Chapter 5
Hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko, but I instinctively know that there is something wrong. Matagal na ako sa siyudad at kahit minsan hindi ko pa naranasang magising sa ingay ng mga huni ng ibon. Naramdaman ko rin ang banayad na ihip ng hangin sa aking katawan. I slowly opened my eyes and what I saw scared the hell out of me! Instead of my ceiling, I am staring at the vastness of this clear, blue sky!
Napatayo akong bigla at iginala ang aking paningin sa paligid. Nasaan ako?
May narinig akong kumakanta. Nagmamadaling binagtas ko ang direksyon papunta roon. It sounds familiar, parang boses ni Isabelle.
Ako'y anak ng dalita
At tigib ng luha
Ang naritong humihibik
Na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit
At kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig
Saka pagdaramdam
Si Isabelle nga! Nagsasampay ng damit sa likod ng kanilang bahay. Unti-unting namuo ang aking hinala kung bakit ako nandito. Hindi ko man itanong, alam ko na nasa 1915 ako!
"Isabelle!!" tawag ko habang patakbo akong lumapit sa kaniya.
"EEEEEeeeee!" sigaw niya.
Ano'ng nangyari sa taong iyon? Bakit kumaripas ng takbo pabalik sa bahay nila?
Luminga ako sa paligid upang alamin kung ano ang kinatatakutan niya. Walang ibang tao maliban sa akin. Tiningnan ko ang aking sarili at ganoon na lang ang pagkabigla ko. Wala akong saplot!
Kumuha ako ng damit sa sampayan. Sando at saya pambabae. I feel ridiculous but this is better than nothing. Sinundan ko siya. "Isabelle, pagbuksan mo ako. Mag-usap tayo, please!" Kumatok ako sa kanilang pinto.
"Hindi kita kilala, Ginoo! Umalis ka na! Kung hindi, sisigaw ako at siguradong sasaklolohan ako ng mga kapitbahay ko!"
"Kilala mo ako, Isabelle! Hindi mo ba natatandaan, magkasama lang tayo kahapon?"
"Binabalaan kita, Ginoo. Umalis ka na kung ayaw mo ng gulo!" Matapang ang tinig niya pero alam kong may takot sa kaniyang dibdib.
Humakbang ako palayo sa pinto at umaligid sa kanilang bahay. Naghahanap ng maaaring malusotan. Nakapasok ako sa loob ng bahay sa pamamagitan ng pagsampa sa isang bukas na bintana. Nakita ko si Isabelle sa likod ng pintuan hawak ang isang itak.
"Isabelle," sabi ko mula sa kaniyang likuran.
Napalundag siya sa kabiglaan at iniumang sa akin ang hawak na itak. "Paano ka nakapasok dito?"
"Sa bintana." Itinuro ko ang bukas na bintana. "Teka...teka! Hindi ako masamang tao. Talagang magkakilala tayo. Napunta ka sa panahon ko...taong 2015!"
"Baliw ka talaga, ano?"
"Hindi. Patutunayan ko na nagsasabi ako nang totoo." Nag-isip ako ng magandang pruweba. Ang hina ko pa naman sa history! "Idineklarang bayani si Jose Rizal!"
"P'wede ko ring sabihing naging bayani ang kapitbahay ko," ganting sagot ni Isabelle.
Naalala ko ang kuwento ni Isabelle tungkol sa kaniyang nobyo. "Namatay ang nobyo mo sa giyera."
"Maaaring narinig mo lang 'yan dahil lahat ng kapitbahay ko alam ang tungkol d'yan!'"
"Pero hindi nila alam na wala ka nang nararamdamang pagmamahal sa nobyo mo dahil hindi s'ya marunong kumilala ng karapatan mo bilang babae...dahil mababa lang ang tingin n'ya sa kababaihan. At ayaw mo nang sumugal sa pag-ibig dahil natatakot kang muling makatagpo ng katulad n'ya."
"Nanghuhula ka lang dahil alam ng lahat na ayaw ko nang mag-asawa." Nasa boses niya ang pagtataka.
"Sinabi mo sa akin na ang hanap mo ay isang lalaking patas ang pananaw...masayang kausap...parang ako. No'ng bumalik ka rito sa panahon mo, dala mo ang kuwintas. Nasaan na ang kuwintas?" tanong ko.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"
"Wala kang hiniling sa kuwintas na may pulang bato?"
"Mahirap paniwalaan ang sinasabi mo!" sagot niya pero hindi niya itinanggi na humiling siya.
"Alam ko. Please lang, Isabelle. Tulungan mo ako. Ibalik mo na ang kuwintas sa akin. 'Yon lang ang paraan para makabalik ako sa panahon ko," pakiusap ko.
Nakita ko siyang nag-isip. Mukhang napaniwala ko na nagsasabi ako ng totoo.
"Sige, maghintay ka rito at kukunin ko sa silid."
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko iyon nang lumabas si Isabelle mula sa kuwarto. Ibinigay niya iyon sa akin. Dali-daling isinuot ko iyon.
"Bakit narito ka pa rin?" tanong niya.
"Hindi ko alam. Ang akala ko, kapag suot ko na ito ay babalik na ako sa panahon ko," nagtatakang sagot ko. Did I miss something? She vanished after I kissed her last night. Pero hinalikan ko rin siya sa Manila Bay at hindi siya nawala! May bigla akong naalala, she confessed that she loves me. "Uh, siguro kailangan mong..."
"Kailangang?"
I am a stranger to her now. Imposible nang sabihin niya pa iyon. "Kailangan natin...siguro... kailangan nating magkasama buong maghapon. Gano'n kasi ang nangyari sa atin nang pumunta ka sa panahon ko," paiwas na saad ko.
