Ikapitong Banat: Anong meron---

SERINA'S POV

"Eh kung ibangga ko kaya sayo yung pader ng gym---"

Lahat sila tumahimik. Nakatingin sa akin. Naghihintay tapusin ang sinasabi ko.

"Nevermind." sabi ko na lang at umiwas ng tingin. Lunes na lunes mababangga ko siya at I'm not that dumb para ituloy ang sasabihin ko 'no lalo na't mas mataas si Gov. kesa akin. Hindi literal na mas mataas ang height. Posisyon ang pinag-uusapan dito.

"Sorry, Gov." Yumukod ako ng mga 3 seconds pero hindi ko siya tinignan pagkatapos.

"Besty..." Nilingon ko naman si Jenina na nasa likod ko. "Goodluck!" Ma-a-appreciate ko na sana ang sinabi niya kung hindi lang niya hinaluan ng masamang ngiti. Tsk. Inabot niya sa akin ang paper bag na naglalaman ng heels. Napaigtad pa ako ng bigla siyang lumapit sa tenga ko at bumulong. "Enjoy! Pfft." Kumaripas agad siya ng takbo palayo sa gym nang ambahan ko ng hampas.
"Okay! Let's start na guys and gals!!! Chap-Chap!" Nabaling ang atensyon namin sa nagsalita.  "By the way, I'm the Auditor of the CAS Org., Allen Yenarez. Alyena for short." Halata naman na siguro ang gender nito. Nagpakilala naman ang ibang mga officers. Pero diko pinagtuonan ng pansin. Busy ako sa kamay kong nanginginig pero pilit ko namang isinasapuso ang kasabihang "Grace under pressure" pero walangyang Grace yan walang naitulong!

"Ms. Nera!" Napapitlag ako sa tumatawag sa akin. Si Gov. Ano na namang problema niya? Bawal ba manginig ang kamay dito? Tae lang.

"Bakit?" Napataas ang kilay nung Alyena kaya napabuntong-hininga ako. "... po?" Sorry naman.

"Introduce yourself." casual na sabi niya habang nakasandal sa mesa na may speakers.

"Kailangan pa nun? First day of school ganun?" Naramdaman ko ang sama ng tingin ng officers pati ng ilang candidates. Edi shing. "... po?" Tsk.

"Aren't you listening to me earlier, Ms. Nera?" Ramdam kong inis na si Alyena sa akin. Yung tingin niya ngayon sakin, tinging masungit na bakla. Hinayaan ko na lang iyon at binigay ang hinihingi nila.

"Serina Tracey Nera at your service." I bowed my head again for 3 seconds para naman wala na silang reklamo... or so I thought.

"Course? Age? Complete Intro. please." Nak naman ng fishball na may eyeglasses na red and black oh. Huwag niyong sabihing i-recite ko pa ang mga sinagot ko sa hinayupak na Slam Book ni Jenina?!

Kalma, bes! Kalma. Grace under pressure remember?

"Serina Tracey Nera. Physics. Third Year. 18." walang ganag sagot ko sa nakakawalang ganang tanong at atmosphere. Pati rin ang mga nakakawalang ganang tingin nila sa akin. Psh.

Ilan pang kaek-ekan ang sinabi ng Auditor bago nagsimula sa practice. Unang tinignan ang pagrampa namin na kung saan, ako ang bumida. Bumida sa paraang para akong lasing na nakahithit ng floorwax habang rumarampa gamit ang savage na high heels na binigay ni Jenina para suotin ko. Balak pa sanang tulungan akong tumayo ni Gov. dahil walang balak ang iba pero nakatayo naman ako agad. Bitter sila sa akin mga tol. Pinagtatawanan pa ako eh. Pagsasaksakin ko kayo ng heels na suot ko. Tsk.

"Ms. Nera. Can you please be serious about this." Panenermon na naman ng Auditor. Ayoko na siyang tawaging Alyena.

"I'm serious po. And so my skills about this. It is a "serious" matter to be fixed dahil honestly speaking, I'm not good as it seem, Mr. Auditor."

Mas lalong sumama ang timpla niya sa akin sa mga sumunod na oras. Ako palagi ang sinesermonan niya habang si Gov. tahimik lang na nanonood. Gusto ko sanang isigaw sa kanya na masyado na ata tong Auditor niya. Pati ang ibang candidates ang sama-sama ng tingin sa akin and that hurts me. It's because I'm not good, I'm ruining the practice. It's because I'm not good, they are hating me. Mga tao nga naman.

