Chapter 8


May palatuntunan sa eskwelahan at nasa loob kami ng gym. May malaking entablado sa harapan nito kung saan tinatanghal ang mga programa.

Nagpupunta minsan si Greg sa paaralan kapag may aktibidad tulad na lang ngayon.

"Ingat ka, girl. H'wag mong hayaang mahulog ang loob mo d'yan kay Sir Greg," babala ni Alma. Iniwan niya saglit ang mga estudyante niya at tumabi sa akin. Napansin siguro niya ang panakaw kong tingin kay Greg.

"Alam ko naman kung saan ilalagay ang sarili ko," may halong pagdaramdam na sabi ko.

Mayaman ang angkan ng mga Evangelista. Bukod sa pinapasukan ko, may mga paaralan pa sila sa ibang lalawigan at ibang panig ng Metro Manila. May kamahalan ang bayad ng matrikula dahil bukod sa ekslusibong paaralan ito na kompleto sa pasilidad ay may mataas na standard itong sinusunod.

Medyo maalwa rin naman ang aming kabuhayan. Hindi nga lang kasing yaman ng mga Evangelista. Ang papa ko ay isang kilalang abogado samantalang ang mama ko ay may sariling real estate business

"Hindi kita iniinsulto. Hindi ka naman alangan kung estado lang sa buhay ang pag-uusapan. Ang ibig kong sabihin, si Sir Greg ay ang klase ng lalaking hindi patatali sa isang babae. Mula nang makipagkalas 'yan sa dati niyang nobya, iba-ibang babae na ang nauugnay sa kaniya pero wala namang sineseryoso," sabi ni Alma.

"Walang basehan ang pag-aalala mo dahil malayong magkagusto s'ya sa akin."

"Tingin ko nga may gusto rin s'ya sa 'yo." .

"Bakit mo naman nasabi?" Tumaas ang mga kilay ko.

"Lagi ka kasing sinusundan ng tingin."

"Baka napatingin lang pero binigyan mo na ng ibang kahulugan."

"Ilang beses ko rin s'yang nakita na nagtankang kausapin ka." Pagpipilit niya.

"Guni-guni mo lang 'yon." Inirapan ko siya.

"Uy! Panay ang iwas! Mukha talagang may itinatago," tukso niya. Kinalabit niya ako sa tagiliran.

"Wala kang mahihita sa panunukso mo kaya p'wede ba tigilan mo ako?" Nangingiti na rin ako.

"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo no'n sa dinner party?"

"Walang nangyari," tanggi ko.

"Owss! Bakit iba ang kumakalat na tsismis? Sabi ng staff sa ibang school ganito raw kayo." Nagminustra siya at pinagdikit niya ang kaniyang dalawang hintuturo na ang na ibig sabihin ay close.

"Naniwala ka naman. Hinatid niya lang akong pauwi na binigyan ng ibang kahulugan nang nakakita."

"Kahit daw sa dinner party kayo ang palaging magkasama."

Napahalukipkip ako. "Teka, akala ko ba pinag-iingat mo ako kay Greg? Bakit ngayon panay ang tukso mo sa akin?"

"Huli ka!" Nakaturo sa akin ang kaniyang hintuturo.

"Ano'ng pinagsasabi mong huli ka d'yan?" natatawang tanong ko.

"Tinawag mo siyang Greg! 'Di ba ibig sabihin no'n personal na ang level ng pagkikilala n'yo?"

"Ewan ko sa 'yo."

"Bakit ba masyadong sarado ang bibig mo pagdating sa kaniya?" Hindi pa rin natigil ang pag-uusisa niya.

"Wala naman kasing dapat ikuwento. Sa totoo lang, umasa rin ako pero hindi na nasundan ang pag-uusap namin mula noon." Kumawala ang isang malakas na buntong-hininga mula sa akin. Hindi ko rin naitago ang pait sa tinig ko.

"Mabuti na rin siguro ang nangyari dahil baka paglaruan ka lang ng lalaking 'yan," sabi niya na may diin at inis sa salitang lalaki.

"Kaya nga ibinaon ko na sa limot 'yon pero pinaalala mo na naman." Pangongonsensya ko.

"Naku, sorry po! Masyado ka kasing malihim, kung hindi pa kita pinilit magsalita ay hindi ka aamin." Siya pa ang nagtaray.

"Oo na! Kasalanan ko na!" Pinandilatan ko siya ng mata. Narinig ko na tumawa siya.

"Balik na nga ako ro'n sa mga estudyante ko. Baka nanggugulo na ang mga 'yon dahil wala ang maganda nilang teacher." Tumalikod na siya sa akin at lumakad palayo na pakembot-kembot pa. Ang arte talaga.

