Ikalimang Banat: MS. CAS
Date Published: (11-05-2015)
Napatigil ako sa pagtawag niya. Tss! Hindi ba niya naiintindihan na nahihiya ako? Lakas maka-inis ha!
Nang makalapit siya sa akin, mataman ko siyang tinignan. As usual, naka-eyeglass at naka-uniform. Wala naman akong balak i-describe ang itsura niya ngayon kaya bago pa siya magsalita ay inunahan ko na.
"Kung magso-sorry po kayo ulit, huwag na. Ayos lang po. Kaya kung pwede po, paalisin niyo na kami dahil may klase pa kami."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na. Kaya lang nabato ulit ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi.. uhm. Ibibigay ko lang sana tong memorandum sa inyo. Pakibigay sa Class President niyo para mapag-desisyunan niyo kung sinong sasali sa event na ito."
Hindi ako lumingon. Siguro namumula na ngayon ang pagmumukha ko dahil. Sa pangalawang pagkakataon, basag ulit ako. Damn it!
"Yan kasi, assume ng assume. Kaya in the end? Masakit."
Umiling-iling pa si Jenina habang binabasa ang memo na ibinigay ni Gov. kanina. Damn!
"Tsk!" Hinila ko na lang ulit siya at pumunta sa kinaroroonan ng Class President namin. Si Ate Jane.
"Ah ganun ba? Sige. Wala ba kayong class mamayang 3-5?"
"Wala po ate."
"Sige. Mamayang 3-5 na lang tayo magmi-meeting."
Nagpaalam na kami sa kanya dahil nasa klase pala siya at nagpunta na rin sa sarili naming klase. Badtrip pa rin ako kaya di ako nagsasalita.
"Serina!"
Napalingon ako sa ka-klase kong tumawag sa akin. Nagtanong siya kung sino ang sasali sa event na mangyayari next week. Nagkibit-balikat ako dahil diko pa naman alam ang event na yun dahil mamaya pa naman namin iyon pag-uusapan.
3-5 PM
Almost lahat na ata ng BS Physics nandito na. Pwera na lang yung dalawang first year na bumili ata ng meryenda.
Katabi ko si Jenina na kausap yung katabi niya. Ako nakatunganga lang. Wala pa ako sa mood. Kaya diko na namalayan ang pagdating nung dalawang first year at nagsimula na pala ang meeting.
"Guys, about sa memo na ibinigay kanina, tungkol ito sa magaganap na MS. CAS 2015 next week. Ang kailangan natin ngayon ay ang pumili nang candidate na magre-represent ng course natin. Konti lang oras natin kaya sana cooperate tayong lahat."
Sumang-ayon naman ang iba. Tinanong muna kung sasali ba kami o hindi. Siyempre para sa pride ng course namin, sasali kami.
"Now, sino ang gusto niyong sasali para sa MS. CAS?"
May mga nagtaas ang kamay. May mga nag-uusap-usap sa gilid ng room. May mga nakikinig lang at nakatunganga kagaya ko. May mga wala ngang pakialam eh gaya nung katabi ko na naglalaro ng Temple Run. Nauso pa ba yan? Ang adik nito!
"President, si Ate Jenina po! Si Ate Jenina ang isali natin!"
Napangisi ako sa sinabi nung first year. Haha. Napatigil naman siya sa paglalaro ng Temple Run. Yeah right! Si Jenina ang naglalaro ng Temple Run at ito na ang karma niya dahil sa di niya pakikinig. Sa pagkakaalam ko kasi ayaw niyang sumasali sa mga beauty contest dahil sa isang pangyayari.
Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya at ngumiting tumingin sa akin. Uh-oh! Nagtaas siya ng kamay.
"Then, Ms. President, maaari ko rin po bang irekomenda si Serina Tracey Nera, bilang kandidata sa MS. CAS 2015?"
Nagsimulang maghiyawan ang iba. Yung iba naman nagusap-usap. Halatang nagtatanungan kung sino dapat ang sasali. At ako, ako na tahimik na nauupo dito. Ako na alam naman niyang ayaw ko rin sa mga ganyan, ay malapit nang hablutin ang tablet ni Jenina at ibato sa whiteboard. Ipagawa niyo na sa akin ang lahat, huwag lang sumali sa beauty contest dahil...
"AYO---"
Naputol ang pagtanggi ko nang biglang tanungin ni Ms. President kung sino sa amin ang sasali.
"Para kay Ms. Jenina, sino ang gustong siya ang sumali?"
Maraming nagtaas ng kamay. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. 16 votes.
"Para kay Ms. Serina?"
Hindi ko na tinignan dahil alam kong si Jenina ang napili.
"It's a tie!"
Napalingon naman agad ako sa whiteboard dahil sa tinuran nilang iyon. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Pareho kaming nakakuha ng 16 votes. At isa na lang ang hindi bumubuto, si Ate Jane, ang President namin.