30 minutes break bago ituloy ang practice na diko alam kung saan ang patutunguhan. Umiinom ako ng tubig ng may tumabi sa akin.

"You need help?" She's one of the candidate and I think from Psychology siya. She's beautiful. At so far, siya ang lumalamang ngayon sa mga candidates. No kidding. Ang ganda ng posture niya. Ang paglakad na akala mo fetus pa lang rumarampa na siya. She's a pageant material. Char.

"I need it but no one dares to." Uminom ulit ako ng tubig.

"I dare though." Nakangiti niyang turan sa akin kaya hindi ko napigilang mabuga ang iniinom ko and the worst thing is ... kay Gov. na padaan sa harap namin. Uh-oh.

Hinanap ko agad ang panyo sa bag ko ang nilapitan siya. Buti na lang braso ang sumalo ng binuga ko. Nabasa rin ang kanyang uniform ... konti. Nagpapasalamat na lang ako't busy yung iba lalo na si Auditor dahil kung hindi sinasaksak na naman ako ng mga tingin ngayon. Yung babaeng kumausap lang sa akin ang nakakita pero nanatili siyang nakaupo at hindi nagsalita.

Iniabot ko kay Gov. ang panyo pero tinignan niya lang yun. Hindi ko mawari ang ekspresyon niya. Inis ba o hindi? Galit ba o hindi? I dunno.

"Sorry po. Na-shocked lang." Ang tanging nasabi ko sa kanya pero nalaglag ang panga ko ng ngumiti ito at kinuha ang panyong iniabot ko.

"Okay lang gamitin ko 'to, Ms. Nera?" Taeng challenging question yan. Pageant proper na ba?

"Ibibigay ko ba sayo ang panyong yan Gov. kung hindi?" Hindi ko napigilang sagot sa kanya. Nakakaasar eh. Naaalala ko ang mga kahihiyan ko these past few days kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Tsk. Buti na lang mahina ang pagkakasabi ko.

Mas naasar naman ako ng tumawa siya. The hell with this human?

"Relax. Okay? Anyway, thank you." Umalis na siya sa harap ko bago pa ako makasagot.

Thank you saan?

*****
"Next! Candidate No. 4!" Naghanda agad ako. Ako No. 4 fyi. Inalala ko lahat ng tinuro ni Krisna kanina, yung taong nag-"I dare though." Sa 20 minutes na pagtuturo niya sa akin ng tamang posture at paglakad, may natutunan naman ako konti.

Inayos ko ang tayo ko at tumingin sa mga nanonood na officers.

Chin up. Breast out. Inisin pa si Auditor-smile.

Nilagyan ko ng tamang kembot ang bawat paglakad ko gaya ng sinabi ni Krisna. I tried my best para ngumiti ng maayos pero napalitan ng ngiwi ng nararamdaman kong sumasakit ang paa ko sa bawat hakbang ko. Taeng heels kasi. Savage amp.

Binalik ko naman agad ang ngiti at pinilit maglakad ng maayos. Kahit papaano satisfied ako sa ginagawa ko. Ewan ko lang kay Auditor. Ang high kasi ng standard sa pagrarampa.

"Good, Ms. Nera." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Auditor. Akalain mo yun? Pumasa ako sa standard niya? Nginitian ko na lang siya at mabilis na umupo para tanggalin ang hinayupak na heels na 'to.

Namumula ang mga paa ko. Medyo masakit pero kaya ko namang maglakad. Hinanap ko kung saang planeta ko nilagay ang sapatos ko kanina, luckily nasa harap ko ngayon habang hawak-hawak ni ... Malutong na lechon! Ba't na ka'y Gov.!?

"Anong ginawa mo sa sapatos ko!?" Hinablot ko agad yun at tinignan siya ng mariin.

"I thought you might need it. Napansin ko kasi kaninang parang nahihirapan sa heels na yan. Don't look at me that way. Just wanna help, okay? Nasa malapit lang naman kasi yang sapatos mo sa pwesto ko kaya nagmagandang loob lang akong ilapit sayo." Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala ang ngiti niya habang nakikipag-usap. Hindi naman kaaya-ayang tignan. Psh. Napaiwas na lang ako.

"May paa naman po ako. Kaya kong kunin. Nagsayang ka pa ng energy ... po."
Nagulat ako ng hablutin niya sa akin ang sapatos at lumuhod. Taena! Huwag mong sabihing naimpluwensyahan 'to ng Cinderella?

