Chapter 4
ARIA HAD TO get up in the middle of the night just to read her friends messages. They bombarded her even though isang gabi pa lang siyang hindi nakikita ng dalawa.
She massaged her nape and glanced at Vane, who was peacefully sleeping on the floor. Balot na balot ito sa kumot kahit hindi naman ganun kalamig sa loob ng kwarto nila.
It feels odd to Aria to use the word 'nila'. Back when she's living with Chris, she never, ever took the claim of what Chris owns.
Denise: Where the hell are you, Aria Hanisla!
Julia: Bibi, reply, please?
Denise: That guy told us you both have problems. I mean, alam ko naman na siya lang ay may problema sa inyong dalawa pero bakit kailangan mo umalis na hindi nagpapaalam? 😭
Julia: Saan ka natulog? Gabi na raw nang umalis ka? Hindi ka man lang hinanap ni gago!
Denise: Hanislaaaaaaaaa!
She sighed and turned her phone in silent mode. Baka magising din ang kasama niya sa kwarto. Inayos niya ang kumot na nakabalot sa kanya bago mabilis na nagtipa at reply-an ang dalawa.
Bigla na lang umalis? She scoffed.
Aria was planning to move out. Napaaga lang dahil sa nag-uwi nga ito ng babae. Well, it seems to her that Chris probably knows her plan, kaya tinodo na nito ang pagiging gago. Like she cared.
Aria: Tulog na sigurado kayo, hehe. Anyways, I'm safe. I'll explain after our duty, mag meet na lang tayo pero 'wag sa bar ha?
She tried to sleep again kahit isang oras na lang sana, pero hindi na siya dinalaw ng antok. Aria quickly stood up, ingat na ingat siya na hindi gumawa ng ingay. Hindi pa niya naaayos ang mga damit niya.
Binuksan niya ang dalang bag at kumuha ng damit na susuotin niya ngayon papasok. The company allowed them to wear any clothes they're comfortable with. Ang iba sa kanila, they choose to wear uniform.
Nahilamos niya ang mukha nang dumapo ang mata niya sa led clock na nasa sala. Alas tres pa lang ng madaling araw. And she's now readying herself for work.
Sapo niya ang noo na pumunta sa loob ng banyo. Kumpleto ang mga gamit pero halos panlalaki lang. Aria sighed heavily, she hope Vane won't mind kung makikigamit man siya ngayon. Ngayon lang naman.
She mentally noted to herself to buy her own stuff after meeting with her friends. Nang matapos siyang maligo, dumeretso siya sa kusina para magtimpla ng kape. Good thing she knew how to use the coffee machine.
While she's having coffee, ginagawa rin niya ang assignment ng ibang freshman na nagpapagawa sa kanya. Extra money. Hindi niya matanggihan.
When the clock strikes six, lumabas na sa kwarto nila ang lalaki. Magulo pa ang buhok nito, at nag-umpisa na mag stretch ng katawan. Umiwas siya ng tingin at nag focus na lang siya sa ginagawa.
"Morning." He greeted her..
"Good morning din," sabi niya na hindi tumitingin sa lalaki.
"You're up early?"
"Nagising ako kanina, hindi na ulit nakatulog."
"Namamahay ka?" tanong ulit nito.
"Hindi. Binulabog lang ako ng mga kaibigan ko." She let out a sighed.
Tumango lang ito sa kanya at tahimik na nagtimpla ng sarili nitong kape. As for her, she only needs one to stay awake, sigurado na hindi lang isang tasa ang maiinom niya sa maghapon.
"Dadaan ako sa company ni Ate ngayon," he said. "Sabay na kita?"
"Bakit parang ayaw mo?" biro niya sa lalaki. His tone of voice was gentle, but there's uncertainty on it.
"Malay ko ba kung ayaw mo?" tumaas ang kilay nito.
"Shunga. Makakatipid ako. Malamang 'yes' agad ang sagot ko!"
He let out a throaty chuckle because of what she said. The guy didn't disturb her when he finally noticed what she was doing.
Napangiwi siya nang makita ang susunod na activity na kailangan niyang gawin. She immediately checked who was their professor and sighed softly, kaya naman pala ang daming sasagutin.
"Rizal? Irregular ka?" Vane asked. Hindi namalayan ni Aria na nakatingin na pala ito sa ginagawa niya.
"Nope! Extra income ko lang 'to."
"Sorry for disturbing you. Tuloy mo na," sabi nito.
Aria grimaced. That was not the reason why she stopped, hindi na ma-process ng utak niya ang mga tanong, although alam niya ang sagot. When it comes to this subject, she needed to broaden her answer or else, bagsak ang makukuhang score ng estudyante na kumuha ng service niya.
"What?" tanong ng lalaki sa kanya nang sulyapan niya ito. "You don't like the subject?"
"Wrong. I hate their professor." Aria flatly answered.
