Chapter 4
"Sigurado ka ba sa ayos ko? Hindi ba nakakahiya 'tong kasuotan ko?" makailang ulit na tanong ni Isabelle sa akin.
"Okay lang 'yan. Walang papansin sa 'yo rito. 'Yan ang karaniwang damit ng mga babae ngayon." Suot niya ang t-shirt kong puti at kupasing maong shorts at sandal na naiwan ng dati kong nobya.
"Tila ang halay naman nito."
"H'wag kang mag-alala. Ibibili kita ng damit sa mall bago tayo pupunta sa Malate."
Pumasok kami ng elevator. Inalalayan ko siya dahil natakot yata nang kusang bumukas ang pinto nito.
"Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya," anas niya. Magkasalikop ang mga daliri niya na nakalagay sa bandang dibdib.
"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Nagdarasal! Hindi mo ba nararamdaman, nahuhulog tayo!!" Lalo niya pang nilakasan ang pagdarasal. "Ang Panginoong Diyos ay samasaiyo."
"Sshhh...Hindi tayo nahuhulog. Nakasakay tayo sa elevator. Isang imbensyon din ito upang mapadali ang pagbaba at pag-akyat sa isang gusali," natatawang paliwanag ko.
"Bakit kasi 'di mo 'ko binalaan agad," napahiyang sabi niya. Hindi na niya pinansin ang sagot ko nang bumukas ang pinto ng elevator. Nauna na siyang lumabas at excited na pinagmasdan ang paligid.
Nagtungo kami sa park na tanaw mula sa tinitirhan ko, ang Quezon Memorial Circle. Ipinaliwanag ko sa kaniya na nandito ang labi ni Manuel L. Quezon, ang pangalawang pangulo ng Pilipinas.
Natagpuan ko na lang na magkahawak-kamay kami habang naglalakad. I stared at our hands linked together, an odd sensation rising within me.
Pumunta kami sa pinakamalapit na mall. I bought her a dress. Iyong style ala 50s circle dress na floral. Puti ang kulay ng dress na may maliliit na bulaklak na kulay maroon, pink at yellow. Kung kanina agaw-pansin na siya sa suot niyang maong shorts, ngayon mas maraming lumilingon sa kaniya.
"Ano sa tingin mo?" Umiikot na pinakita niya ang bagong suot na damit.
"Maganda!" Hindi ko napuna na nakalapit na pala ako sa kaniya. Halos pabulong kong sinabi na, "Ang ganda...ganda mo."
Nagtama ang aming paningin. She closed her eyes as I leaned toward her. Kumabog ang dibdib ko nang hawakan ko siya sa pisngi.
"Uyy! Ang sweet naman nila," sabi ng salesgirl.
Pareho kaming nabigla ni Isabelle. Para kaming napaso na naghiwalay.
"Well, who could blame me if you have a girl looking like her?" Hinapit ko sa baywang si Isabelle at iginiya palabas.
"Mas makakabuti siguro kung sa Ermita na lang tayo pumunta imbes na sa Malate. Nasa Ermita kasi ang National Library. Palagay ko mas malaki ang chance natin na may makitang babasahin tungkol sa 'yo o sa pamilya mo," sabi ko kay Isabelle.
"Ikaw ang bahala." Nagkibit-balikat siya. Kinakabahan siguro siya sa maaari naming malaman tungkol sa kaniya.
"Paano kung matuklasan natin na isang dosena pala ang anak mo at nagkalat sa ngayon ang mga apo mo sa tuhod?" Bakit para yatang may kumurot sa puso ko sa ideyang nagkaroon siya ng asawa?
"Ikaw talaga puro ka biro. Pero salamat ha? Salamat sa lahat ng tulong mo, sa lahat ng kabaitang ipinakita mo." She stares down at her hands.
"Wala pa akong naitulong. Hindi pa natin alam kung paano ka makakabalik sa inyo." I feel a bit guilty kasi hindi ko pa naipagtapat ang tungkol sa enchanted amulet.