Hindi ako nagkamali nang hawakan niya ang paa ko't akmang isusuot ang sapatos pero iniwas ko agad ang mga paa ko. Tumingin siya sa akin pero hindi nasa kanya ang atensyon ko. Nasa mga nakakakita ngayon sa amin.

"Kaya ko rin pong magsuot at magsintas ng sapatos. Naturuan po ako at isa pa, may kamay ako Gov. See?" Iwinagayway ko ang mga kamay ko sa mukha niya. Ngumiti ulit ito at tumayo.

"See you tomorrow." Tumalikod ito at nagpunta sa mga kasamahan niya. Nakahinga ako ng maluwag. Sinuot ko na ang sapatos ko.

Huling practice na kasi yun sa araw na 'to. Pwede nang umuwi kaya excited na excited akong sinukbit ang bag ko at lumayas na ng gym.

"Anong meron sa inyo ni Governor?" Napamura ako ng biglang may magsalita. Si Krisna. Sumasabay sa akin. Ano namang trip nito? At ano raw? Hahaha.

"Uh ... nandemoneyo (nothing)." Kumunot-noo naman siya sa akin na ikinangiti ko. Manood kasi kayo ng anime. Hahaha.

"By the way, thanks! Bye!" Iniwan ko siyang nakatayo roon at binilisan nang umuwi.

One Piece, come to mama!

*****

Dean's POV

"Gov. type mo ba siya?" Napatingin ako kay Luisa dahil sa tanong niya. Nagaayos kami ng mga ginamit sa practice kanina.

"Type? Keyboard ba ang tinutukoy mo, Luisa?" Sumimangot naman siya kaya napatawa ako. Kinuha kong chance iyon at binuhat ang basura na hawak niya para makalayo sa tanong niya. Nasa labas pa ng gym ang basurahan nang makita kong nasa harapan ko lang si Ms. Nera. Ang bilis ng mga hakbang niya. Napailing na lang ako.

Nakalabas na siya sa gym at ako naman nasa pintuan pa lang nang lumapit sa kanya ang isang candidate at sinabayan sa paglakad.

"Anong meron sa inyo ni Gov.?" Natigil ako sa paglapit sa basurahan ng marinig ko yun. Hindi pa naman ganun kalayo ang dalawa kaya narinig ko.

Tumigil si Ms. Nera pati yung kausap niya kaya napatago ako sa likod ng basurahan.

Shit! Why did she asked that thing!?

"Uh." Kusang tumigil ang paghinga ko nang magsalita si Ms. Nera.

Hindi ako mapakali sa pinagtataguan ko. " ... nandemoneyo." Doon na ako nanahimik. Huminga ako ng malalim at sinubukang sumilip na sana hindi ko na lang gumawa.

She's smiling.

"Keyboard pala ha." Napatayo agad ako sa pwesto ko nang biglang sumulpot si Luisa.

"What the hell!?" Tanging nasambit ko. Pero hindi naalis ang nakakalokong tingin niya.

"It's not what you think." Nagsimula akong maglakad pabalik sana sa gym pero...

"Gov. dito ang daan ang pabalik sa gym." Nakita ko pa ang pagkagat niya ng labi niya para pigilan ang tawa nito. Tinignan ko naman ang direksyong itinuturo niya. Nagulo ko ang buhok dahil sa direksyon pala na dinaanan ni Ms. Nera ang tinatahak ko.

Hindi na ako nagsalita at nagmadali na lang bumalik sa loob ng gym.

"HAHAHAHAHAHA." Hindi ko pinansin ang tawa ni Luisa ng makapasok na kami sa loob. Nagpatuloy lang ako sa paglakad at pumunta sa direksyon ni Allen na inaayos ang speakers.

"Gov. anong meron---" Nagpanting ang tenga ko sa salitang "Anong meron" na yan kaya napasigaw ako.

"Walang namamagitan sa amin!" What the hell I'm saying!? Napapikit ako dahil sa frustration.

"Ano? Haha. Gov. ang tatanungin ko, anong meron dun kay Luisa at tawa ng tawa." Siya naman ngayon ang tumawa na siyang ikinainis ko. "Bakit Gov.? May something ba kayo ni Luisa na hindi namin nalalaman? Uyyy!" Hindi ko napigilang batukan si Allen dahil sa sinabi niya pero ang gago pinagsigawan pang may something kami ni Luisa.

Wala na akong nagawa nang magtawanan sila. Why the hell is this happening to me? I'm the Governor here! They should respect me! Nonsense.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top