Chapter 3

Ano ba ang kamalasang dumapo sa akin at nakatagpo ko ang babaeng iyon? Akala ko huling pagkikita na namin kahapon matapos kong tumanggi sa alok niya.

Bakit nga ba hindi ko naitanong kung ano ang halaga sa kaniya ng kuwintas at ganoon na lang ang paghahangad niya na makuha ito? Saan niya nakuha ang litrato dahil perpektong replika ito ng kuwintas na nasa akin?

Inilabas ko ang kuwintas sa ilalim ng suot kong damit, nakasabit ito sa leeg ko. Napabuntunghininga ako at naalala ko ang nangyari ilang linggo na ang nakararaan.

"Eeeeeeee!"

Sa sobrang himbing ng tulog ko, hindi ko masabi kung saan nagmula ang ingay na iyon. Pilit kong iminulat ang namimigat kong mga mata at natuklasan ko na galing iyon sa isang babaeng sumisigaw sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon. Dahil doon, nalaglag hanggang baywang ang kumot na tumatakip sa hubad na katawan ko.

"Hey, what do you think you're-" Naputol ang sasabihin ko nang magpakawala ng isa pang malakas na sigaw ang babae.

Dinamba ko siya. Balak ko lang naman siyang pigilin sa pagsigaw dahil baka ano pang isipin ng mga kapitbahay kung may makarinig sa kaniya. Napaigtad siya at nahulog sa kama. Tuloy pa rin ang malakas na pagtili niya.

Muli ko siyang sinunggaban na ngayon ay nakasalampak sa sahig. Hindi ko alintana na kapwa kami hubo't hubad. Nabitawan niya kanina ang unan na ginawa niyang pantakip sa hubad na katawan niya.

Nanlaban siya. Sinuntok ako, sinipa at kinalmot pero nangibabaw ang bilis at lakas ko. Nagtagumpay ako na ikulong ang dalawang kamay sa kaniyang likod samantalang tutop ng kabilang kamay ko ang kaniyang bibig. Nagpupumiglas pa rin siya.

I am instantly conscious of our very compromising position. We are both naked and nothing is between us.

"If I were you, I'll stop what you're doing or I'll not be responsible for what will happen next," babala ko sa kaniya.

Kumurap-kurap ang mga mata niya na parang nagtataka.

"Sabi ko, h'wag kang-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil may naramdaman akong unti-unting nabubuhay. Mukhang napansin niya rin dahil napatingin siya sa gawing ibaba.

Putsa! Hinimatay ang loka nang makita ang ayos namin!

Nagmamadali akong tumayo at tinungo ang kabinet para kumuha ng damit. Halos magkandarapa ako sa pagsuot ng t-shirt at jogging pants. Kinakabahan ako na baka magising siya at muli na namang sumigaw habang ako ay nagbibihis.

Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid ng silid upang hanapin ang mga gamit niya. Wala akong nakita. Saan kaya niya nilagay? Ang mas mahalagang tanong, sino kaya ang babaeng ito? Paano siya nakapasok sa kuwarto ko nang hindi ko namamalayan? May nangyari ba sa amin kagabi at sa sobrang kalasingan ay hindi ko na maalala?

Kumuha ako ng extra shirt at nilapitan siya na noon ay wala pa ring malay. May pag-aatubiling binuhat ko siya at inilapag sa kama. Sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko siya pinagmasdan.

Hindi siya ang tipo kong babae. Gusto ko matangkad, morena at tipong modelo. Samantalang siya, maputi at mukhang hindi lalagpas sa taas na 5"3', pero hindi maipagkakaila na maganda siya. Makinis ang maputi niyang kutis at higit sa lahat ay pamatay ang hubog ng kaniyang katawan.

Isinuot ko sa kaniya ang puting kamiseta. Tagaktak ang pawis ko, lalo na nang muling magdikit ang aming katawan habang binibihisan siya. Lagpas baywang lamang ang haba ng shirt kaya tinakpan ko ng kumot iyong legs niya.

Baka manlaban uli siya kapag nagkamalay kaya kumuha ako ng panali. Nakahinga ako nang maluwag matapos kong maigapos ang mga kamay at paa niya.

Umupo ako sa tabi niya at niyugyog ang balikat niya. Tinapik ko rin nang bahagya ang pisngi niya. Umungol siya at mayamaya ay kumurap-kurap ang mga mata niya.

Inihanda ko ang aking saril. Bago pa man siya tuluyang magkaroon ng malay ay natakpan na ng kamay ko ang bibig niya. "We need to talk. I'm gonna take my hands off you if you promised not to shout. Understand?"

Namilog ang mga mata niya. Nalilitong tinitigan niya ako.