"O sige, mamaya na tayo mag-usap," pahabol ko.

Mabuti na lang marami akong pinagkakaabalahan na nakatulong nang malaki para maiwaksi sa isip ko si Greg. Binigay ko ang aking atensyon sa mga batang nasa aking pangangalaga, isang seksyon iyon na mula sa nursery level.

Hindi sinasadyang napasulyap ako sa gawi ni Greg at nahuli ko na nakatitig siya sa akin. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Parang may kung anong bagay na tumadyak sa puso ko, bumilis ang tibok nito. Umiwas ako ng tingin at kunyari ay itinuon ang pansin sa aking mga mag-aaral.

Bakit ba ang lakas pa rin ng dating sa akin ng lalaking iyon? Kahit na anong pigil ko sa sarili, isang tingin lang mula sa kaniya ay para na akong matutunaw.

Muli ko siyang nilingon makaraan ang ilang saglit. Nahuli ko uli na titig na titig siya sa akin. Pakiramdam ko para akong isang masarap na putahe sa isang gutom na gutom na nilalang.

Ano ba ang gusto niyang palabasin? Kung interesado siya sa akin, what's keeping him from pursuing me?

Is he turned-off because I'm not as sophisticated and as liberated compared to the women he usually associates with? Magkaroon lang ako ng pagkakataon, ipapamukha ko sa kaniya na I am as worldy as he is! Erase! I can be as wordly as he is!

Hindi lang si Alma ang nakapuna sa malalagkit na tinging itinatapon sa akin ni Greg. Pati ang mga kasamahan ko ay nagbubulungan at binibigyan ako ng mapanuksong ngiti. Iyong iba tumaas-bumaba pa ang mga kilay nila.

Kaunti na lang at sasabog na ako. Kapag hindi tumigil ang Greg na iyon sa kaniyang ginagawa ay susugurin ko na siya. Grrrr!

Hindi maipinta ang mukha ko na naglakad sa direksiyon niya. Tumayo ako sa tabi niya at nagkunyaring nanonood sa palabas na nagaganap sa entablado.

"P'wede ba, Mr. Evangelista? Stop staring at me!" halos pabulong ngunit mariing sabi ko.

"Huling pagkakaalam ko, wala pang batas na nagbabawal tumingin sa kapwa mo," panunutil niya. Sa entablado siya nakatingin at mahina rin ang boses niya.

"Wala nga. But I find it..." Huminto ako sandali, naghahanap ng tamang salita.

"Unsettling?" Nakangiting sabi niya at saglit siyang tumingin sa akin.

"Of course not!" Sumulyap rin ako sa kaniya at saka ko inirapan.

"Well, what's wrong if I'm looking at you?"

"Marami nang nakakapansin sa ginagawa mo at tinutukso ako!"

"I can't help it if I find you attractive."

"But it's insulting!"

"What?" gulat na tanong niya.

Tuluyan na siyang humarap sa akin. Hinawakan ako at hinila palayo. Nagpumiglas ako ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakakahawak sa kamay ko. Napilitan akong sumama sa kaniya para iwasang makuha ang atensyon ng iba.

"Now, would you care to explain what you mean by that statement? Ano'ng masama sa pagtitig ko sa 'yo?"

"There's nothing wrong if you'll show your real intention, but you're giving me a mix signal here. No'ng nasa party tayo, you were extra attentive. In fact, it was beyond the attention given to a common guest. Hindi mo maiaalis sa akin na umasa kahit na isang tawag, kahit tawag sa isang kaibigan lang! Pero wala akong narinig sa'yo!" gigil na sabi ko. Hiningal ako sa tindi ng emosyon. "I find that insulting! Tapos ngayon panay ang sulyap mo, hanggang do'n lang naman. Kaya p'wede ba tantanan mo ako?"

"It's for your own good kaya hindi ako tumawag sa 'yo no'n at kaya hindi rin kita nilalapitan ngayon!" Makulimlim ang ekspresyon ng mukha niya.

"Let me decide for myself what's good for me!"

"Oh, yeah! Let me tell you, Miss Sandy, I don't do serious relationship! Ang tingin ko sa 'yo, you're big on commitment!"

"Don't categorize me, Mr. Evangelista. Kahit tatlo pa lang ang naging boyfriend ko, I had a sizzling romance with all of them! When I ended my relationship with them, I did it with just a snap of my finger!" mariing sabi ko na sinabayan ko ng pagpitik ng daliri. Tinalikuran ko siya at nagmartsa na ako pabalik sa mga estudyante ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top