Ikatlong Banat: Solidarity Night (Part 3)
(Date Published: 10-03-2015)
(Date Edited: 11-01-2015)
Nanatili kaming nakatayo. Nakayuko lang ako kaya diko alam kung anong ekspresyon ng mukha ni Governor ng College Organization namin.
Napapitlag ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya walang ano-anong binawi ko agad ang kamay ko sa kanya.
"Ano kasi...Yang mga kamay mo ilagay mo sa balikat ko. Tapos ako sa..sa--"
"Sa bewang? Ayoko PO. Nahihiya ako."
Gulat naman siyang tumingin sa akin. Pero inilagay ko ang mga kamay niya sa balikat ko at ganun din sa akin. So bale ang itsura namin, balikat sa balikat. Weirdest dance ever!
Narinig kung humirit ng tawa si Governor. Tinignan ko siya ng masama.
"Sorry! It's just... Nevermind."
Tumagal pa nang ilang minuto ang sayaw namin. Meron ding napapatingin sa amin dahil sa itsura naming sumasayaw. Tsk!
"Anyways, you're gor---"
"Gutom na ako."
Diko pinatapos ang sasabihin niya. At gutom naman talaga ako. Sakto ring natapos na ang tugtog. Bumitaw na ako kaya bumitaw na din siya.
"Ihahatid na kita sa upuan mo."
Nakangiti niyang saad sa akin. Nagdadalawang-isip naman siya kung hahawakan ako o hindi.
"Huwag na po. Kaya ko pong maglakad pabalik sa upuan ko. Salamat na lang Gov. Salamat din sa pagsayaw sa akin."
Nakangiti pa rin siya. Tumango na lang ako bago maglakad. Hindi na ako lumingon.
Naabutan ko si Jenina sa table namin. Nakangiti siya... ng pang-asar.
"Now let's relax while getting your food, here's The Bangtan Band to give us an intermission number. Rock!"
Naghiyawan naman ang iba. Imbes na dumiretso ako sa table ay sa pagkain ako agad nagtungo. Pakonti-konti ang kumukuha para di magtulakan. Yung iba nag-eenjoy para sa nagpe-perform sa harap. Kumuha ako ng pagkaing lalamunin ko. Yung sapat para sa akin.
Pagdating ko sa table ay nakasimangot si Jenina. Ako naman ngayon ang ngumiti ng pang-asar. Bumulong-bulong naman siya habang papunta sa nakahilerang pagkain. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimulang kumain.
"Bagay kayo ni Governor."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Jenina pagkabalik niya. Kumakain ang tao, nagtra-trash talk! Tsk!
Diko na lang siyang pinansin.
"Right Jenina? Woah! You're amazing talaga! Ang sarap mong kausap Jenina."
Pag-uusap niya sa sarili niya. Abnormal nga talaga.
"Is that supposed to be sarcastic?"
Umismid siya sa akin.
"Obvious ba? Palibhasa kaharap ang pagkain kaya di na uso ang pansinan. Sakit kaya nun!"
Napailing na lang ako habang ngumiti.
"Pero seryoso bestfriend, anong tingin mo kay Governor? Wala bang sparks? Kasi napansin ko ha, mukhang interesado siya sayo. Hindi lang noong nagkabangga kayo pero simula pa noong first year tayo, pansin kong nakatingin siya sayo kapag nasa malapit lang siya."
Kumunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya. Nagtaasan pa ang mga balahibo ko.
"Anong klaseng mata ang mayroon ka at napansin mo ang mga yan? Besides, kung interesado siya, I am not interested with him. I'm just interested kung hanggang anong oras 'tong Solidarity na 'to."
Natapos na kasi akong kumain kaya wala na akong magawa. Wala na rin akong balak sumayaw. Tama na ang isa. Nakakapagod. Gusto ko nang mahiga sa kama ko kaya lang alas otso pa lang ng gabi. So meaning may tatlong oras pa akong titiisin.
Napansin ko naman ang pag-ikot ng mata ni Jenina.
"Ang KJ kahit kailan. Pwede ba bestfriend kahit ngayong gabi lang. Enjoy tayo okay?"
