. "I'm new here, too. Let's be friends? Ano ang course mo? Or you're still a senior high student?"
Aria scrunched her nose before siya makipag handshake sa babae, then she answered, "Mukha ba akong atabs sa paningin mo? Salamat naman kung ganon."
"Honestly? Yes."
"1st year college. Marketing. Aria Hanisla De Vera. Sure, let's be friends." Putol-putol na sagot niya sa unang tanong nito.
"Great!" Denise exclaimed.
She immediately clasped her hand around her arm, saka siya nito hinila papasok sa university. Aria was still in awe as they walked around the university, may time pa sila para gumala before mag start ang orientation. Usually, ang orientation ay ginaganap na sa mismong classroom.
Galante ang new found friend niya. Nang mapadpad silang dalawa sa cafeteria, nilibri siya nito ng pagkain kahit na umaayaw na siya. Damn, presyong ginto ang pagkain sa cafeteria ng university na 'to!
Aria confirmed that her newfound friend, Denise, was a social butterfly. Wala pang isang minuto na naka pila sila sa covered court may kausap na naman ito at kaagad pinakilala sa kanya.
"Have you guys tried bar hopping?" Julia asked.
Denise gleefully shakes her body. "Omg! I want to try it!"
"Han? Ikaw?" Julia asked her, smiling.
"Hindi pa, e. Pero sige, ge langs."
She hasn't tried it yet. Nag-usap lang ang dalawa tungkol sa bar hopping na sinasabi ng mga ito, sasama lang naman siya because part of her was really curious. Besides, nasa legal age naman na sila the next following month.
It was good to learn new things. Ang plano lang naman niya ngayon college na siya ay gawin ang mga hindi niya nagawa noong nasa junior at senior high siya. Aria doesn't know how to have fun back then. She holed up inside her apartment, studying.
Ganoon pa rin naman ang balak niya ngayon na college na siya, but she'll definitely make sure to have fun, too.
Aria roamed her eyes around and saw a woman wearing thick frame glasses beside a man. Despite her glasses, umaapaw pa rin ang kagandahan nito. She couldn't take her eyes off of her.
"Han? Do you know him?" tanong sa kanya ni Denise.
"Ha?" maang na tanong niya rito pabalik.
"Naks! Crush mo ba si President?" Julia teased her.
"President yung babae?" natutuwa na tanong niya sa dalawa.
Itinuro niya sa dalawa ang babae na nasa tabi nung lalaki. If that's the right term for 'crush'. Then, yes, she was crushing over that woman.
Julia smiled, dropped, and said, "Oh, that's Ayrelle Zehra Fontanilla Clemente. I think she's the student council president girlfriend? Ang sabi kasi sa akin ni Kuya lagi silang magkasama. So, yeah, people assumed that they're going out."
"Crush mo?" Siniko siya ni Denise.
Tumango na lang siya sa dalawa. Tinawanan lang siya ng mga ito. Julia also informed her that the woman's patience wasn't that long, kaunting kibot lang ay baka masapak ka na nito. Of course, hindi niya 'yon pinaniniwalaan unless siya mismo ang makakita.
Aria got into the university partly because of the scholarship she applied for. Hindi naging madali ang pag-aaral niya sa university, lalo na kapag wala sa tabi niya ang dalawang kaibigan. Some students tried to bully her, that's why.
Ingat na ingat siya na huwag pumatol dahil baka mawala sa kanya ang scholarship niya. Although, the two already assured her na kapag nawala 'yon sa kanya, silang dalawa na ang bahala sa kanya.
Denise and Julia applied for clubs kaya after class, laging nasa clubs nila ang dalawa. Wala pa siyang napili kaya she used her free time to hunt a job na suitable sa kanya.
Aria was alone and scrolling through her phone, hunting season niya ngayon, while she's having her juice. Hanggang juice lang siya ngayon dahil may kamahalan ang pagkain sa cafeteria, hindi pasok sa budget niya.
