Ikalawang Banat: Solidarity Night (Part 2)
(Date Published: 09-29-2015)
(Date Edited: 11-01-2015)
Kainis naman oh. Bakit ni-require pa? Tsk.
"Bayad po!"
Binigay ko ang 10 pesos sa driver ng tricycle na sinakyan ko at mabilis na bumaba.
Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Mama na may kausap sa phone. Nginitian niya ako bago ako pumasok sa kwarto ko.
Pagkapalit ko nang uniform ko ay dumapa ako sa kama. Gusto ko matulog. Bahala na mamaya. Tsk!
Kung wala akong maisusuot mamaya, magdadahilan na lang ako na nasira or ano diyan para papasukin ako sa event. Eh no choice na naman sila. Kapag ako pinauwi dahil lang sa hindi ako naka-dress, sila ang magpapaliwanag sa magsa-sign ng clearance ko.
Hindi naman sa tomboy ako ulit pero di lang talaga ako kumportable sa ganung damit. Sana'y akong t-shirt at pants o kaya shorts na hanggang tuhod ang ginagamit ko. Ayokong tinatawag akong tomboy dahil BABAE ako.
Ayoko sa katamisan at kakornihan dahil ang awkward at hindi pa ko handa para maranasan ang mga yan.
Sa dami ng reklamo ko ay nakatulog nga ako.
----
"SERINA TRACEY!"
Napamulat agad ako sa mahimbing na pagkakatulog sa sigaw na narinig ko. Tae! Nagulat ako dun kaya muntik na akong mahulog sa kama.
Napatingin agad ako sa taong pumasok sa kwarto ko. Si Mama.
"Serina! Alam mo ba kung anong oras na ha!?"
Luh? Pumunta lang ba siya sa kwarto ko para tanungin yung oras? Tinignan ko naman ang orasan na nasa study table ko.
"5:30 pm po?"
Bigla namang umusok ang tenga at ilong niya.
What? Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya.
"Jusmiyo Rin! Solidarity niyo sa 6:30 PM! 6:30 PM ABER! Tapos... tapos... HINDI KA PA NAKAAYOS AT... KAGIGISING MO LANG ABER?!"
Kumunot naman ang noo ko. Ba't siya sumisigaw? Ba't siya natataranta?
"Ma, may one hour pa. Kailan pa ba ako inabot ng isang oras sa pagbibihis eh magsusuot lang naman ako ng t-shirt---"
"Magdre-dress ka! Walang t-shirt t-shirt! Hallah bumangon ka na diyan at maligo! Bilisan mong bata ka dahil aayusan ka pa!"
Aayusan!? Napangiwi na lang ako sa mga sinabi niya. Tsk! So pinaghandaan niya ah?
Wala na akong nagawa at sumunod na lang. Mabilis lang akong naligo. Mga 15 minutes. Pagbaba ko nakita ko si Mama sa sala.
"Hi besty!"
Tinignan ko naman siya. Nakaupo siya sa sofa katabi ang isang magandang babae. Ba't andito sila? At sino yung babae? Kaharap nila sa Mama.
"Jenina."
Pansin kong nakaayos na siya. Nakasuot siya ng black and white cocktail dress. Black sa baba na may style, white sa taas, strapless siya at may silver lining sa bewang. Naka-heels siya ng white na may black din. Nalula pa ako sa taas ng heels niya. Yung buhok niya ay wavy at light make-up. In short, nangingibabaw ang kagandahan niya. Nasilaw naman ako dagdagan pa nang ngiti niyang pang-McDO.
Dinapuan ko naman ng tingin yung katabi niyang babae. Mas matanda siya sa amin. Nasa 25+ siguro.
"Sino siya?"
Takang-tanong ko sa kanya.
"Siya ang mag-aayos sayo!"
Buong sayang sigaw ni Jenina at Mama. Nagsabay ang mga loka-loka. Tsk! Huwag lang nila akong pagsuotin ng kung ano-ano.
----
Nakaabot kami sa school ng 6:15. Hindi naman daw ako mahirap ayusan. Wow ah! Hindi talaga sila nahirapan kanina ah eh halos magsigawan at mag-panic na sila kanina kung anong ayos ng buhok ko, kung anong isusuot ko mula sa tambak-tambak na dinala nilang dress. Hindi talaga sila nahirapan. Tsk!
