Ikawalong Banat: "Sexiest"
SERINA'S POV
Pagkauwing-pagkauwi ko ay naligo agad ako at nagbihis ng jogging pants at t-shirt. Aym so eksoyted kaya sa pagmamadali kong lapitan ang laptop nabangga ang paa ko sa paa ng kama.
.
.
.
.
.
#-!;!-#-;+!/$+!/$ ARAY!!!
Nagtalon - talon ako dahil MASAKEEET! Pinigilan kong sumigaw bagkus ni-recite ko lang ng mahina ang isang volume ng mga "mura" in tagalog written by yours truly.
Ininda ko lang yun habang tumatalon-talon. Sinasabayan ko pa ng sermon ang kama ng "Taena mo! Di marunong tumabi! Matuto kang tumabi kapag may mababangga KA! Ha!? Ha!?"
Nang kumalma na ako ay papilay-pilay kong nilapitan ang laptop. Binuksan ko iyon, ipinatong sa kama at dumapa rito. Take note: Hindi yung laptop ang dinapaan ko, yung kama fhoe.
Kakasimula pa lang ng opening ng One Piece Episode 701 nang mag-ring ang cellphone ko.
Nagsimulang mangunot ang noo ko. Sino na namang panggulo 'to? Tumayo ako at kinuha ang cellphone kong nasa bag. Papilay-pilay pa rin akong maglakad. Kayo kaya mabangga ng bakal sa hintuturo. Bakal yun ah. BAKAL! Tsk. Sinamaan ko ng tingin ang kama.
"Sino to?" Ang bungad ko sa caller nang makuha ko ito. Umupo ako sa kama at hinayaang magplay pa rin ang pinapanood ko. Opening pa lang naman.
"Uso tumingin sa screen ng cellphone bago sumagot besty."
"Ah. Jenina ikaw pala." Narinig ko naman ang pag-ismid nito sa kabilang linya.
"Kumusta practice pala besty?" Halata ang excitement sa tono nito. Napaikot na lang ang mata ko habang inaalala ang mga nangyari kanina.
"Oks." Walang kabuhay-buhay na sagot ko. Tinignan ko naman ang laptop baka tapos na ang opening. Pinause ko na lang yun.
"HAAA!? Anong oks!? Hoy! May nangyari no'?! May nangyari eh ... for example ... Cinderella scene with Gov.? Ahahaha." Napangiwi ako ng tumawa siya sa kabilang linya. Kung makatawa akala mo isa siya sa mga characters ng Disney movies. Yung mga mangkukulam ganun.
"Hoy Besty! Ano nga!? Ayaw mag-share?" Tumaas na naman ang kilay ko.
"Seriously? Nagtatanong ka pa sa lagay na yan eh mukhang updated ka sa nangyayari. Kanino mo nalaman yan? Nakakatakot ka na ah. Stalker ba kita? Tss." Totoo naman. Malinaw namang umalis siya kanina sa gym. Kung bumalik man siya, dapat nakita ko kasi kung magmamasid lang yun sa labas wala siyang makikita kaya wala siyang choice kundi ang pumasok mismo sa gym.
"Ay assuming siya oh."
"Aba't---"
"Relax. Gusto ko lang naman marinig mula sayo eh. Kaya sabihin mo na. Shigeh nah." Nairita ako kasi biglang naging pabebe ang pagsabi niya ng "Shigeh nah."
"Tumawag ka lang ba para doon? Kasi kung oo, ibaba---"
"Huwag! Ang damot nito. Wala kang pasalubong sa akin pag-uwi ko!" Naiimagine ko tuloy ang pagnguso nito.
"Hindi ka pupunta doon para mamasyal. Huwag kang adik diyan."
"EEEEH. Sige na kasi." Pamimilit na naman niya. Tae naman oh.
"Ano ba kasing gusto mong malaman?"
"Bakit mo siya binigyan ng panyo?" What the! Pati yun nalaman niya?! Anong klaseng radar ang meron 'to?
"Nabasa ko siya, malamang! Mabait akong mamamayan ng Pilipinas. Big deal?"
"Shet. Kenekeleg eke." Nagsisigaw-sigaw pa ito sa kabilang linya.
"Taena nito. Ang ingay. Nagbigay lang ng panyo, kilig agad."
"Huwag kang KJ besty. Kyaah!" Muntik ko nang i-end ang tawag nang magsecond wave ang pagsigaw niya kung hindi lang nagsalita agad 'to. "Pero totoong isusuot niya sana ang sapatos mo kanina?" Kung sino mang nilalang ang nangtsismis kay Jenina, huwag lang magpapakita sa akin. Hindi na matuloy-tuloy ang pinapanood ko dahil dito! Tsk.
"Maybe ... " Third wave. Pero nabitin ng ituloy ko ang sasabihin ko. "Or maybe not."
"Nah. Huwag mo nang i-deny besty. Malakas ang instinct kong sasapatusan ka niya. OMGGGG!!!" Final wave. Mas malakas pa ang sigaw niya kesa sa andar ng sasakyan na naririnig ko.