"Aalisin ko ang kamay ko kung maipapangako mong hindi ka sisigaw. Naiintindihan mo?" ulit kong tanong. This time, she nodded. Unti-unti kong inalis ang palad ko mula sa pagkakatutop sa kaniyang bibig.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa akin?" takot na tanong niya.

"Ako ang dapat magtanong n'yan. Sino ka at ano ang ginagawa mo sa pamamahay ko?"

"Ewan ko...hindi ko alam." Nanginginig ang mga labi niya. "Basta ang alam ko, natulog ako sa sarili kong silid. Paggising ko, nandito na ako."

"That's bullshit! Paano ka makakarating dito nang hindi mo alam!" sigaw ko.

Natakot yata ang kaharap ko. Tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigil. Hinagod ng mga daliri ko ang aking ulo. Nagsisimula nang sumakit ito.

Umupo siya at sumandal sa ulunan ng kama. Hawak-hawak niya ang kumot sa kaniyang dibdib. Mataman ko siyang tinitigan. She is equally baffled as I am. I don't think that she is just acting, very authentic kasi ang kinikilos niya.

Hindi kaya pakulo ng mga kaibigan ko ito para i-good time ako? Nilasing siya kagabi at dito dinala ng mga barkada ko.

"Nakainom ka ba kagabi?"

"Uminon ako ng gatas ng kalabaw bago natulog," mahinang sagot niya. Pinahid niya ng kumot ang luha sa pisngi niya.

Huh! Nagpapatawa ba siya? Gatas ng kalabaw! Umiling ako. "Ibig kong sabihin uminom ka ba ng alak?"

"Hindi ako umiinom ng ano mang nakalalasing!"

Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Okay! Nag-iisip lang ako ng dahilan kung paano ka napunta rito nang hindi mo alam. Teka, ano nga ba ang pangalan mo?"

"Isabelle del Sol at kilala ang pangalang iyan sa lugar namin," may pagmamalaking sagot niya. "Ikaw, sino ka?"

"Greg Evangelista at your service, Ma'am." Yumukod ako para asarin siya.

Kumunot ang noo niya na parang nahihiwagaan sa akin. "Ano'ng kabuhayan mo?"

"Wala akong nakikitang dahilan para sabihin sa 'yo kung ano'ng trabaho ko."

Kumunot lalo ang noo niya. "Ngayon na magkakilala na tayo, p'wede na siguro nating pag-usapan ang tungkol sa ating kasal."

"Kasal? Nagpapatawa ka ba?" 'di makapaniwalang sabi ko.

"Hindi ako nagbibiro! Nakita mo na ang lahat sa akin at maaaring may iba ka pang kahalayang ginawa habang wala akong malay! Kaya dapat lang na panagutan mo ako!"

May tama yata sa utak ang babaeng ito. "Wala akong ginawa sa 'yo!" mariing tanggi ko. "Saka tingin lang, kasal agad! Kailan ka ba ipinanganak? Panahon ng kastila?"

Napuna ko sa mga mata niya ang pagkalito. Sumagot pa rin siya, akala niya seryoso ang tanong ko. "Isinilang ako no'ng ika-25 ng Agosto 1891. Nasa ilalim pa tayo no'n ng kolonyalismo ng Kastila. Hindi ko na kailangan ipaliwanag 'yan, Ginoo!"

"Ano bang akala mong taon ngayon?" natatawang sabi ko.

"1915!!"

May sayad nga! Ngumisi ako at balak ko pang inisin siya, pero bigla akong natigilan. Naalala ko iyong pabirong hiling ko sa amulet kagabi. May koneksiyon kaya iyon?

Ang gusto ko, babaeng totoong magmamahal sa akin katulad siguro ng pagmamahal ng isang babaeng nabuhay noong isang daang taon. Hindi ko hiniling magkaroon ng babaeng mula sa 1915!

Nangangatog ang tuhod na umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Hindi man kapani-paniwala, but I believe her. There is something different about her. Kahit Tagalog ang wika niya, iba pa rin ang tunog ng kaniyang salita, para ngang makaluma ito.

Paano ko ngayon ipapaliwanag na wala siya sa kaniyang panahon? She was hurled 100 years in the future because of me!

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo 'to." Huminga ako nang malalim at seryosong tumingin sa kaniya. Kinuha ko ang remote control para sa motorized window blinds at pinisil iyon.

Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Isabelle nang kusang umakyat pataas ang dark grey window blinds. Mas lalo siyang nagimbal sa tanawing tumambad sa kaniyang paningin.

Inalis ko sa pagkakagapos ang mga kamay at paa niya. Humakbang siyang palapit sa bintana at tiningnan ang tanawin sa labas. Sa 'di kalayuan, makikita ang naglalakihang gusali. May ilang sasakyan na ring tumatakbo sa kalsada.

"N-nasaan ako? Anong... ibig sabihin nito?" Namumutla siya sa kabiglaan.

"Nasa 2015 ka!"