Bakit niya kalilimutan ang nag-iisang professor na sumira sa card niya?
"Can I try? Kailangan na ba 'yan ngayon?" nakangiti na tanong nito sa kanya.
"Yes, deadline na yata."
Vane takes over. Nakakrus ang mga braso niya habang pinapanood ang lalaki na magtipa sa laptop niya. His hands' position on her board were accurate. Even her fingers know what keys they're going to tap.
"Done!" Vane happily said.
Aria read his answers and pouted her lips. He's good. If hindi siguro ito busy sa pagbabanda nito, he'll surely graduate with latin honours.
"Thanks!" Aria chirped.
Inisang lagok lang ng lalaki ang kape nito bago nagpaalam sa kanya na maliligo muna ito at mabilis na mag-aayos. And while she's waiting, ginawa na rin niya ang ibang mga pinapagawa sa kanya. Bayad na ang mga ito, and she doesn't have time to answer them at once.
Kagaya ng pinag-usapan nilang dalawa ni Vane, sinabay siya nito pumasok dahil may kailangan itong i-abot sa kapatid.
SHE HAD NO choice kung hindi siputin ang mga kaibigan niya. Nag retouch lang siya bago pumunta sa restaurant na gusto ni Denise. Yves Haven Restaurant.
"So? Where were you?" Julia asked as soon as her butt rested on the chair.
"I'm in a good place, don't worry." Aria carefully answered.
"Safe place? Saan? And what happened between you and that guy, Chris?" Denise asked. Pagkabanggit ng panglan ng lalaki parang gusto na kaagad nitong manapak.
They already ordered for her. Kumain muna siya bago i-entertain ang tanong ng dalawa.
"May dinalang babae sa unit niya. Nasabi ko naman sa inyo 'di ba? It's fine if he's having a good time with his girls, huwag lang mag-uwi ng babae sa unit niya. He no longer respects our relationship, pati ako na girlfriend niya at that time." Mahinahon na sagot niya sa dalawa.
"That fucker!" gigil na sabi ni Denise.
"How are you?" Julia asked, on the other hand.
Aria shrugged. "Obviously, I'm fine. I've learned to like him and I've also learned to dislike him."
"Really? Hindi ka nasasaktan? Hindi ka umiyak?" tumaas ang kilay ni Denise. Naghahamon.
"Why would I? I don't like him that much. Everything he has screams negative. I know my worth as a woman. I deserve to be treated right. Obviously, he only showered me with material things and put me in a place where I wanted to be."
"E, ikaw?"
"You know how I acted around him. Mukha na akong housewife." She rolled her eyes.
"True!" Denise laughed. "Hindi nga housewife, e! Mukha ka niyang kasambahay!"
There were times na si Chris ang naghuhugas ng mga pinagkainan nila, pero most of the times siya lang talaga. Thankfully, because of her ex, nakalimutan ng dalawa ang tungkol sa tinitirahan niya ngayon.
"Pwede ba tayong mag bar? Saturday night will do. Miss na ng sistema ko ang alak!" Julia whined.
Denise was the first one to say 'no', pagkatapos ay siya. May lalaki sa bagong bahay na tinitirahan niya na kailangan ang atensyon niya. Her service, she meant.
They're surely quick to throw questions at her, madali niyang sinagot ang mga 'to. May trabaho na siya and it was home based. Nagpasa siya ng resume niya online and got accepted. Taga ibang bansa ang boss niya, the time difference was her main problem.
Sigurado na gising siya sa gabi hanggang madaling araw at tulog siya sa hapon, after ng duty niya sa company.
Aria was glancing at her phone from time to time kaya pinakawalan na siya ng dalawa. Dumaan muna siya sa grocery store and bought the ingredients she need.
When she got home, binaba lang niya ang bag at hinubad ang mga sandals niya. While she's cooking tumawag ang mama niya. Unlike before na kailangan niya magmadali bumaba, she can now freely talk to her mom without doing that.
Aria flawlessly lied and told her mother that the house she's renting was one of the company's units.
Nang marinig niya ang pinto na bumukas, kaagad siyang nagpakita kay Vane at sumenyas na huwag muna itong mag-ingay. Her mother will not like it kapag nalaman nito na may lalaki siyang kasama sa bahay.
[Han, nag transfer na pala ako ng pera sa bank account mo.]
"Ha? Hindi naman na kailangan, Ma. May sobra pa ako sa huling pinadala mo nung nakaraan."
[Ano ka ba! Ang sabi ko sayo, gamitin mo 'yon sa ibang bagay. Bumili ka ng damit mo o kahit ano!] Her mother clicked her tongue. [Siya nga pala, may gusto ka pa ba? At anong address niyang bago mong apartment? Para maipadala ko na ang package na naipon ko.]
Aria quickly answered her favorite skin care brand. And then she asked, for the sake of her friends tummy, "Marami ba ang chocolates, Ma? Alam mo naman ang mga alaga ko, 'di ba? Parang hindi mayaman. Hayok sa chocolate na pinapadala mo."