Lagpas limang oras na kami sa library. Wala pa rin kaming nabasang impormasyon sa libro o kahit na maliit na artikulo sa pahayagan tungkol sa kaniya o sa pamilya niya.
"Balik na lang kaya ulit tayo sa ibang araw? Baka mali lang 'yong mga reference books na hiniram natin," frustrated na sabi ko. Hinilot ko ang sentido ko. "Isa pa, kailangan na nating pumunta sa NSO bago mag alas-singko. Hinihintay na tayo ng kakilala ko."
"Sige. Masakit na rin naman ang mga mata ko."
"Good. Tapusin lang natin itong binabasa ko." Dumikit siya nang bahagya sa akin at tinunghayan ang librong hawak ko. I am instantly aware of her. Naamoy ko iyong sabon at shampoo ko na ginamit niya. She is distracting me from what I am doing.
"Teka! Iyan! Iyan ang bahay namin!" puno ng galak na sabi ni Isabelle. "Ano'ng sabi?"
Maliit na artikulo lamang iyon at kung wala si Isabelle sa tabi ko maaaring nalampasan ko iyon. "Ayon dito, napunta sa gobyerno ang pagmamay-ari ng lupa at bahay. Lahat ng paraan ay ginawa ng gobyerno upang matunton kung sino ang tagapagmana pero bigo sila matapos ang sampung taong paghahanap. No'ng taong 1975, idineklarang abandonado ang bahay at lupain. Ipinag-utos din ang paggiba dahil ito'y maaaring magdala ng panganib sa tao," malungkot kong pahayag sa kaniya. "Im sorry...I'm sorry."
Hinawakan ko ang kamay niya. As if by holding her, I can transfer some of my heat to her freezing hands. Lumunok siya at makailang ulit na pinikit-sara ang mga mata. Binigyan ko siya ng ilang saglit para pakalmahin ang sarili.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko.
Umiling siya. "Gusto kong malaman kung anong nangyari sa akin. Pumunta na lang tayo ro'n sa kausap mo."
I was afraid she would say that. Kung ako lang, ayaw ko nang alamin pa.
Nasa Manila Bay kami ngayon, tinutunghayan ang paglubog ng araw. Kahit hindi niya sabihin, I can feel her disappointment, her sadness.
"Ang tanga siguro ng mga lalaki no'ng panahon mo, ano?" tanong ko.
"Bakit mo naman nasabi?"
"Sa ganda mong 'yan, walang nagkalakas loob na manligaw sa 'yo!"
I am angry on her behalf. According to NSO's record, she died at the age of 73 which was fine. Ang kaso wala kaming makitang rekord kung nag-asawa siya. Ayon sa artikulong nabasa namin kanina at sa sinabi ni Isabelle na siya ang last surviving heir ng mga del Sol, it was safe to conclude na namatay siyang matandang dalaga!
Tinawanan lang ako ni Isabelle na lalo kong ikinainis.
"May nakakatawa ba?"
"Ikaw! Hindi ibig sabihin na walang nanligaw sa akin kaya naging matandang dalaga ako."
"Ano'ng nangyari?"
"Nagkaroon ako ng nobyo kaso namatay s'ya sa pakikibaka kasama ang mga Amerikano."
"Gano'n mo s'ya kamahal kaya hindi ka na naghanap ng iba?"
"Mali. Natakot akong makatagpo uli ng katulad n'ya." Pagtatama niya sa maling akala ko. "Mahal ko s'ya no'ng una pero nakita ko ang talagang kulay n'ya kalaunan. Masyado s'yang mahigpit. Mababa rin ang tingin n'ya sa kababaihan. Gusto n'ya tagasunod lang sa lahat ng sasabihin n'ya. No'ng nasawi s'ya, nalungkot din ako pero pakiramdam ko para akong nabunutan ng tinik."
"So, bakit malungkot ka?" tanong ko.