Sinabayan naman niya yung kasalukuyang tugtog sa pamamagitan ng head bang. Mukha siyang baliw. Wala na akong nagawa kundi panoorin ang paligid. May mga nagsasayaw sa dance floor. Rock yung kanta. May iba namang nasa sulok. Napangiwi ako nang madapo ang tingin ko sa dalawang tao. Naglalandian sila.
Nagpatuloy lang ako paglibot ng tingin hanggang sa tumigil na naman ang mata ko sa isang tao. Hindi niya suot yung suit niya at nagpupunas siya ng pawis. Sa totoo lang medyo mainit pero di naman yung masyadong mainit. Mas lalo akong napatitig sa kanya ng tanggalin niya ang salamin niya para punasan ang mukha niya. Sa pangalawang pagkakataon humanga ulit ako sa itsura niya.
Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya dumapo ang tingin niya sa akin habang ibinabalik ang salamin niya. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko. Anong nangyayari?
"Matunaw bespren! Picturan mo na lang kaya kung may balak kang titigan siya magdamag. It is rude to stare uy!"
Nabaling ang tingin ko kay Jenina. Linya ko yun eh. Tsk! Nakangiti siya nang nakakaloko. Naalala ko tuloy yung ngiti nung Pats. Ha! That jerk! Taeng yun. Trespassing sa utak ko aba!
"Anong masama? Humanga lang naman ako sa itsura nung tao. Diko pinagpantasyahan. Hindi ako ganun ka-abnormal kagaya mo para di hangaan ang itsura nang ibang tao."
Hindi naman nawala ang ngiti niya. Ang masama pa nito tinusok-tusok niya ako sa bewang eh ang lakas ng kiliti ko doon kaya muntik ko na siyang masapak. Buti na lang biglang may nag-announce.
"Ladies' Choice na guys! Girls have the courage at yayain na ang taong gusto niyong makasayaw! Grab the chance! Music please!"
Nung una wala pang tumatayo, pero kalaunan sunod-sunod na ang tumayo at lumapit sa kalalakihan. Tsk! Isa pa tong si Jenina and guess who kung sinong pinili?
Nagulat ako nung una dahil di ko inexpect. Si Villanueva lang naman ang pinili niya. Ngayon ko lang siya nakita. Ka-schoolmate ko pala siya? Nakamaang lang ako sa nakikita ko. Si Patrick Villanueva kilala ni Jenina?
Paano? Kailan? Nainis ako bigla kasi baka di alam ni Jenina na may pagkaloko-loko ng taong pinili niya? Tsk! Yung tabang yun!
"Oh aabot na sa langit yang taas ng kilay mo."
Nasira ang pag-iisip ko dahil sa nagsalita. Si Gov. na naman?
"Kung yayayain niyo akong sumayaw, huwag na lang po kasi wala akong balak magsayaw. Besides Ladies' Choice po hindi Gentlemen's Choice."
I heard him chuckled kaya mas lalo kong tinaasan ang kilay ko na ewan ko kung may itataas pa. Sagad na sagad na eh.
"No I'm not going to invite you. Nagkataon lang na dadaanan ko tong table niyo at nakita kong nakakunot yang noo mo kaya inapproach kita. Enjoy the night Miss Nera. Huwag mong pagkunotan ng noo ang gabing to. Bye!"
Nginitian niya muna ako bago siya umalis. May bumagsak na eroplano sa ulo ko. Basag ako doon. Akala ko pa naman mabait kausap! Tsk! Malay ko ba! Kainis!
Kaya hanggang sa matapos ang gabi, badtrip ako. Hindi ako nagsalita. Nanahimik lang ako kahit todo-kulit si Jenina. Hanggang sa makauwi ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagpalit ako agad. Ang kati kasi ng make-up. Buti na lang hindi masyadong madami ang make-up na nakalagay. Naligo muna ako tsaka nagsuot ng pajama na yellow at t-shirt na black.
Hindi ko na binasa ang buhok ko kaya humiga agad ako at pinagmasdan ang kisame.
First time may nakasayaw ako pero in a weird way. First time nabadtrip ako ng bongga dahil basag ako ng sobra. I sighed. Whatever!
I guess Solidarity Night is...not that boring, though.
To Be Continued...
~~~~
Hahahaha.! That's it guys!
How was it?
Next chapter will be tomorrow I guess.
~ MJanang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top