Her lips parted when she saw Ayrelle entering the cafeteria. Muntik na siyang mapatayo nang makita na basta na lang ito tinapunan ng smoothie sa katawan at nagtawanan ang mga babae. Goodness! Ang akala niya ay hanggang verbal lang ang bullying sa university na 'to!
She saw with her own two eyes how Ayrelle smirked.
"Ginusto mo 'to," she coldly said before punching the woman in her face.
Nanlaki ang mga mata niya at mas lalo na namangha sa babae. Aria saw a guy helping Ayrelle instead of the girl na nasapak nito. Bahagya lang na tinapunan ng tingin ng lalaki ang babae na nawalan ng malay.
Later that, she found out that it was her brother, Veios Archane Clemente. Katulad sa babae, hindi niya rin maalis ang tingin sa lalaki. She grew fond of them. Every time na may chance siya, lagi lang siyang nakatingin sa dalawa. Minsan ay kung sino lang ang maabutan niya, at madalas ay si Veios Archane 'yon.
Her mother was an Overseas Filipino Worker, and the only thing Aria could do for her was to study smarter and harder.
"Congratulations, Miss dean lister!" Sinalubong siya ng yakap ni Julia at Denise.
"Consistent!" Julia chirped and gave her a bento cake.
May nakasulat doon na 'Congratulations, Han!'.
"Mahal na mahal niyo talaga ako, 'no?" pang-aasar niya sa dalawa.
Julia just pouted her lips, and Denise glared at her. Typical reaction of the two whenever she's teasing them.
"Han, stop ka muna sa extra income mo. May nag tip sa isang prof natin na namimigay ka ng sagot." Julia informed her. Tumango lang siya.
She's pretty, and some guys who couldn't do their assignments and projects were gifting her whatsoever in exchange for doing it for them. Of course, kahit naman may bayad ang mga 'yon, dinedepende pa rin niya ang mga nagawa niya sa mga nagpapagawa. In short, hindi niya masyadong ginagalingan.
She was living in a small apartment alone. Spacious na 'yon para sa kanilang tatlo, lalo na at minsan ay nakikitulog sa kanya ang dalawa. Nag share pa ang dalawa para lang magkaroon ng aircon ang apartment niya.
Kakatapos niya lang kausapin ang mama niya nang mag chat si Julia sa gc nilang tatlo.
Julia: Bar? I'm super stressed. Aria, bawal tumanggi! 😂
Denise: I'm in, beb. I don't think sisipot ang date ko. Damn him!
Aria: Pass!
Julia: Veios Archane Clemente. Present, lods! ✨
Aria: PASSundo
Julia: Inamocca! 😂
Denise: Malandi! 😂
Aria didn't heed them any attention. Mabilis siyang naligo at nag-ayos ng sarili niya. Inaaya lang naman siya ng dalawa hindi para mag-enjoy rin siya, kung hindi para makatipid sila sa alak at lamesa na kailangan pang bayaran.
Of course, hindi siya sasama kung hindi niya makikita ang laging hinahanap ng mga mata niya. Veios Archane. Her friends kept on asking if she likes him, pero laging hindi ang sagot niya. Gusto lang talaga niya na nakikita ito, okaya naman ay ang kapatid nito, si Ayrelle.
She was thinking of ways to talk to him a lot of times, befriend him, and ask him nicely to vouch for her. Aria did her research, and their companies were big and outstanding.
Hindi pa sila tapos, but she's already concerned for her future. Plus, she's more than willing para maging corporate slave basta sa isa sa mga company ng mga Fontanilla siya mag ta-trabaho.
"I guess we're late? Wala na, Han," malungkot na sabi ni Julia sa kanya.
"Out na tayo?" Denise asked.
Umiling siya sa dalawa. "Hindi na. Nandito na tayo, e, arat na!"
Hindi talaga sila binibigyan ng chance na mag-usap kahit na panay ang sunod niya sa lalaki.
Aria even joined the photography club, pero sa kamalasan niya, sa mga basketball player ng university nila siya na-assigned. She's not also liking her job, dahil panay ang away ng isang member nila at President ng club na sinalihan niya.
She lost her hope and talked to her mom about her frustrations.