"Hindi totoo 'yan!"

"Walang dahilan para magsinungaling ako! Sandali." Lumabas ako at kinuha ang diyaryong binili kahapon. Bumalik ako sa silid at ibinigay iyon kay Isabelle na noon ay nakaupo na at pilit pinapakalma ang sarili.

"Look." Itinuro ko sa kaniya kung saan makikita ang petsa ng pagkalathala. "That's dated yesterday, December 11, 2015."

"Paanong mangyayari ang sinasabi mo?"

"Hindi ko alam! Kahit ako, hindi ko ito kayang ipaliwanag." Hindi ko naman masabi na baka may kinalalaman iyong hiling ko sa amulet kagabi. "Just keep calm. Tutulungan kita para makabalik sa panahon mo."

"Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?"

"Kukuha tayo ng impormasyon tungkol sa 'yo."

"Tungkol sa akin? Paano? Saan tayo makakakuha no'n?"

"Sa NSO, library, internet." Nakita ko na hindi niya naintindihan ang sinabi ko. "Ako na ang bahala do'n. Sa'n ka ba ipinanganak? Sa'n ka nakatira?"

"Sa Malate, do'n na rin ako lumaki."

"Kung gano'n, do'n tayo unang pupunta."

"Paano kung hindi na ako makabalik sa amin? Ano'ng gagawin ko?" Nanginginig ang mga labi niya.

"We'll find a way! H'wag na muna nating isipin kung anong mangyayari kapag hindi ka nakabalik. Let's just take this one step at a time, okay? In the meantime, bakit hindi mo samantalahin 'yong pagkakataong ibinigay sa 'yo. Galugarin natin ang Maynila. Pagkakataon mo na rin para matuto kung ano ang kaibahan ng panahon mo at ngayon!"

Humugot siya ng ilang malalalim na hininga. Alanganing tumango-tango siya. Natahimik siya ngunit makaraan ang ilang sandali ay nagtanong siya. "Saan ang palikuran n'yo?"

"Palikuran?"

"Wala kayong palikuran? Saan kayo naliligo? Saan kayo...alam mo na..."

"Ah, d'yan lang." Itinuro ko iyong pinto ng banyo.

"Iyan ang palikuran?" manghang sabi niya. Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa bathroom.

"Halika." Iginiya ko siya sa loob.

Malaki ang nagastos ko sa pagpapagawa nitong banyo kaya buong yabang na ipinakita ko ito sa kaniya. It is ultra-modern, everything gleamed; the tyles and the bathroom vanities. Everything is also sensorize; from the faucet, urinal flush, hand dryer and soap dispenser.

Nilagay ko sa ilalim ng gripo ang kamay niya. Tuwang-tuwa siya nang kusang tumulo ang tubig mula rito.

"Pa'nong nangyari 'yon?" manghang tanong niya.

"May motion detector ang mga ganitong klaseng gamit. Ibig sabihin, may mekanismo ito na nakakaramdam ng galaw."

Kinuha ko uli ang kamay niya at inilagay sa baba ng soap dispenser. Habang aliw na aliw siya sa paghuhugas ng kamay, tumingin ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon naming dalawa.

Nakatayo ako sa bandang likuran habang nasa harapan ko siya suot lang ang puting kamiseta ko. I can see how luscious her breasts are. Napalunok ako. She is absolutely unaware of how desirable and feminine she looks.

"Uhm...pasensya na. Naaksaya ko yata ang tubig mo," nahihiyang sabi niya.

Ipinilig ko ang aking ulo. "Wala 'yon. Subukan mo 'tong hand dryer."

Napaigtad siya nang lumabas ang mainit na hangin mula sa hand dryer. Her back bumped into me. I'd automatically placed my hands on her hips to steady her.

"Ay! pasen-" naputol niyang sabi nang lingunin niya ako. Her face is just a few inches from mine.

I thought there is something about sharing a bathroom with someone. There is something intimate about it. How else can I explain this sudden feeling? This thoughts and visions of me on top of her passionately making love, hearing her gasps as I explored her lush body with my hands and lips?

"Ehem, Greg." Tumikhim si Isabelle para kunin ang pansin ko.

"Opps! Sorry. Anong sabi mo?" Inalis ko ang kamay na nakahawak sa kaniya.

"Ah...Kanina pa kasi huminto ito at tuyo na rin ang kamay ko. May ipapakita ka pa bang iba sa akin?" Namumula ang pisngi niya at umiwas rin siya ng tingin.

Itinuro ko kung paano gamitin ang iba pang gamit sa bathroom. Nagustuhan niya sa lahat iyong shower. Bukod sa hot and cold water, twin ceiling mounted shower iyon, para ka na ring naliligo sa ilalim ng ulan. This is a luxury na alam kong wala pa noong panahon niya. Kumakanta pa nga siya habang naliligo.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top