Damn it! Huwag lang siyang bumoto para sa akin. Dahil kahit close din kami ni Ate Jane, di ko siya bati kapag nangyari yun. Napatingin ako kay Jenina. Kinakabahan din siya. Oo nga pala. Nagdalawang-isip tuloy ako. Kapag si Jenina ang napili...
"I'll vote for..."
~~~~~~~~~~~~
DEAN'S POV
Ngayong week na ang Ms. CAS 2015 kaya busy busy na kami sa paghahanda para rito. Nagpapasalamat ako sa mga kasamahan ako dahil tutok na tutok sila para lang matapos ang preparasyon.
"Gov.! Kailan ba practice nung mga sasali?"
Tanong sa akin ni Luisa. Vice Governor ng organisasyon. Hinanap ko naman ang Auditor para tanungin kung kailan ang simula nang practice nila. Sinabi naman niyang mamayang hapon.
Lumabas muna ako sa office namin para bumili ng meryenda nila. Kanina pa sila nagtratrabaho. Kawawa naman sila kung dipa nagpapahinga. Habang nasa hallway ako na-realize kong diko pala nasuot yung eyeglass ko. Pero alangang babalik pa ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at medyo nagulat ako dahil makakasalubong ko si Ms. Nera sa hallway. Base sa itsura niya, parang kinakabahan siya na naiinis. Nakasuot siya ng white T-shirt na may bungo na print tapos naka-pants at naka-rubber shoes ng black and white. As usual. Sa mga simpleng suot niyang yan, hindi pa rin maipagkakailang, mag--- maayos siyang tignan.
Habang naglalakad siya, pinaikot-ikot niya yung cap na hawak niya sa kamay niya. Frustrated ba siya?
Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya nabaling ang tingin niya sa akin. Medyo nagulat ata siya sa akin pero binawi niya agad. Nginitian ko na lang siya pero inirapan niya ako at nilagpasan na lang ako. Napailing na lang ako habang ngumingiti at bumili na ng pagkain.
"Nakita ko yun Gov.! Jeje."
Nabaling naman ang atensyon ko sa nagsalita. Makakasalubong ko din siya. Tumatakbo siya habang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Si Jenina.
"Ikaw Gov. ha!"
Bago pa ako mag-react ay nalagpasan na din niya ako. Hinabol ko siya ng tingin habang hinahabol si Serina.
"Oy besty! Wait lang to naman! Ang dami na ngang mang-iiwan sa mundo, dadagdag ka pa!"
Sigaw niya kay Serina. Grabe pala tong magbestfriend na 'to. Tatalikod na sana ulit ako nung tawagin ako ni Jenina.
Tumingin ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Nag-OK sign siya akin. Para saan yun?
"Ang ayos mo daw tignan Gov.! Ha-Aray!"
Hinampas ni Serina yung hawak niyang sumbrero at hinila palayo si Jenina.
~~~~~~~~~~~~
"Gov. eto yung listahan ng candidates!"
Inabot ko yung papel na ibinibigay ni Luisa at tinignan ang mga nakasulat na pangalan doon.
Nandito na din yung ibang candidates at hindi ko pa nababasa yung pangalawang pangalan nung candidate nang hablutin ng Auditor yung listahan. Isa-isa niyang binasa ang mga pangalan ng candidates nasa pang-huling pangalan na siya which is yung representative ng Physics ng biglang may nagbukas ng pintuan sa room na kinalalagyan namin.
Sumilip si Jenina.
"Hi po?"
Pumasok naman siya pero nakalimutan niya atang isara ang pintuan kaya.
"Isara mo ang pintuan Jenina. Sayang aircon."
Saad ko. Pero di niya ata ako narinig kasi mukhang may kausap siya sa labas.
"Ms. Ikaw ba si Jenina?"
Tanong ng Auditor sa kanya. Napatigil siya sa pakikipag-usap sa kung sino man ang nasa labas. At sumagot ng "opo". So siya ang sasali?
"Oh eh halika na. Magsisimula na ang praktis! Isara mo ang pintuan!"
Parang may gusto pa atang sabihin si Jenina pero tinalikuran na siya ng Auditor kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya.
"May problema ba, Jenina?"
Nagdadalawang-isip pa ata siya kung sasagot o hindi. Tapos tumingin siya sa labas. Titingin din sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi po ako yung sasali!"
Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya at napa-"huh?"
"Si Serina Tracey po ang sasali! Besty, pumasok ka na! Huwag ka na mahiya! To naman!"
Si Serina!? Seryoso!? Pumayag siyang sumali sa ganito!?
To Be Continued...
Ayan! Two Chapters na yan ah! Haha. Enjoy!
~MJanang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top