"Tumingin ka sa paligid mo. 'Di ba nakalulula, nakamamangha ang nagawa ng tao? Samantalang ako, wala yatang nagawang makabuluhan sa buhay. Ang masakit pa, kahit isa ay walang nakaalala sa akin. Hindi nagpatuloy ang lahi namin dahil takot ako...dahil makasarili ako," malungkot na sabi niya.
"Wala man tayong nabasa tungkol sa 'yo, hindi ibig sabihin na wala kang kuwentang tao!" depensa ko sa kaniya. "Naisip mo ba na kaya ka napunta rito ay upang mabago mo ang nakaraan?"
"Tulad ng pag-aasawa?" Umismid siya.
"Bakit hindi? Ano bang hinahanap mo sa isang lalaki?"
"Gusto ko 'yong marunong gumalang sa karapatan ng mga babae, masayang kausap at handang makinig sa sasabihin ko. Parang...parang ikaw," atubiling sagot niya.
Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya. Unti-unti kong inilapit ang mukha sa kaniya at marahan siyang hinagkan sa labi. When I raise my head and stares at her eyes, I know that there is a special bond between us.
I can't sleep. Laman ng isip ko si Isabelle. Sa tingin ko, hindi rin siya makatulog. I can hear her moving around her room. May kailangan kaya siya at nahihiya lang magsabi? Tumayo ako at nagdesisyong lumabas ng silid. Nasa tapat ako ng pinto ng kuwarto niya nang ito ay bumukas.
"Hindi ka makatulog?" tanong ko.
Tumango si Isabelle. "Pasensya ka na. Nagising pa yata kita."
"Ayos lang. Hindi rin naman ako makatulog. Gusto mo manuod ka na muna ng TV sa kuwarto ko? Do'n ka na lang matulog at lilipat na lang ako rito sa silid mo," alok ko sa kaniya.
"Kung hindi abala sa 'yo." Sumunod siya sa akin papunta sa silid ko.
Napansin ko na mayroon siyang tinitingnang mabuti sa mesang nasa tabi ng kama ko habang binubuksan ko iyong TV.
Dinampot niya iyon. "Ang ganda naman nito."
Nang lingunin ko siya, nakita kong hawak niya ang kuwintas na bigay ni Kristel. "Ah, bigay ng kaibigan ko 'yan."
"P'wede ko bang isuot?"
"Sure," alanganing sabi ko.
Kinabahan ako. Ito kaya ang sagot para makabalik siya sa panahon niya? Kapag isinuot niya ang kuwintas ay bigla na lang siyang maglalaho? Humarap siya sa salamin at akmang isusuot iyon.
"Here, I'll help you." Tumayo ako sa bandang likuran niya. The necklace does suit her. It seems that it was made purposely for her. Pinigil kong huminga at hinintay na mawala siya, pero nanatili siyang nakatayo habang nakangiti sa sarili niyang replekson sa salamin.
Pinagsawa ko ang mga mata sa pagtitig sa kaniya. I imagine her wearing nothing but the necklace. My hand moves on its own volition. I flattened my hand on her belly and pulled her closer. Hinalikan ko siya sa gilid ng leeg niya. Napasinghap siya dahil doon.
Hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap sa akin. Naghinang muli ang labi namin, napakalambot ng mga labi niya. Hinimas ko ang likod, ang balakang, ang dibdib niya. At habang naglalakbay ang kamay ko, isa-isa ko na ring hinuhubad ang damit niya.
Binuhat ko siya at maingat na inihiga sa kama. I gaze down at her with tenderness. Sumunod ako sa kaniya sa kama. I was on top of her when I heard her say, "Mahal kita. Mahirap paniwalaan dahil kanina lang tayo nagkakilala. Pero alam ko, 'yan ang totoo. Mahal kita."
I was about to reply when I noticed her astonished expression. "Isabelle, bakit?"
And just like that, she vanished right before my eyes, bringing with her my heart and the... amulet! I feel like my heart is literally torn out of my body. I can feel the pain physically.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong tulalang nakahiga sa kama, para akong hinang-hina, hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata. So I let myself drift into this oblivious sleep.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top