Papunta kami sa field. Doon ang venue. May araw pa pero hindi na mainit.
Habang naglalakad kami ay napapatingin ang mga nadadaanan namin. Makita mo ba naman ang isang Jenina.
"Pinagtitinginan ka nila besty!"
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Totoo naman eh."
Depensa niya. Tinignan ko naman ang mga nadadaanan ko and to my disgust may mga ILANG nakatingin sa akin. Tsk.
Binilisan ko ang lakad. Buti na lang di nila ako pinag-heels kaya malaya akong nakapaglalakad ng maayos. Nakasuot ako ng simple white dress na above the knee (Si Ateng Maganda ang pumili). Wala siyang kung ano anong kaartehan. Simple plain white dress lang siya. At naka doll shoes ako ng white din. Ako ang nagpumilit pumili. Light make up din sa akin.
Hindi nila ginalaw yung buhok ko bagkus nakalugay lang siya. Lagpas balikat above the bewang ang buhok ko at wavy din. (Nasa media po ang outfit niya. Disregard the bag xD)
Pagkadating namin ay saktong nagsimula ang Solidarity Night. Hinanap ko agad kung nasaang parte ang pagkain at laking tuwa ko nung makita kong malapit lang sa kinauupuan namin.
Unang part ay nag-introduction number ang Officers ng College at Organization per course namin. Maganda naman. Pinangunahan ni Governor ng College namin. Sa totoo lang, may talent siya sa sayaw.
Hindi ko masyadong napagtuunan ang sumunod na nangyari dahil hinihintay ko yung announcement na pwede nang kumuha ng pagkain. Gutom ako.
Bigla namang may lumapit at nag-aya kay Jenina para sumayaw. Sayawan na pala kaya mag-isa na lang ako sa table na kinalalagyan ko. Sanay naman ako. Simula nung first year ako, pagkain lang ang enjoyable pag Solidarity.
Kapag kasi may mag-aaya noon sa akin, nagdadahilan ako. Dahil nahihiya ako. Meaning, wala pa akong first dance mula High School hanggang college dahil nung high school hindi required ang pumunta kaya di ako pumupunta. Sa college lang talaga ako tinamaan ng malas pagdating sa ganitong okasyon.
Dahil sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang may tao na pala sa harap ko.
"Pwede ba kitang maisayaw, Ms. Nera?"
Nagulat ako. Slight lang naman. Nag-isip agad ako nang idadahilan ko pero medyo nahihirapan ako.
Dahil walang iba kundi si Governor ang nag-aaya sa akin sa oras na ito. As usual, naka-salamin pa din siya at iba na ang suot niya mula nung nag-Introduction sila kanina.
Naka-suit siya ng black. Open siya. Nakapanloob siya ng white na shirt. For the first time na sasabihin ko, ang gwapo—I mean ang ayos niyang tignan. Yun lang.
"Ahmm. Masakit ang paa ko. Iba na lang."
Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko tinatanggap ang mga nag-aaya dahil nahihiya ako. Kahit sino pa yan. Kahit yung hinahangaan ko.
Nakita ko ang disappointment sa mukha niya. At nakita ko rin na may nakatingin nang ibang estudyante sa gawi namin. Yung mga tingin nilang nagsasabing: Kawawa si Gov. Inindiyan. Nakakahiya naman.
Diko lubos maisip kung bakit ang kikitid at ang judgmental ng mga tao kaya dala ng inis ko ay hinila ko na lang si Governor at dinala sa dance floor.
Pagdating namin doon binitawan ko kaagad ang pagkakahawak sa kanya.
Nung una gulat pa siya pero ngumiti siya nung huli kaya yumuko ako tapos sinabing.
"Diko alam sumayaw. Wala akong ideya."
To Be Continued...
Hahaha. Ano na kayang mangyayari sa magiging first dance ng ating bida?
Up Next:
Ikatlong Banat: Solidarity Night (Part 3)
Support! Support! Support! xD
~ MJanang
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top