"Eh kung mukha mo ang sapatosin ko? Tumahimik ka nga." Tumahimik naman ito pero naririnig kong humahagikhik ito. Narinig ko ulit ang umaandar na sasakyan. Hindi yun motor. Hula ko isang kotse yun --- wait! Huwag niyong sabihing---
"Saan ka pupunta? Ba't nasa sasakyan ka!?" Umingit naman siya na kesyo iniiba ko na raw ang usapan.
"Saan ka nga? Huwag mong sabihing papunta ka na ng airport!? Excited?!"
"Hindi ah! Sa Friday pa lang flight namin. Grabe 'to. Halatang ayaw niyang umalis ako oh. Mami-miss mo ko no? Yieee." Nawala ang andar ng sasakyan. Pero pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan naman ang narinig ko
At pagkatok sa pintuan sa kabilang linya gayun din sa pintuan namin.
It can't be...
"Hi po, Tita. Nasa kwarto po ba si Besty?" Halata ko pa ang sigla ng boses nito habang nagtatanong. Nakarinig din ako ng mga mabibilis na hakbang animo'y tumatakbo palapit sa kwarto ko.
"Ingat, Jen! Madapa ka!" As if on cue binitawan ko ang cellphone ko at tumayo ako sa pagkakaupo at mabilis na linapitan ang pinto. Hinawakan ang door knob at aktong ila-lock na ito ng may pwersang nagtulak ito para magbukas ng konti. Tinulak ko rin ang pinto.
"Ma! Ba't mo pinapasok 'to!" Pinipilit ko pa ring isinasara ang pinto pero tae! Malakas si Jenina. The elf!
"Ay! Ang harsh, besty! Matouch ka dapat. Binibisita kita eh." Sabi niya sa akin pero diko makita ang itsura.
"Binibisita o mangangalap ng tsismis---Nak ng! Aray!" Nabitawan ko ang hawak ko sa doorknob at tumama sa noo ko ang pinto. Tuluyang nakapasok si Jenina.
Hawak nito ang bag niya. Bag na ginagamit niya sa school. Linapitan naman niya ako. Akala ko magso-sorry pero ang ginawa ... pinitik lang ang noo ko habang tumatawang umupo sa kama.
"Sorry ah! Natamaan pa tuloy ng pinto ang noo KO." Umusog ito nang lumapit ako sa kama. Nang makaupo ako ay bigla itong yumakap at nag-sorry.
Nagpumiglas ako sa ginawa niya kaya binitawan niya ako.
"Yak!" Ngumuso naman ito na siyang ikinangiti ko. Tumingin ito sa laptop at napasimangot nang makita ang pinapanood ko.
"Cartoon na naman?" Automatic na bumatok ang kamay ko sa ulo niya.
"Hindi yan cartoon. Anime. A-ni-me! Hindi cartoon! Huwag mong kinakarton-karton ang anime ko!"
Ginaya-gaya naman ako nito na parang sinasabing wala siyang pake.
"Nga pala..." Naghalughog ito sa bag niya. "May assignment tayo. Tada!" Pinakita nito ang notebook nito sa akin. Assignment sa Differential Equations. Alam ko na kung bakit ito nandito. "Ang bait ko di ba?" Tumaas-baba pa ang kilay nito habang nakangiti. Tumaas din ang kilay ko.
"Magpapaturo ako ng assignment kamo. Bait ka diyan." Tumayo ako at lumapit sa pintuan. "Ma! P---What the!" May malambot na tumama sa likod ko. Unan iyon. Sinamaan ko ng tingin si Jenina. Bumelat naman ito bago kinuha ang cellphone kong nasa kama. Tsk. Binuksan ko ang pintuan at dumungaw para tawagin si Mama.
" Ma! Pahatid po ng meryenda rito!" Pagkasara ko ng pintuan ay pinulot ko agad ang unan na ibinato sa akin ni Jenina. Akmang ibabato ko na rin sana sa kanya pero isang kahindik-hindik na ngiti ang ibinungad niya sa akin.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang siya kakaiba talaga ang ngiti habang hawak-hawak ang cellphone ko kaya hindi ko na napigilang ibato ang unan sa mukha niya pero nakaiwas. Ang creepy talaga.
"Bakit ka nakatingin ng ganyan?"
Mas lumawak ang ngiti nito. Dang! May mali eh. Iba ang nararamdaman ko eh.
"Ahmmm..." Pabitin pa niyang sagot. Taena. Kung may hawak lang akong unan na isa pa kanina pa lumanding yun sa kanya. Sumeryoso naman ito. " May video scandal ka pala rito."
Kusa namang pinulot ng mga kamay ko ang isang sapatos na malapit sa pintuan ko. "Hep hep! Joke lang eh! HB besty? Hahaha." Sumenyas naman ito na lumapit sa kanya. Nagdalawang-isip pa ako kung lalapit ako sa kanya o hindi dahil nakakabahala na talaga ang kaabnormalan nito. Tsk.