[Aba'y oo naman! May mga pangalan naman 'yon. Ibigay mo na lang ang mga chocolates ni Denise at Julia.]
"Ako?"
[Ang importante mahal ka ni mama, 'nak!]
Hindi makapaniwala na natawa si Aria nang patayan siya nito ng tawag.
"Galing! Parang hindi ako ang anak, ah?!" Aria exclaimed.
"Your mother?" Vane asked her.
Hinarap niya ang lalaki at alanganin na ngumiti. "Ah, oo. Pasensya ka na pala ha? Kailangan kitang patahimikin. Lagot ako doon kapag nalaman na may kasama akong lalaki."
"She's strict?"
"Hindi naman masyado, takot lang talaga 'yon sa lalaki. Baka raw kasi bigla akong magaya sa kanya, ganon?" mahina siyang tumawa.
Hinapagan na niya ito ng pagkain habang nakasunod lang ang mga mata nito sa kanya.
"Hindi ka kakain?" tanong nito.
Umiling siya. "Kumain na ako kanina, e."
Tumango lang ito. Kahit kumain na siya kasama sina Denise at Julia, she chose to stay, sinamahan niya ito hanggang sa matapos itong kumain. Minsan ay dinadaldalan niya rin ito.
Tahimik lang ang lalaki, hindi kagaya niya na madaldal. After nitong kumain nilinis lang nito ang pinagkainan bago tumutok sa inuwi nitong trababo. She even heard his friends asking him na pumunta sa bar, pero kagaya niya ay tumatanggi ito.
"Free ka ba sa Sunday?" tanong niya sa lalaki. "Magpapasama sana ako mag grocery?"
Pass muna siguro sa general cleaning dahil wala talagang laman ang kusina nila. Wala na sa choices ni Aria ang magpa-deliver dahil mas matipid pa rin kung may stocks sila.
"Sure, I'll make time for it." Vane answered without looking at her.
SUNDAY. Nasa grocery store silang dalawa ni Vane. Si Vane ang taga tulak sa cart at siya naman ang taga lagay ng mga binibili nila.
Tahimik lang itong nakasunod sa kanya. Obviously, he has no idea where he would go. May ilan na nakakita sa kanya at kinukumusta lang siya. Those were the man na nililibri ang alak nilang tatlo.
"You knew a lot of guys," he uttered.
"Famous ako sa bar, e, sensya na aken."
"Why though?"
Humarap siya sa lalaki at tinuro ang mukha niya, saka siya ngumiti ng matamis.
"Because of my face. Pansinin masyado, lagi tuloy nalilibre!"
Vane nodded his head. "Ah, because you're pretty?"
"Akala mo iba, 'no? User ako, pero hindi naman umabot sa ganon."
"Are they your sugar daddy, or something?" Vane asked. Nanliit ang mga mga nito sa kanya, and his face saying how curious he was.
Pabiro niya itong siniko at nagtanong, "May kilala ka ba? Reto mo ako."
"You know naman kung ano ang kapalit, right?" humina ang boses nito.
"Sex? Walang katapusan na sex?"
Vane scoffed. "Isla, an old man is not capable to perform a 'walang katapusan na sex', baka nga hindi pa tapos ang isang round pa lang, hinihingal na 'yon."
Aria stilled. Akala niya ay nabingi lang siya dahil sa klase ng usapan nila but no. He really called her 'Isla'. She cleared her throat.
"Edi mas mabuti?"
"You don't like young handsome men to be your sugar daddy?"
"Nako! Uto-uto ako, hindi ako pwede sa ganyan. May attachment issue yata ako. Konting lambing, bibigay kaagad ako!"
Lumabi ang lalaki at labas sa ilong na sinabi, "Kaya ba naging kayo ng ex mo?"
"Nice! Galing mo, ah?" Aria chuckled.
Vane chuckled and Aria couldn't help but to stare at him. Ang gwapo, tang ina! Pinilit niya ang sarili na mag-iwas ng tingin dahil hindi na 'yon maganda para sa kanya.
Binilasan ni Aria ang kilos sa pagkuha ng mga kailangan nila sa unit. Vane held her arm gently, stopping her from walking. Tumigil sila sa harap ng iba't ibang chocolates and Vane started to get different chocolates, nilagay nito sa cart nila.
"Wala 'yan sa listahan at budget natin, ah?" hindi niya mapigilan ang sitahin ang lalaki.
"I'll pay for them separately."
Aria shrugged and guided him towards the counter. Hindi naman gaano kahaba ang pila kaya mabilis lang silang natapos. An audible gasped was heard from Aria when Vane pulled out his card and the cashier immediately swiped it. Ano ang laban niya, e bumubunot pa lang siya ng cash.
"I'll let you pay next time, Isla."
☕️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top