"Ma? Mahal mo pa rin naman ako kahit hindi ako sa malaking kumpanya makakakuha ng trabaho 'di ba?" tanong niya sa nanay niya.
Her mother sneered at her. "Timang! E, ano naman kung sa maliit na kumpanya ka lang?"
Aria pouted her lips. It wasn't a problem basta may trabaho siya after mag-aral, sadyang ambisyosa lang siya at mas gusto niya na mataas ang sahod kaagad.
"Han? Are you up for blind date?" Julia suddenly asked her.
Kaagad na lumapit si Denise sa kanilang dalawa.
"With whom?" tanong niya.
"Hm, he's good-looking and tall. Pasok naman sa standards mo, hindi rin naman umaasa sa babae when it comes to his school works." Julia answered instead.
"Juls, his name, we're asking for his name." Denise said. She looks so done with Julia's answer.
"Christoffer. Kasama ko siya sa club."
Ngumuso lang siya at bahagya na tumango.
"Hindi nga?" gulat na tanong ni Denise sa kanya.
Lagi siyang tumatanggi sa mga blind dates na 'yan dahil sa agenda niya na malapitan ang isang Veios Archane. But she's already losing hope, so she might as well grab the chance.
Christoffer was a good man. Kumalat sa buong department nila na nililigawan siya nito, the reason why other man stop sending her stuffs too, because they knew that she'll say 'yes' to him soon.
"How's it? Do you like it?" kabado na tanong nito sa kanya.
Sa dami naman kasi ng pagkainan na pagdadalhan nito sa kanya, sa isang mamahalin na restaurant pa. It wasn't her first time, natikman na niya ito noong sumama siya sa family dinner nina Denise at Julia. But looking at her, Christoffer might think that this was her first time.
Kaya ngumiti na lang siya at tumango, "Masarap."
"I'm glad you like it," he said. "Anyways, what's your plan? Malapit na tayong mag fourth year. May company ka na ba na a-apply-an?"
Pinalobo ni Aria ang mga pisngi niya bago mapait na ngumiti sa lalaki.
"Magpapasa ako sa mga company ng Fontanilla na tumatanggap ng interns."
"Sa Fontanilla lang?" tumaas ang isang kilay nito.
Tumango si Aria. She confidently answered, "Sa Fontanilla lang. Kung hindi doon, 'wag na lang."
It was a joke, though. Paano na ang future niya kung hindi siya mag a-apply sa ibang company for her internship?
"I'll do something about it for you," sabi nito.
"Ang kapalit?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Christoffer sa tanong niya.
"You're going to live with me, Aria. Hindi ako comfortable na nakatira ka sa maliit na apartment na 'yon."
Her lips thinned. Nainsulto siya, but she needed to swallow her pride just so she could get what she wanted. Christoffer helped her na naglipat sa unit nito. He even asked someone to fix the other room because she doesn't like the idea of sharing one room.
Hindi pa siya ready for mature roles. Her friends were happy for her. Aria also learned to like him despite his attitude, but she learned that Christoffer was an asshole. May mga babae pala itong kinakalantari behind her back after months of living with him.
Hindi siya nagreklamo. Hinayaan niya lang. Although, Julia asked her to leave that house. If she badly wanted to be an intern in one of the Fontanilla companies, sila na lang daw ang tutulong sa kanya.
Malaki rin ang natipid niya simula nang tumira siya sa poder ni Chris. So, she told them that she's fine as long as hindi inuuwi ni Chris ang babae nito sa unit kung nasaan siya.
"Hey, babe! Good luck sa first day mo," sabi ni Christoffer at mabilis siyang hinalikan sa gilid ng noo niya.
"Hindi ka uuwi mamaya?" she asked.
"No, babe. Baka sa bahay ako umuwi mamaya. Don't forget to eat, yeah?"
Tumango lang siya sa lalaki at hinayaan itong umalis. What's more important to her was that she's now an intern in one of the Fontanilla companies.
"That asshole can have his own fun. I'll work really hard, and then I can finally leave him."
☕️
Hello? :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top