"Sige. Payag ako. Mukhang wala naman akong magagawa."
"Salamat." Wala sa loob na hinawakan ko siya sa kamay. Nakita kong pinamulahan siya ng pisngi. "I'm sorry, I mean...pasensya ka na. Sa panahon namin balewala ang paghawak sa kamay ng isang babae."
Pumasok muli siya sa silid at kumuha ng damit na pinahiram sa akin. Hula ko damit ng tatay niya iyon.
Marami kaming pinag-usapan. She is an attentive listener. She seems to be very interested when I talked about the role of women in society, politics and workforce. Natuwa siya nang sinabi ko na dalawang babae na ang naging presidente ng Pilipinas at maraming babae ang nakaupo sa matataas na posisyon ng gobyerno.
Pumunta kami sa Malate Church na pinakasentro ng aktibidad noon. Naikuwento ko sa kaniya na halos lahat ng eksklusibong residential area sa Malate ay naging commercial area noong taong 1970.
Napagkatuwaan niyang magpakuha ng litrato habang namamasyal kami. Gusto niyang kasama ako pero tinanggihan ko. Hiniram niya sa akin iyong kuwintas at ibinalik din kaagad matapos niyang magpakuha ng picture.
Hindi ko napansin ang mabilis na paglipas ng oras. Once again, I am enjoying her company and I can sense that my feeling is reciprocated. There is an intense emotional connection between us. Regardless of time, my heart and hers recognized this special bond, parang kindred spirit.
Takip-silim na noong umuwi kami. I can feel a palpable tension in the air, a sort of raw anticipation of the coming night.
Katatapos lang naming maghapunan nang may kumatok. Nagtungo ako sa isang silid at nagtago sa likod ng pinto nito. Medyo nakaawang iyon para marinig ko at makita kung sino ang istorbong dumating.
"Ikaw pala, Felipe. Halika, tuloy ka," sabi ni Isabelle.
"Hindi na siguro, Isabelle. Hindi naman ako magtatagal."
"Anong sadya mo? Bakit ka naparito?"
"Kukumustahin lang kita. Nabalitaan ko na nagpunta sa Bulacan sina Ka Anton."
"Oo, umalis sila kahapon at bukas pa ang balik. Maayos naman ako, Felipe."
"Kung gano'n, tutuloy na ako. Kung sakaling may kailangan ka, h'wag kang mag-atubiling tawagin ako."
"Salamat, Felipe."
Nang makaalis iyong bisita, humakbang si Isabelle papunta sa silid na pinagkublihan ko. Binuksan ko ang pinto at huminto siya sa harapan ko.
"Manliligaw mo?" tanong ko sa kaniya.
"Si Felipe? Kababata ko 'yon." .
"Alam mo bang may itinatago siyang pagtingin sa 'yo?" I recognized the love in Felipe's eyes and his caring gestures for Isabelle.
"Baka nagkakamali ka. Mabait lang talaga sa akin 'yon. Mula pagkabata, kaibigan ko na s'ya."
"Alam ko na mahal ka niya. Hindi niya lang siguro masabi sa 'yo dahil nag-aalala siya na masira ang pagkakaibigan n'yo." May gumuhit na sakit sa dibdib ko.
"Ayoko nang mag-asawa kung...kung hindi lang ikaw." Humakbang siya upang mapalapit pa nang mas mabuti sa akin.
Hinapit ko siya sa baywang. Nagparaya siya nang halikan ko siya. Mabilis na hinubad ko ang suot na damit. I have the urge to take her there and then but something stops me from doing it. Hindi ko kayang dungisan ang reputasyon niya. I stared longingly at her eyes. "Hindi ako ang lalaking para sa 'yo, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magmahal uli," mabigat sa loob na sabi ko.
Pumatak ang mga luha sa mata ni Isabelle. Unbeknown to me that was her fervent wish, a man who could put her interests first before his own. Sinubukan kong pawiin ang luha sa pisngi niya pero lumagpas ang kamay ko sa kaniya. Her image was slowly fading from my sight.
Nagising ako na nakasabit na sa leeg ko iyong kuwintas. Ang akala ko ay dalawang araw kaming magkasama pero lumalabas na nangyari ang lahat sa isang gabi lang, habang ako ay tulog.
Totoo ba o pawang panaginip lang ang lahat?
For the first time in several months, there is a definite spring in my step. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para pumunta sa mga lugar na pinuntahan namin ni Isabelle. Marami akong natutunan. Una, napangasawa niya si Felipe at nagkaroon sila ng apat na anak. Pangalawa, malaki ang naging papel niya sa pag-organisa sa mga kababaihan upang ipaglaban ang karapatang bumoto at ipinagkaloob ito noong 1937. Pangatlo, wala na iyong artikulo tungkol sa bahay nila na giniba kaya baka hanggang ngayon ay nakatayo pa ito.
Nagkataon lang ba na may pangalang Isabelle at Felipe na nabubuhay noong mga panahon na iyon? O may kaugnayan ba ako sa pagbago ng kasaysayan nila?
Panaginip o kababalaghan, hindi na mahalaga para sa akin iyon. Ang alam ko lang, our life somehow had connected.
My heart swelled with joy for what she achieved and what she made out of her life. I knew that somehow I had an influence in her life. She touched my life, too. Lahat ng hinanakit ko sa dati kong nobya ay tuluyang nawala. Napagtanto ko na hindi iniiyakan ang isang babaeng hindi karapat-dapat ng pagmamahal ko.
After what I had with Isabelle, I will not settle for less. I will wait for that one true love. Kaya importante sa akin ang kuwintas, not because of its monetary value but because of what it represents in my life. Hindi ko hahayaan na mapunta ito kahit kanino lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top