"Halika nga! Tignan mo 'to oh!" Anyaya nito. Doon na ako lumapit. Ipinakita nito ang isang text message galing sa isang unknown number. At nangunot ang noo ko ng makitang isang video message yun. Plinay iyon ni Jenina at imbes na magulat ako sa video ay napaikot ang mata ko.
"Sup candidates!" Panimula niya. "May gusto lang akong sabihin sa inyo." Spill it already, sir. "Whole day tayong magpra-praktis bukas. Alam niyo namang kulang tayo sa oras dahil sa Wednesday na ang opening ng CAS Week natin at magiging busy na ang bawat isa. And one more thing, please bring your "SEXIEST" outfit. May photoshoot tayo bukas. You are required to bring it, ladies. No excuses. Thank you. Good Eve by the way." Bago pa man mag-end ang video ay tinapik ko na iyon sa kamay ni Jenina. Sexiest? SEXIEST!?
Tumingin ako kay Jenina na galak na galak sa taeng video ni Auditor. Argh!
"TITAAAAAAAAAAA! SI RIN-RIN!!!! MAGDADALAGA NA!---Ump!" Biglang sigaw nito pero tinakpan ko agad ang bibig pero huli na nang biglang nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Mama habang hawak-hawak ang meryenda.
"Bakit!? Anong nangyari!? May boyfriend na siya!? Wait! Tatawagan ko Papa mo---" Natataranta nitong tanong habang nagkakandaugaga kung bibitawan ba ang hawak niya upang tawagin si Papa.
"Ma! Pwede ba! Wala akong boyfriend!" Tumigil naman ito sa pagkakataranta niya at lumingon sa akin na pinagbagsakan ng lupa at lupa ang mukha nito.
"Tita. Huwag kang mag-alala malapit na ya—Aray!" Binatukan ko ito para hindi na matuloy ang sasabihin niya pero taena pagkabatok ko kay Jenina binatukan naman ako ni Mama. Ano 'to? Pass the batok?!
Nataranta naman ako nang biglang umalis si Jenina sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. No! Hindi pwedeng ipakita niya kay Mama yun pero huli na ng tinignan ako nung dalawa ng nakakaloko. Mukha silang rapist. Tinalikuran ko na lang sila at nagtalukbong ng kumot.
Alam ni Mama ang tungkol si Ms. CAS at tuwang-tuwa ito dahil doon. Pero kami ni Papa, tutol!
"PAPAAAAA!" Tawag ko baka sakaling nasa bahay. Hindi ko kasi nakita kanina sa sala.
Nakarinig naman ako ng mga yapak papunta sa kwarto ko.
"Anak!? Anong nangyari!?" Tinanggal ko naman ang kumot at tinignan si Papa ng nakasimangot. Tinignan ko rin ang dalawa na excited na excited ang itsura. T.T
"THERE'S NO FUCKIN' WAY I'M GONNA WEAR THAT FUCKIN "SEXIEST" OUTFIT TOMORROW! Hindi ako papasok bukas! Magkakasakit ako!"
~~~~~~~
DEAN'S POV
"What!? Sexy Outfit!? Sinong nakaisip nito?!" Hindi ako makapaniwala. Tumawag si Luisa sa akin. Tinatanong kung makakapunta ako sa photoshoot bukas. May meeting ako at hindi ko alam kung anong oras matatapos. Nasabi ko naman ito sa kanila pero hindi ko alam kung bakit kailangang tanungin pa ako nito.
"Ako po, Gov. May problema ba?" Biglang pumasok sa isipan ko si Serina.
"Malaking problema!" Sigaw ko sa isip ko.
"Ahah! Alam ko kung ano ang problema. Dahil kay "keyboard" no, Gov.? Naks! Pumapag-ibig ang Governor namin!" Hindi ko na lang pinatulan ang panunukso nito. Ni hindi ko na matuloy-tuloy ang ginagawa kong assignment namin sa Political Science. Nakakabahala.
"Relax Gov. Wala ka naman doon diba? May meeting ka eh. Hahaha. Dimo makikita." Biglang nakaramdam ako ng disappointment sa sinabi niya kaya nagulo ko ang buhok ko.
"Ah, damn it!" What the fuck!? Did I just said that!?
"See? Better luck next time, Governor." Tumawa pa ito ng mapanukso bago tinapos ang tawag.
Panigurado, pupuntiryahin na naman ako nun bukas. Kailangan ko nang kontrolin ang mga galaw ko. It's dangerous. She's dangerous. But,
I want to see her wearing that sexy outfit but I don't want others to see it. I hope she'll be okay.
Tinawagan ko si Luisa.
"Yes? What can I do for you, Gov.?" Hindi ko pinansin ang tono ng boses nito.
"Hindi pwedeng ibahin ang theme sa photoshoot?" Ewan ko kung nagmukha akong nagmamakaawa sa boses ko. "She might be uncomfortable with it."
"Ano yun, Gov.? Chappy!" Napabuntong-hininga na lang ako.
"Nandemoneyo." In-end ko na lang ang tawag at tinitigan ang assignment. I'm being biased here.
Itutuloy ...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top